PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

HAPPY FIESTA PO

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Wok with Somy (cook, work, walk)
View previous topic :: View next topic  
Author Message
Somyga



Joined: 13 May 2006
Posts: 250
Location: Somy G. Asido

PostPosted: Wed Jul 25, 2007 2:49 pm    Post subject: HAPPY FIESTA PO Reply with quote



MALIGAYANG MALIGAYANG KAPIYESTAHAN SA INYO PONG LAHAT!!!!

SYEMPRE SA PIYESTAHAN AY MAY KAINAN
This time try my Ginisang Balatong sa Kapiyestahan..isama ninyo
sa masarap na minudong Paete style....



Nakita ninyo ang bago ko pong Knife...matalas na at wala ng luhang pumapatak
sa paghiwa ng sibuyas...tandaan na laging matalas ang kutsiyo hani? ng hindi umiyak at baka kumanta ng Bakit kaya may luha sa mata? ni Didith Reyes..
--------------------------------------------------------------------


--------------------------------------------------------------------


Hayaan ninyong pakuluan ko ang balatong hanggang ito ay lumambot na halos
humiwalay ang balat sa laman.
Speaking of pinalalambot na balatong...parang ring yan na pusong walang gusto, matigas,
nililigawan hanggang ang pusong matigas ay napalambot na parang pusong mamon..
katuwiran ay walang matimtiman birhen sa matiyagang manalangin.
Pagnapasagot na ay mahalin ng posposan di lamang sa honeymoon, kundi magpakaylanman.

Pasasaan ka baga balatong at lalambot ka rin, kaunti pang ligaw...
at kantahan ng 'Greatest thy Faithfulness...la la la la la.....

---------------------------------------------------------------------------
Hayaan ninyo po i share ko sa inyo ang aking nabasa hani?

Dr. Willard F. Harley Jr. interviewed over twenty-two hundred women
and listed their top five.

The greatest need of a woman and this may surprise you--was AFFECTION.
sa tagalog na dictionary ko ay ito yon...magiliw, mapagmahal, pagsuyo, pagsinta.
Sending flower or letter....
or even cooking for the family is a sign of affection, agree?

Ang mga lista ayon sa pagkasunod sunod:

2nd- conversation, 3rd- honesty and openness with her husband
4th- financial support and 5th- family commitment.
------------------------------------------------------------------------


O sigi at tayo ng magluto


Igisa sa bawang, sibuyas, mapulang kamatis at kaunting patis.
Pag ganitong ginisa ang ginagawa ko po ay laging kung nakinikita ang
aking mahal na yumaong kong Ina (Doray). Kaya naman masaya at may inspirasyon na magluto para sa inyong kasiyahan.

Isama ay binalatang hipon sa ginisa at lagyang ng katamtaman na tubig at hayaang maluto.





With hipon, sili, talbos ng kamote at kaunting patis o asin.

--------------------------------------------------------------------------





Hayan na handa na kainin....HAPPY Fiesta po sa inyong lahat sa mga taga Paete at sa iba't ibang sulok ng daigig.
--------------------------------------------------------------------------------


That's me....ready to go..Saida I am wearing kurbata, my next project...."NECK TIE"

---------------------------------------------------------------------

At sa inyong mga namemeyesta ay nawa'y busugin kayo ng napakasarap na minudong Paete at lumpia at
marami pang masasarap na pagkaing Paete na lahat ay galing sa biyaya ng ating Panginoon.
At syempre ang beer, stateside, lambanog o San Miguel gin (kung pitikan)..

Pero alalay po lamang at ng hindi matuksong gumawa o magsalita ng masama sa ating kapwa...Bye

dito ay may babala-Drink Moderately....Don't Drink and Drive!

_________________________________________________________________

Maraming maraming salamat sa iyo 10, kung hindi sa iyo ay
baka balbalatong itong luto ko.


_________________
Somy 'Gusti' Asido
Wife: Lulu Telesforo Asido
Magulang: Miming(+) & Doray Galaboc Asido(+)11 F. Sario St., Kapatid nina: Aida, Jojie, Tessie, Malou, Enchang, Bellie and Mario(+)
Back to top
View user's profile Send private message
y@m@k



Joined: 13 Jul 2005
Posts: 192
Location: Mark Anthony Rivera Cadawas

PostPosted: Wed Jul 25, 2007 6:20 pm    Post subject: Reply with quote

Amang Somy,

Kakauwi ko pa lang po from work at nag-iisip ng lulutuin for dinner.. Nakita ko itong post ninyo at nakakatuwa nagka-idea pa ako Laughing

Kaya ang ulam ko maya-maya ay ginisang balatong at pritong karne Smile Bai! Bali-kasarap!

Happy Fiesta to all!

-yamak
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail AIM Address Yahoo Messenger
ten m. bagabaldo
Guest





PostPosted: Wed Jul 25, 2007 11:47 pm    Post subject: 'ginisag balating" Reply with quote

hi klasmeyt somy,
very well done.....congratz!!! at sana ,next time e yun namang ibinigay ko sa 'yong "minanok" na walang manok Very Happy Very Happy Very Happy ang lulutuin mo....ang sarap ng ginisang balatong,baka this friday ay yun ang lulutuin namin at pritong "boneless bangus",hhmmm sarap.

o sya,see you next menu...take care & God bless.

klasmeyt ten Wink
Back to top
TonyB



Joined: 05 Jan 2006
Posts: 178

PostPosted: Thu Jul 26, 2007 10:45 am    Post subject: Talbos Reply with quote

Wow! Buti meron kayo nabiling talbos? Sa Ibaba ay minsan ay mahirap makabili ng talbos nung wala pa ang palengke doon. Dito, ang nilalagay namin sa balatong ay horenso o spinach.

cheers!
Tony
Back to top
View user's profile Send private message
Tony Val Caday Ludovico
Guest





PostPosted: Thu Jul 26, 2007 11:11 pm    Post subject: Masaya ng Presentation mo Masarap Pang niluto Mo. Reply with quote

Bai nah Insan Sommy,
Talo mo pa yung mga Great Chef sa iyong Chef De Humor By Sommy Asido , I'm really enjoying this and looking forward for more Insan..Bai nah tiyak na lalu kung Video yung Pagtali ng Kurbata para Ke Saida ay tiyak na nakakatuwa..

Kasarap naman niluto mo ah...kapag ganitong ulam ay ayos na ayos mag kamay ah..Maganda rin ang iyong paalala sa ating mga kababayan na Don't Drink and Drive..or Don't Drink and Shout na para bagang naghahanap ng away ..Inuman lang na masaya di baga.

Well hihintayin kong muli ang iyong on line Show....

Regards,
Insan Tony Val
Back to top
Ludy



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 2241
Location: Lourdes Valdecantos

PostPosted: Fri Jul 27, 2007 2:49 am    Post subject: Katakam takam Reply with quote

Abaiii nakakagutom na naman ito...lol...galing...nakaka aliw...ay ako'y may pagkatamad magluto he he he kaya sommy, ang nilantakan ko ay yung japanese bagang beans ah ano nga baga tawag dun adamame baga? Kain na lang ako basta, itinapon ko yung lalagyan kaya di ko matandaan spelling...lol...salamat sa mga nakaka aliw na posting mo, Sommy Wink
_________________
Psalm 139:9 - "If I take the wings of the morning and settle at the farthest limits of the sea, even there your hand shall lead me, and your right hand shall hold me fast."
Back to top
View user's profile Send private message
Somyga



Joined: 13 May 2006
Posts: 250
Location: Somy G. Asido

PostPosted: Sat Jul 28, 2007 6:07 am    Post subject: Re: Katakam takam Reply with quote

dadaludy wrote:
Abaiii nakakagutom na naman ito...lol...galing...nakaka aliw...ay ako'y may pagkatamad magluto he he he kaya sommy, ang nilantakan ko ay yung japanese bagang beans ah ano nga baga tawag dun adamame baga? Kain na lang ako basta, itinapon ko yung lalagyan kaya di ko matandaan spelling...lol...salamat sa mga nakaka aliw na posting mo, Sommy Wink


Ludy, nagpapasalamat ako sa iyo
I learned many thing from your writing about GOD
Alam ninyo serious ako ng sinusulat ko ito, hindi ako nagpapatawa aba
ii ay uunga... pero talaga yatang ganito na ang aking DNA Laughing

katunayan nga ay parang mangiyak ngiyak ako ay...ng sinusulat
ko yong tungkol sa pagpapalambot ng balatong...
kung iaaplay ko sa buhay ko ay hindi ko akalain na magawa ko yon
aba ay wala ng gusto ay nagpupumilit pa baga ay...
si Kang Benny Cadang ang nagpayo sa akin ng kawikaan na
'walang matimtimang birhen sa matiyagang manalangin.
Don't give up...just do something good and wait...
nanuyo, nagpakawawa, nagmasahe(good part)
sa paa, sa likod, nagluto at nagbasa kami ng bible....the best part e umuwi na raw
ako. Kaya Christmas Eve 2002 ay magkakasama kami uli ng Pamilya
God is in control even in suffering. Very Happy

Yamak, kalapit bahay ko sa F. Sario St...maliit ka pa noon ay
Kumusta na lamang sa inyong lahat, nakita ko ang ama mo minsan sa Chicago
Tony, marami ditong sariwang gulay, kangkong ang ginagamit ko sa sinigang, sariwa..may nakita akong sariwang dahon ng kamote at hindi frozen...ang mga Chinese ang nagfarm, yong ginamit ko ay frozen.
Klasmeyt Ten, salamat ng maraming marami hani, at sa uulitin
Insan Tony, salamat sa papuri mo, nakapagpalaki ng puso at
lakas ng loob na lalong gumawa ng kabutihan,
At huli sa lahat ay sa moderators at members and guests to allowing me to be your part in this forum..salamat at mabuhay tayong mga taga Paete...magmahalan, magsumikap, maging masipag at magtulungan sa isat isa...wag hayaan na maging KATUGA (Kain, tulog gala) ang buhay..maging makabuluhan....

Amang Somy po lamang

Back to top
View user's profile Send private message
Ludy



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 2241
Location: Lourdes Valdecantos

PostPosted: Mon Jul 30, 2007 3:01 am    Post subject: Salamat Brod Somy... Reply with quote

Ganito talaga pag ang natutunan natin ay nakatanim na sa ating mga puso...salamat din at ako'y ginamit ng Panginoon sa iyong mga naranasan. Tulad mo, nakikita mo ang gabay ng Panginoon sa iyong pagluluto at pagsasalarawan nito na dala mo sa puso ang ibinigay na "gift" sa iyo ni Lord...ako man ay ganun din...at ang isang sinisigurado ko sa iyo, ay HINDI MO NA MATITIGILAN ang ginagawa mo...sharing the skills that God had given you... Wink hindi ka na makakatulog sa oras na merong messages si Lord para sa iyo, na ikaw ang makakagawa at kailangan ay SUMUNOD tayo kapatid para tayo ay tuloy tuloy na instrumento ni Lord sa mga gawaing ibinigay NYA sa atin. Nakakataka, pero lalabas at lalabas ang skills na ibinigay NYA sa atin...and it is powerful skills Wink Laughing yun ang weapons na sinasabi NYA...HE WILL EQUIP US with all the mighty swords Wink O sige kapatid at wag kang titigil. Nararamdaman ko na serious ka, at may halong patawa, but the message is very clear. Wink Isa ka sa kasangkapan ng Panginoon para ipamalita ang buhay na ibinigay NYA sa atin...yun ang ating katungkulan, ang IPAMALITA ang bagong buhay na ibinigay NYA sa atin. We are HIS Wonderful Servers. Very Happy
_________________
Psalm 139:9 - "If I take the wings of the morning and settle at the farthest limits of the sea, even there your hand shall lead me, and your right hand shall hold me fast."
Back to top
View user's profile Send private message
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Wok with Somy (cook, work, walk) All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You cannot post new topics in this forum
You cannot reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group