PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

Sulat ng Bobong Tatay

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Sisteng Paete
View previous topic :: View next topic  
Author Message
reyc
Forum Owner


Joined: 06 Jul 2005
Posts: 259
Location: Rey Carolino

PostPosted: Fri Jul 15, 2005 8:11 am    Post subject: Sulat ng Bobong Tatay Reply with quote

Dear Son

Medyo mabagal akong magsulat ngayon dahil alam kong mabagal ka ring magbasa.

Nandito na kami sa Estados Unidos para bantayan ang bagong biling bahay ng kapatid mo. Pero hindi ko maibigay sa iyo ang address dahil dinala ng dating nakatira ang number para daw hindi na sila magpapalit ng address.

Maganda ang lugar na ito at malayo sa Manila. Dalawang beses lang umulan sa linggong ito, tatlong araw noong una at apat na araw noong pangalawa.

Nakakainis lang ang mga paninda dito katulad nun nabili ko na shampoo dahil ayaw bumula. Nakasulat kasi "FOR DRY HAIR" kaya hindi ko binabasa ang buhok ko pag ginagamit ko. Mamaya ay ibabalik ko sa Walmart at magrereklamo ako.

Noong isang araw naman ay hindi ako makapasok sa bahay dahil ayaw bumukas ng padlock. Nakasulat kasi ay "YALE", eh aba namalat na ako sa kasisigaw ay hindi pa din bumubukas. Magrereklamo din ako sa nagbenta ng bahay, akala nila hindi ko alam na SIGAW ang tagalog ng "YALE", wise yata ito!

Mayroon nga pala akong nabili na magandang jacket at tiyak na magugustuhan mo. Ipinadala ko na sa iyo sa "Federal Express" medyo mahal daw dahil mabigat ang mga butones kaya ang ginawa ko ay tinanggal ko na lang ang mga butones at inilagay ko na lang sa bulsa ng jacket. Ikabit mo na lang pag dating diyan.

Nagpadala rin ako ng tseke para sa mg nasalanta ng bagyo, hindi ko na pinirmahan dahil gusto ko na maging anonymous donor.

Ang kapatid mo palang si Jhun ay may trabaho na dito, mayroon siyang 500 na tao sa ilalim niya. Nag- gugupit siya ngayon ng damo sa memorial park, okey naman ang kita above minimum ang sahod.

Nakapanganak na rin pala ang ate baby mo, hindi ko pa alam kung babae o lalake kaya hindi ko pa masasabi na kung ikaw ay bagong uncle or auntie.

Wala na akong masyadong balita. Sumulat ka na lang ng madalas.


Love,

Papa

p.s.

Maglalagay sana ako ng pera, kaya lang ay naisara ko na ang envelope. Next time na lang ha...
Back to top
View user's profile Send private message
vermad



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 1181
Location: Jersey City, NJ, USA

PostPosted: Fri Jul 15, 2005 9:40 am    Post subject: Re: Sulat ng Bobong Tatay Reply with quote

reyc wrote:
Nakapanganak na rin pala ang ate baby mo, hindi ko pa alam kung babae o lalake kaya hindi ko pa masasabi na kung ikaw ay bagong uncle or auntie.


Rey: It is kool and worth reading for the laugh. Even the dim bulbs of this world have some purpose in life.
_________________
Virgil G. Madrinan
Quot capita tot sententiae
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Visit poster's website AIM Address Yahoo Messenger MSN Messenger
nievesb



Joined: 12 Jul 2005
Posts: 671
Location: Nieves Agbada Bagalso

PostPosted: Fri Jul 15, 2005 10:01 am    Post subject: hahaha...nice namannn Reply with quote

Very Happy Very Happy baii bale sya aba ako poy napatawa nya sa post nya here.ayos ang padali nya rito ha!!!isa rin po ako sa mababaw ang galigayahan at laging naka bungisngis lagi nakakarelax po kasing tumawa at nakakabata (SABI NILA)more power po!!!
Back to top
View user's profile Send private message Visit poster's website Yahoo Messenger
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Sisteng Paete All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group