Author Message
adedios
PostPosted: Sat Jan 28, 2006 8:16 am    Post subject:

Thanks, Maila

Both Mary and I are really happy and excited.

Please send my best regards to all the teachers and students of IES.

It was nice chatting with you last week on the webcam.
mailaliwanag
PostPosted: Thu Jan 19, 2006 3:34 am    Post subject: Congrat's Prof!

Prof Angel,

Magandang araw po! Isa pong pagbati ng Advance Happy Birthday sa inyo, sana po ay maraming marami pang happy birthdayssssssssss ang susunod, lalo na po sa nabalitaan kong magiging Daddy na po kayo. Masayang masaya po ako para sa inyong mag-asawa, yan po ay simula lamang ng marami pang kasunod... Wink naku, papano po yan e di hindi nyo na ako aampunin kasi magkakababy na kayo..haha. Muli po congratulations!
mailaliwanag
PostPosted: Mon Dec 12, 2005 9:05 am    Post subject: Mamasko Po!

Merry Christmas po sa inyo, PAETENIANS! specially to our everdearest prof ng bayan, Prof Angel, and also to sir Ver, kumusta na po? mamasko po!, & to t-lee, merry christmas po! & to all kausap sa paete.org. pasensya napo at sila lang ang namention ko, pero mamasko din po kami sa inyo.

Sana po ay wag kayong magsasawang papaskuhan kami dito sa Ibaba Elementary School., Maraming marami pong salamat sa inyo!
mailaliwanag
PostPosted: Thu Sep 15, 2005 4:18 am    Post subject:

thanks a lot po sir ver...

maila Wink
vermad
PostPosted: Mon Sep 12, 2005 9:07 pm    Post subject: Paetenians International, Northeast [NY, NJ. PA, Ct.

Paetenians International [Umbrella Organization]

Virgil G. Madrinan - Chairman
Rey Q. Carolino - Vice-Chairman

Members - Presidents of each Chapter

NE - Fred Cagayat
DC - Juvard Casilag
Chicago/MW - Louis Vitor
N. Cal - Phil Grajera
S. Cal - Sonia Adea
Canada - Tom Cahatol
Florida - Abundio Baet


++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Incoming Administration PI of Northeast: New York, New Jersey, Pennsylvania, Connecticut.

Aurelia C. Pascual - President

Nemie Baldemor Diaz - VP New York
Ramon Abary - VP Pennsylvania
Menchee Cagandahan -VP New Jersey

Minda Madrinan - Secretary
Norie Quesada Catiis - Treasurer
Virgil Madrinan - P.R.O.

Board Members

Sonny Balandra
Tony Abary MD
Josie Cadang
Fred Cagayat
Nenette Navarro Galan
Pong Mendoza
Dalen Pascual

Maila: Hindi ko alam ang individual officers ng regional chapters.
mailaliwanag
PostPosted: Mon Sep 12, 2005 8:42 pm    Post subject:

Sir Ver,

Pareho ko pong kailangan ang list, pwede po ba ito ng ASAP.. Salamat po!

Maila
vermad
PostPosted: Mon Sep 12, 2005 7:59 pm    Post subject:

mailaliwanag wrote:
Naku! pasensya napo PAETENIANS INTERNATIONAL FIRST OFFICERS po pala ang hinihingi mali po ang information na nainote sa akin,

Maila: Merong Paetenians International, Umbrella Organization at merong Paetenians International na regional chapters. Alin ba dito ang kailangan mo?

mailaliwanag wrote:
Tungkol po naman sa mga teachers dito, wala po sa ngayon ang kumukuha ng Master's Degree usually daw po ay summer sila nag eenrol.

Ito ang info na ibig kong malaman. Sinu-sino ang kumukuha ng courses towards the M.A. degree kung Summer. Baka mabibigyan mo ako ng kaunting Liwanag dito. Wink
mailaliwanag
PostPosted: Mon Sep 12, 2005 7:34 pm    Post subject:

To Sir Angel and Sir Ver,

Naku! pasensya napo PAETENIANS INTERNATIONAL FIRST OFFICERS po pala ang hinihingi mali po ang information na nainote sa akin, by the way salamat po ng marami dahil kailangan din po pala ang list na iyon para sa program. Sana ay makareply agad kayo.

Tungkol po naman sa mga teachers dito, wala po sa ngayon ang kumukuha ng Master's Degree usually daw po ay summer sila nag eenrol.

Namiss ko nga po kayo ang tagal ko din kasing dumilim, medyo nag aayos po kasi ako ng papers, kung hindi nyo po naitatanong substitute teacher pa lang po ako dito ang up to Sept. 30, this year na lang po ang contract ko. Anyway if ever na hindi ako marenew dito nandito pa rin ako para sa IES.

Thanks a lot! Intay ko po reply......

maila Wink
vermad
PostPosted: Mon Sep 12, 2005 12:24 pm    Post subject:

mailaliwanag wrote:
.... iniaddress ko po sa inyo dahil nakasisiguro po ako na masasagot nyo agad ang aking tanong...gagamitin po ito para sa celebration ng Quadracentenial...


Maila: Hayan, tingnan mo. May mabilis pa kaysa akin. At isa pa, hindi ko alam ang make-up ng PAETech. Mabuti't sinagot ka ni Prof. Matagal ka yatang tumahimik at nawala sa Internet. Mabuti't lumiwanag na uli ang Internet!

Ako naman ang may itatanong sa iyo. May mga teachers ba na kumukuha ang Master's Degree sa Ibaba Elementary School?
adedios
PostPosted: Mon Sep 12, 2005 10:41 am    Post subject:

PAETECH original structure;

Board of Trustees:

Anne Lan K. Candelaria - Chair
Raul C. Roque - Vice Chair
Emmanuel B. Cadayona
Cornelio Africano
Noel T. Viray
Carmen A. Afuang
Alan A. Parungao - Corporate Secretary

***********************************

Raul C. Roque - President
Noel T. Viray - VP for Administration
Vero Adao - VP for Finance and Accounting
Constancio Malabanan - VP for Operations
Ramon Angeles - Secretariat
Saida C. Dulay - Ways and Means
Tita Sadsad - Treasury
Puloy Cadayona - Fund Raising
Connie Cagahastian - Materials
Zeus Minon - Logistics
Rolando Malinis - Webmaster

Carmen Afuang, Victorina Limlengco, Warlita Valdellon - operations


Angel de Dios and Rey Carolino - Honorary Directors
mailaliwanag
PostPosted: Mon Sep 12, 2005 4:00 am    Post subject:

To Sir Ver Madriņan,

Magandang hapon po, Muli pong nangungumusta dyan sa inyo. Ipinapatanong nga po pala n Ma'am Vicky yung pong Complete List ng First PAETECH OFFICERS... iniaddress ko po sa inyo dahil nakasisiguro po ako na masasagot nyo agad ang aking tanong... thank you po!

*** gagamitin po ito para sa celebration ng Quadracentenial.

maila
vermad
PostPosted: Wed Aug 10, 2005 6:56 am    Post subject:

mailaliwanag wrote:
at isang karangalan din po na kayo ay aming makahuntahan dito. Si Shiela nga po pala yung buntis sa litrato


Maila: Salamat sa sagot mo at nalalaman kong may bumabasa ng aking posting. Wink Ito ang isa sa ilang adhikain ni Prof. de Dios, na tayo - bayan ng Paete at mga nasa abroad - ay magka-ugnayan para sa ipagkakaisa ng bayan, at ang Computer Lab naman ay maging kasangkapan para sa edukasyon at kalinangan ng kabataan.

Tamang-tama na ang computer ay taguriang "windows to the world" dahilan sa iwanan lamang nating bukas ang bintana at marami tayong matututuhan - bata at matanda.

Sa pamamagitan din nito ay napagyayaman ko ang sariling wika na bihira kong gamitin dini.

Natutuwa akong makita kang napapaligiran ng mga batang malulusog, masasaya at magaganda pa Wink Mukha pating matatalino 'yang mga estudiyante mo.

Kung nagtuturo ka na ng computer sa kapwa teacher mo ay ibig sabihi'y marunong ka nang gumamit. Sa ganitong paraan kakalat ang kaalaman sa computer. Kung ang bawa't isang batang marunong na ay magtuturo din sa isa na hindi pa marunong ay mabilis nating mararating ang isa pang mithiin ng project: Computer literacy.

Isipin mo ang situation three weeks ago at ngayon. Malaki na ang ating iniunlad at kaalaman. Marami lamang ang nasisindak sa computer, pero ito ay "friendly."

Kumusta sa iyong fellow teacher na si Daisy Madrinan. Pinsan ko siya.

Kumusta rin kay Shiela. Sabihin mong ingatan ang kanyang baby.

And last but not least, kumusta sa Punong Guro ng IES.

Mabuhay kayong lahat na nagdadala sa IES.

P.S. F.Y.I. Isa rin akong teacher. Nagtuturo ako ng Latin sa Ridgewood High School sa Ridgewood, New Jersey. Baka balang araw ay mai-introduce natin ang foreign languages sa ating mga school.
mailaliwanag
PostPosted: Wed Aug 10, 2005 4:21 am    Post subject:

To Mr. Madriņan,

Salamat po sa walang sawang pagsuporta, mabuhay po kayo. Isang karangalan din po para sa amin n akami ay inyong pagkatiwalaan at maging instrumento ng napakahigh-tech na proyektong ito.. at isang karangalan din po na kayo ay aming makahuntahan dito.

Si Shiela nga po pala yung buntis sa litrato..
adedios
PostPosted: Tue Aug 09, 2005 10:29 am    Post subject: Re: PANGUNGUMUSTA SA PAETENIANS

vermad wrote:
Hindi ko pa nakikita uli si Shiela. Akala ko noon ay estudiyante lamang siya. Siya pala ay isang Grade III teacher. Embarassed Masyado siyang bata tingnan, o dahilan yata sa ako'y tumatanda na. Wink


Sheila is at the center of one of the photographs (second to last) in the most recent set from IES.
vermad
PostPosted: Tue Aug 09, 2005 9:45 am    Post subject: Re: PANGUNGUMUSTA SA PAETENIANS

Vicky B. Limlengco wrote:
Warm regards to Mr. Virgil Madriņan, Paetenians International President. Thank you for your love and support to the computer project of the three elementary schools in Paete especially in the construction of Ibaba Elementary School's Computer Laboratory.


Sa Punong Guro ng IES: Sa dami ng mga mensahe ay ngayon ko lamang masasagot ng direct itong pahatid ninyo, bagama't nasagot ko na ito ng pahapyaw sa ibang posting.

Ang masasabi ko ay walang hanggan ang aking "love" sa computer project ng lahat ng school sa Paete, lalo na sa IES dahilan sa diyan ako naka-atong mag-demo kahit sasandali.

Nakita ko rin ang computer lab sa PES dahilan sa inanyayahan ako doon ni Mrs. Carmen Afuang. Pero tingin lamang, dahilan sa wala kaming panahon noon para maupo at mag-computer. Ang QES Lab lamang ang hindi ko pa nakikita. Isang dahilan para umuwi uli? Harinawa!

Ako man ay "user" din ng computer sa pagtuturo at bilang estudiyante sa walang katapusang pag-aaral. Napapansin ko na kapag ang pag-aaral ay dumadaan sa computer, ang mga estudiyante ay mas interesado dahilan sa ang pag-aaral ay parang nagiging "game" at parang isang "hamon." Natututong mag-isip ang mga bata. Natututo sila na hindi nila napapansin.

Lagi akong handang magbigay ng support sa loob ng makakaya ng aking bolsa. Crying or Very sad

Iba talaga ang nagagawa ng larawan. Napag-mamatch ko ngayon ang mga mukha at mga pangalang nababasa ko lamang noon sa Internet katulad ni Maila. Hindi ko pa nakikita uli si Shiela. Akala ko noon ay estudiyante lamang siya. Siya pala ay isang Grade III teacher. Embarassed Masyado siyang bata tingnan, o dahilan yata sa ako'y tumatanda na. Wink

Ipagpatuloy natin ang pag-uugnayan. Tayo'y nangunguna bilang isang bayan sa buong Pilipinas sa computer technology. Wala pa akong naririnig na ganitong balita tungkol sa ibang bayan na may katulad na pangyayari. Sana'y tayo ang maging huwaran ng buong bansa sa kaunlaran.

Ipakita natin na sa pagtutulungan ay may nangyayari at may nagagawa habang nagbabangay ang ating mga politiko sa Maynila. Mabuhay ang Paete!
Rose Mary Isla
PostPosted: Tue Aug 09, 2005 4:04 am    Post subject: answer

Mrs.Victorina V. Limlengco
adedios
PostPosted: Tue Aug 09, 2005 4:02 am    Post subject:

Criscel and Bernadette, I think you posted on the wrong topic. But anyway, thanks for reading my question, now, we're talking Laughing Laughing Laughing
CRISCEL
PostPosted: Tue Aug 09, 2005 4:00 am    Post subject:

MRS. VICKY LIMLENCO
Bernadette Joie Platon
PostPosted: Tue Aug 09, 2005 4:00 am    Post subject: answer

mrs victorina v limlengco
adedios
PostPosted: Thu Jul 28, 2005 9:17 pm    Post subject: Good morning to you as well

Maila, isang magandang umaga rin sa inyong lahat diyan sa Ibaba. Mayroon na nga kaming video. Iyon nga lamang, mga awiting pangsimbahan at hindo solo. Laughing

Nawa's ipagpatuloy ninyong suriin ang iba't ibang pahina na mapupuntahan sa pamamagitan ng:

http://141.161.23.43/batangpaete.html

At kung mayroon kayong katanungan, huwag kayong mag-alintalang sumulat ng email.

O sige, regards sa lahat! Very Happy
Guest
PostPosted: Thu Jul 28, 2005 9:04 pm    Post subject: angelvoice

HELLO!, Sir, isang magandang morning po sa inyo...
Sa ngalan po ng buong IES kami po ay lubos na nagpapasalamat sa inyong pagtatyagang magturo sa amin.. dahil talagang pinagtyagaan nyo po ako, kaya nga po sa tuwing magbubukas ako ng computer e naaalala ko sya, lalo na ang mala angel nyong voice, hehe Laughing ang galing galing nyo talaga! grabe!!!!! ang swerte ko nga po at nakarinig ako ng concert nya kahapon, sana e pagbalik nyo sa US e me MTV na kayo.. good luck po!
maila
melba buenviaje
PostPosted: Mon Jul 25, 2005 9:40 pm    Post subject: pangungumusta

MAGANDANG ARAW SA LAHAT NG TAGA-PAETE!!!
KUMUSTA PO KAYONG LAHAT!!
Ako po ay guro sa IES,anak po ako ng namayapang MERCEDES BONSOL DALHAG,marahil po ay maraming nakakikilala sa aking ina.MARAMING-MARAMI pong salamat sa lahat ng inyong tulong sa aming paaralan lalong-lalo noong bago lamang itinatayo ang aming COMPUTER LABORATORY,sana po ay makita n'yo ito,ligtas na po sa malaking baha ang mga computers na bigay ninyo sa aming paaralan!!Napakalaking tulong po ang mga computers na ito sa mga bata pati na rin sa mga magulang at mga guro,pati magulang natuto na ring gumamit ng hightech hindi lang sandok at palanggana sa bahay,tuwang-tuwa po ang aming mga magulang,MARAMING SALAMAT!lalo na po kay DR. ANGEL DE DIOS,angel ka talaga!!!Kung puede lang wag na kayong umalis dito sa PAETE para mas marami kaming matutunan!!
MULI PO MARAMING-MARAMING SALAMATS,SANA PO AY WAG KAYONG MAGSASAWANG TUMULONG SA ATING MGA KABATAAN DITO SA ATING MAHAL NA BAYAN NG PAETE!!!
GOD BLESS YOU ALL!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
net_feldmann
PostPosted: Sat Jul 23, 2005 2:52 am    Post subject: Kumusta

Inang Minda

Kumusta na po, siguro po eh kilala na po ninyo ako gawa ni Mang Virgil, siguro po ang saya nyo jan sa summit. Natutuwa po ako at member na rin po kayo ng paete.org. Very Happy O sige po regards na lang po s ainyong family.

Nenett
mindam
PostPosted: Fri Jul 22, 2005 10:38 am    Post subject: Re: PANGUNGUMUSTA SA PAETENIANS

Vicky B. Limlengco wrote:
Warm regards to Mr. Virgil Madriņan, ...
Thank you for your love and support to the computer project of the three elementary schools in Paete.


Walang anuman po. Isa pong karangalan at kaligayahan ang makatulong sa ikauunlad ng ating bayan sa pamamagitan ng pagtulong sa kabataan.

Isang pahabol na pasalamat sa inyong paanyaya na makita ang Computer Lab ng IES. Salamat sa merienda: turon, pansit at malamig ng inumin.

Itong sagot sa aking mensahe ay patunay na natutuhan ninyo ang mga leksyon sa computer in Prof de Dios. Ipagpatuloy po natin ang pagsusulatan.

Ipagpatuloy po natin ang Essay Contest. Pagkabalik po namin sa New Jersey ay ilalathala natin ang mga detalye. Pero ngayon pa lamang ay ipaalam na ninyo ang timpalak sa mga estudiyanteng interesadong sumali.

Kumusta po sa aking pinsang Daisay P. Madrinan.

At Mabuhay ang IES, ang Punong Guro at lahat ng mga guro.
_________________
amork
PostPosted: Thu Jul 21, 2005 6:50 am    Post subject: hello po

mam vicky at mga guro at magulang ng IES:

kumusta po kayo! nakatutuwa na makita kayo rito sa usap forum.
mapalad ang mga taga-paete, gawa nang maraming mga kababayan ang nagmamalasakit para sa kapakanan ng marami. tama kayo na sila'y pasalamatan sa kanilang kabutihang loob. kaisa po ninyo ako sa pagpapasalamat sa kanila.

sana po, ito ay simula na nang malimit ninyong paggamit ng computer para sa mas mabilis na pakikipagtalastasan at para sa mga classroom activities. tiyak na mag-eenjoy talaga kayo.

sige po hanggang sa muli.

mam amor ng cavite

Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group