PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

REMEMBERING THE GOOD OLD DAYS!!!

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Ganito Kami Noon
View previous topic :: View next topic  
Author Message
jldalay



Joined: 08 Mar 2007
Posts: 57
Location: Jacob Lagrisola Dalay

PostPosted: Sun Jun 24, 2007 9:14 pm    Post subject: REMEMBERING THE GOOD OLD DAYS!!! Reply with quote

Heto ang KAPAYAPAAN na alam natin, noong wala pang KAUNLARAN..


Si Ina ay nasa bahay pag-uwi namin galing sa paaralan;
Walang mga bakod at gate ang magkakapit-bahay, kung meron, gumamela lang;
10 sentimos o diyes lang ang baon: singko sa umaga, singko sa hapon;
Merong free ang mga patpat ng ice drop: buko man o munggo.
Mataas ang paggalang sa mga guro at ang tawag sa kanila ay Maestro/a:
Di binibili ang tubig, pwedeng maki-inom sa di mo kakilala.
Malaking bagay na ang pumunta sa ilog para mag-picnic, o kaya sa BLACKHAWK sa ilaya;
Grabe na ang kaso pag napatawag ka sa principal's office o kaya malaking kahihiyan kapag bagsak ka sa exams;
Simple lang ang pangarap: makatapos, makapag-asawa, mapagtapos ang mga anak...
Pwedeng iwan ang sasakyan at ibilin sa hindi mo kakilala; wala namang lock ang mga jeep na Willy's at Sarao noon.
Mayroon kaming mga laruan na gawa namin at hindi binili: trak-trakan (gawa sa lata ng rosebowl or darigold ang katawan at bunga ng tigbi na maliit ang mga gulong, "sketeng" (scooter) na bearing na maingay ang mga gulong at de-sinkong pako para sa preno; patining na pinitpit na tansan lang na may 2 butas sa gitna para suotan ng sinulid (pwede pang makipag-lagutan) ; sumpak, pilatok, boca-boca, borador, atbp.
Di nakikialam ang mga matanda sa mga laro ng mga bata: kasi laro nga iyon.
Maraming usong laro at maraming kasali: lastiko, gagamba, turumpo, tatsing ng lata, pera namin ay kaha ng Philip Morris, Malboro, Champion (kahon-kahon yon!) ; poon-poonang putik at iba pa.
May dagta ang dulo ng tinting na hawak mo para makahuli tutubi, nandadakma ka ng palakang tetot, pero ingat ka sa palakang saging dahil sa kulugo; pag-tumbling sa tapunan ng lagarian sa likod ng malalaking gawaan.
Butas na ang sakong ng Spartan mong tsinelas - suot mo pa rin;
Namumugalgal ang pundiya ng kansolsilyo mo kasi nakasalampak ka sa lupa.
Sa modernong buhay at sa lahat ng kasaganaan sa high technology.. . di ba minsan nangarap ka na rin... mas masaya noong araw!
Sana pwedeng maibalik... SANA.........
Takot tayo ngayon sa buhay. Kasi maraming napapatay, nakikidnap, maraming addict at masasamang loob...
Noon takot lang tayo sa ating mga magulang at mga lolo at lola. Pero ngayon, alam na natin na mahal pala nila tayo kayat ayaw tayong mapahamak o mapariwara.. . Na una silang nasasaktan pag pinapalo nila tayo...
Balik tayo sa nakaraan kahit saglit...
Bago magkaroon ng internet, computer, at cellphone.
Noong wala pang mga drugs at malls.
Bago pa nauso ang counter strike at mga game boys.
Tayo noon... Doon ...
Tinutukoy ko ang harang taga o tumbang preso kapag maliwanag ang buwan;
Ang pagtatakip mo ng mata pero nakasilip sa pagitan ng mga daliri pag nanonood ka ng nakakatakot sa
"Mga Aninong Gumagalaw" at " Gabi ng Lagim" at pinakikinggan mo sa radyo ang "SIMATAR"at ang mga magulang natin ay ang "Tiya Dely at Kuya Cezar"
Unahan tayong sumagot sa Multiplication Table na
kabisado natin, kasi wala namang calculator.
Pag-akyat natin sa mga puno; pagkakabit ng kulambo, lundagan sa kama ;
Nginig na tayo pag lumabas na ang yantok-mindoro o buntot-page ni dada.
Nai-sako ka rin ba? O kaya naglagay ka ba ng karton
sa pwet para hindi masakit ang tsinelas o sinturon?
Pamimili ng bato sa bigas; tinda-tindahan na puro dahon naman; bahay-bahayan na puro kahon; naglako ka ba ng ice-candy o pandesal noong araw?
Karera sa takbuhan hanggang maubos ang hininga; pagtawa hanggang sumakit ang tiyan;
Nakapaglaro ka rin ba ng espadaepadahen na gawa sa sanga ng puno ng kape.
Susmaryosep ang nadidinig mo pag nagpapaligo ng bata...
Kaawaaan ka ng Diyos kapag nagmamano.
Mapagod sa kakalaro, minsan mapalo; matakot sa ka sa "supay" na nangunguha ng batang makulit sabi ng matatanda.
Tuwang-tuwa kami pag tinalo ang tinale ni ama kasi may tinola!
Yung crush mo?
Pag recess: mamimili ka sa garapon ng tinapay pande blanco, kalihim odi kaya ay tambok na mainit? o kaya ay singkong pansit na may tawad pang mani
Pwede ring ang sukli ay kending Vicks (meron pang libreng singsing) o kaya nougat o karamel;
Kung gusto mo naman - pakumbo o kaya kariba,
mas masaya kung inuyat;
Puriko ang mantika, at mauling na ang mukha at ubos
na ang hininga mo sa ihip kasi mahirap magpa-rikit ng apoy.
Madami pa...
Masarap ang kamatis na piniga sa kamay at lumabas
sa pagitan ng daliri para sa sawsawan; ang palutong pag isawsaw sa sukang may siling labuyo; ang duhat kapag inalog sa asin; ang isa-sang isubo ang daliri kasi puno na ng kanin...
Halo-halo: yelo, asukal at gatas lang ang sahog;
Sakang ang lakad mo at nakasaya ka kasi bagong tuli ka; o naghahanap ka ng chalk kasi tinagusan ang palda mo sa eskwelahan.
Lipstick mo ay papel de hapon;
Labaha ang gamit para sa white-side-wall na gupit;
Naglululon ka ng banig pagkagising; matigas na amirol ang mga punda at kumot; madumi ang manggas ng damit mo kasi doon ka nagpapahid ng sipon, di ba? Pwede rin sa laylayan...
May mga program kapag Lunes sa paaralan;
May as-is o kaya ay dahon ng as-is kang dala kung Biyernes kasi magi-isis ka ng desk.
Di ba masaya? Naalala mo pa ba?
Wala nang sasaya at gaganda pa sa panahon na yon...
Masaya noon at masaya pa rin tayo ngayon habang ina-alaala iyon...
Di ba noon...
Ang mga desisyon ay ginagawa sa awit na "sino ba sa dalawang ito?
Ito ba o ito?" Pag ayaw ang resulta di ulitin: "sino ba sa dalawang ito? Ito ba o ito?"...
Awit muna: Penpen de Serapen, de kutsilyo, de almasen. How how the carabao batuten...
Presidente ng klase ay ang pinakamagaling, hindi ang pinaka-mayaman;
Masaya na tayo basta sama-sama kahit hati-hati sa kokonti;
Nauubos ang oras natin sa pagku-kwentuhan, may oras tayo sa isat-isa;
Naaasar ka kapag marami kang sunog sa sungka; kapag buro ka sa pitik-bulag o matagal ka ng taya sa holen.
Yung matatandang kapatid ang pinaka-ayaw natin pero sila ang tinatawag natin pag napapa-trouble tayo.
Di natutulog si Ina, nagbabantay pag may trangkaso tayo; meron tayong skyflakes at Royal sa tabi at pahihigupin ng mainit na Royco.
Kung naaalaala mo ito... nabuhay ka na sa
KAPAYAPAAN!
Pustahan tayo nakangiti ka pa rin!

Kung naka-relate ka sa lahat ng nabanggit sa itaas, ibig sabihin lang niyan ay.......... ...
MATANDA ka na! he he he... pero kung hindi ka maka-relate, padala mo na lang sa akala mo ay kapanahunan nya ito para maalala din niya at mangiti rin siya.



"There is only one happiness in life...to love and be loved."
_________________
JACOB L. DALAY
Father: Eusebio "Sebio" Baldemor Dalay +
Mother: Bonifacia "Pacita" Dalay +
Wife: Victoria "Vicky" Dailo Basa
Kids: Jayson, Jaevic and Jaydee
"Seek ye first the kingdom of God and all these things will be added unto you".
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail
Guest
Guest





PostPosted: Mon Jun 25, 2007 12:33 am    Post subject: Tama ka sa mga kwento mo. Reply with quote

...mayroon bang kasunod? Iyong tungkol naman sa binata at dalaga sa ligawan noong araw. Salamat!
Back to top
juan
Guest





PostPosted: Thu Feb 04, 2010 5:14 am    Post subject: Reply with quote

ang sarap balikan ng nakaraan, kung maaari lamang na maging ganun ulit ang kaugalian ng mga tao ngaun o ang kamumulatan ng mga kabataan....
Back to top
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Thu Feb 04, 2010 7:21 am    Post subject: Reply with quote

Jacob,

Nasa abroad ka baga?

Dahil yung mga nasa abroad at katulad ko na nagkakaidad na ay ganyan talaga ang mga naging karanasan at ala ala noong bata pa.

Bakit hindi mo isinama yung mga nakikipanood ng TV sa inyo noon dahil kayo lang ang open sa mga batang gustong manood ng TV sa gabi, at ilan lang ang may TV noon at yung ibang may TV ay di naman nagpapapasok natatandaan ko isang palito yata ang entrance fee hehehehe para makapanood ng TV sa inyo.

At ako ay palaging nangutang ng tambok sa tidahan nyo lista sa Ama ko na minsan ipinalilibre na ng inang Pacita. tapos noon ay kahoy ang pangatong kay lagi kaming nang hihngi ng pinagbatsuhan sa Amang Sebio.

Ay naku noon talaga bagamat simple lang ang buhay ay puno ng kasayahan at iilan pa ang mga tao na simula labas ng bayan, ilaya at ibaba halos ay magkakakilala pa kapag nga may dayuhan at nagtanong ka sa matanda ay sasamahan ka hangang makarating sa hinahanap nya at sagana pa dahil iilan pa ng mga kumukunsumo, noon hahatiran ka ng kalapit bahay mo ng ulam lalo na kung sobra. Sa ngayon ay mas dumadami ang nakakaranas ng hirap dahil na rin sa pagdami ng tao at kakulangan sa oportunidad kaya ang palaging sambit ngayon pagalingan na lang dumiskarte sa buhay minsan wala na rin masyadong damayan.

Salamat sa mga Paalala


Always
Winston
_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
nacklit
Forum Moderator


Joined: 02 Dec 2009
Posts: 129
Location: Teody Alberto

PostPosted: Sat Feb 06, 2010 5:25 pm    Post subject: Ang Kapayapaan, Bow! Reply with quote

Jacob;

Nakakarelate ako dito, ang ibig sabihin matanda na talaga ako!

Kaklase ko ang kapatid mong si Gilbert, nasaan na siya?

Minsan pinuntahan naming magkaklase, si Peng, ang bunso ninyo, sa Paete Central, isa siyang bright student. Kumusta na rin siya?

Hindi talaga nalalayo sa iyo ang dugong manunulat at direktor mula pa kay Direk Felix Dalay.

Kumusta na lang sa pamilya mo, ka batch ko ang bayaw mong si Patas na namayapa na, parang kailan lang, being a wel-to-do and prominent sa Paete, siya pa rin ang nanalo sa isang raffle na ginanap sa Canteen ng ELC, matalino siya at masigpag, sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa!
Back to top
View user's profile Send private message
Guest
Guest





PostPosted: Sat Feb 06, 2010 11:58 pm    Post subject: Reply with quote

Nakakarelate talaga ang mga sinabi mo at yang mga sinasabi mo ay yan amg mga naranasan ko sa buhay ko noon.Napakasaya kung gugunitain ko ang mga nakaraan ko noon.
Idagdag ko na ang pakikipanuod ko ng betamax sa kapitbahay namin na magbabayad ng 50 sentimos para sa isang pelikula. At pakikipag tumbangpreso sa aking mga kalaro.Hayyy kaysarap maging bata noon.
Back to top
Guest






PostPosted: Thu Feb 18, 2010 8:40 am    Post subject: Reply with quote

raise the roof,well said Mr.Dalay ,pakiramdam ko bumata uli ako,at yung pag-ayukud pag mahal na araw ang di ko malilimutan pagkatapos ng prusisyon eh kainan na
Back to top
errol f. isaac
Guest





PostPosted: Sun May 09, 2010 11:06 pm    Post subject: Reply with quote

Cobing ang galinhg mo matanda na talaga tayo. hehehehe
Back to top
Guest777
Guest





PostPosted: Sun Nov 07, 2010 12:12 pm    Post subject: Reply with quote

REMEMBERING THE GOOD OLD DAYS!!!!

Dahil half day lang ang pasok namin nuon sa Central, at kapag natapat na pang umaga ang klase namin nuon. Hayyyy sarap sa hapon tatakasan namin si Ama at si Ina at tatakbo kami ng aking mga katoto at malilligo sa Black Hawk.... di mo na kailangang dumayo pa sa swimming pool sa Pakil para makapag swimming... Hayyyy sarapp!!!! parang kailan lang...

God bless you all!!!
Back to top
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Ganito Kami Noon All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group