View previous topic :: View next topic |
Author |
Message |
whernas2001

Joined: 08 Sep 2007 Posts: 858 Location: beijing, china
|
Posted: Sun Nov 07, 2010 10:57 pm Post subject: Katutubong Pamalakaya sa Paete |
|
|
Ang mga pamalakaya noon sa bayan, sa Palayan, sa Laot, Dagat, sa Kainginin, Kabundukan at sa Kagubatan... ang iba sa mga pamalakaya ay naging mapaminsala lalo na sa ating mga wild animal...
Tangad...sa tanglaan at kagubatan mapaminsala walang sinisino kung sino ang mapadaan ay pwedeng tamaan ng de sabog.
Kariti... dito ko unang narinig ang salitang Guraymot sa amang Peping kapag ang huli ay guratsay at gurami at kaunti ang maririnig mo ay ih ih guraymot... pakaintindi ko noon ay guratsay na karampot pa...
Pasadsaran sa Laot...araw araw pwedeng pandawin kapag habagat...kalimitan ay yari sa kawayan at hagnaya isang uri ng baging gubat.
Bubo... Panghuli ng hipon may pain na niyog yari sa kawayan at uway.
Marami pa yung iba di ko na matandaan ang katutubong pangalan.
Salamat Po
Always
Winston _________________ what is life without something
whernas2001@yahoo.com |
|
Back to top |
|
 |
guess Guest
|
Posted: Mon Nov 08, 2010 12:01 am Post subject: |
|
|
Patungkab |
|
Back to top |
|
 |
vernavarro

Joined: 11 Jul 2005 Posts: 356 Location: Virgilio A. Navarro
|
Posted: Mon Nov 08, 2010 3:23 pm Post subject: |
|
|
Salapang,sinasalap, _________________ Walk a mile or two,its good for your health & your heart,eat proper diet a day our life live longer and be happy always. |
|
Back to top |
|
 |
Somyga
Joined: 13 May 2006 Posts: 250 Location: Somy G. Asido
|
Posted: Mon Nov 08, 2010 5:53 pm Post subject: Re: Katutubong Pamalakaya sa Paete |
|
|
whernas2001 wrote: |
Pasadsaran sa Laot...araw araw pwedeng pandawin kapag habagat...kalimitan ay yari sa kawayan at hagnaya isang uri ng baging gubat.
|
Winston ang pasadsaran ay sa may palayan na malaki pa ang tubig
na kayang lusungin, maraming gurami, dalag na nahuhuli.
Ang baklad ay nasa malalim na tubig (laot) na kailangan ang bangka
na papandawin ng maagang maaga (alas kuwartro ng madaling araw) na halos madilim pa. Kami ni ama ay bibili ng bibingka at mainit na tea ang aming umagahan. Ito yong hinding hindi ko malilimutan na nakasama ko ang aking ama sa pangingisda sa ating lawa.
Biwas naman ay maraming nahuhuli ayungin sa may Interwood.
O sigi at mag-iisip pa ako. _________________ Somy 'Gusti' Asido
Wife: Lulu Telesforo Asido
Magulang: Miming(+) & Doray Galaboc Asido(+)11 F. Sario St., Kapatid nina: Aida, Jojie, Tessie, Malou, Enchang, Bellie and Mario(+) |
|
Back to top |
|
 |
guess Guest
|
Posted: Mon Nov 08, 2010 6:12 pm Post subject: |
|
|
Salakab |
|
Back to top |
|
 |
guess Guest
|
Posted: Mon Nov 08, 2010 7:40 pm Post subject: |
|
|
Kitang |
|
Back to top |
|
 |
whernas2001

Joined: 08 Sep 2007 Posts: 858 Location: beijing, china
|
Posted: Mon Nov 08, 2010 11:43 pm Post subject: |
|
|
Salamat po amang Somy...natatandaan ko pa rin ang amang Miming noon lagi silang tatlohan sa bangka madaling araw kapag nadadaanan namin kung ako ay napapasama sa Ninong Doi pamamandaw ng Baklad at natatandaan ko ay akoy tuwang tuwa kapag akoy pinaguuwi ng Karpa... minsan naman ay ako ay pinipilyo pinatatalon ako sa loob ng baklad kapag alam na may duhol sa loob ng baklad...aba ay ang talon ko ay parang may spring sa paa na gustong umahon sa tubig... ay naku nakakatawa talaga kapag naaalala ko yun.
Noon ay usong uso ang pasadsaran ewan ko ngayon matagal na hindi nakakauwi ng habagatan.
Salamat Po
Always
Winston _________________ what is life without something
whernas2001@yahoo.com |
|
Back to top |
|
 |
guess Guest
|
Posted: Tue Nov 09, 2010 2:22 am Post subject: |
|
|
Si-ay |
|
Back to top |
|
 |
guess Guest
|
Posted: Tue Nov 09, 2010 2:26 am Post subject: |
|
|
Talabog |
|
Back to top |
|
 |
guest pa din Guest
|
Posted: Tue Nov 09, 2010 2:29 am Post subject: |
|
|
KALUPIAN....."maliit na LALAGYAN ng nga-nga,ikmo,apog"? |
|
Back to top |
|
 |
Guest777 Guest
|
Posted: Tue Nov 09, 2010 2:38 am Post subject: |
|
|
DALA - yari sa lambat.
Pangunguryente - gamit ang baterya ng tricycle... isa sa delikadong pamamaraan ng pangingisda.
God bless you all!!! |
|
Back to top |
|
 |
whernas2001

Joined: 08 Sep 2007 Posts: 858 Location: beijing, china
|
Posted: Tue Nov 09, 2010 4:13 am Post subject: |
|
|
guess wrote: | Kitang, Salakab, Si-ay,Talabog |
Mag aral tayo....
Kitang... Ito po baga yung maraming biwas na pain na puok, palaka, o bulate, kabit kabit sa nilon or tamsi na may 100 metro ang haba o higit pa.
Salakab... Ah alam ko ito... ito yung yari sa kawayan at uway na kalimitan ay ginagamit sa mababaw na palayan panghabol ng isda...
Si-ay ... ito ang hindi ko alam... ano ito?
meron pa baga gumagamit nito sa kasalukuyan?
Talabog po baga ay isa ring silbing pugad ng mga maliliit na hipong yayap na yari sa siit o dapu na pinuputol sa dulo ng puno ng lanzones????
Salamat po
Always
Winston _________________ what is life without something
whernas2001@yahoo.com |
|
Back to top |
|
 |
whernas2001

Joined: 08 Sep 2007 Posts: 858 Location: beijing, china
|
Posted: Tue Nov 09, 2010 4:42 am Post subject: |
|
|
Ito ay isang mapanganib na pasabog na inilalagay sa loob ng karne at ibinabaon ng bahagya sa lupa malimit ay sa mga unog ( daanan ng baboy ramo) ito iniuumang ...at kapag naamoy ng baboy ramo ay ngangasabin ito at kapag nakagat ang pasabog ay matutungkab ang panga ng baboy...
Salamat po
Always
Winston _________________ what is life without something
whernas2001@yahoo.com |
|
Back to top |
|
 |
guess Guest
|
Posted: Tue Nov 09, 2010 11:16 am Post subject: |
|
|
Tu-ba ( malumay ang Tu, pakupya ang ba) |
|
Back to top |
|
 |
guess Guest
|
Posted: Tue Nov 09, 2010 11:19 am Post subject: |
|
|
Para kay Mr.Hernas:
Ang si-ay ay silo na inilalagay sa pagitan ng mga tanim ng palay sa palayan. Dadaan ang ibon at masisilo ang kanilang paa. |
|
Back to top |
|
 |
guess Guest
|
Posted: Tue Nov 09, 2010 11:21 am Post subject: |
|
|
Skylab |
|
Back to top |
|
 |
Guest
|
Posted: Tue Nov 09, 2010 9:02 pm Post subject: |
|
|
BARADAG... TSAKA PURUPOT... |
|
Back to top |
|
 |
Guest
|
Posted: Wed Nov 10, 2010 3:38 am Post subject: Tuba |
|
|
Tuba(Malumay) - ito'y pamamalakaya na ginagawa sa mga ilog sa bundok ng Paete o saan man, gumagamit ng baging na nakalalason sa mga isda o may buhay sa tubig, ang epekto nito, lumulutang ang mga isdang nalalason at kaya madali na itong kinukuha sa ilog, subalit napakamapaminsala sapagkat pati maliliit ay patay, kaya ubos ang pupulasyon ng isda. Ito'y panandaliang paraan, kulang sa pangmatagalang pananaw, at kadalasan ay labag sa batas, subalit marami pa rin ang mga gumawa nito.
Tuba(Maragsa) - katas ng bulaklak ng niyog, inuming nakalalasing, siyang pinanggagalingan ng sukang orihinal na "Organic", hindi gawang kimikal.
Tubo(Malumay) - daluyan ng likido, "Pipe" sa ingles
Tubo(Malumi) - pakinabang, kinita, "Profit", sibol (gaya ng sa niyog) "Sprout" sa ingles
Tubo(Mabilis) - matamis na bangyas, "Cane Sugar" sa ingles
Tubo(Maragsa) - well, walang ibig sabihin ito, subalit masarap pag-aralan ang sarili nating wika, dahil napakayaman nito. |
|
Back to top |
|
 |
guess Guest
|
Posted: Wed Nov 10, 2010 4:28 am Post subject: |
|
|
Bitag |
|
Back to top |
|
 |
whernas2001

Joined: 08 Sep 2007 Posts: 858 Location: beijing, china
|
Posted: Wed Nov 10, 2010 8:02 am Post subject: |
|
|
Anonymous wrote: | BARADAG... TSAKA PURUPOT... Skylab |
ano ang nahuhuli naman nito?
Meron pa rin bagang Dulong sa Paete? ano ang panghuli nito?
Salamat po
Always
Winston _________________ what is life without something
whernas2001@yahoo.com |
|
Back to top |
|
 |
guess Guest
|
Posted: Wed Nov 10, 2010 1:46 pm Post subject: |
|
|
Para kay G.W.Hernas,
Ang skylab ay yari sa chicken wire, rectangular shape na may butas na parang pinto sa ibabaw kung saan papasok ang isda. Ito ay para sa mababaw na palayan na may tubig. Para ding pasadsaran ang pinaglalagyan. May pain din, kaya pagpasok ng gurami o tinikan, mahuhuli ang isda sa loob ng skylab. Maraming ganyan sa mabababaw na pangisdaan sa mg palayan. |
|
Back to top |
|
 |
guess Guest
|
Posted: Wed Nov 10, 2010 9:08 pm Post subject: |
|
|
Saltik |
|
Back to top |
|
 |
guess Guest
|
Posted: Wed Nov 10, 2010 9:28 pm Post subject: |
|
|
Patda |
|
Back to top |
|
 |
guess Guest
|
Posted: Wed Nov 10, 2010 9:29 pm Post subject: |
|
|
Patibong |
|
Back to top |
|
 |
guess Guest
|
Posted: Wed Nov 10, 2010 9:30 pm Post subject: |
|
|
Pukot |
|
Back to top |
|
 |
|