Mga Tindahan Nuon
Select messages from
# through # FAQ
[/[Print]\]
Goto page 1, 2, 3  Next  :| |:
USAP PAETE -> Ganito Kami Noon

#1: Mga Tindahan Nuon Author: emmanuel.adefuin PostPosted: Wed Feb 24, 2010 4:11 pm
    —
Mga kilalang tidahan nuon

Tindahan ni Iyaw- J. Rizal St
Tindahan ni Inang Pining- sa Plaza Edesan
Tindahan ng Karyong Bado-Plaza Edesan
Tindahan ni Kinchong- sa Kinale
Tindahan ng Inang Lily- Gitnang Bayan
Tindahan ng Inang Chayong- Gitnang Bayan
Tindahan ni Inang Tonya- sa Ibaba
Tindahan ni Menang sa may Aglipay
Tindahan ni Inang Maring-Roces St.

Mga Restawran :

Benga
Boy Macao-Panciteria Mabuhay
Gonzalo - Halo-halo

#2:  Author: guest PostPosted: Thu Feb 25, 2010 7:42 am
    —
tindahan ni using at manda sa ibaba,tabing ilog
tindahan ni amang tibok sa ibaba kalapit ni amang ige mag kukulot

#3: kilalang tindahan Author: violy PostPosted: Thu Feb 25, 2010 9:40 am
    —
pwede po bang isama

tindahan ni osing - sa tinawin

thanks po


violy dela rosa dalisay
moscow,russia

#4: restawran at stambayan Author: dante vLocation: thailand PostPosted: Thu Feb 25, 2010 8:49 pm
    —
Wag nating kalimutan ang panciteria ni Taba at Senyong malimit ding kaming magpansit doon ang stambayan naman ay sa plasa at sa tapat ng karyong bado,ng panahon namin ay puro gala sa bayan pasta-stambay sa mga maliliit na tindahan na may magagandang dalaga,beergincoke,isang baso laang ang tagayan hanggang sa malasing at minsan minsan ay medyo nag-aalburoto, lalo na pag mahal na araw,napakaiging gunitain pag gabi gabi ay pamamasyal sa wawa at sa PES noon,aywan ko laang kong dati pa rin,palagay koy panahon ngayon di maikukumpara ng panahon namin,o sigi saka na uli, Ming say something about this topic....dv

#5: kainan at tindahan Author: maytoong PostPosted: Thu Feb 25, 2010 8:55 pm
    —
meron ka pang nakalimutan although hindi pa siya ganun katagal pero kilala ng kainan ng goto,puto at tokwa ni Ibyang,

tindahan ni Dadi itik sa dulo ng jacinto corner ng madrinan st.

peace. . .

#6: mga lugar naman ng tagayan Author: emmanuel.adefuin PostPosted: Thu Feb 25, 2010 9:52 pm
    —
LUGAR TAGAYAN NUONG ARAW

Inang Luming Edquitao's Rest-J Rizal
Baes- katabi ng mga Espanola
Juns Kitchennette- Agbada St.
Woodstock Restaurant-J Rizal St
Palayok Rest.- sa Plasa Edesan
Lucing Store -sa Tapat ng palengke sa Ibaba

PS-halataan tuloy na mag iinom hahaha swaloy baga baka may maidagdag kayo sa history.

#7: Is-SHOE MART !!!! Author: Guest PostPosted: Thu Feb 25, 2010 10:13 pm
    —
paki dagdag na rin ang ISYU (MART) Wink Wink Wink sa tapat ng house ng the late Dr. Benny Agbay+.

#8: abba... Author: eve19612000Location: Sheba Allenbach-Aseoche PostPosted: Fri Feb 26, 2010 4:56 am
    —
ay idagdag din ung sa ermita si Amang Isyo, hanggang ngayon dun kami nabili ng vanilla na dinadala namin dito, klasmyt muzta ka na jan

#9:  Author: Guest PostPosted: Fri Feb 26, 2010 10:13 am
    —
yung Molave ba nandun pa?

#10: tindahan noon Author: dante vLocation: thailand PostPosted: Fri Feb 26, 2010 10:48 pm
    —
Yoong tindahan nina Frank Dequito+ sa maytoong,at isa sa masarap na binatog ni inang isang bayo doon din sa maytoong,tindahan ng Simon Pacalda sa harap ng aglipay,magnolia popcicle ni inang doray evangelista,at panciteria nina amang nito calabig dati sa labas ng bayan,tapos lumipat sa kalapit ng doray,marami pang natatandaan na wala na ngayon,just trying to recollect the good old days,at pinakamasarap na mani,ng indong bakal (valdres family) if not mistaken,,, dv

#11:  Author: batangkinali PostPosted: Sat Feb 27, 2010 12:36 am
    —
Tindahan Ining Taba na tindahan ng ulam at iba pa sa Kinale
Seryang at Minis Tindahan ng tinuto at minanok
Tindahan ng Inang Guring sa School ng Kinali
Tindahan ng amang Anto sa Esso
Tindahan ng Eddie sa kanto sa Mabini
Tindahan ng inang Pacita sa tapat ng Eastern
Tindahan ng mga Pacla sa Kinale

#12: tindahan (chibugan) Author: guest PostPosted: Sat Feb 27, 2010 3:25 am
    —
meron pang isa na kainan naman.... pag nais mo eh "native" na agahan....lugawan, putuhan,pasingaw,palutang,palatok at minukmok ni inang luning at amang eno sa maytoong...

#13:  Author: Guest PostPosted: Sat Feb 27, 2010 10:18 am
    —
Dagdag pa po ito:Maigi itong topic na ito....nakakatuwang pag usapan.
1.Tindahan ng Inang Paring sa corner ng J Rizal at MH del pilar
2.Lugawan sa talipapa ,Valencia family
3.Tindahan ng Atienza sa J Rizal/Talipapa bilihan ng patis labo at balut
4.Bakery sa atin:MINO,MADRIGAL at MAGTIBAY at sa libis ng munisipyo?
5.Tindahan ng ulam ng Emma Ac-ac -Valdellon St.
6.Movable tindahan ni Inang Luming Edquitao sa may school(masarap yong palamig at tambok na may palaman na peanut butter
7.Ka isa isang magsusorbetes noong araw si Amang Inso sa may school( na may pa shootan sa bote ng tubig para maka libre)
8.Pinakamasarap na biney-ang ube ni Inang Genia Villarin sa Roces at Del Pilar.
9.Tindahan ni Inang Inggay Baet(masarap yong pritong hipon at laksa
10.Halo haluan ni Mario Baet
11.Tindahan ni Limlengco sa Maytoong
12.TIndahan ni Inang Binang Madrinian ,bilihan ng paksiw na lechon ,dinuguan at langis ng baboy
13.Close -open na pancitan ni Indo (yong Musikero) sa Paterno
14.Tindahan ng Navarro sa tapat ng munisipyo
15.Tindahan sa may Easten ,Tessie Aseoche
16.Tindahan ng Pehipol sa may Patio

Kung mayroon pa po ay ituloy natin ito..nasasayahan po ako na maalala yong mga bilihan noong araw.

Alicia /Simeon of San Diego

#14:  Author: Guest PostPosted: Mon Mar 01, 2010 3:20 am
    —
eto pa ang lalong di natin makakalimutan lalo nung uso pa ang mga komiks at magasin yung tindahan ng pascual sa may central na napakatapang lalo na yung lalake tapos pag may hindi nag bayad ng arkila makikita mo na lang may nakapost na "diyos may hindi na naman po nagbayad" madami rin silang tindang skul supplies at mga laruan tuald ng mga turumpo at kung gusto nyo naman ang mga laruang plastik at medyo mahal dun sa tindahan ng dimatatac sa a. roces yung tindahan din ng mag ulam

#15:  Author: batang kinali PostPosted: Mon Mar 01, 2010 3:29 am
    —
Tindahan ng mais ng inang Mityang Puto
Nagtitinda ng Mais at Bibingkang galapong sa inang Elsa Baisas sa Kinali.

#16:  Author: Guest PostPosted: Mon Mar 01, 2010 3:25 pm
    —
Inang Bebang Acupanda sa palengke, may sinaing sa gata at palatok

#17:  Author: Guest PostPosted: Mon Mar 01, 2010 7:27 pm
    —
isama din ang tindahan nina Amang Isko at Inang Maring Acac sa kanto ng A. Bonifacio St.(dati) Agbada St. na ngayon at Roces St. ba yon?...ang sarap ng "chicharon" na tinda doon.

#18: mga dating tindahan Author: guest PostPosted: Mon Mar 01, 2010 7:56 pm
    —
isama natin ang walking store ni inang tikya sa wawa bibingka at puto libre cha (tea).
bakery ni inang gording dela rosa sa ibaba brgy.9.
tindahan ni mering garcia sa ibaba malapit sa tulay na bato brgy.9.
tindahan ni ilang kabisidan kapatid ni amanda at osing sa tabi ng bahay ni fred cagayat at fuste adefuin (sandwich).
rolling store ni indo popcorn sa plaza.
at walking store taga sta cruz dalaga maganda bibingka mabaho ((sawsaw suka.(sarap)

yokkaichi,japan

#19:  Author: batangkinali PostPosted: Tue Mar 02, 2010 2:15 am
    —
Wag nyong kakalimutan si Mr Lover Boy amang Putin na Tindahan ng Bisikleta at paupahan sa kalapit ng bilyaran ng mga baldemor maraming natutong mamisikleta noon.

#20: Re: Mga Tindahan Nuon Author: guest PostPosted: Tue Mar 02, 2010 7:37 am
    —
ih ih....amang noel kainaman ka talaga.....talagang kahit nasa malayo ka ay kapural ka pa rin....hayan nahuli mo kami....pero ok... ito ang isa sa pinaka masayang flashback dito sa usap....c mang simeon parang nasa paete laang aba....matindi ang memorya...



emmanuel.adefuin wrote:
Mga kilalang tidahan nuon

Tindahan ni Iyaw- J. Rizal St
Tindahan ni Inang Pining- sa Plaza Edesan
Tindahan ng Karyong Bado-Plaza Edesan
Tindahan ni Kinchong- sa Kinale
Tindahan ng Inang Lily- Gitnang Bayan
Tindahan ng Inang Chayong- Gitnang Bayan
Tindahan ni Inang Tonya- sa Ibaba
Tindahan ni Menang sa may Aglipay
Tindahan ni Inang Maring-Roces St.

Mga Restawran :

Benga
Boy Macao-Panciteria Mabuhay
Gonzalo - Halo-halo

#21: tindahan nuon Author: guest PostPosted: Tue Mar 02, 2010 7:41 am
    —
pag dating sa mga specialty na luto.....yung minanok at bibingkang hipon ay parang sa tindahan sa maytoong yata matatagpuan...

#22:  Author: Guest PostPosted: Tue Mar 02, 2010 8:44 am
    —
Kung rolling store hagang ngayon c inang Arcely n nagtitinda ng banana que dating tindahan sa may talipapa. ngayon ay n sa tabi ng simbahan ng ermita

#23:  Author: Guest PostPosted: Tue Mar 02, 2010 11:49 am
    —
Ay sa Inang Linda Robale Paelmo..suman at bibingkang hipon,..may Bulletin (diaryo) din dati.

#24:  Author: Guest PostPosted: Tue Mar 02, 2010 1:22 pm
    —
Tindahan ng Acantilado sa Maytoong.
Yong panideria sa may munisipyo ay sa Inang Corsia.
Tindahan ng mga Cajipe sa Roces.
Nagtinda rin si Inang Diding sa Paterno ng mga ulam at merienda.
Mga mangingisda na nagtinda sa bayan sa tapat ng bahay nila ay sina Inang Doray/Miming,Diding/Jose.Nenang Hapon/Dandoy,Pedro Egdani,Julio Grajera sa Ibaba at marami pang iba.

#25:  Author: jun PostPosted: Tue Mar 02, 2010 2:21 pm
    —
yung tindahan ng kakanin ng mga acyatan, magulang ni maok acyatan, saka yung tindahan ng suman ng mga paelmo ba yun
dagdag lang sa natatandaan ko



USAP PAETE -> Ganito Kami Noon


output generated using printer-friendly topic mod. All times are GMT - 5 Hours

Goto page 1, 2, 3  Next  :| |:
Page 1 of 3

Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group