Author Message
Frank @ Victor
PostPosted: Fri Sep 09, 2005 8:03 pm    Post subject: Isang pagsasalamat kay Dr.Angel

Muzta po Dr.
amork
PostPosted: Fri Aug 19, 2005 8:26 pm    Post subject: pagod?

dear mayeth, siyempre pagod pero masaya kami ni noel na muling nag-lecture diyan sa atin. nakita na namin na talagang hilaw pa kaya talagang dapat ay tutukan ninyong mga advisers ang coaching sa kanila. we have given you all the findamentals and the trade secrets that we know about the craft pero nasa inyo na ang follow up to hone more their writing skills. give them a lot of writing exercises and then critique them rightaway.

mag-aral kayong mabuti mga advisers, because you cannot teach what you do not know. alam kong mahirap ang maging paper advisers pero andiyan na kayo eh, pagbutihin na lamang ninyo. no retreat, no surrender. kita naman ninyo, sinabi ko na sa mga administrators ninyo kung paano dapat kayong suportahan, pati loading ninyo. who knows baka naman later on, may maganda rin silang plans para sa inyo. just hang on, persevere para sa ating mga kabataan.
adedios
PostPosted: Tue Aug 16, 2005 4:46 am    Post subject:

Aba aba aba aba! Si Ma'm Telay nagpost! Mabuti naman po at naligaw kayo rito. Hindi pa po kami nagkikita ni Mady dahil hindi siya sumipot noong piyestahan dito sa DC (nasa Texas po yata). Nagustuhan po ni Mary iyong bakyang inyong ipinadala. MUntik lamang po ba kayong natalo? Very Happy Very Happy Very Happy
ESTELA BALDEMOR LUCAS
PostPosted: Tue Aug 16, 2005 12:06 am    Post subject:

DEAREST ANGEL, KUMUSTA NA ANG ANGEL NG PAETE. MISS NA MISSEDKANA NAMIN DITO. BIBIGYAN KITA NG TOSTED MANI. MAGMIRYENDA KA NA. BAWASAN ANG PANINIGARILYO. OK / NAGKITA NA BA KAYO NI MADY M RIVERA , SANA KASYA ANG MGA BAKYA LALO NA KAY MRS ANGEL NA BEAUTY PERO MUNTIK NG MATALO SI AKO . JOKE LANG. STAY GREAT AND GENEROUS TO US SEE YOU SOON .
Guest
PostPosted: Mon Aug 15, 2005 2:21 am    Post subject: Re: kumusta sa kababayan

Marahil po hindi nyo ako kilala ako po si VICTORINO BONSOL PUNAY,ang taga-pagalaga ng paaralan ng PAETE.,Ako'y po taus puso nagpapasalamat sa lahat na bumubuo ng PAETECH at sumusuporta sa bayan ng PAETE,Malaking tulong di po ang magkaroon tayo ng FEEDING CENTER para po sa mga batang malnuris. MARAMING SALAMAT PO......!

KUMUSTA PO,SA KABABAYAN NG PAETE
VICTORINO BONSOL PUNAY
Marietta umali
PostPosted: Mon Aug 15, 2005 12:28 am    Post subject: Mam amor

Dear Mam Amor,Kumusta po?Nakarating po ba sila ng safe and sound diyan sa cavite?Alam kong mas pagod sila kaysa amin dahil nagbiyahe pa sila samantalang kami ay hindipero ramdam rin po namin ang pagod.Sulit naman po dahil maraming natutuhan ang aming mga eskwela sa inyong mga lectures.Maraming salamat po uli at huwag siyang mabibigla kung iasng araw ay dumating kami riyan upang magpaturo ng isang linggo.Pwede po ba kaming sa school tumuloy at tumira ng isang linggo?Nais po naming matutuhan ang tamang paggawa ng dyario na hindi naituro ni Alan bago siya umalis.kailangan po naming matuto bago ganapin ang Division Press conference.Salamat po muli at ingat po siya riyan because we really care.

love,
Mayeth
adedios
PostPosted: Sat Aug 13, 2005 9:00 am    Post subject:

Dear Marietta;

Do not worry about the LCD projector that much? Just don't drop it Very Happy . Anyway, it is under warranty, so if something goes wrong, the person to go is Coun. Bokwet Cosico - he would know where to take and get it fixed.

I am very happy that you and Ma'm Amor have been using the internet to prepare for this seminar and it is good to hear that Paete is using its facility for purposes like this. I hope your school reaches out farther and multiplies what it has.

The important thing is not so much about technology, but to realize how much you enjoy teaching and how much more we could all improve it by just being excited and happy about learning and teaching. God bless you all and take care.
Marietta Umali
PostPosted: Sat Aug 13, 2005 7:03 am    Post subject: Prof. Angel De Dios

Dear Prof. Angel,
Marunong na po akong magkabit ng LCD,tinuruan po ako ni Arbin.
Ginamit po namin ang LCD sa Ditrict Press Coference ngayong August 13 at 14.Alam po kasi ni Mam Amor Kagahastian na binigyan ninyo kami ng Lcd dahil nagbubukas din siya ng internet sa USAP PAETE.Doon nga po kami nagkaintindihan tungkol sa seminar na nabanggit.Ang laking tulong ng naituro ninyo sa amin dahil hindi ko na kailangang pumunta sa Tanza ,Cavite para kausapin siya tungkol sa seminar na ito. Nagkaintindihan na lamang kami through internet .Hindi po niya naiwasang di banmggitin sa seminar na napakaswerti raw po namin dahil sila na nagtuturo sa maunlad na bayan ay wala man lamang mag- alok ng tulong na katulad ng ginagawa ninyo sa mga taga Paete samantalang marami rin daw pong mga abroaders doon.Hanga din po sila sa atin dahil mayroon daw po tayong LCD samantalang sila ay wala.Pinag-ingatan ko pong magaling ang paggamit ng LCd dahil natatakot po akong baka masira ko ito.Nakakahiya naman po.AAminin ko po sa kanya medyo kabado po ako dahil bago lamang po ako nakagamit nitoAng takot ko [ po ng una akong humawak ng computer ay naulit po.Pero nakakatuwa po namang matuto ng mga bagay na alam kong makakatulong sa aming pag- unlad bilang guro.Kaya salamat pong muli sa kanilang mga tulong at sanay huwag kayong magsasawang tumulong.Salamat po at God bless u and your family.
Marietta Umali
PostPosted: Thu Aug 11, 2005 6:07 am    Post subject: Mam Amor

Dear Mam Amor,
Wala pong contest sa photo journ at broadcasting ,kahit pahapyaw po lamang na lecture pare magkaroon naman ng idea ang aming mga eskwela kung ano ang mga dapat gawin.
Happy birthday po Mam Amor !Hindi ko na po tatanungin ang kanyang edad at baka sabihin din niyang don't say bad words.Pinababati rin po siya ng Claro ROXAS family ng maligayang kaarawan.
Marietta Umali
PostPosted: Wed Aug 10, 2005 9:09 pm    Post subject: Mam Amor

Dear Mam Amor,
Pwede po bagang pahapyawan niya ng lecture ang photo journ at broadcasting kahit kaunti po lamang.Pati po sana ang paggawa ng specification sa copy reading and headline writing.Please lang po !
Sige po salamat po at ingat po siya riyan.
GOD BLESS U! Smile
amork
PostPosted: Wed Aug 10, 2005 12:09 am    Post subject: presscon

okay received ko na fax.

hindi pa nakararating dito si thayie kaya hindi rin siya familiar sa place.

kung may cp driver i can guide him along the way. here's the journey route: carmona exit - carmona - gma - dasmarinas (pala-pala, landmarks dito ay SM at Robinsons) trece martires city - tanza (landmarks dito along the way ay mcdonalds, kfc at jollibee all at the daang amaya crossing.)
from jollibee ay 500 meters away from tanza nat;l comprehensive high school)

kung walang LCD projector kahit ohp. may mga materials na ipapaphotocopy for copyreading for distribution while i am lecturing.
noel is sure to come.

see u.

mam amor
Marietta Umali
PostPosted: Mon Aug 08, 2005 6:11 am    Post subject: Ma'm Amor

Ang cellphone no. ko po ay 09152436565.Kung anuman pong gusto nioyang iparating sa akin ay pwede po niya akong tawagan kahit anong oras.Natanggap na po ba niya ang letter of invitation na ipinadala namin?Wala po bang naging problema?Kung anuman pong magiging problema ay malaman po namin agad at ng magawan ng kaukulang solusyon.
Makikiusap po kami kay Thayie na kung pwede ay pakisamahan ang driver sa pagsundo sa kanya para mas mabilis makarating.Iba na po yoong may guide kaysa wala.
Sige po .Hanggang sa Sabado.Ingat.
amork
PostPosted: Sat Aug 06, 2005 10:12 pm    Post subject: thanks

alan's words are not strange to me. malimit ganyan ang sinasabi ng mga teachers na umalis rito para magturo sa ibang bansa. ganyan sila, dahil ang only motivation nila para magturo roon ay greener pasture. dito, we are here to serve, to try to uplift the life of the youth through education kaya mas may intensity. besides, we are serving our own people, the Filipinos, kaya mas may fulfillment ang feeling natin.

sana, maka-adjust na rin si alan doon dahil andun na siya eh.

visit this site daily, for my updates to you. baka biglang may pagbabago.
ayaw ka naman magbigay ng contact number para mas madali.

see you,
mam amor
MARIETTA UMALI
PostPosted: Thu Aug 04, 2005 7:44 am    Post subject: Mam Amor

Sige po ipadadala na namin ang letter bukas ng umaga. Kanina nga po ay ipadadala na po sana namin kaya lamang po ay sarado po yoonmg kaisa-isang may fax machine na upahan dito sa Paete kaya hindi po naipadala.
Baka po alam na niya kung kailan ang DESPC?Tinatanong po kasi ni Alan kung kailan.Nagkakausap po kami ni Alan sa internet at gusto na nga po niyang umuwi kaya lamang po ay nakapirma siya ng kontrata ng dalawang taon.Miss na miss na raw po niya ang buhay sa Paete.Mas maigi raw pong magturo sa ating mga eskwela kaysa mga dayuhan.Mas mababait raw po ang ating mga bata kumpara sa iba.
THanks po sa lahat .Alam kung dagdag trabaho pa ang gagawin niya para sa amin.Maraming salamat po .Sige po ,haggang sa susunod.
GOD BLESS!
amork
PostPosted: Thu Aug 04, 2005 12:00 am    Post subject: presscon

baina ay oo nga, napakamahal talaga. sayang ang pera kung doon lang sa sasakyan ay malaki na ang gastos. kung saan kayo makatitipid ay di doon tayo.

ang susundo ay dapat narito na ng 4:30 am, sabado, aug. 13 para maaga ring makabalik diyan at hindi mahuli sa opening. puedeng dito sa gate ng tanza national comprehensive high school, brgy. daang amaya, tanza, cavite ako mag-hintay. tapos pagpapunta na sa paete ay pipick-apin si noel sa carmona. naka-ready na iyon. sanay ba ang driver maghanap ng direction? nakarating na kaya siya rito sa cavite?

oo, dadalhin ko ang workbook ko.

hingin mo kay thayie roxas diyan sa roces st. ang aking cp # para pag sundo ay may communication ako sa driver.
ipa-fax mo na ang letter sa oic namin at baka may matanguan pa yong ibang invitation. this weekend ay sa north cavite unit naman ako invited, ibinigay ng oic ko ang letter kahapon. baka may bigla pang dumating na invitation, ay naku magkakaproblema tayo.

see you,
mam amor
Marietta umali
PostPosted: Wed Aug 03, 2005 4:11 am    Post subject: Ma'm amor

Hindi po namin kaya ang 6 thousand kaya dito na lamng po kami kukuha ng van.Baka po yoong school van ang aming mahiram kaya gasolina na lang at driver ang aming babayaran.
Saan po namin kayo ipasusundo at anong oras po .
Pwede po ba kaming manghiram ng mga exercises sa campus journalism sahil nawawala po yoong sa amin.Nawala lang po si Alan ay nawala na rin po yoong aming mga workbook.Pwede po ?Please lang.
amork
PostPosted: Tue Aug 02, 2005 10:39 am    Post subject: presscon

baina ay nagtanong ako rito ay napakamahal na pala ngayon, six thousand pesos daw.... kunsabagay iisa pa ang nakausap ko pero nagitla talaga ako. magtatanong pa rin ako sa iba.

kailangan ko ang letter to our principal or officer in charge gawa nang ako ay nagre-report din dito ng sat-sun. para pati ako ay mabigyan nila ng local service credit for my extra services.

talagang kahanga-hanga ang katulad ni prof angel de dios. last year kami nag-meet dito sa tanza at nagulat ako nang makita kong batang-bata pa siya. sayang nga at nawalan ako ng pagkakataon na muli ko siyang makatagpo.

siya magkaalaman tayo ulit.

mam amor
marietta Umali
PostPosted: Tue Aug 02, 2005 6:22 am    Post subject: Mam Amor

Magkano po ang arkila riyan ng van?Pag mas makakamura po tayo ay diyan na lang kayo umarkila at dito na lang po babayaran.Pero dapat po naming malaaman kung magkano para maikumpara namin kung saan mas makakatipid.
Nagtatanong po pati si Mam juvy kung bakit pa raw po gagawa pa ng letter to your principal ay Sabado at linggo naman daw po gagawin ang press con.
Paalis na po bukas si Prof. Angel De Dios at napakaganda po ng kanyang mensahe sa lahat na iniugnay niya sa five loaves of bread and 2 fish na ipinakain ni Jesus noong siya ay nangangaral.Sana po ay marami pang Angel de Dios na dumating sa aming paaralan na ang iniisip ay puro kapakanan ng kanyang mga kababayan .Alam kong mahirap makatagpo ng isa pang Angel De Dios pero malaki ang paniwala ko na sa kanyang mga ipinunla sa mga kabataang taga Paete hindi malayong isa kanila ay sumunod sa yapak niya at maging Angel de Dios din pagdating ng araw.
Baka alam na ninyo kung kailan ang Division Press Con?
Ingat at God bless.
amork
PostPosted: Fri Jul 29, 2005 9:16 pm    Post subject: presscon speakers

pag ako'y umuuwi riyan para sa presscon ay umaalis ako rito ng 4:30 am.
kinabukasan na ang balik namin dito.

kung aarkilahin din ninyo ang van diyan, mga magkano ang aabutin? gawa nang ang mangyayari niyan ay apat na biyahe: punta rito para sunduin kami then balik diyan; kinabukasan, hatid kami den balik ulit diyan.
baka mas maigi pa ay dito na kami umarkila para dalawang biyahe laang. what do you think? magtatanong din ako rito kung magkano ang new rate nila.

rgrds,
mam amor
marietta D. umali
PostPosted: Thu Jul 28, 2005 11:04 pm    Post subject: Ma'm Amor Kagahastian

Sige po susunduin po sila ng school van .Saan po kaya sila madaling makikita ng driver para sunduin at anong oras at araw po sila susunduin?
Magsisimula po ng 9 am ang press con kaya dapat ay kakaunin na sila d'yan ng maaga.Pagkatapos ng press con uuwi na po ba agad sila o tulad ng dati na kinabukasan pa.Kakausapin po kasi namin ang driver kung isa o 2 araw aarkilahin ang van.
Nawala po yoong aklat namin ng mga exercises , baka po pwede nila kaming pahiramin o pwede kaming magpazerox?
Hanggang sa muli .God bless u.
vernavarro
PostPosted: Thu Jul 28, 2005 4:55 pm    Post subject: Re: PASASALAMAT

YOLY MADRIDEJOS BAGAMANO wrote:
MGA KABABAYAN KONG TAGA-PAETE ISANG TAOS PUSONG PANGUNGUMUSTA ANG IPINAABOT KO SA INYO. AKO PO AY ISANG GURO SA PAETE ELEMENTARY SCHOOL NAIS MAGPASALAMAT SA MGA TULONG NAIBIBIGAY NYO SA AMING PAARALAN TULAD NG BREAKFAST FEEDING PARA SA MGA BATANG KAPUSPALAD ANG ALAY COMPUTER NA LUBHANG NAKAKATULONG SA AMING MGA GURO LALOT HIGIT SA MGA BATANG MAG-AARAL. MABUHAY PO KAYO!


Yolly,
si Ver Navarro ito kumusta na? isa ka pala sa successfull na Guro ng PES.
congratulation.
Wow, nakakatuwa naman at ang mga project nating mga taga-Paete ay becoming more success than ever,lalo na sa mga kabataang paetenian now and future to come.
Paki-kumusta mo nga ako sa ating mga ka batch,unfortunately I will not be able to come again at this time, but I am gonna be around @ the end of April'06 or beginning weeks of May'06
And also paki-kumusta nga ako kay Kang Tita Baysauli Sadsad.

Mabuhay kayo!!
Ver Navarro
amork
PostPosted: Wed Jul 27, 2005 9:16 pm    Post subject: district presscon

dear marietta,

belated happy birthday! don't worry about your age, i'm only a year older sa iyo. <lol>

very willing si mr. ortega na muling pumunta diyan sa atin. our only problem is sasakyan. if we hire one, makakaya na kaya ng presscon fund na doon kunin ang amount? one thing more, wala kayong aalalahaning honorarium para sa akin. my service is gratis et amore. si mr. ortega na lamang ang paghandaan ninyo.

again, any contact number from you or from any of your group?

rgrds,
mam amor
Marietta D. Umali
PostPosted: Wed Jul 27, 2005 1:53 am    Post subject: Ma'm amor Kagahastian

District Press con po para mapili namin kung sino ang mga batang isasali namin sa Division press Con.Nagpatulong na po kami kay Ma'm Vicky dahil wala nga po si a Alan.
Mayroon po kaming overhead projector .pwede rin pong simultaneous ang lecture kaya maghahanda po kami ng dalawang venue.
Ma'm hindi po ba niya ako babatiin ng Happy birthday?Katatapos ko lang pong magbirthday noong July 22 at huwag na niyang itanong ang edad dahil lahat ng nagtatanong sa akin kung anongedead ko ay sagot ay don't say bad words.
amork
PostPosted: Tue Jul 26, 2005 9:34 pm    Post subject: campus journalism seminar

dear marietta,

mas maganda kung katulad noong isang taon na simultaneous ang lecture at contests namin ni noel para kuha ng isang araw. (by the way, is it a District Presscon or just a seminar? Kapag presscon may contest yan. kapag seminar wala, di ba).

for noel: Editorial Writing, Editorial Cartooning and Feature Writing
for me: Newswriting, Sportswriting, Copyreading & Headline Writing

preferably kung may LCD, kung wala overhead projector will do.
please send me your contact number for an easier/urgent access. tnkx.

do you have e-mail address? anybody in your group?

mam amor
Marietta D. Umali
PostPosted: Mon Jul 25, 2005 7:09 pm    Post subject: Ma'm Amor Kagahastian

Ang Ma'm Vicky po ang magpapaseminar,tutulong na lang po kami.
Ifafax na lang po namin ang letter of invitation sa kanya as soon as possible.Ano po ang aming mga ihahanandang kagamitan at anu-ano po ang mga topic na ilelecture niya at ni noel ortega?
Maraming salamat po uli at huwag po siyang magsasawang tumulong sa amin sa campus journalism lalo po ngayon na wala sa amin si Alan.
SALAMAT PO ULI at GOD BLESS U!

Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group