[Adult only] Ang siste ni Ike
Select messages from
# through # FAQ
[/[Print]\]

USAP PAETE -> Sisteng Paete

#1: [Adult only] Ang siste ni Ike Author: reycLocation: Rey Carolino PostPosted: Fri Jul 15, 2005 11:29 am
    —
ANG SISTE NI IKE

Magalang na nagtanong ang balikbayang si Ike sa may katanghaliang gulang na babae na nagbukas sa kanya ng pinto matapos niyang kumatok.

"Naand'yan po ba si Minerva?" wika ni Ike.

"Sus, mamahalin man ang ginahanap mo, 'noy" ang sagot ng babae.

Naririnig pala ni Minerva ang usapan ng dalawa at siya ay sumabad, "Sabihin n'yo Manang sa mama kung may five thousand pesos siya eh puede niya akong makita dito sa loob ng kwarto ko".

Sa nadinig, pumasok si Ike sa loob ng bahay at nagtuloy sa kwarto ni Minerva. Pagkatapos ng halos isang oras, lumabas si Ike mula sa silid at walang imik na umuwi.

Kinabukasan eh naroon na naman si Ike at hinahanap na naman si Minerva.

"Dati pa rin ang presyo ko, walang tawad, kung may dala ka uli na five thousand pesos eh halika na sa kwarto ko" ang sabi ni Minerva kay Ike.

Makalipas ang halos isang oras, lumabas si Ike mula sa silid ni Minerva at walang imik na umuwi.

Kinabukasan eh naroon na naman si Ike. Makalipas ang halos isang oras bago lumabas eh hindi nakatiis si Minerva at nagtanong,

"Bibihira ang lalaking tulad mong kahit mahal eh nakakabayad ng tatlong araw na sunod-sunod. Balikbayan ka siguro, ano?, saan ka ba nadestino?"

"Sa Hong Kong" sagot ni Ike.

"May kapatid ako doon" ani Minerva.

"Alam ko" sabi ni Ike, "kaya nga kita hinanap, para ibigay sa iyo ang padala niyang fifteen thousand pesos".

#2: siste ni ike Author: isay PostPosted: Fri Jul 29, 2005 1:09 pm
    —
Laughing Laughing Laughing Laughing Laughing Laughing Laughing

in fairness natawa talaga ako sa kwento kahit nga madaling araw ako ng check ng email at sumilip dito sa pate org. naalis ang anotk ko hayan di pa tuloy ako makakatulog but really natawa ako Laughing Laughing Laughing Laughing Laughing Laughing


good day

#3: Post from Oyik De La Rosa Author: reycLocation: Rey Carolino PostPosted: Sat Aug 06, 2005 8:47 am
    —
hello isay! buti naman at nagustuhan mo itong Sisteng Paete... yong siste ni Ike-- si Oyik dela Rosa ang unang nag-post noon sa original Sisteng Paete site at: http://www.network54.com/Forum/81533 Inilipat ko lang dito dahil tuwang tuwa ako sa sisteng yan. Puntahan mo yong lumang site natin at madami pang nakakatuwang siste doon:



USAP PAETE -> Sisteng Paete


output generated using printer-friendly topic mod. All times are GMT - 5 Hours

Page 1 of 1

Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group