PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

Difference between mayaman at mahirap

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Sisteng Paete
View previous topic :: View next topic  
Author Message
reyc
Forum Owner


Joined: 06 Jul 2005
Posts: 257
Location: Rey Carolino

PostPosted: Fri Jul 15, 2005 11:33 am    Post subject: Difference between mayaman at mahirap Reply with quote

ANG MAYAMAN AT ANG MAHIRAP

DIFFERENCE BETWEEN MAYAMAN AND MAHIRAP

Kung mayaman ka, meron kang "allergy";
Kung mahirap ka,ang tawag dyan ay "galis" o "bakokang".

Sa mayaman, "nervous breakdown" dahil sa "tension and stress".
Sa mahirap, "sira ang ulo o baliw";

Sa mayamang "malikot ang kamay" ang tawag ay "kleptomaniac";
Sa mahirap, ang tawag ay "magnanakaw" o "kawatan"

Pag mayaman ka, you're "eccentric";
Kung mahirap ka, "may toyo ka sa ulo" o "may topak" o "may sayad".

Kung mayaman ka at sumakit ang ulo mo, ikaw ay may "migraine".
Kung mahirap ka naman at sumakit ang ulo mo, ikaw ay "nalipasan ng gutom";

Kung mayaman ka, you are referred to as someone who is "scoliotic".
Pero kung mahirap ka, ikaw ay "kuba";

Kung ang senorita mo ay maitim, ang tawag ay "morena" o "kayumanggi".
Pero kung isa kang domestic na maitim, ikaw ay "ita" o "negrita" o "baluga"; o tsimay

Kung nasa high society ka pa rin at ikaw ay maliit, ang tawag sa iyo ay "petite";
Kung mahirap ka lang, ikaw ay "pandak" o "bansot" o "unano" o "jabbar".

Kung mataba kang socialite, ikaw ay "pleasingly plump";
Kapag mahirap ka, "tabatsoy" o "lumba-lumba", pagminamalas ka, "baboy".

Kung well-off ka, at date ka rito, date ka roon, ang tawag sa iyo ay "game";
Kung mahirap ka ikaw ay "pakawala" o pam-pam

Kung mayamang alembong ka ang tawag sa iyo ay "liberated";
Pero kung isa kang dukha ang tawag sa iyo "malandi".

Kung may pera ka ang tawag sa iyo "single parent";
Pero kung wala kang trabaho ang tawag sa iyo "disgrasyada".

Health conscious ang tawag sa mayayamang puro gulay ang kinakain "vegetarian" ;
Habang kakaawa ang mahirap na "kumakain ng damo."

Sa exclusive school, "assertive" ang mga batang sumasagot sa mga guro.
Pero pag ang mga mahihirap na bata ang sumasagot sa mga guro, ang tawag sa kanila ay "makulit at walang modo".

Ang mayamang tumatanda, "are graduating gracefully into senior citizenhood";
Ang mga mahihirap ay "gumugurang".

Ang anak ng mayaman ay "slow learner";
Ang anak ng mahirap ay "bobo" o "gunggong".

Kung mayaman ka at malakas kang kumain, you flatter your host dahil nagustuhan mo yong niluto niya;
Kung mahirap ka, your host will say to himself na ikaw ay "patay-gutom" o "hampaslupa" o "masiba".

Kung boss ka at binabasa mo ito sa PC mo, "okay lang";
Pero kung ikaw ay hamak na empleyado lamang, ikaw ay "nagbubulakbol" kaya isara mo na itong forum dahil nasa likod mo ang boss mo!
Back to top
View user's profile Send private message
Guest






PostPosted: Sun Oct 09, 2005 10:40 am    Post subject: Reply with quote

ang mayamang malakas kumain,
magana at ma appetite
kung mahirap at malakas kumain,patay gutom parang di pinakakain
Back to top
doris afunggol carolino
Guest





PostPosted: Mon Dec 05, 2005 11:49 pm    Post subject: pa shake hands naman Reply with quote

Hi Sir Rey! Nangungumusta lang po uli. Di ko na po nabasa yung reply nyo sa akin asking me about my father rodolfo "rudy" carolino, naikwento lang po sa akin ni mam reuyan. Ang galing nyo naman po sumulat, nakakaaliw. Ito po ang pinakapaborito ko ang "sisteng paete" masayahin po kasi akong tao. Gusto ko lang po kayong mas makilala pa kung ok lang po sa inyo, kaya ako umentra. Ang problema di ko alam kung kelan uli ako magkakaroon ng ganitong spare time para magbasa at sumagot.Ang tatay nyo po ba ay abogado at ang nanay nyo po ba ay dalawa lang silang magkapatid.Gusto ko lang pong malamn kung yung tatay nyo yung madalas ikwento sa akin ng tatay ko nung maliit pa ako. sige po bye for now.

mother:Dorotea "Teyang" Adis Afunggol
father:Rodolfo "Rudy" Mendoza Carolino
brothers and sisters: Amado, Cita ,Isabelo, Anselmo, Lucia
Back to top
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Sisteng Paete All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group