#1: Sining sa Entablado Author: Ming Baldemor....Bulanggu, Posted: Fri Mar 30, 2012 7:12 am Hindi ko malilimutan ang mga..ano nga bang tawag doon...."trahedya or komedya?" na ginaganap sa Plaza Edesan twing panahon ng San Antonio de Padua -Nobyembre kada taon.
Bakit kaya hindi na ginagawa ito.....isang sining-kultura na dinudumog ng mga tao "noong araw."
Ang isang eksena dito ay yung may naka-kubol sa gitna-unahan ng entablado na tumutulong mag-dikta ng mga dialogue kapag nalilimutan ng mga aktor.
Minsan nga ay napalayo ang bidang lalaki at medyo parang nalimutan ang sasabihin, at nakatingin sa "taga-bulong" kumbaga.........
Ang sabi ng tagabulong ah.."lumapit-lapit ka't baka di mo marinig"
Biglang nagsalita ang bida sabay kumpas sa kanyang espada at ang diga.."LUMAPIT-LAPIT KA'T BAKA DI MO MARINIG!!!"
Yung nakaintindi sa nagyari ay nagtawanan....yung iba pumalakpak.......heheheheheh.....hindi ko ito malilumutan...