orasyon
Select messages from
# through # FAQ
[/[Print]\]

USAP PAETE -> Ganito Kami Noon

#1: orasyon Author: gerlino r. paelmo PostPosted: Wed Sep 07, 2005 9:06 am
    —
ORASYON

Very Happy Smile Sad Surprised

Natatandaan ko noon, pag orasyon, dapat ay nasa bahay kana. Pangkaraniwan ay alas sais ng gabi. Dapat ay nakaluhod ka na at nagdadasal ng orasyon. Magagalit si Ina pag-late ka, maghuhugas ka ng pinggan o ikaw ang magdidilig ng mga halaman. Gabi na kaya hindi na kailangang magwalis ng bangketa, baka umalis ang swerte!

Pagkatapos naman nang orasyon ay maaga pa kaya puwede ka pang maupo sa bangketa ng bahay at manood ng mga naglalakad sa kalye.

Pag biyernes naman ay puwede pang maglaro ng tubigan o patintero dahil walang pasok kinabukasan.

Orasyon pagbiyernes ng gabi ay masaya, ang mga kabataan ay nasa lansangan, ang mga estudyante mula sa Maynila ay bakasyon din. Maraming nagririkitang kadalagahan na namamasyal. Pag may liga ng basketball ay lalong mas masaya.

Pagkatapos ng orasyon, naduon na ang kainan, miryendahan, halo-halo sa ibaba, mainit na arrozcaldo sa may plaza at pansit sa may ilaya.

Bukas pa noon ang Life theater ng mga dada Goring Cabrera, double feature kaya masarap manood ng sine.

Pagbilog ang buwan ay masarap mamasyal sa Highway, malamig ang hangin at maliwanag pa rin dahil bilog ang buwan.

Higit sa lahat, masayang kasama ang iyong barkada, kaklase o kaya ay ang iyong, wika nga ni ina, katarato!

Very Happy Very Happy Confused

#2: Oras ng Orasyon! Author: eboytonsLocation: Antonio F. Dalagan PostPosted: Sat Sep 10, 2005 3:22 pm
    —
Noong araw, kung orasyon, yun lahat ng mga naglalaro sa patio at plaza ay sabay sabay na humihinto sa paglalaro kasabay sa pag-tunog ng kampana ng orasyon ni Tandang Noni.
Sa Radyo, magkakalembang ng kampana si Johny De Leon at sabay
bigkas ng Orasyon na namam, oras para manalangin, magpasalamat at magpuri sa Panginoong Dios para sa lahat ng mga biyaya at kabutihan sa buong maghapon... Ganoon tayo noon! Smile
Meron pa kayang ganon sa Paete, kung Oras Ng Orasyon?
Sana meron pa at hindi nalilimutan ng ating bayan..Salamat po!....kababayan. Wink
Mr. Y noT



USAP PAETE -> Ganito Kami Noon


output generated using printer-friendly topic mod. All times are GMT - 5 Hours

Page 1 of 1

Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group