SINO ANG TUNAY NA HARI
Select messages from
# through # FAQ
[/[Print]\]

USAP PAETE -> Sisteng Paete

#1: SINO ANG TUNAY NA HARI Author: MING aka Bulanggugo PostPosted: Thu Nov 29, 2012 2:48 pm
    —
Sino ang tunay na hari……

Isang kaibigan ang nag-kwento sa akin ng tungkol sa kanyang anak na si Juan.

Gabi na at wala pa ang kanyang asawa na dumalo sa isang pagtitipon ng mga kababaihan. Hiniling ng anak niyang si Juan na basahin pa-kwento ang isang pambatang aklat na hawak-hawak bago siya matulog.

“Isang matanda ang marahang naglalakad suot ang kanyang tsinelas patungo sa palengke,” ang simula ng kaibigan kong si Mario.

Pinigil siya ni Juan at sinabi, “Itay, bakya ang suot ng matanda hindi tsinelas.”

Sinulyapang mabuti ni Mario ang aklat at nagpatuloy, “marahang dumampot ng mga gabe ang matanda matapos alamin kung magkano ang mga ito.”

Muli ay sumingit si Juan sa kanyang ama at sinabi, “Ama, hindi gabe ang mga yun, mga patatas.”

“Juan,’ ang mariing bigkas ni Mario, ‘Wala namang mga salita dito at puro litrato lang, bakit ba marunong ka pa sa akin?”

“Yun po kasi ang sabi ni Inay,” ang mabilis na tugon ni Juan.

“Sino ba sa tahanang ito ang hari, sino ang dapat sinusunod?” ang may pagka-pikon na sagot ni Pareng Mario.

Saglit na nag-isip ang bata at sinabi, “ Ikaw po Ama.

Lihim na nangiti ang kaibigan ko at sumusog, “Yun naman pala eh…….ngayon alam mo na.”

“ Sabi po kasi ni Inay,” ang mabilis na sagot ni Juan.



USAP PAETE -> Sisteng Paete


output generated using printer-friendly topic mod. All times are GMT - 5 Hours

Page 1 of 1

Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group