 |
USAP PAETE Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
|
View previous topic :: View next topic |
Author |
Message |
Bulanggugo....... Guest
|
Posted: Mon Oct 07, 2013 12:19 pm Post subject: Magalang ang mga taga-Paete |
|
|
Hindi ko malimutan ang mahigpit na tagubilin ng aking mga magulang "noong panahon ng aming kabataan." Ang mga katagang Po at Opo ay laging inaasahan sa pakikipag-usap sa nakakatanda.
Sa aking paglakad sa gabi, hindi ko nalilimutang mag-"Magandang gabi po" sa aking mga nakakasalubong sa daan. At kung kilala ko rin lang naman ay kasunod ang pangalan tulad ng "Magandang gabi po Inang Teresa, o Amang Indo......
Ang pagiging magalang ay tanda ng kababaang loob at pagkilala sa mga matatanda sa atin. Ito ay isang pagpapakilala rin sa iyong katauhan, sa iyong uri ng pagkatao.
Kung minsa yata ay natatakot na ang matatanda sa atin na makasalubong ng mga kabataan na "maiiingay, magugulo, at walang paggalang o pagkilala man lamang." |
|
Back to top |
|
 |
Bulanggugo. Guest
|
Posted: Thu Oct 10, 2013 11:30 am Post subject: Ikaw-Kayo_Sila |
|
|
Ang usted ay isang salitang Espanyol na may paggalang o recognition sa nakakatanda o may posisyon sa buhay.
Ang mga taga-Paete ay hindi tumutukoy sa nakakatanda na gagamit ng ikaw, o ka sa pakikipag-usap.
Bagkus, ang gagamitin ay sila o "third person, plural."
Halimbawa, sa halip na "kumain ka na ba?" ay ganito ang sasabihin- "kumain na po ba sila?"
"Ikaw ba ay kumain na?" >> "Kayo po ba ay kumain na?"
" Kumusta ka na?" >> Kumusta na po sila o kayo?"
Ito ay katulad ng paggamint ng "thee, thou, thine" sa Ingles.
Gumagamit pa kaya ang ating mga kababayan ng ganitong pag-estima sa matatanda ngayon? |
|
Back to top |
|
 |
|
|
You can post new topics in this forum You can reply to topics in this forum You cannot edit your posts in this forum You cannot delete your posts in this forum You cannot vote in polls in this forum
|
Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group
|