PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

Ganito Kami Ngayon

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Ganito Kami Noon
View previous topic :: View next topic  
Author Message
Brunenette



Joined: 26 Aug 2005
Posts: 98
Location: Dolora Navarro Galan

PostPosted: Thu Sep 08, 2005 3:23 pm    Post subject: Ganito Kami Ngayon Reply with quote

"Huli man daw at magaling ay naihahabol din"
Masayang Karanasan, PakikiSummit Sa South California

Special Thanks to the following people:
Lourdes Valdecantos- Miss Energenic; at walang kupas kahit dada na
Edwin Africano - bai masarap palang magluto; at magaling na gardener pa
and to all our relatives na inamin na pinsan namin sila LOL sina Drs. Harry & Norma Salceda ; Atty.Sitas and lovely Marina Salceda and last but not the least Ms.Cely Salceda,sa lahat po ng officers at members ng Paetenians International of SoCali, Maraming Salamat Po! MABUHAY KAYO!


Julio 22, 2005 impuntong alas tres ng madaling araw nag-alarm ang relo ko, tayo agad derecho sa banyo, shower, namalikod at nagtoothbrush. Paglabas ng banyo naroon na pala si Alan Alda ( di po yung actor kundi bf ng anak kong si Dani,pinakiusapan ko na samahan sina Danielle & Dominik sa JFK airport ).Pasadong alas kwatro - drive na anak ko ( aminado po ako na mas magaling magdrive si Dani sa akin ). Forty three mins. namin nakuha mula sa bahay,from Kearny, New Jersey to JFK airport New York. Baba na ako at pinauwi ko nalaang ang mga anak ko & Alan came from work so he really needed to sleep.Hintay ko na laang si TeNems (Nemsie Baldemor-Diaz ), para sabay kaming magcheck in. In between ng byahe namin nagtatawagan na kami ni TeNems na kasabay ko sa eroplano.Nauna ako sa kanya sa airport, kaya ang sabi ko sa kanya " Hintayin kita sa tapat ng Hudson News stand",baka daw 20 mins pa sila (her husband Steve ) bago makarating ng airport. Hintay, hintay . . . . . . . ih ano baga't parang 30 mins. na ata'y wala pa ------- kuha ko celfon ko , " Bai TeNems nasaan ka baga?"Punta ako sa lane 28 at gawa ng nagchecheck-in na ang bruhaha!

First time ko magtravel na walang ticket kaya lumabas ang pagka Barriotic beauty, "TeNems, anong gagawin ko?" Yun papel na may bar code tapat ko daw sa computer at lalabas mga info na kailangan nila.Bai, bali nga naman ang tecnology ngayon ano IH! Baling-bali talaga!

Punta kami sa gate 5,para sa pagboboarding namin, doon nakita namin sina Inang Puring Afurong, Ka Edith at ang dalawang dalaga ni Ka Susan A. Afuang, sina Sherryl Ann & Alyssa. Si Alyssa po ay parang carbon copy ng Mommy nya! Kwentuhan, balitaan ng mga kung anu-ano hanggang tawagin na ang flight namin para magboard.

Di kami nakapaghuntahan ni TeNems gawa ng di kami magkatabi ng upuan,tahimik ang paglalakbay halos limang oras na mahigit siguro kaming nasa itaas at tulog ako ng tulog para may energy pag nagkakitaan na ng mga grupong nakilala ko sa PAETE.ORG,ang site na nagpakilala sa amin! Magkahalong excitement at anxiety ang nararamdaman ko, first time ko makikita mga manunula ng USAP!

Pasadong alas diyes ng umaga, West coast time.Lumanding eroplano naming sinasakyan, tinawagan ni TeNems si TeLude (Lourdes Valdecantos ), at sinabi na nasa airport na nga kami.Bali fifteen mins laang daw ang bahay nya from the airport kaya nag-abang na kami sa carousel ng mga bagahe.Pagkatagal naman lumabas ng mga maleta namin nakailang ikot na sina TeLude ( kasama na nya sina Beny Dans at Sheba Aseoche-Allenbach, kurutin mo na laang ako Sheba kung mali ang last name mo, hahahahahakablag! )

Humuni na ang karosel at nagstart lumabas mga luggage,ilang minuto pa'y nahatak na ni TeNems mga maleta namin, let me explain why she did it by herself,how sweet TeNems is plus she won't let me pull any because of my problem. Bilaterally I have CTS ( carpal tunnel syndrome ), at ganito po talagang magmahal si Nemsie B. Diaz isang tunay na kaibigan,mapagbigay, mapagmahal at bai napakapalapagpatawa po!

Sina TeLude naman po, meanwhile three,four or five times na atang nagpaikot-ikot sa labas.Bumaba na sina Sheba at Beny,kahahaka nay-ang si Sheba sabi'y mataba daw siya ,yun pala'y hamak na malaki pa ako ano! At si Beny parang teenager, batang tingnan,baby face ika nga.O, asan ang mga lagay ninyo hahahahahakablag! Si TeLude,ano pa Ate VI!Walang kupas,kahit exhausted na exhausted na ang beauty nya. Veso-veso parang mga sosi ang dating ano.

Mula sa airport derecho kami kina Diegong Tabak (Edwin Africano ), huling kita ko kay Dt ay 3rd year hi-school kami sa SSHS.Bai ibang-iba na si Dt,pero syempre poging-pogi pa rin, tisoy ang dating ano. Kacute naman ng haus nya,kadadaming halaman at mga gulay----- kalalaki ng mga kamatis at gusto pa ngang umani nitong si Sheba ay! Nadatnan namin si Flora Lou Cadawas doon, at eto pala ang Reyna ng ukay-ukay. . . . . . FlouKay! Prim and proper daw ( yun ang sabi nya hahahahahahahakablag! )Talagang walang masamang tiga-Paete ano!Baina ay napakaraming pagkain may padala pa ang katoto at tiyahin ni TeLude na si Minda V. Chin! SALAMAT PO!

Maraming pampabata katulad ng ginisang bagoong na may taba-taba pa baga ah at yung lemonade na tinimpla ni Dt na ilang beses niretoke ni Sheba bai sa tamis po ay pagkatapos nilang uminom ay pwede na silang mging diabetic hahahahahaha SORI, DT! at ang ginataang hipon ni TeLyn Baldemor, walang katulad! Naroon din nga po pala ang mga Africano sisters, ( Lyn, Meg, Yonnie ,Cel, & of course si Kang Chalie, Sam&Sam III ).

Matutuwa na sana ako sa Kang Charlie ng bigyan ako ng compliment ano pero biglang binawi baga,ng sabihin "Parang batang yung bagang batang nagpabanat ah" ! Pero sa totoo laang ano, talagang banat ay, ikaw na nga ang tumaba at mamaga o di baga ay talagang banat na banat ang mukha ko, hahahahahahakablag!

Palasyo ni TeLude ay cute,mga bungalow halos ang lahat ng style ng bahay sa Cali at kaige nay-on sila all year round ay buhay ang mga pananim, tama baga? Di tulad dito sa East coast may mga panapanahon pa para makapaggarden sa labas.

Pahinga muna kami at gawa may Welcome Dinner doon sa bahay na mga Adea-Manongdo, kapatid ni Madam President nila.

Bai! Baling-bali, kahiya-hiya man ay dramatic entrance po kami, maganda naman po ang aming dahilan,pagod po galing sa mga biyahe at syempre bali ang usluan at hapyugan kaya di namalayan ang oras.Pasensya na siguro'y two and a half hours kaming late!Ganoon pa man ay sangkatutak pa rin ang pagkain at sa wakas ay nakakain ulit ng binatog, courtesy ng Inang Paving Valdecantos,kasasarap po aba! SALAMAT PO! Halataan na baga kung bakit malusog . . . . . . . hahahahaha napakamasarapin ay!

Napakaraming tiga-Paete aba hahahahahahaha........... karaming mga dugong Tiago, at syempre mga ELI ! Si Cesar Abrian, bai kagagaling pa ring maggitara mga walang kamatayng, Stairway to Heaven, ETC ..................Nagpractice pa sina Christy Cagandahan, Marilou Villarin magchacha ,kaya hayun marami tuloy sumunod pang mga iba at para bagang naging maliit na Tilapyaan!

Nagkawatak-watak kaming anim,si TeLude at Floukay ay nagtinda ng mga merchandize nila, si TeNems ay ano pa sosi dito sosi doon ,siya po ang social ng grupo,si Sheba nakakita ng kamag-anak kaya hayun nakikipagkwentuhan sa isang lamesa ,si Tabenits,kasama mga kabatch nya at ako'y nakita ko ang sisterette ko si Gina at ang inaanak kong si Beautiful CJ ( tawag po namin sa kanya na si CJ din naman ang maygusto, hahahahaha walang-hiya kung baga! )

Ay-sya di ko na namalayan kung anong oras kami nakauwi, basta't gabing-gabi na gawa alam ko'y madaling araw na sa New Jersey ay, three hours difference.

Sabado na, pasado alas-sais ng umaga,bai agang-aga'y hapyugan na agad abaaaaaaaa!

Nakalimutan ko nga palang sabihin na si Kang Pat Afurong ay nagiisng rose among the thorns or vice versa a thorn among the roses. Kahabag-habag na nilalang, siguro'y nabingi sa kahapyugan namin, kabaliwan at kabalbalan naming lahat syempre espesyal mention si TeNems!

Dumayo kami ng almusal sa mga Amang Andy at Inang Paving, puro kami mga nakapajama pa hane.Sinangag na sangkatutak na chopped fresh garlic baga ah adobong chicken na may mga hard boiled eggs at ang pinaka masarap ay ang ginataang kamoteng kahoy, quecehoda mga gown na isusuot! Nananghalian naman kami ay sa hinog ni TeLude,Julia Valdecantos- ?, sori Julia di ko naitanong kung ano na ang last name mo.Masyadong malalayo po ang mga dining room and kitchen ni TeLUde that's why we have to ride her car all the time,hehehehehe!, SORI,TeLude!

Hoy!,nga pala sa inyong mag-asawa Julia,Thank you so much sa to go na tuna ............. malapit ng maubos (LOL)! jok jok jok!

Nakalimot na naman, bago nga pala kami pumunta kina Julia ay dumating nga pala ang Kang Tony Dalagan, from Virginia, taga East coast din sya.Nakakikilig di naman ang unang pananagpo ng magsing-irog.Di ko laang alamkung ishoshow sa usap ang kanilang pictures!

Between three pm to four pm, hare hakutan blues na naman kami, magcheck-in na raw kami sa Embassy Hotel.Para di na kami malate sa Dinner Dance na gaganapin sa nasabing Hotel.Ang room namin ay 319, bai parang nasilbing Bellgirl si TeNems nahakot lahat ng gamit namin, paanoy nagkasalisihan baga ah kaya late na kami ni Sheba to the rescue,hehehehehehe, SORI TeNems!

Nagunpack na kami para maplantsa kung nagusot man mga gown namin, bai baling-bali aba holy sssssssssss! Naiwan ang gown ni Sheba!Maige na laang at pumayag ang mga Kang Tony at Beny na bumalik at pik-up-pin ang gown,Thank you, you're Sheba's heroes!

Napakaraming tao!,punong-puno ang bulwagan, bai sakatunayan nga'y dalawang tables ang pinagulong sa harap namin at talagang marami pa ang walang upuan.Di magkamayaw ang mga potograper, kodakan dito at kodakan doon, masyadong nakasisilaw mga flushes ng mga camera.Para bagang napakaraming mga celebrities ang nasa room.Hagilapan ng mga kabatch, humuhugong ang mga huntahan, kumustahan, halakhakan or should I say hagalpakang-tawanan!Lahat ay nagniningning mga mata, wala kang makikita na di nakangiti baga ah!At ang dance floor, kaunting kibot ay may maaapakan, ganay-an kasikip,kapuno at kahilig magsisayaw ang mga tiga-Payti!

Sa totoo laang magaling pa ang Band nila, talagang mapapaindak ka sa tugtog nila. Maige na laang at di mahilig sa satsatan ang mga officers nila, kaya talagang sulit ang ibinayad doon sa Band.

Nakatutuwa naman ang mga nagsipagdalo, bitbit na ang mga hi-heels nila at labit-labit mga laylayan ng mga gowns nila, pero tingnan mo at di naman mapuknat sa pagpapaalamanan hane para bagang di na magkikita-kita bukas sa picnik ---- FIESTA NA!

Mga nakapajama na kaming lahat, nang tumawag si DT, aba'y yung Binay-an na ewan ko baga kung saan nanggaling ay inilatag sa kama sa ibabaw ng newspaper at doon nagkuhitan ng nagkuhitan isa-isa.Nagutom talaga kaming lahat, oh no we had an okay dinner baga gawa nakapagexercise laang ng husto hahahahahahahakablag!Pagdating ni Dt ay oorder na laang daw kami sa baba . . . . . baina ay talagang malas sarado na ang kitchen.Blessings laang at maraming mga tiga-Payti sa hotel,kaya sugod kami sa mga Arban na nagkataong first cuzin ni Floukay.Siguro'y thirty years na ng huli kong makita ang Inang Silang, ang aming modesta noong uso pa ang supot ng patuka, o di baga apat kaming mga anak na babae at sunod-sunod pa kaya anong mahal kung bibili ng regular na tela ang Mamasita namin.

Kinabukasan, Sunday, bai ay kainan na naman, free breakfast sa ibaba, baba kami ni TeLude,baling-bali kahaba ng pila . . . . . nasa harapan na po ng elevator ang pila, pero ito'y para sa big breakfast eggs, bacon, pancake, etc . . . . ih di ako makakapila ng matagal gawa kailangang kumain na si Floukay para makainom ng pills niya! May headache po sya kung gusto ninyong malaman!Pinasingit na nga ako ng hinlog ko sa pila kaso masyadong mahaba.Kumuha na laang ako ng bagel & cream cheese, muffins at OJ, tapos taas na ako sa room namin.Siya naming baba ni TeNems at Sheba, pihadong pipila yun sila.Mga ten to fifteen mins. Na kaming nakakakain ni Floukay, hare may kumakatok na sa pintuan, sa loob-loob ko’y di pa nagdala ng susi itong dalawang ito.Ah!, baka din a makadala sa dami ng pagkaing inorder sa baba,ih ih ih pahirap sa sarili nila!Binuksan pinto, ooohhhhhhhhh! . . . si Victoria Bacay Castro, my klasmayte noong grade 6 kami under Miss Clare Baldemor “Aba’y kanino yan( isang tray na almusal )?” “Narinig ko na para sa iyo daw,so nagprisinta na ako na dalhin dito,para Makita at magkahuntuhan pati tayo!”Hugs and kisses,ala celebrities pa daw hahahahahahakablag!Nagkahuntahan kami ng kaunti tapos ay nagpaalam na sya. Magkita na laang kami mamaya sa park ---PICNIK naman!

Nagcheck out kami before twelve noon, derecho sa park, pasensya na po at di maalala name ng park!Punong-puno ang park-kingan aba! Binaba kami ni TeLude sa entrance ng mga table,at nagpark na laang syang mag-isa. Saan naman sila nakakita ng door to door pa po kami palagi,kulang na laang ay naka tuxedo siya para talagang tsuper na talaga ang dating sa amin.Kumuha na muna kami ng table, well so far half of the table ay syempre para po sa aming masipag na Miss Ukay,Floukay . . . para sa mga teeshirts -------“KARIRKIT, DADA KO’Y TAGA-PAETE, BAI! BALING-BALI, ETC . . . matutuwa ka naman kaya mapapabili ka ay.

Pumila na kami sa table ng mga pagkain, si Sheba’y sa mga desserts pumunta at kami ni TeNems bai,kararaming lutong Payti; tinutu, biringhe, minanok ah kadadami talaga . . . . . Walang tigil ang kainan,huntahan,usluan, kodakan halos lahat ng umatend ng sayawan noong gabi ay naroon din sa pistahan!

Pagtatapat po ay pigil na pigil pa ang kain ko hane, aba’y paano dinner naman doon sa mga Kang Felipe naman kami, si Dr Harry po yun!Inimbitahan po kami ng mag-asawang Drs.Harry & Norma Salceda.
Walang kapaguran hareng hostess naming at ni hindi mo man lamang makitang nakasimangot hane!Bevery Hills here we come!Naroon na rin ang mga Kang Cely, Kang Sitas at Kang Marina.Napakalaki ng bahay nila aba at itinour pa kami ni Doktora, naalaman tuloy naming na relative nya si Sharon Cuneta.

Sa palamig ang iniofer na drinks,sarap!Anong say mo sit-down dinner pa po kami.Shabu-shabu,di po yung drugs hane,may kumukulong tubig sa harap mo, na ikaw na ang maghuhulog ng noodles, shrimp, veggies etc . . . in short po sa matatanda SOPAS! Hahahahahahahakablag! Napakaraming putahe hane, bundat na bundat ako, pero ano’t natanggap ang halo-halo, bai kasakrehan na ata yun ano po!Nagkakodakan po ng ilang click at tapos ay nagpaalam na ,maaga pa kami bukas ni TeNems, pabalik na kami sa East coast!

Alas dyes kuwarenta ang lipad naming, pasadong alas sais gising na ako, tawag ko si DT,nagpromise sya ng breakfast, hoy Dt aminin mo na gusto mo laang makipagusluan at hapyugan sa amin hahahahahahakablag!
Baina ! sangkatutak na Star Bucks coffee, muffins & believe it or not mag ginisang bagoong at chicharo pa hane. Saing dali-dali si Bunsoy at yuna kakainin naming ni TeNems, hahahahaha pang barriotic din po ang aming mga tiyan, kanin at pang ulam sa umagahan, di baga ganay-on din kayo? Ang tumanggi ay pangit at anghitin, ih ih ih . . . . . !
Ten minutes passed ten am, heto salansan na kami sa SUV ni Dt,parang sardines hane,hare ang porma naming . . . . . . . . . . . sa likod ng driver, nakatalungko si TeNems sa sahig, ako naman ay nakaupo sa upuan( nakapasok ), Floukay, si Beny ay nakaupo din sa sahig at sa likod ng passenger side si TeLudee. Getz ninyo? Sa harap po’y si Bunsoy, masama po ang pakiramdam nya, kaya napagbotohan na doon sa tabi ng driver sya maupo!

Bai! Laking katuwa ang pagbaba, di na maiunat namitig na mga paa, tuhod at mga binti ng Nemsie! Hagalpakang katakot-takot.Nakapagkuhanan pa kami ng kaunting oras at hapyugang katakot-takot na meron palang isang mama na Pinoy sa tapat naming na aba’y nakikitawa na rin parang feeling nya kasali na sa mga pagpapatawa ni TeNems!Pero wag ka’t yun ang tinawag ni TeNems para kodakan kami hane, talagang kapal-muks na kami, hahahahahahaha at isa pang ha!
Yakapan na, veso-veso ulit at si TeLude po’y talagang pinangatawan na ang pagiging Ate Vi,maiiyak na raw baiiiiiii,talagang makaiiyak ang maghiwahiwalay lalo’t napakasaya po namin, worth it talaga ang pagkakaatend na ito.Hindi nakapagsisisi!

Dali-dali kaming pumasok sa loob ng airport at malelate na talaga kami, BAIIIIIIIIII! Baling-bali yun naman pala’y madedelay flight naming!iiiiiiiiissssssssss talaga!

Tahimik kami ni TeNems, nagbabasa ng souvenier book sya at ako naman ay naglalaro ang isipan,next year ay may summit ulit pero me kalayuan sa Switzerland daw ay naku makaya kaya namin ni TeNems ang gastos doon?

Well, we’ll never know maybe when that time comes, ay tumama na siguro kami ng mega million, o anong say ninyo!
Pihadong lahat pa ng tropa ay kasama na, specially sina Orel Barel at Elisi, o sige po pagsweswertehen kami’y magkita-kita na po ulit tayo next year!
_________________
Dolora Navarro Galan
Back to top
View user's profile Send private message Yahoo Messenger
eve19612000



Joined: 11 Jul 2005
Posts: 1026
Location: Sheba Allenbach-Aseoche

PostPosted: Fri Sep 09, 2005 2:59 am    Post subject: bai kasaysayang di malilimutan... Reply with quote

nettsky...kahit paulit ulitin ko ang pagbasa palagi paring humahagalpak ako...ih ih kainaman talaga ang tropa walang pagsisiglang kaligayan ang natamo...may nakalimutan ka...balikan mo yung gabing kodakan ng biglang may naghilik at nakataas pa ang paa...akalain mo gusto pa naming pahulaan yun...ang first prize lupa't bahay sa Iraq...hahahakablag!
duon naman sa bahay ni DT ng biglang naglabasan sila punta sa likod at hinahanap yung mapulang dambo...hahahahakablagdaplag ako sa katatawa...buti na laang at umikot tayo kung hindi nabatukan ako ng mga iyon...
Ynot, Beny salamat hane, kayo talaga ang hero ko ng hapong yun...buti't wala kayong sawa sa yao't parito...kung hindi magmumukmok ako sa isang tabi...hahahakablag!
syempre daluds d great...salamat salamat uli sa lahat lahat hane si Lord na lang ang bahala sa iyong kabutihan...ganon din sa mga kababayan natin...thank you sa pag welcome sa amin (breakfast,lunch,dinner)...sa mag asawang Varo at Rowena salamat sa despedida't advance b-day
celeb...Glo & Jhun sa sharing ng panalo nyo sa Las Vegas...Kang Minda & Kang Jun walang sawang pagpapadala ng pagkain...sa Baldemor & Africano's sister...sa mga relatives Bagalso Fam.,sa fam. ng Kuya Onyo, at Arthur-Tessie Gallardo Africano...Maraming Maraming Salamat po...
Kang Sonia,Phil at sa lahat ng nag abala ng PISOCAL Summit Mabuhay po kayo...nakaukit po't di malilimutan ang bawat kabanata...More Power God Bless Us All...
_________________
NEIN, ich irre mich nie! Einmal dachte ich, ich hätte mich geirrt, aber da habe ich mich getäuscht...-sheba-
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
ellie
Guest





PostPosted: Fri Sep 09, 2005 11:47 am    Post subject: bai........ Reply with quote

akala ko ay tama na iyong pang-iinggit sa akin ni kang Boy ng sunduin namin siya sa airport...aba ay ng mabasa ko ang iyong istorya kapatid ay gusto kong mapaiyak sa inggit.......hehehehehe.....that was really nice nettzki....pakiramdam ko ay kasama na rin ako sa galing ng iyong kuwento....mukhang wala kang na-miss talagang malinaw pa sa tubig ang bawat nangyari......nakikinikita ko tuloy iyong hagalpakan ninyo ng naka-sakay kayo sa SUV ni inzan dt ng hindi na makatayo sina te nemz...parang naririnig ko ang mga sinasabi ni te nemz.....hahahahahaha.....bai sayang talagang na-missko iyan....perosabi ko nga kay Orel ay basta sa 2007 talagang kasama na kami.....

napakagaling mo palang magkuwento brunettezki...abay hanggang sa juice na kay tamis ni dt at ginataang hipon ng beauting Lynn ay wala kang nalimutan.....aba'y talagang pakiramdam ko ay ako'y kasali na rin sa ganda ng hanay ng iyong kuwento at kulang na lamang ay mag-tuxedo ang ating beauting si te ludee sa pag-iintindi at pagmamahal sa inyong lahat.....wala na talaga akong masabi.......i love you all and thank you sa napakagandang istorya ng summit, iba talaga ang mga tiga-Paete......thank you....lab u!!!!
Back to top
Tisay



Joined: 13 Jul 2005
Posts: 492
Location: Nemie Baldemor-Diaz

PostPosted: Fri Sep 09, 2005 12:40 pm    Post subject: Re: Ganito Kami Ngayon Reply with quote

Hahahahaha...masaya ka na? After na bistuhin mo na ako ang ginawa mong dakilang kargador....hehehehehe...nice story telling...vivid memories ng ating escapade sa SoCal.... hoping maulit muli, but next time,I'll make sure si Ellie na ang alalay mo....kay Sheba na ako didikit na super kung mang spoiled.....hehehehe....singit lang ako dito.... siguro matatapos na ni anakis ang pag reboot ng pc ko sa weekend...dami kong na miss...Aurel...tambak na mga tula mong 'di ko nababasa......Regards to all...Daluds nagkita na kayo ni Saida d'yan? Tell Yvees to get well, panayin ang theraphy...Mwuah to all!!
_________________
"rise each day with a song on your lips,
a melody in your heart and meet the world with
a greeting of good cheer."


Last edited by Tisay on Fri Sep 09, 2005 10:21 pm; edited 1 time in total
Back to top
View user's profile Send private message
ellie
Guest





PostPosted: Fri Sep 09, 2005 2:44 pm    Post subject: Reply with quote

te nemz payag na payag akong alalay ni nettezki basta lamang at ma spoiled din ako ni bunsoy at siyempre ni te ludee.......hehehehe.... talagang nag-rerequest na kaagad ano? puwede kayang kapag sasakay naman ako sa SUV ni inzan dt ay ako naman ang sa unahan...dahil may hilo ako sa sasakyan kapag hindi ako ang driver......parang gusto pang maging driver ano? sa palagay ko ay hindi tayo makararating sa pupuntahan natin kapag ako ang driver......hahahahaha....miss you all!!!
Back to top
eboytons



Joined: 13 Jul 2005
Posts: 285
Location: Antonio F. Dalagan

PostPosted: Sat Sep 10, 2005 3:11 pm    Post subject: Baii talaga naman! Reply with quote

Baii talaga naman, buhay na buhay naman ang hapyugan sa website, buo na ang PC ni Nems at kay-aga ng tawag kanina aba, at
itong Apo ni Tandang Mariang Burusio, talagang di makakalimutan ang
ang mga happening sa Socal, lalo na yun hapyugan sa 319 hanggang alas
3 nga madaling araw, aba aba ay bangkaan baga naman ng puro number 1 sa tulaan at isang ala Journalist na ke daming ala-ala sa ELC si Lou, sinabayan pa ng kantahan ng mga kundiman noon araw din sa ELC, aba ay lumaot ang usuluan, tapos dumating pa si DT, ay talaga naman ke saya. Laughing
Pinsan Nenette, galing pa rin ng memory mo ano, kaya huli nga at magaling, talagang maihahabol din, walang ganito kadetalyeng memory na nagkwento sa tropa natin,,, walang itulak kabigin. Smile
Okey lang yun Sheba, nagyaot ito kami sa bungalow ni dada ludy aba ay gustong gusto ko talagang magdrive tapos katabi ko sa front seat
ay ang espesyal ko ay saan ako di gaganahan magdrive..he he he..pero may tinatanong itong isa, talaga kayang naiwan kaming dalawa o meron sabwatan he he he.. alam kasi nila na kahit maiwan kami ay makakarating kami sa Embassy Suite dahil sa navigator ko..ha ha ha.. Rolling Eyes
Salamat na lang kahit paano naka-utang sa promo at credit card ng Best Buy ay nakabili ako ng navigator, kaiigi talaga aba,.. nagiging layas tuloy ako dito sa tate..at kung hindi dito ay hindi rin ako makaka-biyahe mag-
isa mula east coast to west coast..kasama yan sa plano at blessing ni Lord para sa unang pagkikita-kita ng mga hapyug after 30 years. Surprised
Pasensiya na kamo kay Gina at di ko talaga nakilala agad, kahit nga ikaw nennete, di ko rin nakilala dahil talagang bumintog ka ng husto at tumangkad pa, aba ay noong araw na pinagagalitan tayo ng Dada Burusio sa pamimitas ng bayabas ay kapipino pa ninyo ni Gina, ay akalain ko baga lumaki kayo ng ganyan, sabagay lahi tayo ng malalaki dahil naalala ko matangkad din si Inang Zeny at Amang Frisco.
Siya sige, salamat ulit sa walang katapusang ala-ala ng ng mga hapyug ng Tropang Summit Rm 319. Smile
With God Blessings, sure kita kits tayo sa Summit 2007, pihado lalong ang laking gulo at ke saya.. he he he dalawa na kaming magkasama sa awa ng Dios sa susunod na Summit 2007 at sana maskompleto kasam sina Aurel etc. from Paete. Wink
Regards to the family circle... sa Ina at ama mo, ganon din kay Gina
at mga kapatid mo...Missing you here in Usap. Very Happy
Kang tony
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger MSN Messenger
eve19612000



Joined: 11 Jul 2005
Posts: 1026
Location: Sheba Allenbach-Aseoche

PostPosted: Sun Sep 11, 2005 2:45 am    Post subject: Re: Baii talaga naman! Reply with quote

eboytons wrote:
Baii talaga naman,Okey lang yun Sheba, nagyaot ito kami sa bungalow ni dada ludy aba ay gustong gusto ko talagang magdrive tapos katabi ko sa front seat ay ang espesyal ko ay saan ako di gaganahan magdrive..he he he..pero may tinatanong itong isa, talaga kayang naiwan kaming dalawa o meron sabwatan he he he..

feel nga namin yun hahahakablag! teka walang sabwatan nangyari, mahibay ka lang mag drive nagkataon naman queen of the road ang sinusundan mo...hahahahakablag! pero di naman kami nag-alala na maliligaw ka anong ginagawa ng navigator mo di ba? yun nga laang lahat ng bagahe nasa SUV na gamit mo...hahahahakablag! di talaga nakakasawang balik balikan ang mga pangyayari ano? kasasaya...rgds. kay Beny hane!
_________________
NEIN, ich irre mich nie! Einmal dachte ich, ich hätte mich geirrt, aber da habe ich mich getäuscht...-sheba-
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
Brunenette



Joined: 26 Aug 2005
Posts: 98
Location: Dolora Navarro Galan

PostPosted: Sun Sep 11, 2005 7:22 pm    Post subject: Reply with quote


Hello, sa inyong lahat!
Bai ay oo nga ano kang Tony, tropang Rm 319, o di baga.
TeNems, di naman kita ginawang gargador masyado ka laang mabait at di mo ako pinabayaan na magbuhat. Pero di mo pwedeng angkinin si Sheba sa sarili mo gawa ng lahat ay tinutulungan nay-an ano! Sa pagsasaing hanggang kung anu-ano ay di pwepwedeng di yan kukurawraw at baka lagnatin pag di nakagawa, hahahahahaha!
Si Ellie, bai kagagaling nay-an maglinis ng kung anu-ano, kasisipag humawak ng walis at pangkoskos kaya siya ang taga linis at si Sheba taga luto, gawa nang di pwede sa harap ng kalan si Ellie. Tamang-tama meron narin tayong driver, o at dalawa pa( si TeLudee at si Kang Tony)! Aba! parang kumpleto na tayo at ikaw naman ang taga mando, kahit secretary mo na laang ako! Payag ka ng ganitong arrangement? Bahala ka na kung ano ang mga papel nina Floukay at Beny, syempre ikaw ang boss kaya ikaw na maghanay baka madalbog na ako dito, hahahahaha!
O paano ngapala si Aurel? Ano nga pala ang special skill mo? Kailangang paki sabi na at ng maihanda ng Reyna ang mga papel natin!
Siguro'y mas masaya ito kung kumpleto na ang tropa di baga?Ay Dt ay ikaw anong gusto mong gawin? Isubmit mo na rin kay TeNems at syang bahala sa iyo hane.
Back to top
View user's profile Send private message Yahoo Messenger
eboytons



Joined: 13 Jul 2005
Posts: 285
Location: Antonio F. Dalagan

PostPosted: Sun Sep 11, 2005 9:08 pm    Post subject: Huling Hirit! Reply with quote


Hello Brunenette and Sheba,
Meron huling hirit itong isa dito na kausap ko ngayon sa phone, baii nakikibalita na lang sa kin kasi nga walang siyang PC sa California,
Sheba hirit ng Beny, kung naiwan mo ba raw talaga yun gown
na isusuot mo o sadyang iniwan mo para bumalik kaming dalawa sa bahay ni daluds..he he he " sabi niya alam na raw ni Panong yan, kilala pa ba ninyo si Panong sa gilid ng patio? " Laughing
Baka raw pakana ninyo ni Nems yun ( aminin , alam na raw ni Panong yan!) he he he joke joke talaga! Laughing
Kumusta raw sa inyong lahat, sa tropang summit ng room 319, at gusto raw malaman ni Tabenits kung panno pakokontak si Daluds sa Paete. ( Paging Daluds kung mabasa mo ito)
Magsimula na kamin magsave para sa summit 2007..Regards to all tropang summit 319.
BenYnot
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger MSN Messenger
eve19612000



Joined: 11 Jul 2005
Posts: 1026
Location: Sheba Allenbach-Aseoche

PostPosted: Mon Sep 12, 2005 2:31 am    Post subject: Re: Huling Hirit! Reply with quote

eboytons wrote:
Sheba hirit ng Beny, kung naiwan mo ba raw talaga yun gown na isusuot mo o sadyang iniwan mo para bumalik kaming dalawa sa bahay ni daluds..he he he " sabi niya alam na raw ni Panong yan, kilala pa ba ninyo si Panong sa gilid ng patio? " Laughing Baka raw pakana ninyo ni Nems yun ( aminin , alam na raw ni Panong yan!) he he he joke joke talaga! Laughing

hahahakablag! ano ka dyan bentot...sa tututz yun...di yun namalayan siguro nga ay sa kalituhan natin...laging nagdudumali at sa walang kamatayang pag-iimpake...Brunettsky ikaw ang dapat sumagot nito...bakit di napasama ang gown ko!!! eh type mo naman magpabalik balik di baga? hahahahakablag!
eboytons wrote:
Kumusta raw sa inyong lahat, sa tropang summit ng room 319, at gusto raw malaman ni Tabenits kung panno pakokontak si Daluds sa Paete. ]

malungkot sa ngayon...Tony paki sabi kay Bentot, yung brother ni Au nangangailangan ng dasal [Peter] ooperahan sa kidney...paki pls...idagdag na din nya sina Yvess sis. ni Daluds at si Fe sis. ni Au, na nagpapagaling...email kita ng info kung san makokontact si Daluds hane...Daluds pasensya na...ginagawa ka naming tulaysky...pagnakabili me ng card tatawagan kita...ingat God Bless Us All...
_________________
NEIN, ich irre mich nie! Einmal dachte ich, ich hätte mich geirrt, aber da habe ich mich getäuscht...-sheba-
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
Ludy



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 2241
Location: Lourdes Valdecantos

PostPosted: Mon Sep 12, 2005 4:16 am    Post subject: Re: Huling Hirit! Reply with quote

Hahahahahakablag!!! ganda ng story mo Dolora....feeling ko lagi kang tawaging Dolora hahahahahahakablag.......eto naman ako, layas din dito sa makati....."city girl" ako ngayon hoy......medyo libre ako ngayon kay Yvees, andun ang 2 anak at ang asawa nya, kaya isiningit kong ipasyal sina nanay at tatay......dito sa tinatawag na Walter Mart.....abaaaa ay kasarap pala ng buhay dine sa Makati, maraming pasyalan sabi ni tatay.....may juicing juicing din kami dito ang tawag nila ay "winter" hahahahahahakablag.....comb ng papaya, watermelon, ay nalimutan ko yong iba....anyway, masarap naman....may phobia na yata ako sa mga dapat kainin, dahil sa nakikita ko kay yvees......kaya kayo hoy...ingatsky sa mga inilalagay nyo sa inyong tyan.....napakahirappppppp!!!! buti na lang at mataas ang motivation ni Yvees, siguro'y dahil andito kami sa tabi nya....."hongkong trip" daw, yan ang hiling sa akin so sabi ko'y pagbutihin at ng makalakad agad, abaaaa ay ayaw ng umupo sa wheel chair.....kaya hayun, si Daluds ang tukod sa likod habang humahakbang.....from the bedrm to the dining area siguro mga sampung hakbang pero kaladkad ang left leg....nakakaawa talaga kaya ingat ng mga kinakain nyo hane.....naikikilos nya ang left leg pero hindi pa naihahakbang mag isa, kaladkad pa.....nakakaiyak tingnan pero binibigyan ako ni LORD ng strength to overcome this....o sige baka ako'y mapaiyak dine....bye.... miss you all and love you....
Back to top
View user's profile Send private message
eve19612000



Joined: 11 Jul 2005
Posts: 1026
Location: Sheba Allenbach-Aseoche

PostPosted: Tue Sep 13, 2005 2:42 am    Post subject: Re: Huling Hirit! Reply with quote

dadaludy wrote:
layas din dito sa makati....."city girl" ako ngayon hoy......medyo libre ako ngayon kay Yvees,

baina hanap kami ng hanap sa iyo...dyan kapala..na 4wrd na ni Au sa akin...pagamit hane ng add. pati na pala pangalan mo...eh di puntong Makati kana? hahahakablag! rgds. na laang sa lahat...baka nga pala makapasyal dyan si Len Dono...may dadalhin sa inyo...okidoki...tschüssli
_________________
NEIN, ich irre mich nie! Einmal dachte ich, ich hätte mich geirrt, aber da habe ich mich getäuscht...-sheba-
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
ellie
Guest





PostPosted: Tue Sep 13, 2005 11:22 am    Post subject: Reply with quote

hoy kapatid kong Sheba hindi mo baga pinansin ang mga introduction ni brunettezki sa ating dalawa.....sinabi pang magaling tayong dalawa.....hindi pa sinabing magaling tayong maging tsimay.......hahahahahahakablagdaplag......ako diyan sa brunette na iyan, pero ako kahit ano ang role ko basta hindi ko palalampasin ang 2007...kahit ako kargador at tsimay....ay puwedeng puwede makita at makasama naman ako sa saya.......kahirap din ng puros trabaho...kaya pagbibigyan ko naman haring sarili kong mag-enjoy naman at siyempre ang mga beauty ninyo ang gusto kong kasama.....lab u all.....te nemz...puwede akong tiga-bitbit mo si brunettezki....pag-iisipan ko pa....hahahahahahahakablag!!!
Back to top
eve19612000



Joined: 11 Jul 2005
Posts: 1026
Location: Sheba Allenbach-Aseoche

PostPosted: Sun Sep 18, 2005 5:05 am    Post subject: naglalambing yun... Reply with quote

ellie wrote:
hoy kapatid kong Sheba hindi mo baga pinansin ang mga introduction ni brunettezki sa ating dalawa...sinabi pang magaling tayong dalawa...hindi pa sinabing magaling tayong maging tsimay

hahahakablag!...sige nga tayong dalawa ang pakners...bai naging tigasin pa ano![tiga linis, tiga luto, tiga bit-bit] di bale sila din naman...tiga bili natin...ngayon palang mag esep esep kana ng mamahaling panglinis ng banlat at ako'y maguumpisa ng maglista ng kailangan ko sa pagluluto hahahahakanlagdaplag! pag hindi sila nakumsumi sa ating dalawa...hahahahaha Laughing
_________________
NEIN, ich irre mich nie! Einmal dachte ich, ich hätte mich geirrt, aber da habe ich mich getäuscht...-sheba-
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
Ludy



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 2241
Location: Lourdes Valdecantos

PostPosted: Sun Sep 03, 2006 3:59 am    Post subject: Binasa ko ulit... Reply with quote

Hello Dolora, TNems, BenyTon, Floukay, DT, Ellie, at bunsoy...


Ulit ulit kong binasa, itong kwento ni Dolora
Barkadang kay gulo, mga tula ay bihira na
Samot saring pangyayari, itong nasa harap nila
Magigiting na manunula, ngayo'y matatatag sa problema!

Mag-isa ako ngayon, dito sa sala ni Julia
Kumare't kumpareng Baldemor, sa kwarto'y namamahinga
Bukas ay tanghalian, sa anak kong si Lana
Hapunan ay ayos na din, sa debutanteng si Aleli.

Panandaliang kong iiwanan, si tatay at si nanay
Makikihalubilo naman, sa kaibigan at kababayan
Sana'y abot kamay ko kayo, at ako'y alalayan
Miss ko na kayo, hapyugan, damayan at tulaan!
_________________
Psalm 139:9 - "If I take the wings of the morning and settle at the farthest limits of the sea, even there your hand shall lead me, and your right hand shall hold me fast."
Back to top
View user's profile Send private message
benyd



Joined: 10 Jul 2005
Posts: 344
Location: Alexandria, VA

PostPosted: Tue Sep 05, 2006 1:48 pm    Post subject: Inulit ko rin Reply with quote

Daluds at Kablaggers,

Inulit ko ring basahin ang nangyari sa atin
Na kahit ulit-ulitin, nakakatawa pa rin
Parang kailan lang, nangyaring kulitan
Isang taon na pala, nakakamiss naman.

Maliban kay bunsoy na nasa Europa
Tayong lahat ay dito sa Amerika
Ngunit hindi pa rin magkakita-kita
Sa sari-saring bagay, lahat ay abala.

Loobin sana ng ating Panginoon
Sa susunod na summit lahat nakahayon
Kung saan man gaganapin ang pagtitipon
Nabuong barkada, mayroong reunion.

Meron ng programang ngayo'y pinaplantsa
Inaalam kung saang sulok, gusot makikita
Hihimayin, aayusin, habang maaga pa
Nang sa gayo'y masasabi, tuloy ang ligaya!

Benynot
_________________
To God be the glory!
Back to top
View user's profile Send private message Yahoo Messenger MSN Messenger
eve19612000



Joined: 11 Jul 2005
Posts: 1026
Location: Sheba Allenbach-Aseoche

PostPosted: Thu Sep 14, 2006 2:53 pm    Post subject: bz pa ay! Reply with quote

ako'y inyong pagpasensyahan
wala pang time sa kasalukuyan
akin na lang kayong bubulagain
tatapusin lang tambak na gawain

_________________
NEIN, ich irre mich nie! Einmal dachte ich, ich hätte mich geirrt, aber da habe ich mich getäuscht...-sheba-
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Ganito Kami Noon All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group