 |
USAP PAETE Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
|
View previous topic :: View next topic |
Author |
Message |
emmanuel.adefuin Guest
|
Posted: Sun Mar 07, 2010 11:49 pm Post subject: Mga Ulam at kakanin sa Paete |
|
|
Mga Minamahal kong Kababayan na nasa ibang bansa para sa inyo ang topic na ito. Di niyo namimiss ang mga sumusunod :
Tinuto o Laing
Pinaniki
Humba o Paksiw na Pata
Ginataang Hipon na may Pinya at Kamias
Sinalab na Dalag
Bibingkang Hipon - ni Inang Linda Paelmo sa Maytoong
Palatok at Sinaing sa Gata
Biringhi
Lumpiang Sariwa- gawa sa singkamas
Kaswelang dalag o Tilapya sa kamias
Sinampalukang Manok na tagalog
Adobo sa Gata
Adobong kangkong
Pritong siga siga na biya
Pinangat na ayungin
Pansit Ulam ni Benga at Boy Macao
Oh baka po may maidadagdag kayo sa paksang ito, simulan na po natin hanggat mainit pa hehehe ako po uli ang kapural |
|
Back to top |
|
 |
paetechie

Joined: 20 Mar 2006 Posts: 91 Location: kahit saan
|
|
Back to top |
|
 |
Guest
|
Posted: Tue Mar 09, 2010 6:20 am Post subject: |
|
|
how about ang mga eto payteng payte lang yan;
laksa(puso ng saging)
minukmok
miklo
at ang usap paete na na sinarubot na ulam |
|
Back to top |
|
 |
tagabukid Guest
|
Posted: Tue Mar 09, 2010 8:05 am Post subject: |
|
|
wala bagang nag uulam sa inyo ng pang mahirap
paksiw na galungong
pritong dilis
ginataang kuhol
bibingkang dulong
pritong bangay ngay
inihaw na tuyo
pinaibabaw na talbos ng kamote sa sinaing na kanin
sinaing na tulingan
pritong talong na may toyo at sintunis
tortang talong
ginataang gabi
adobong dagang bukid
pritong kabakab
pinakulong talbos ng gabing san fernado
pritong daing na pantat
ginisang sardinas na may patola
ginataang talbos ng kamoteng kahoy
o hayan meron pa kaya lang di ko na maalala yung iba pa, nakakatikim din naman ng masarap kapag nakapamiyesta sa ibang bahay  |
|
Back to top |
|
 |
Guest
|
Posted: Tue Mar 09, 2010 10:30 am Post subject: |
|
|
Anonymous wrote: | how about ang mga eto payteng payte lang yan;
laksa(puso ng saging)
minukmok
miklo
at ang usap paete na na sinarubot na ulam |
Bai ...yong sinarubot na ulam ay laging niluluto ni Ina.Masarap....simpleng halohalo na gulay ,kung ano na lang ang lahok ..yon ...yon. Ginagawa ko rin dito yon...sarap din itong waswit ko.Sayng ang mga gulay kung mabubulok lang ,di ba?
Ibang luto pa: Inulang
Iskabetcheng pritong isda
hinopi(talbos ng kamote)
Nilaga or sinigang na ayungin o tilapia
pritong daing na maliliit na tilapia o pauton
batchoy
paksiw na letchon, isda
paksiw na may gata(ayungin o biya)
karpang inihaw saka gagatan
Pako na may gata na may tinapa
Pritong hawut (tuyo)
tsampuradong mayapot
o sige sa uulitin.
Alicia of SD |
|
Back to top |
|
 |
Guest Guest
|
Posted: Sun Apr 18, 2010 1:20 am Post subject: paborito kong ulam |
|
|
ginataang kamansi
sinalab na hito
ginisa o kaya ay ginataang itlog ng karpa
itlog ng hito, dalag at ayungin
laba ng penoy sa kanin, budbod ng asin
paborito ng dada ko ay kanin na lalab-an ng pulot, o kaya ay ng ripinado at tubig (surprisingly, an anglo friend shared his folks had this sugar and water over rice, and he was from a middle class background)
alamang na ginisa sa chicharon, katono ng lanzones
paksiw na lechon
kay ina naman ay natutunan ko ang mangga kaulam sa kanin, o kaya ay preserved santol ang pang ulam
miklo at turon at kamote-Q
baong kamote, na nagiging musical sa klase
suman sa palaspas at suman sa dahon ng saging (lihiya?) na may budbod na niyog, asukal at something else, pag papasko kaulam sa sotanghon
nauso din ung magbaon ng gatas sa bote ng ketsup
at kending gawa sa skimmed milk na binalot ng refined sugar
yena (?)
tsokolateng malapot
Milo - drinks or pinapapak sa balisusong papel
Palamig ng Inang Luming sa PES
Misua na may hibe |
|
Back to top |
|
 |
Guest777 Guest
|
Posted: Sun Nov 07, 2010 12:34 pm Post subject: |
|
|
Ukoy na may malalaking biya at hipon may sawsawang sukang may sili...
Kropek at sukang mahanghang pang ulam sa bahaw tuwing hapon pinakameryenda sa ukitan..
God bless you all!!! |
|
Back to top |
|
 |
Guest
|
Posted: Mon Apr 25, 2011 8:35 am Post subject: |
|
|
Sa pang himagas naman ay..walastik- minatanisang saging na Saba na nilagyan ng yielo at gatas, bagkat- matamis na bao,tamarindo- minatanisang sampalok, kalong- kaling,nilagang gabi na isinasawsaw sa gumaan niyog at repinado. at binatog, bukayo,tutong- nilugaw sa gata at nilagyan ng binusang balatong. Ilan lamang po sa paborito ko. |
|
Back to top |
|
 |
Guest
|
Posted: Thu Oct 31, 2019 8:09 pm Post subject: |
|
|
Akoy tags Sta. Cruz, Laguna nasa Canada. Matagal ko nang hanap ang Kaswelang dalag recipe. Pwede po bang malayan ang recipe. I'm dying for it. Please... |
|
Back to top |
|
 |
Guest
|
Posted: Tue Nov 05, 2019 8:16 am Post subject: |
|
|
Sa Taga-Sta. Cruz,
Dito sa website ay kunti na lang ang bumibisita kaya baka walang sumagot sa iyong tanong. Baka hindi naman alam ng mga nakakita sa iyong post ang recipe na gusto mong malaman. Pero, mag-check ka rin paminsan-minsan, baka sumagot din sa iyo. Ang karamihan ng dating kasali dito sa Usap Paete ay nasa Facebook na. Subukan mo kaya doon. Sorry.
Taga-Paete |
|
Back to top |
|
 |
|
|
You can post new topics in this forum You can reply to topics in this forum You cannot edit your posts in this forum You cannot delete your posts in this forum You cannot vote in polls in this forum
|
Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group
|