PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

NEW FORUM GUIDELINES (Please read before posting)

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Usap Paete
View previous topic :: View next topic  
Author Message
admin
Site Admin


Joined: 06 Jul 2005
Posts: 286

PostPosted: Wed Oct 20, 2010 12:24 pm    Post subject: NEW FORUM GUIDELINES (Please read before posting) Reply with quote

USAP NETIQUETTE (Net Etiquette)
Last updated on: October 20, 2010

A. Be it Known to All Concerned;

1.0 That PAETE.ORG is a private website owned by Rey Carolino. It functions as virtual house to all Paetenians and is supported financially and managed by volunteer Paetenians.

2.0 The Forums (aka USAP PAETE) at the PAETE.ORG website were created to facilitate communication and social interaction among global Paetenians. However, this privilege can only be enjoyed in an environment where goodwill is being maintained, where people respects each other, regardless of race, nationality, religion, sexual orientation, political affiliation, and such other humanly imposed limitations.

3.0 The Forums are managed and maintained by a volunteer Forum Administrator. The current Forum Administrator is Rey Carolino with technical assistance being provided by Professor Angel de Dios.

4.0 Messages posted in the Forum are subject to approval by the Forum Administrator or by anyone of the volunteer Forum Moderators. The current Forum moderators are: Rojilyn Bagabaldo, Teody Alberto, Venn Bagalso and Nette Bagalso. The Forum Administrator will act as the Head Moderator and will have the final say in the event of disagreement among the Forum Moderators.

5.0 Messages submitted by unregistered users will be reviewed and are subject to approval by the Forum moderators.

6.0 Messages submitted by registered users do not require prior approval and will be posted immediately in the Forums. However, these messages are subject to further review by the Forum moderators and can be deleted later at their sole discretion.

7.0 Participants and visitors in the forums are expected to show civility and respect to the forum owner, administrator, moderators and to their fellow Forum participants.

8.0 Forum participants who wish to register for a Forum account must provide the Forum Administrator with a valid email address and must supply all the requested personal information. Personal information provided during the registration process will be kept private and confidential if so requested by the applicant.

9.0 All messages posted in the Forum contain the Internet Protocol (IP) address of the poster. This information is visible only to the Forum Owner, Administrator and Moderators and it is possible to trace the real identity of the poster through this unique IP address with information that can be supplied by the poster's Internet Service provider.

10.0 As the message poster, you are responsible for the content of your messages and you agree to indemnify and hold harmless the Forum owner, the Forum Administrator and the Forum Moderators for any loss, liability, and damage arising from or in connection with the contents of your posting in the Forums.

11.0 The Forum owner, administrator and moderators reserve the right to disclose any information about the poster of the message in the event of a complaint or legal action arising from any messages posted in the Forums.

12.0 Forum participants may communicate by private email to the Forum owner, administrator and moderators using the following private email address:

Forum Owner - webmaster@paete.org
Forum Administrator - forumadmin@paete.org
Forum Moderators - moderators@paete.org


B. As stewards of this site;

1.0 We will try to allow as much freedom as possible and not impose censorship in this Forum. We will however remove messages that contain or contain links to nudity, sex, pornography, illicit activities, mail fraud and pyramid schemes, hatred and racism of any kind, or any other material that may be deemed offensive to another individual or organization.

2.0 We will reject and remove messages that contain copyrighted materials.

3.0 We will delete messages posted using the name of another person with the intention of misleading the readers to believe that the message was posted by that person. We will also remove messages that contain references to a private email or correspondence from another individual or organization posted without the consent of the concerned individual or organization.

4.0 We will not approve and we will delete messages if the content of the message is controversial, defamatory, obscene, inflammatory, hateful, abusive, offensive or malicious and the message is directed to a person identified in the message or to a specific position or any description that would identify the individual to whom the message is directed.

5.0 We reserve the right to remove any messages posted in the Forums at our own sole discretion. If you have any concerns or complaints about our moderating decisions, you should send your complaints or concerns by private email addressed to: moderators@paete.org. Complaints or concerns about our moderating decisions that are posted through the Forums will not be entertained and will be ignored.

--------------------------------------------------------

TAGALOG TRANSLATION

PANUNTUNAN SA TAMANG ASAL SA "USAP" (Net Etiquette)

A. Talastasin ng Kinauukulan;

1.0 Na ang PAETE.ORG ay pansariling website na pag-aari ni Rey Carolino. Ito'y nagsisilbing lakbay-tahanan ng mga taga Paete at ito'y tinutulungang pananalapi at pinamamahalaan ng mga voluntaryong mga taga Paete.

2.0 Ang Talakayan o Forum (aka USAP PAETE) sa PAETE.ORG website ay nilikha upang matulungan ang pag-uugnayan at pamayanang kilos ng mga taga Paete sa buong mundo. Magkagayunman, ang kainamang ito ay maaari lamang matupad sa lugar na kung saan ay mayroong paggagalangan ang mga tao, anuman ang kanilang lahi, pagkamamamayan, paniniwalang maka-Diyos, kasarian, pagkasaping lapian, at iba pang kakapusang likhang-tao.

3.0 Ang Talakayan ay pinamamahalaan at pinangangasiwaan ng voluntaryong Forum Administrator. Ang kasalukuyang Forum Administrator ay si Rey Carolino na inaalalayan ng kaalamang technical ni Professor Angel C. de Dios.

4.0 Ang pahatid kalatas na inilalathala sa Talakayan ay dadaan sa pagpayag ng Forum Administrator o alin man sa mga voluntaryong Forum Moderators. Ang kasalukuyang Forum Moderators ay sina: Rojilyn "Mutuk" Bagabaldo, Teody Alberto, Venn Bagalso at Nette Bagalso. Ang Forum Administrator ay siyang tatayong Punong Moderator at siya ring may huling kapasiyahan sakaling magkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng mga Forum Moderators.

5.0 Ang pahatid kalatas na mula sa mga hindi nakatalang gumagamit ay kikilatisin at dadaan sa pagpayag ng mga Forum Moderators.

6.0 Ang pahatid kalatas na mula naman sa mga nakatalang gumagamit ay hindi na mangangailangan pa ng pagkilatis at pagpayag, at agad-agarang malalathala sa Talakayan. Magkagayun pa man, ang mga pahatid kalatas na ito ay sasailalim sa ibayong kilatis ng mga Forum Moderators at maaaring tanggalin anumang oras, ayon sa kanilang kapasiyahan.

7.0 Ang mga kalahok at panauhin sa Talakayan ay inaasahang magpapakita ng pagkamakatao at kaukulang paggalang sa nagmamay-ari ng Talakayan, sa Administrator, sa mga Moderators at sa kanilang kapwa kalahok.

8.0 Ang mga kalahok sa Talakayan na nagnanais na matala at magkaroon ng Forum Account ay kailangang magbigay ng kanilang tamang e-mail address, at karagdagang kaalamang personal, sa Forum Administrator. Ang mga kaalamang personal na ito ay pangangalagaan at iingatang pansarili, liban sa hinihingi ng batas, sakaling umabot sa hukuman kung kakailanganin, at kung hihilinging hayag ng may akda.

9.0 Ang lahat ng pahatid kalatas na inilathala sa Talakayan ay nagtataglay ng Internet Protocol (IP) address ng siyang may akda. Ang kaalamang ito ay lantad lamang sa sa nagmamay-ari ng Talakayan, Forum Administrator, at mga Moderators at maaaring tukuyin ang totoong pagkatao ng may akda nito, sa pamamagitan ng natatanging IP address na ito at mga kaalamang maaring ilahad ng Internet Service Provider ng siyang may akda.

10.0 Bilang may akda ng pahatid kalatas, kayo ay may pananagutan sa nilalaman ng inyong mga kalatas at kayo'y sumasang-ayon na bayaran at pawalang pananagutan ang nagmamay-ari ng Talakayan, ang Forum Administrator, at mga Moderators sa anumang pagkawala, pagkakaroon ng bayarin at pagkasira na dulot, at ng dahil sa nilalaman ng inyong inilathala sa Talakayan.

11.0 Ang nagmamay-ari ng Talakayan, Administrator, at mga Moderators ay nagtataglay ng karapatang ilahad ang anumang kaalaman tungkol sa may akda ng kalatas sakali mang magkaroon ng reklamo o asunto na nagmumula sa anumang mga kalatas na inilathala sa Talakayan.

12.0 Ang mga kalahok sa Talakayan ay maaaring makipag-ugnayang pansarili sa pamamagitan ng pansariling e-mail na sumusunod:

Nagmamay-ari ng Talakayan - webmaster@paete.org
Forum Administrator - forumadmin@paete.org
Mga Moderators - moderators@paete.org


B. Bilang mga Tagapamanihala ng lugar na ito;

1.0 Sisikapin namin na magkaroon ng kalayaan hangga't maaari, at huwag sagkaan ang mga kalatas sa Talakayang ito. Magkagayun man aalisin namin ang mga kalatas na mayroon at nagtataglay ng kaugnayan sa mga kahubaran, pagtatalik, kahalayan, mga ipinagbabawal na gawain, liham panloloko, at tagni-tagning katusuhan, pagkamuhi o galit at panlalait-lahi sa anumang uri nito, o iba pang mga bagay na maaaring makasaling sa iba pang tao o sa samahan.

2.0 Tatanggihan namin at aalisin ang mga kalatas na nagtataglay ng mga bagay na protektado ng batas ukol sa "Copyright".

3.0 Tatanggalin namin ang mga kalatas na inilathala na gumagamit ng pangalan ng ibang tao, upang papaniwalain ang mga mambabasa na ang kalatas ay inilathala ng taong nabanggit. Aalisin din namin ang mga kalatas na nagtataglay ng banggit ukol sa pansariling e-mail o iba pang ugnayang-liham mula sa ibang tao o samahan na inilathala nang hindi muna sinasangguni ang kaukulang taong yon o samahang nabanggit.

4.0 Hindi naming papayagan at aming tatanggalin ang mga kalatas kapag ito ay nagtataglay ng ng mga bagay na mapanggulo, mapanlait, malaswa, makainit-ulo, makagalit, mapanghamak, makasaling o mapanira at ang kalatas na ito ay tuwirang tumutukoy sa isang taong nabanggit sa kalatas o sa isang tiyakang katungkulan o iba pang paglalarawan na tuwirang tutukoy sa isang tao na kung saan ang kalatas ay ipinupukol.

5.0 Nagtataglay kami ng karapatang alisin ang anumang mga kalatas na inilathala sa Talakayang ito ayon sa aming kapasiyahan. Kung mayroon kayong mga ninanais o mga reklamo tungkol sa aming mga kapasiyahan, nararapat ninyong idaan ang mga ninanais at mga reklamong iyon sa pamamagitan ng pansariling e-mail sa: moderators@paete.org. Ang mga ninanais at mga reklamo ukol sa aming mga kapasiyahan na tuwirang idinaan at inilathala sa Talakayan ay hindi kailan man pagbibigyan at hindi pag-uukulan ng pansin.
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Usap Paete All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group