Author Message
Guest
PostPosted: Thu Apr 28, 2016 9:27 pm    Post subject:

Ako po ang unang nagpost dto tungkol sa kadakilaan ni Dr.Carunungan,Nakakalungkot lang po dahil pinost ang ganito ulit pagkilala para lang sa pangpulitikal na issue lang.
-Guest,Elias,Mr.Hugh Su,etc
guest
PostPosted: Fri Nov 27, 2009 9:48 am    Post subject:

dapat lang talaga bigyan ng parangal si Dr. Carunungan sa dami ng kanyang natulungan sa ating bayan, simple at humble na doktor. Mabuhay ka Dr. Carunungan!
emergajitos
PostPosted: Thu Nov 26, 2009 1:38 am    Post subject:

Pasensya na po at hindi ako nakapag log in sa aking nakaraang pagtugon.

Prof. Angel,
Maaaring proxy vote or affirmative vote kahit sya ay wala basta na received nya ang formal na pasabi ukol sa schedule ng meeting or voting session, kailangan na kasama rin ito sa house rules ng selection committee bago pa ang mga public hearings and meetings.
We will consider your suggestions.

Salamat muli Prof. Angel at God bless
adedios
PostPosted: Wed Nov 25, 2009 9:46 am    Post subject:

Anonymous wrote:


4. Tungkol po sa Pangkat 5, sa panukala po ay kinakailangang may pagsang- ayon ang lahat na dumalong kasapi ng lupon- ito po ay dahil sa ayaw nating mabalam o ma delay ang pagpili, na kung ang isa o ilan kasapi ay di dadalo sa pagpupulong ng lupon o sa pagbobotohan para sa pagpili ( na wala naman maliwanag na dahilan).

Kon. Emer B. Gajitos


Konsehal Gajitos;

Salamat sa iyong pagtugon. Hindi ba kasama sa mga pamamaraan ng Sangguniang Bayan ang "proxy" vote. Dahil ang pagkilalang ito ay natatangi, ang panahon ay hindi kasing halaga ng tunay na pagsang-ayon ng lahat. Ito ay sa aking palagay lamang.

-Angel
Guest
PostPosted: Wed Nov 25, 2009 9:04 am    Post subject:

Annelan, Winston, Mar, Ted, Doc Tabia at Prof. Angel,

Maraming salamat po sa inyong mga puna, suhestyon at mga katanungan...malaking tulong po ito para sa ikaaayos ng panukalang ordinansang ito. Asahan po ninyo na iko consider ko po ang lahat na ito sa muling pagpupulong ng lupon na aking pinangungunahan. Ang ilan po sa inyong mga katanungan at suhestyon ay amin na po napagtalakayan noong mga nakaraang public at committee hearings (2 months ago).

Ito po ang personal kong opinion na nailahad ko na rin sa mga nakaraang committee at public hearings:

1. Tungkol po sa members ng selection committee- nais po sana namin ay ang bumubuo lang ng Sang. Bayan at Punong bayan bilang Chairman at ang Vice chairman ay ang Pang. Punong Bayan upang maging regular ang pagpupulong kung nasa process na ng pagpili at ang iba't ibang sector ay aanyayahan na lamang para marinig at maitala ang lahat ng kanilang mga opinion upang maging suportang dokumento sa mga pinagpilian at napili ng committee. Ang mangyayari po ay series of public hearing na ipapatawag ng Committee regarding sa mga biography at mga nakakakilala o may kaalaman sa mga o taong pinipili para sa bibigyan ng award.

2. Sakop po ng parangal na ito ay ang lahat na gawain o hanap-buhay na magsisilbing magandang ehemplo sa ating mga mamamayan, lahat po kategorya ay maaari sa pagpaparangal na ito. Iba pa po itong parangal na ito sa natatanging anak ng Paete.

3. Ang haba po ng proseso sa pagpili ay ibabase po sa bilang ng nominasyon ng/mga pangalan ng taong pagpipilian at ang iba pang regulasyon at alituntunin sa pagpipili ay pagtitibayin ng lupon matapos ang pagtatalakayan, ito po ay para sa karagdagan regulasyon na nakasaad sa panukala sa Pangkat 4.

4. Tungkol po sa Pangkat 5, sa panukala po ay kinakailangang may pagsang- ayon ang lahat na dumalong kasapi ng lupon- ito po ay dahil sa ayaw nating mabalam o ma delay ang pagpili, na kung ang isa o ilan kasapi ay di dadalo sa pagpupulong ng lupon o sa pagbobotohan para sa pagpili ( na wala naman maliwanag na dahilan).

5. Isa rin po magandang puntos ay ang suhestyon, tungkol sa kung hindi ipinanganak sa Paete nguni't sa Paete naman nya inilaan ang kanyang magagandang gawain.

Inuulit ko po ang pasasalamat sa inyong mga katanungan at mga suhestyon. Asahan po ninyo na iko konsider po nating lahat ito sa mga susunod pang mga meetings ukol sa panukalang ordinansang ito. Mabuhay po kayo at God bless po sa ating lahat at sa bayan ng Paete.


Kon. Emer B. Gajitos
Guest
PostPosted: Sun Nov 22, 2009 11:48 pm    Post subject:

Tanong lang po, meron po bang nakalaan na award para sa mga taong hindi isinilang at hindi lumaki sa Paete pero naglalaan ng kanilang taos pusong serbisyo para sa bayan ng Paete ng walang hinihinging kapalit. Mga taong handang mag-alay ng kanilang buhay, at taos pusong pagsisilbi sa mamamayan, higit pa sa mga nagagawa ng mga taong sa Paete mismo ipinanganak at lumaki. Sana po ang sinasabing Dr.Carunungan award ay maging patas para sa lahat, hindi lamang para sa mga tubong Paete kundi para na rin sa mga dayo na tumira ng matagal sa Paete, sa mga taong taos pusong naglingkod at patuloy na naglilingkod para sa ikauunlad ng bayan ng Paete.

Mabuhay po tayong lahat!
adedios
PostPosted: Sat Nov 21, 2009 5:52 pm    Post subject:

Vice Mutuk;

Maraming salamat sa pakikibahagi nitong panukala ukol sa Dr. Carunungan award. Hindi nalalayo ang kasalukuyang panukala sa aking minungkahi. Ang aking mumunting puna ay ang sumusunod:

Sa aking palagay, nararapat banggitin sa pangkat 3 na ang bukas palad na pamumuhay ni Dr. Carunungan ang magsisilbing pamantayan - (at kung maaari, ang halimbawang ibinigay sa atin ni Dr. Carunungan ang siya lamang tanging pamantayan)

Sa pangkat 5 - mas mainam po, sa aking palagay, kung ang pagsang-ayon ng lahat ng kasapi na lupon (hindi lamang po iyong dumalo) ang kinakailangan.

Salamat po.

-Angel
DocTabia
PostPosted: Sat Nov 21, 2009 12:15 am    Post subject: Oki Doki

1. Ipinakanak sa Paete? Literally? How about those who were born in Pakil Hospital or Sta. Cruz Provincial Hopital but grew up in Paete.
mutuk
PostPosted: Fri Nov 20, 2009 7:07 pm    Post subject:

Annelan, Winston, Mar at Ted,

Maraming salamat sa inyong mga suhestyon at katanungan. Bagama't nais kong magbigay din ng aking nasa loob ay mamarapatin kong ipaisantabi muna upang bigyan ng laya ang bawa't isa na makapag pahayag ng kani kanilang magagandang opinyon. Ayaw ko ring pangunahan sa pagtugon ang komitiba ni Kon. Emer Gajitos na siyang may sakop dito. Nais ko pong ipaalam na ang lupon ni Kon. Gajitos ay nakasubaybay sa magiging kaganapan dito at siyang tutugon para sa kaliwanagan ng mga ilalahad dito hanggang sa ito ay mapagtibay. Dahil ako nga po ay bakasyon mula Nov. 24 hanggang Jan. 7 sa pagmamagandang loob ng PI- Southern California upang makasama ang ating mga kababayan sa ilang parte ng America, umasa po kayo na isa ito sa aking magiging pakay upang alamin ang posibilidad na maging extension ang Usap Forum at magamit ng Kgg. Sangguniang Bayan upang mailahad dito ang lahat ng panukalang pag uusapan sa kapulungan nang sa gayun kahit papaano ay makasama namin kayo sa pagbabalangkas ng mga programa at batas tungo sa mas maunlad na Paete.

Ito po ay matagal ko ng nais gawin. Dangan po lamang ay may mga kababayan tayo na walang respeto sa kapwa tao na sumusingit dito at lubhang makakasira sa magandang layun nito. Kahit po sa kapulungan ng Kgg. Sangguniang Bayan ay mayroon kaming internal rules ukol sa proper decorum.



Maraming Salamat po!



p.s.

Maaari po kayong magbigay ng mungkahing pagbabago sa mga nilalaman ng inilahad na panukalang ordinansa.
teddono
PostPosted: Fri Nov 20, 2009 12:26 pm    Post subject: second the motion

vice,

nais ko lang pangalawahan ang magandang mungkahi ni anne lan ukol sa membership ng selection committee, kung mas marami ang
hihirang higit na dangal nga naman ito sa mahihirang.

maraming magandang tanong-panglinaw si winston at sana po'y
mailakip ang ilan nyang mungkahi, pero nais ko lang tutukan ay
kung ano po ang pakahulugan ng pariralang "mahabang panahon"
sa Pangkat II b. ng Alituntunin. Hindi bababa sa 10 taon, 20 taon,
25 o 30 taon? ano po ang magiging minimum na pamantayan?

salamat at more power.
Batang Plaza
PostPosted: Fri Nov 20, 2009 11:26 am    Post subject:

Dapat siguro ay may time frame ang paghahalan o pagpili. Kung ito ay gagawin kada taon. ang pagpipili ay dapat ay aabot ng 3 o 4 na taon proseso upang makapagsaliksik at mapag-isipan mabuti. Halimbawa ang nominasyon sa mga mapipili ay ipapahayag ngayong taon pero ang pagpili ay matatapos o magiging Final lamang sa ika-3 0 4 na taon. Ito ay para maiwasan na rin ang epekto ng popularismo. Sabi nga ang popular ay di laging tama at ang tama ay di laging popular. Tama ang dapat manaig.
Monitoring Body (sila ang mag-iilak ng mga nominasyon at magmomonitor ng aktibidades galing sa selecting bodies. walang kakayahang bomoto at transfarent sa mga dokumento)
Selecting Bodies (iba-ibang sector ng pamayanan na mangangalap ng nominasyon at magnonomina at paliwanag kasama ang mga katibayan bakit dapat i nominasyon)
Ito po ang aking suhestion
Salamat po.

mar
whernas2001
PostPosted: Fri Nov 20, 2009 3:50 am    Post subject:

mutuk wrote:
[size=18]
[b]b)
Sa kanyang paglilingkod, gawain man o hanap- buhay, dapat ay isinagawa niya ito ng mahabang panahon dito sa bayan ng Paete.
.[/i]


Vice Mutuk magandang araw po,

Napakaganda po ng layunin ng parangal na ito silbing modelo sa mga sususnod na henerasyon.

Nais ko lang pong susugan ng mga katanungan ang bahaging ito.

Dahil ito na siguro ang pinakamataas na parangal sa bayan ng Paete ay ano ano baga ang nasasakupan nito?

Ito po baga ay iba pa sa parangal natatanging buhay na bayani?

Ang mga kategorya po baga ay Humanitarian? Environmentalist? Agriculturist? Sports? Gawaing Bayan? On the spot hero? Teacher? etc. etc.

At ang mga nasa ibang bansa namamalagi ay di kailan man pwedeng makasama sa nominasyon?

Ito po baga ay taon taon?

Pasensya na ito po ay parang isang Competisyon ng mga namamayan sa bayan ng Paete kung igagawad taon taon sa mga mahihirang at sana po ay bigyan tulong trabaho o pinansyal lalo na kung isang mahirap na mamamayan ang mahihirang.

Ito po ay feed back laang

Salamat Po
Winston
Beijing Laughing Laughing Laughing
annelan
PostPosted: Fri Nov 20, 2009 2:58 am    Post subject:

Hello po Vice!
Suggestion lang po sana na yung selection committee should be multi-sectoral ang membership para po mas participatory. Dapat po siguro each major sector should be represented (Sektor ng Kababaihan, Private/Business Sector, Sektor ng Kabataan, etc.) aside from the local government sector?
Thank you po,
Anne Lan
mutuk
PostPosted: Fri Nov 20, 2009 12:03 am    Post subject:

Heto na po yung draft


RESOLUSYON BLG. ___T.2009


PANUKALANG RESOLUSYONG PAGTIBAYIN ANG ORDINANSANG PAGBIBIGAY PARANGAL NA TATAWAGING DR. MANUEL A. CARUNUNGAN AWARD SA BAYAN NG PAETE, LAGUNA, PAGBUO NG LUPON AT PAGTATAKDA NG MGA REGULASYON SA PAGPILI.


SAPAGKAT, noong ika- 12 ng Hunyo, 2009 ay pinarangalan ng Pamahalaan Bayan si Dr. Manuel A. Carunungan bilang “Pinakamahusay, Natatanging Makabayan at Makataong Paglilingkod sa pamamagitan ng pinagtibay na Resolusyon blg.52 t.2009 ng Sangguniang bayan noong ika- 13 ng Mayo,2009;

SAPAGKAT, ang pagbibigay ng parangal na ito ay upang patuloy na mabigyan ng mahalagang pagkilala ang ating kababayan na si Dr. Manuel A. Carunungan sa kanyang di matatawarang paglilingkod sa ating mga kababayan;
SAPAGKAT, ang Lupon na bubuin ang pipili at magpapatibay kung sino sa isusumiting pangalan o mga pangalan ang maaaring bigyan ng pinakamataas na parangal (award) sa larangan ng paglilingkod sa ating bayan at mga mamamayan;


SAPAGKAT, sa pamamagitan ng mga regulasyong ito, na magiging batayan para sa maayos at mahusay na pamimili sa karapat dapat na mamamayan ng bayan ng Paete para mabigyan ng pinakamataas na parangal sa larangan ng paglilingkod sa ating bayan at maging sa ating mga kababayan;

KUNG KAYA’T DAHIL DITO, sa mungkahi ni Konsehal Emerito B. Gajitos at pinangalawahan ni/nina __________________, sa pagkatig at pagsang-ayon ng lahat na dumalong mga Konsehal, ay

IPINASIYA: na gaya ng ginagawa ng Sangguniang ito, sa ngayon, ay pagtibayin ang Ordinansang pagbuo ng Lupon at pagtatakda ng mga regulasyon sa pagpili para sa pagbibigay ng parangal na tatawaging Dr. Manuel A. Carunungan Award sa bayan ng Paete, Laguna.

ORDINANSA BLG. ____


ORDINANSANG PAGBIBIGAY PARANGAL NA TATAWAGING DR. MANUEL A. CARUNUNGAN AWARD SA BAYAN NG PAETE, LAGUNA, PAGBUO NG LUPON AT PAGTATAKDA NG MGA REGULASYON SA PAGPILI.

Ipinag-uutos ng Sangguniang Bayan ng Paete, Laguna, na:

ALITUNTUNIN BLG. I


KATAWAGAN NG PARANGAL AT PAGBUO NG LUPON


PANGKAT 1. Ang parangal na ito sa mahusay at makabayang paglilingkod ay tatawaging DR. MANUEL A. CARUNUNGAN AWARD.

PANGKAT 2. Ang Lupon na pipili sa karapat dapat na bibigyan ng parangal ay kinabibilangan ng mga sumusunod:

Punong Bayan- Tagapangulo (Chairman)
Pang. Punong Bayan- Pang.Tagapangulo
Lahat na Kasapi ng Sangguniang Bayan - Miyembro (Members)


ALITUNTUNIN II


MGA ALITUNTUNIN AT REGULASYON SA PAGPILI


PANGKAT 3. Sinumang tao o mga tao ay maaaring magsumite ng pangalan para ikonsidera sa pagpipilian na bibigyan ng parangal.

a) Kinakailangan na ipinanganak sa bayan ng Paete, Laguna, kahit na ang isa o parehong magulang ay hindi ipinanganak dito sa ating bayan at maaaring siya ay buhay pa o namayapa na.
b) Sa kanyang paglilingkod, gawain man o hanap- buhay, dapat ay isinagawa niya ito ng mahabang panahon dito sa bayan ng Paete.
c) Dapat ay walang anumang napatunayan na nilabag sa alinmang batas ng ating bansa at ng ating bayan.
d) Kinakailangan nirerespeto at kinikilalang mabuting mamamayan ng ating bayan upang maging magandang halimbawa sa ating mga kababayan lalo na sa ating mga kabataan na magpapataas ng moral at dignidad ng isang taga Paete.


ALITUNTUNIN III
PANGKALAHATAN


PANGKAT 4. Ang nakakaraming bumubuo ng Lupon ay maaaring magkaroon ng karagdagang patakaran at regulasyon sa pagpili batay sa isinasaad sa Pangkat 3 ng bibigyan ng parangal na ito.

PANGKAT 5. Ang pipiliin na pagkakalooban ng parangal ay kinakailangan ay may pagsang-ayon ng lahat na dumalo na kasapi ng Lupon.

PANGKAT 6. Ang Lupon sa pangunguna ng Tagapangulo o kanyang itatalaga ang gagawa ng patakaran at alituntunin na isasagawa para sa maayos na proseso sa pagpili, na may pagsang- ayon ang nakakaraming kasapi.

PANGKAT 7. Ang pagkakaloob o pagbibigay ng parangal ay gaganapin sa Liwasang Mariano Madrinan (Town Plaza) ng Paete, Laguna sa alinmang mga petsang sumusunod ; Setyembre 25 (Araw ng Pambayang Bayani), Hunyo 12 (Araw ng Kapayapaan) o Disyembre 29 o 30 (Rizal’s Day)o sa araw na itatakda ng kinauukulang Lupon.

PANGKAT 8. PAGLALAAN. Ang Pamahalaang Bayan ng Paete, Laguna ay maglalaan ng kaukulang halaga para sa pagsasagawa ng mga itinatadhana ng ordinansang ito at maaari rin na mangalap (solicit) at tumanggap ng pondo mula sa mga donasyon na nauukol dito.

PANGKAT 9. PAGKAKABISA. Ang ordinansang ito ay magkakabisa matapos na pagtibayin ng naaayon sa umiiral na batas at maipaskel sa mga hayag na lugar.




Bukas na po ang hapag para sa mga puna, suhestiyon at paglilinaw para sa mas lalong ikagaganda ng panukalang nasa itaas nito.

ps:
Nasa 2nd reading na po ang panukala.
Sr. Sofia F.Dalagan,MCST
PostPosted: Fri Jun 19, 2009 8:26 am    Post subject: Parangal para kay Dr. Manuel Carunungan

Very Happy Very Happy Si dr. Carunungan ay isang napakalaking biyaya sa atin bayan na ibinigay ng Diyos. Pinagpala ang bayan natin sa pagkakaloob ng isang doktor na kagaya nya. kahanga-hanga ang kanyang kababaang loob, tahimik at simpleng paglilingkod sa atin bayan. Salamat sa Diyos sa pagkakaloob Niya sa atin ng isang doktor na tapat sa kanyang tungkulin. Marapat na siya ay ating parangal bilang isang natatanging anak ng ating bayan.
Guest 2
PostPosted: Sun Jun 14, 2009 6:47 am    Post subject:

Sang ayon po ako sa inyong lahat na dapat talagang mabigyan ng Parangal si Doctor Manuel Carunungan,bihira na po ang doctor na katulad ni Doc. Manuel Carunungan.......Sana po ay makarating sa kinauukulan ang mga request na ito...Mabuhay ka Doctor Carunungan.....Saludo kami sa iyo.
biborth
PostPosted: Fri Jun 12, 2009 3:32 pm    Post subject:

Congratulation po Dr. Carunungan, you really deserve this award.....Salamat po ng marami sa tulong nyo ng magkasakit si Nanay (Selang C. Arban) last month. Thank you din po sa gamot na bigay ninyo.

Mabuhay po kayo!
reyc
PostPosted: Fri Jun 12, 2009 1:28 pm    Post subject: Tanging Manggagamot

On behalf of the family of the late Jose "Joe" Carolino and Lourdes "Ludy" Quesada Carolino-- we wish to express our deepest gratitude and appreciation to our Tanging Manggagamot.

Dr. Carunungan has been our family doctor when we were still living at Ibaba a few blocks away from his clinic back in the 70s. Thus, I personally saw and witnessed all the good things that were written and said about him in this thread. I remember whenever I get sick, he will walk to our house with his medical bag to give me the required medicine or injection. When my father suffered a fatal stroke in 1972, he was the first doctor who attended to him.

When I saw his picture here at USAP I am surprised to see how his face didn't seem to age through time. He still looks as handsome as he was back then. Parang walang pinagbago.

Mabuhay ka, Doctor Carunungan!

Rey Carolino
Toronto, ONtario, Canada
Guest
PostPosted: Fri Jun 12, 2009 9:57 am    Post subject:

Magandang umaga po sa inyong lahat!

Hindi ko po ninais o pinangarap na tumanggap ng ganitong karangalan, ginampanan ko po lamang ang aking sinumpaang tungkulin bilang isang manggagamot. Subalit sa kabila ng lahat, hindi ko akalain na isang malaking karangalan pala sa ating bayan ng Paete ang aking mga nagawa, at ang lahat ng ito ay hindi ko makakamtan kung hindi dahil sa inyo…., sa inyong pagtanggap, pagkilala at pagtitiwala sa akin.

Kaya ang karangalang ito ay buong puso kong inihahandog sa inyong lahat!

Salamat ng marami!

Manuel A. Carunungan, MD
Ming
PostPosted: Fri Jun 12, 2009 6:24 am    Post subject: Ipinagkakapuri ka ng ating bayan...Dr. Carunungan

Isasabay ko ang aking munting tinig sa pagbibigay-pugay sa inyo Dr. Carunungan.

Pagpalain kayo ng Diyos sa mga kabutihang ginawa at ginagawa pa ninyo para sa bayan.... Isa kayong silahis ng araw sa gitna ng kadiliman, pag-asa sa mga nalulumbay at balsamo sa mga pusong
pinanghihinaan ng loob at iginugupo ng mga karamdaman.

Mabuhay ka Dr. Carunugan.

Ming Baldemor
whernas2001
PostPosted: Fri Jun 12, 2009 1:56 am    Post subject: Pagbati

Maligayang Pagbati Po kay Dr, Carunungan

Ako po at ang boong pamilya ay taos pusong bumabati sa isang kaganapan ng pagkilala sa inyo pong dakilang paglilingkod sa mga mamamayan sa bayan ng Paete lalawigan ng Laguna bilang isang huwarang mangagamot.

Regards na rin po kay Mario

Winston
bertingd
PostPosted: Thu Jun 11, 2009 6:42 pm    Post subject: Congratulations po Dr. Carunungan

Congratulations po Dr. Carunungan. Kami po'ng buong pamilya ay bumabati sa inyong weel deserved award.

Marami din pong salamat sa mga serbisyo ninyo sa aming pamilya.


Berting Dalagan
Bagabaldo-Madridejos Fami
PostPosted: Thu Jun 11, 2009 10:52 am    Post subject: Congratz po Dr. Carunungan!!!

Congratulations po Dr. Carunungan,

You really deserve this award Wink Wink Wink

Mabuhay po kayo & God bless.


Madridejos,Bagabaldo &
Afuang Family
Proj.7, Q. C.
saida
PostPosted: Thu Jun 11, 2009 8:32 am    Post subject:

Congratulations po Dr. Manuel A. Carunungan.....you deserve this award!!!

mutuk
PostPosted: Thu Jun 11, 2009 7:56 am    Post subject:









Bukas po, Hunyo 12, 2009, sa pagdiriwang ng ika- 111 taong Anibersaryo ng Kasarinlan ay kasama po sa programa ang pormal na pagbibigay parangal kay Dr. Manuel A. Carunungan. Darating din po ang kanyang mga kapatid bilang sorpresa sa kanya bukas.

Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group