SIMPLE LANG ANG BUHAY
Select messages from
# through # FAQ
[/[Print]\]

USAP PAETE -> Ganito Kami Noon

#1: SIMPLE LANG ANG BUHAY Author: MingLocation: Georgia PostPosted: Sat Apr 23, 2011 12:02 pm
    —
Natatandaan ko si Dada Julian "Menang" Madrigal, ama ni Ina noong lumalaki pa lamang ako mga grade school ang gulang.

Tinuruan niya akong mga-sinangag na maraming bawang. Simple lang ang pagluluto nito, kaya lamang ay ang mahirap ay ang magsimula ka ng apoy sa kalan. Yun bang mga tuyong kahoy, pinagtagiliranan ng bakya kung minsan. Lalagyan pa nga ng gas para mag-apoy, tapos sisindihan ng posporo......tapos biglang siklab ng apoy...blam.....nakakagulat lalo sa isang batang tulad ko.

Tapos ang init ng init ng kahoy na nag-aapoy, yun bang nakakasunog talaga ng balat. Hndi lang yun, mausok pa kung minsan at napapaiyak ka sa hapdi....alam mo yun?

Pero masarap ang luto sa apoy ng kahoy di tulad ng sa de-gas o koryente tulad ngayon. Kapag may kapeng barako na bili kay Iyaw, pandesal na pagkasarap-sarap, mantekilya, at TUYO......ayos na ang umagahan......

Haaaay ang sarap ng buhay noon....simple lang masaya ka na.

#2: Re: SIMPLE LANG ANG BUHAY Author: simone PostPosted: Sat Apr 23, 2011 4:26 pm
    —
[quote=
Ming, Napakagandang mga alalala noong araw.Lahat na iyan ay naranasan ko.Sa umaga ay aapuyan na ang kalan ng panggatong na kahoy...panay ang lagay ng kuyumus na diaryo o anumang papel sabay sindi ng posporo at hihip ng hininga mo o kaya ay paypay ng carboard....bai kahirap puros asap...luha luha sabay tulo uhog(pasensiya na) ,but pag nag apoy na naman ay tuloy tuloy na ang pag luluto katulad ng pagpapainit ng kalderong may latak ng old kape na dadagdagan na lang ng tubig at bagong kape para maglasang kape uli,mag gigisa ng alamang o kaya pritong tuyo at siyempre may sinangag ng bahaw sa pinag gisahan ng alamang o kaya ay sa pinagprituhan ng toyu.Yon kakain na ng umagahan, nagkakamay ,laba sa kape... bai bali kasarap.Minsan naman ay nag papakulo na kami ng tubig na may asin,kanin kaunti at sibuyas
sa umaga habang inaantay si Ama galing dagat...pag dating pili na kaagad ni Ina yong malalaki para itinda at yong maliliit na ayungin at tilapia aming ihuhulog sa pinakuluang tubig parang nilaga....yan ang umagahan may sabaw....quite weird breakfast but fullfilling sa ating mga tiyan lalo noong araw......that is basic life.....sarap buhay talaga noong araw.

Pag tapos ng pagluluto ay binabastiya naman yong kalan ng abo ng mga kahoy na pinanggatong...yan ready na uli yong kalan sa susunod na pag luluto ...anu naman kaya ? Malimit lutuin ni Ina ay Paksiw o sinigang ayungin at pritong maliliit na tilapia o pauton na tira na hindi mabenta... bae baling bali.Sa ngayon pag nag pupunta ako sa Seapfood CIty or Asian Market ay binibili ko ay yong mga buhay na tilapia o kanduli sa tank dahil sariwang sariwa...ako pa rin ang naghihinain dahil mas gusto ko ang pag lilinis ko...nakasanayan baga.
Pasensiya na napahaba na ang kuwento ko...napakaganda gunitain,di ba?
Happy Easter to you!
Babyruth (AAB)


"Ming"]Natatandaan ko si Dada Julian "Menang" Madrigal, ama ni Ina noong lumalaki pa lamang ako mga grade school ang gulang.

Tinuruan niya akong mga-sinangag na maraming bawang. Simple lang ang pagluluto nito, kaya lamang ay ang mahirap ay ang magsimula ka ng apoy sa kalan. Yun bang mga tuyong kahoy, pinagtagiliranan ng bakya kung minsan. Lalagyan pa nga ng gas para mag-apoy, tapos sisindihan ng posporo......tapos biglang siklab ng apoy...blam.....nakakagulat lalo sa isang batang tulad ko.

Tapos ang init ng init ng kahoy na nag-aapoy, yun bang nakakasunog talaga ng balat. Hndi lang yun, mausok pa kung minsan at napapaiyak ka sa hapdi....alam mo yun?

Pero masarap ang luto sa apoy ng kahoy di tulad ng sa de-gas o koryente tulad ngayon. Kapag may kapeng barako na bili kay Iyaw, pandesal na pagkasarap-sarap, mantekilya, at TUYO......ayos na ang umagahan......

Haaaay ang sarap ng buhay noon....simple lang masaya ka na.[/quote]

#3:  Author: amor s. kagahastian PostPosted: Sat Apr 23, 2011 8:09 pm
    —
ming at babyruth,

totoong masarap gunitain ang simpleng buhay noon.

ming, kami naman para makatipid sa pang-ulong ay yon may lagarian ang ginawang kalan. yung may lata na pupunuin mo ng lagarian at didikpiin pero may bote sa gitna at gild para siyang maging pinakatunnel. ay masarap nga ang sinangag at nilabaan ng kapeng barako na ilang beses nang pinakuluan, hehehe.

babe,

uso nga noon ang bastiya ng kalan, expert ako jan! ay ang kang diding maaga pa ay andun sa amin sa ilaya, lako ang ayungin na paborito ko. at laging may tawad para kay ina. marami siyang suki roon palibhasa'y nasa lugar namin ang lahi ng adobo ni amang pablo: sina kang mary, naty(idel), ana(nick) inday(goyo), ely(santos), seding. katuwaan lagi pag nag-ipon-ipon sa harap ng bilao ng ayungin sa tapat ng bahay namin. tapos lahat ay pandalas na uuwi para iluto ang ulam. kaya't kaming magkakalapit-bahay ay pare-pareho ng ulam, hehehe.

marami pang masarap gunitain . . . next time ulit.

#4:  Author: Guest PostPosted: Sun Apr 24, 2011 7:30 am
    —
Toto Ming, sino ba si Babyruth?

#5:  Author: simone PostPosted: Sun Apr 24, 2011 10:04 am
    —
Inang Amor,
Sa kamag anak lang ay ubos ang paninda ni Ina,sa dami baga ng kamag anak sa Aseoche.Minsan nga po pag madaming huli si Ama ay pinag lalako ako ni Ina ng isda.Dalagita na po ako noon kaya medyo nahihiya mag lako kaya ang gagawin ko ay pupuntahan ko na lang yong mga kamag anak namin sa Afunggol at Aseoche...bai ubos kaagad ..kulang pa, kaya sasabihin ko na lang "bukas na po".
Ang kagandahan pa po ng paninda namin ay may taglay pang gulay , okra at sitao.
Talaga po na pakaraming mga alaala noong araw na napakasarap gunitain.
O sige po, sana yong iba ay mag share din ng kanilang nakaraan.
Nakita ko siya sa mga pictures na posting ni Vice Lady.Nakakatuwang tingnan..paulit ulit...bai nahohome sick na naman...kauuwi lang baga last Feb.

Babyruth(AAB)

#6: Nadaanan ko ulit...mga pagkain sa atin Author: Ming B PostPosted: Tue Aug 09, 2011 2:08 pm
    —
Ang isang gusto kong matikman ulit na hinahanap-hanap ko ay ang "pritong hipon ni Inang Seryang sa Jacinto Street, malapit kina Pareng Teddy.

Pagkagaling ko sa ELI at kulang ang ulam (o hindi kursuda kumbaga) ay sugod kina Inang Seryang. Isaw-saw mo sa sukang maraming bawang, tapos bahaw......grrrrr tapos ang laban.

Yung Kesong PUti ng Sta. Cruz ay miss ko rin.....ulam sa sinangag sa umaga at saka kape.....bai...bale kasarap..... ang sasabihin mo ay "bibili ka ng dahon....may tawad na kesong puti" hheehehehe dahil katiting na lang..

At saka yung adobo sa gata na itlog ng karpa ang talagang napakasarrrrraaaap.....as in.....kuha nyo???

Dugtungan natin....

#7:  Author: jcgirlea PostPosted: Tue Aug 09, 2011 11:27 pm
    —
ang namimiss ko naman po ay ang bibingkang hipon ng Inang Linda at matamis na santol...na pinapanood namin ang pagbabalat at tapos ay ang suman na tinatanghudan ko rin habang binibilot ang palaspas.

at saka po yung bibingka sa quinale na may itlog na pula sa ibabaw, bai na ay kasasarap.

at ang tinuto ng inang ? (asawa ng Amang Dolfo Navarro) wanted ka Lilay...nalimutan ko pangalan ng Inang??(sister) nasa dulo na ng dila ko ay...kainman na:) ay pag kasarap po nman ng tinuto:))

#8:  Author: amor s. kagahastian PostPosted: Wed Aug 10, 2011 6:07 am
    —
sino sa inyo ang nakatikim ng palatok at suman namin?

elementary grades ako noon, pagkalabas ko sa school sa tanghali ay dadaan ako sa talipapa sa likuran ng ermita chapel pa noon. naroon si dada juana (ina ni ina) at may tindang palatok at suman. kakain muna ako at pagkatapos ay isa-isa kong lilikumin ang mga dapat na iuwi at tutulungan ko si dada sa pag-uwi.

nang mamatay si dada, sina ina at mga kaka ko ang siyang nagluto at nagtinda naman. tapos noong high school na ako tuwing bakasyon ay naglalako ako nito. may dalang kaldero ng palatok ang isang kamay at basket na may suman ang kabila. tapos sisigaw ako ng "Palatok ... suman, bili na kayo. sa quinale ang simula ng ruta ko at sa kalaunan dahil may suki na ako , hindi na ako nakararating ng ibang purok at ubos na agad. may porsiento ako na inihuhulog ko sa alkansiya at pag pasukan na ay pambili ng gamit.

pero ang nakatutuwa ay ang proseso ... maggigiling ng malagkit sa hapon, at kapag okay na ang galapong, mga 7-8 ng gabi ay gagawa na ng bilog-bilog. pabilisan kami at paramihan, minsan naiiba na ang korte kaya uulitin namin. madaling araw kung ito'y lutuin kaya minsan ang mga suki ko ito ang almusal.

#9:  Author: LudyLocation: Lourdes Valdecantos PostPosted: Fri Aug 12, 2011 3:07 pm
    —
Ako!!! Very Happy Wink paborito ko yan sa umagahan mam amor...umiiyak ako pag naubusan he he he, kaya si nanay ay laging nag aabang...sarrraappp...hanggang ngayon ay nagluluto si nanay para sa amin nyan...pati yung kaibigan kong Chinese na si Lucy ay naging paborito yan, kaya lang madaling magdagdag ng pounds sa katawan Very Happy

Ang mga iba't ibang laro ang hilig ko nun, sa pagluluto ay talagang wala akong matandaan na niluto ko he he he...sa layasan ay nangunguna ako nun, pag akyat sa puno, pagbabasa ng komiks, pamamahaw, paglalaro sa bubungan ng bahay...including Minda's house, tatawid kami sa bintana papunta kina Aida Asido...pabalik balik ay simpleng kasiyahan na nun. At ang mga napakalinaw na mga talaga sa loob ng bahay nina Aida at Susana ay tandang tanda ko...napakalamig. Siguradong pag tinesting yun ngayon ay alkaline water.

O sige Mam Amor, hindi ko mapigilan na di sumagot sa tanong mo Wink Very Happy


amor s. kagahastian wrote:
sino sa inyo ang nakatikim ng palatok at suman namin?



USAP PAETE -> Ganito Kami Noon


output generated using printer-friendly topic mod. All times are GMT - 5 Hours

Page 1 of 1

Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group