Tenolang manok with papaya
Select messages from
# through # FAQ
[/[Print]\]

USAP PAETE -> Wok with Somy (cook, work, walk)

#1: Tenolang manok with papaya Author: SomygaLocation: Somy G. Asido PostPosted: Sat Aug 18, 2007 8:59 am
    —

Magandang magandang umaga po sa inyong lahat, Ako po si Somy
ang inyong lingkod...Sabado na naman at nag lakad lakad sa park
at ng exercise para pigilin ang tuluyang lumulubong tiyan.
Sa maliit na park ay tumakbo 'slow' ako ng ten minutes paikot ikot,
tapos push up, 10 and half times and bending ay 10 times, meron
po akong problema sa bending yon pong dulo ng kamay ko ay
eight inches ang layo sa aking paa....kaya yang ang aking aayusin...sana
--------------------------------------------

Ito po yong barkada ko noong naguukit kami kina Amang Nestor
Aseoche year 1970...sa may kinali..panahon ng the Beatles po...ako po yong
kalewete he he e di si Paul hani....si Claudio ay si John, si best friend Ed Ablaza ay si George...si Kang Ely...bahala na kayo kung
sinong natira...

The beatles landing in Toronto park....all naked
------------------------------------------------------------------





Ang niluto ko po ay tinola, actually kasama ko po si Lulung nagluto
pareho di po ang sistema ng pagluluto...sinamahan ko po ng
dahon ng saloyot...masarap po ay....
Sinabayan po ng pritong boneless na bangus bai ay sira talaga
na naman ang diet ko...kaya this time kaunti lang
-----------------------------------------------
Next time po naman ay biko..hani

Bai ay ang gusto at naalaala ko tuloy ay yong biko ni Inang Leoning
Pagalanan
Acyatan. Ang biko ay iuulam kosa lugaw na may tabang baboy na
napakainit
na halos mapaso paso and dila ko. Ayos na ang buto buto aba pawisang
pawisan
aba...Bai ay tanggal ang hungover...bai ay sa gabi ay inuman na naman
aba
e yon po ay noong araw hani po. Ngayon ay masarap sa biko ay ulaman ng
spagetti...puwede na rin...BYE



#2: Re: Tenolang manok with papaya Author: LudyLocation: Lourdes Valdecantos PostPosted: Fri Aug 24, 2007 4:36 am
    —
Ngayong nakita ang lumang larawan Crying or Very sad
Naala-ala ko na, mga nakalipas na katawan...lol Laughing
Yang tinolang manok, di ko pag sasawaan Very Happy
Paborito kong number wan, umagahan, tanghalian at hapunan! Wink

#3: TINOLANG MANOK Author: eve19612000Location: Sheba Allenbach-Aseoche PostPosted: Tue Sep 25, 2007 4:37 pm
    —
SUBUKAN MO NAMAN ITO


tulad din ng pangkaraniwang tinola
una'y sibuyas,bawang @ luya'y igisa
ilagay hiwa ng manok na kursunada
pagkadakay taktakan ng patis palasa

sa halip tubig ang syang ipangbabanto
subukan mo naman ang sabaw ng buko
pakuluan ang manok hanggang lumambot
kasabay ang papaya luto'y mag pang abot

tikman kung ito'y sapat na ang linamnam
kung kulang sa alat pede pang ito'y bantuan
bago naman ihain sa nakahandang hapagan
isapaw kinayod na buko kayo'y masasarapan

hmmpppppppp!!! E GUETE



USAP PAETE -> Wok with Somy (cook, work, walk)


output generated using printer-friendly topic mod. All times are GMT - 5 Hours

Page 1 of 1

Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group