Quote: |
leeq wrote: |
Ioannes Ioventus SanctorafaeliCajipe posted in Sagip San Cristobal.
Ioannes Ioventus SanctorafaeliCajipe 10:59pm Aug 14 Maraming salamat po sa inyong pag bibigy sa amin ng moral support upang ipag patuloy ang mga hangarin ng ating proyektong Sagip San Kristobal. Ikina lulungkot po namin na matapos kming bisitahin ng National Historical Commission of the Philippines ay hindi na po ulit sila nag pahiwatig ng kahit anong update. pero ayon po sa kanila wala silang maibibigay na kahit anong financil na tulong kundi technical sup[port laman na mag lalaman ng mga dapat gawin at mga materiales at gastusin na gagamitin sa ating Pinta ng San Kristobal. Matapos po niyon ay dapat tayo daw po ang mag hahanap ng conservators na syang gagawa sa nasisirang Pinta. Marami pong conservators ng nag papahiwatig at nais na sila ang trumabaho subalit dahil po tayo ay nasa ilalim ng NHCP ay dapat daw pong aprobahan muna ng NHCP kung ano at sino ang gagawa sa higanteng Pinta ng ating Bayan. matapos po na sila ay dumalaw ang NHCP at makita nilang karamihan po sa aming mga kasapi ay mga kabataan tila yata sila ay nagulay at nag sabi kung wala daw bang ibang mas nkakatanda na dapat nilang pakipag ugnayan? simula po noon ay sunod sunod narin po ang aking/aming gawain sa Parokya bilang pangulo ng Pastoral Council at nawalan po ako ng pag gabay sa mga kabataang ito na ngayon po ay pinga hihinaan ng loob. may mga donasyon pong dumating na hindi aabot ng Limng Libong Piso. pero bilang paunang hakbang upang lalong iwasan ang mabilis na pag kasira ng ating Higanteng Pinta ay nag lagay po kami ng bakod sa lahat ng Pinta sa ating simbahan at umabot po ng limang libong piso ang nagastos dito. sa ngayon po ay wala po kaming alam na paraan kung paano tatanggapin ang mga donasyon liban sa pag papadala nito sa amin personal man po oh pera padala na kana address sa opisina ng ating parokya at naka care of po sa akin. pero mas mainam po kung mag kakaroon kmi ng bank accnt para doon po i deretso ang mga tulong pinansyal subalit iasa parin pong suliranin ang magiging initial na pondo upang makapag bukas ng bank account. sa ngayon po ay nag patawag po kami ng isang General assembly sa huwebes sa mga taga paeteng bukas ang puso at may interes na tumulong sa proyektong ito. ang programa po sa huwebes ay ang pag papakilala sa kahalagahan ng higanteng pinta ang sa proyekto mula po doon malalaman namin ang susunod na hakbangin. sa akin pong palagay at suhestiyon siguro po itao ay magiging mas maayus kung mayroon isang matibay na grupo at may kredibilidad ang syang mag hahawak ng pondo at pag naipon na po ito at may roon ng dapat hakbang na nangangailangan ng pera ay tsaka lamang ito ipag kaloob par sa mga gastusin. mas mainam po kung ito po ay pangungunahan ng Paetenians na may malaking kredibilidad at maaring pasinayaan o kaya naman ay itampok sa darating na balik Paete at makita ng lahat ng ating mga kababayan sa ibayaong dagat at dito sa atin ang bunga ng ating pag tutulungan at pag titiwalaan. salamat po. Bro. John Joven S. Cajipe Taga-pamahala PPC-president View Post on Facebook · Edit Email Settings · Reply to this email to add a comment. Mga mahal kong mga kababayan sa Paete at sa Internet, please come now and join to help these kids.... let's make it a community labor of love...... the FB group needs leaders! i know you are all here..... it will be God's work we will all be doing. to help each other help these kids on this project tleetlee |
leeq wrote: |
Ioannes Ioventus SanctorafaeliCajipe posted in Sagip San Cristobal.
Ioannes Ioventus SanctorafaeliCajipe 10:35pm Aug 14 ANG GAGANAPIN PONG GENERAL ASSEMBLY PARA SA SAGIP SAN KRISTOBAL PROJECT SA DARATING NA HUWEBES AY TATALAKAY SA MAKULAY NA KASAYSYAN NG ATING BAYAN AT SINING NA LAGING NA NGUNGUNA SAAN MANG SULOK NA MUS\NDO. TAYO PO AY MAG UUSAP USAP KUNG PAANO NATIN MAPAPANATILI ANG SINING NA ITO NA NA NGANGANIB NG MAG LAHO DAHIL SA KAPABAYAAN NATIN SA PAMAMAGITAN NG HINDI PAG ALAM SA KAHALAGAHAN NITO. ITO PO AY MAG PAPAKITA NG ATING TUNAY NA PAGIGING PAETENOS. MAG KITA KITA PO TAYO SA ATING SIMBAHAN NG PAETE AT TUKLASIN ANG GANDA AT HIWAGA NITO.... View Post on Facebook · Edit Email Settings · Reply to this email to add a comment. |
Quote: |
LAHAT TAYO, GUSTONG MAAYOS ANG BWISIT NA LARAWANG YAN! |
leeq wrote: |
Joel Aldor
SA LAHAT NG NAKAKABASA, Kung hindi nyo pa nalalaman, ang PHCHC po ay nabuwag na at wala nang katuturan sa proyekto ng San Cristobal, ayon kay Joven. Kamakailan lang ay napag-desisyunan ni Joven na ibigay ang buong karapatan sa proyekto ng restorasyon sa mayor. Una sa lahat, gusto naming magpa-salamat kay Mayor Cadayona at nagpakita sya ng malasakit sa proyekto. Maaari ngang mas-mapapabilis ang proyekto kung ang munisipyo ang kikilos. Ngunit ang ikinasasama ng loob namin ay ang di pagpapa-alam ni Joven sa grupo natin na ang PHCHC ay wala nang partisipasyon sa nasabing proyekto. Sa naging usapan namin ni Joven, sinabi nyang ini-atang na nya LAHAT ang kapangyarihan sa mayor, at nasabing hindi na tayo kakailanganin dahil ang National Museum na ang gagawa ng nasabing restoration. Alam nyo naman na may mga mabibigat akong pasubali (serious reservations) sa plano ng National Museum na tumulong, at nasabi ko na rin sa inyo yan dati, na bagaman sila'y isang ahensya ng gobyerno natin, marami silang naging proyekto sila dati na pumalpak at mas-lalong kinasira nito (e.g. ang mga stucco bas relieves ng Dupax del Sur Church sa Nueva Vizcaya, mga larawan sa loob ng San Agustin Museum, at iba pa). Ang reputasyon nila sa larangan ng art conservation ay hindi maganda sa mga nagdaang taon, kaya ang mga ibang mga patuloy ngayong heritage conservation projects (e.g. San Sebastian Basilica, Albuquerque Church sa Bohol, etc.) ay ginagawa ng mga expert, independent conservation professionals at hindi humihingi ng tulong sa Nat'l Museum dahil iniiwasan nilang mas-lalong masira ito. At sinasabi ko nga matagal na sa mga nakaraang pagpupulong natin, ay dapat gawin ang restoration na hinahawakan ng mga expert professionals. Getting National Museum to do the work means courting disaster. We should do everything we can to have the restoration done properly, regardless of the cost. WE CAN'T AFFORD TO HAVE A BOTCHED RESTORATION FOR THE SAN CRISTOBAL. Ang ikinagalit ko sa ginawa ni Joven ay ang di niya pag-sabi sa mga taong may kinalaman dito. Sa pagkaka-alam ko, at malamang sa pagkaka-alam nating LAHAT, ang PHCHC pa rin ang may liderato sa nasabing proyekto. Inaamin natin, marami tayong mga pagkukulang rin bilang mga miyembro ng grupo dahil sa mga ibang gawain natin sa pangaraw-araw na buhay. Ngunit nandun pa rin ang nais nating maiayos itong lahat at maisagawa ang proyekto ng matagumpay. Kelangan lang talaga ng panahon at pagsisikap. Kung ninanais ni Joven na mai-ayos ng magaling at madali ang San Cristobal, gayundin rin kami. LAHAT TAYO, GUSTONG MAAYOS ANG BWISIT NA LARAWANG YAN! Sana lang nagkaroon sya ng desensya (decency) at delicadeza na ipag-paalam muna sa atin lahat na mawawalan na tayo ng lugar sa proyekto, bago nya hinabilin sa mayor. Naduduwag ka ba Joven na di mo maitayo ng maayos ang grupo na inatang sa yo? Bumibigay ka na ba? Pasensya na kung naghihimutok ako ng ganito, subalit di nyo ako masisisi. Mahigit isa't kalahating taon ko ring pinagsikapang maitayo ang mga adhikaing ito sa bayang napamahal na sa akin...para lang sa ano? PARA MAETSE-PWERA na lang bigla? Kung ikaw inalisan bigla ng karapatan, NG WALANG PASABI, hindi ka ba magagalit? You have a lot of explaining to do, Joven. Hindi lang sa akin, kundi SA LAHAT. Lahat ng tao dito sa PHCHC at Sagip San Cristobal ay naghihintay sa sagot mo. Joel CC: Nilo Valdecantos, Esmeraldo Dans, June Dalisay, Christian Aguilar THANK YOU JOEL! |
output generated using printer-friendly topic mod. All times are GMT - 5 Hours