 |
USAP PAETE Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
|
View previous topic :: View next topic |
Author |
Message |
batang_patio
Joined: 02 Feb 2007 Posts: 589
|
Posted: Sat Aug 20, 2005 5:41 am Post subject: MGA MUNTING ANGHEL NG 'TIAGO' |
|
|
Napasobra ang aking ‘rewind’ sa aking pagbabalik sa nakabiting karugtong ng “Hipping Kulelat” at heto nga ang aking natagpuan:
MGA MUNTING ANGHEL NG TIAGO
August 20, 2005
Mga yugto ng kabataan
Hinding-hindi malilimutan
Isang pahinang karanasan
Mga ala-alang ginintuan
San Santiago High School (SSHS) Founded in 1959
School Year 1960-61
Isang taon pa lamang naitatatag ang “Tiago” ng mapatokang doon mag-aral ang ‘grade school pupils’ na nasa Grade III-A, sa ilalim ng pangangasiwa ni Mrs. Melencia Afuang, aba sikat! ‘cream section’ yata yun na ang mga kaklase lang naman eh! mga katulad nina Lourdes Valdecantos, Amador Baldemor, Froctuoso Salceda, Jr. Adelaida Asido, Luzviminda Valdecantos, Susana Cadang at marami pang ibang mga kilalang matatalino (sorry na lang sila, napasabit ako hehehe!).
Doon kami sa kumbento napataboy dahilan siguro sa kakulangan ng mga ‘classrooms’ sa PES sa dami baga naman ng mga batang mag-aaral, wala pa noon ang QES at IES. Noon ngang nasa ‘Greyd Wan’ ako ay talagang punong-puno para kaming mga sardinas sa isang ‘classroom’ na bulok pa ‘yun bang malapit na sa ‘gate’ ng Roces St., habang panay ang kwento ng ‘Ibong Adarna’ ni Miss Gagaring, ako nama’y nakakapit sa saya ni Ina dahil ayokong magpaiwan (iyak ang panglaban ko hehehe!), ang Ina ko nama’y kilik-kilik pa ang isa kong kapatid, buti nga tinanggap pa akong saling-pusa ni Miss Lourdes Gagaring (sobra ako sa anim na taon, kulang naman sa pito) na sa bandang-huli’y naging totohanan na dahil pumasa naman si kulangot. Teka lumalayo, bakit napunta sa Greyd Wan, balik tayo sa Greyd Tri.
Sa unang araw pa lamang ng pagpasok, nanibago kaming lahat dahil kami lamang ang naiiba, panay ‘high schoolers’ ang mga nakapila sa ‘flag ceremony’ ang mga bulilit ay mga nakahilera din, siyempre bida ang mga bulilit, kami ang mga nauna sa pagpasok sa loob ng kumbento. Doon sa loob ang tingin nami’y medyo madilim, amoy lumot pa ang mga kaskaho, may mararamdamang kilabot sa bawat sulok na aming puntahan na para bagang laging may lalabas na multo NGIII! Di ba Aida? hahahaha!
Malinis naman ang buong kapaligiran, ang mga silya nami’y ‘over-sized’ dahil pang-high school nga yun. Ang katabi ko ng silya ay si Susana Cadang dahil pareho kaming ‘C’ na pareho naman kaming pawisin ang mga kamay, pareho siguro kaming ninenerbiyos kaya naman laging basang-basa ng pawis ang ibabaw ng aming sulatan, para talagang bukal ang pawis sa aming mga palad.
Ng mag-recess na takbuhan kami sa likod ng kumbento, bagong gawa pa noon ang ‘Grotto ng Lourdes’, at dahil nga kapangalan ni Ludy, tinukso namin ng tinukso, aba’y ngumawa ang Ludy, ang ending nayabat kaming lahat na mga nanukso sa kanya, ih ih ih ih nagsumbong pa yata kay Amang Andres hahahaha!
Mga murang-isip sa eskwela
Walang kapaguran, napakasigla
Mga munting ngiti’y nakahulma
Walang kamalayan sa problema
Kahit na kami lamang ang ‘grade school pupils’ sa SSHS noon ay lagi kaming kasali sa mga school programs (starring talaga, special treatment pa!), natatandaan ko na minsang ‘United Nations Day’ may kanya-kanya kaming ‘assigned’ na bansa ang natapat sa akin ay ‘Poland’, buti naman at madaling gawin ang ‘flag’ na hinating mga papel na kulay pula’t puti.
Paborito ko noon ang ‘music’ dahil nakakatuwa ang titser naming si Mrs. Afuang, bago siya kumanta’y pumipito muna para daw timplahin ang boses, madalas pa akong pinapakanta kahit na ‘boses-palaka’ hehehe!
Heto ang aking mga paboritong kantahin:
Kalapating minamahal
Ano at nalulumbay?
May panglaw ang tinig mong
Naglalagos sa kagubatan…
At heto pa ang isang kanta
Sa tulay ng kolgante
May kaligay kabibe
May nanganak na babae
Ang pangala’y si Herere
Si Herereng lapot-lapot
Kung kumai’y kakarampot …
Paborito akong utusan ng titser na hugasan at lagyan ng tubig ang kanyang basong inuman doon sa gripo sa may likuran ng simbahan, minsan, ewan ko kung sinadya ko hehehe! May sabon pa pala, nalagyan ko agad ng tubig, nasita tuloy ang Ina ko ang sabi ba naman “turuan mo namang maghugas ng baso ang anak mo” hehehe!
Palibhasa nga mga bata, napakalilikot, kung saan-saan mga nakadaplas. Laging naglalaro sa mga guhong kaskaho, nakaakyat sa mga puno ng mangga at santol sa likuran ng simbahan. Naririyang pinaggugutay-gutay pa ang mga dahon at mga harding bulaklakan. Nakakarating pa kami noon sa simboryo ng simbahan.
Hindi ko marahil malilimutan ang masasayang araw na aming ginugol noong kami’y nasa Greyd Tri sa SSHS, doo’y nagsasama-sama kami, kahit na anong religion mayroon ang bawat isa, walang pakialam ang mga Munting Anghel ng Tiago kung mayroon mang Romano, Aglipay o anupaman.
 |
|
Back to top |
|
 |
eve19612000

Joined: 11 Jul 2005 Posts: 1026 Location: Sheba Allenbach-Aseoche
|
Posted: Sun Aug 21, 2005 1:10 am Post subject: Re: MGA MUNTING ANGHEL NG 'TIAGO' |
|
|
Batang Patio wrote: | Napasobra ang aking ‘rewind’ sa aking pagbabalik sa nakabiting karugtong ng “Hipping Kulelat” at heto nga ang aking natagpuan |
halos kasisilang ko lang pala nung nasa Tiago kayo ng Grade 3, hahahakablag! mas gusto ko yung mga rooms sa malapit sa kumbento, di na kailangan ang aircon laging malamig...tanaw mo pa ang garden...at rinig mo ang lagaslas ng bangbang...
1974 ang una kong tapak sa SSHS kapapayat,kaliliit namay kahahabang buhok...nasa taas kami malapit sa faculty room at canteen tapat ng CR ng mga babae...araw araw iba-iba ang aming uniform...kay init di pedeng walang kamison...at kailangan mahaba lampas tuhod...
1975 ng ikalawang baitang...si Mam Amor ang adviser namin...sa may malapit naman sa library at lab. ang room namin...makasaysayan nga...papunta kami sa pagdadalaga...halos dito tinubuan ng uban ang ama ko...hahahakablag! kaya ng sumunod na taon deportado ako at tinapon sa Makati...hahahadaplag!
1976 <Pio del Pillar HS>,nagkasakit ako kaya balik ng Tiago ng 4th year
1977 late na ng makapag enroll...halos di pa ako magaling nun...pero ayaw kong tumigil kaya tuloy ang pa check-up sa doctor pasok parin sa school.., sa isang taon kong nasa PPHS marami na ang nabago,halos wala na ang mga dating teachers at may mga bago namang pumalit...ang canteen nalipat sa baba...nandun na sa papuntang garden...at ng nung aming panahon naka palda kami sa CAT...cute ang dating...yung nga lang kailangan lampas hanggang tuhod...hahahakablag! ih ay di talaga bagay humawak ng baril...baina nakalbo naman ang ama ng kapanahunang ito...kakulitan...di kami mapaghiwa-hiwalay ng barkada...kuyog ang tawag sa amin kasi halos buong classmate magkakabarkada...gabi-gabi project kuno...pero di ka usloan at pamamahaw ang aming pinagkaka-abalahan... _________________ NEIN, ich irre mich nie! Einmal dachte ich, ich hätte mich geirrt, aber da habe ich mich getäuscht...-sheba- |
|
Back to top |
|
 |
batang_patio
Joined: 02 Feb 2007 Posts: 589
|
Posted: Sun Aug 21, 2005 3:46 am Post subject: malamig |
|
|
Oonga malamig ang singaw ng mga kaskaho, para bagang tubig-tubig kaya nag-aamoy lumot na ang mga pag-itan at siwang doon sa labas ay tinutubuan pa ng mga halamang ligaw.
thanks Bunsoy!  |
|
Back to top |
|
 |
|
|
You can post new topics in this forum You can reply to topics in this forum You cannot edit your posts in this forum You cannot delete your posts in this forum You cannot vote in polls in this forum
|
Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group
|