View previous topic :: View next topic |
Author |
Message |
mutuk Forum Moderator

Joined: 11 Oct 2005 Posts: 1860 Location: Vice mayor Rojilyn Bagabaldo
|
Posted: Thu Sep 09, 2010 9:54 pm Post subject: Basura 2010 |
|
|
_________________ Rojilyn "Mutuk" Quiachon Bagabaldo |
|
Back to top |
|
 |
mutuk Forum Moderator

Joined: 11 Oct 2005 Posts: 1860 Location: Vice mayor Rojilyn Bagabaldo
|
Posted: Thu Sep 09, 2010 10:23 pm Post subject: |
|
|
Para sa kabatiran ng lahat at nang malaman nila ang kasalukuyang kalalagayan ng ating sistema sa basura.
Halos patapos na ang 3rd week ng July 2010 ng abisuhan ako ng ating Mun. Engineer na hindi na tayo makapagtapon ng ating basura (Paete) sa isang lugar sa bayan ng Lumban na matagal nang panahon nating pinagtatapunan dahil binabantayan na ng mga taga munisipyo ng Lumban.
So dahil biglaan at hindi tayo preparado ay naimbak sa ating transfer point sa Bagumbayan ang isang linggong basura sa Paete.
Heto po yung mga larawan nung one week na basura sa ating transfer point.
Dahil sa pangamba sa maaring idulot ng problema sa basura, makalipas ang Kapiestahan ng Santiago ay agad akong nagpatawag ng isang biglaang pagpupulong ng bumubuo ng Municipal Waste Management Board upang ito ay mapag usapan at agad magawan ng remedyo lalo at pumasok na ang tag ulan at ang mga sakit na dulot ng panahong ito ay pwedeng lumaganap pag hindi agad ito mareresolba.
Bagama't mayroon ng naging pansamantalang solusyon sa problemang ito ay hayaan nyo pong ito ay aking maiulat sa hangaring malaman ng bawat isa ang kahalagahan ng partisipasyon ng bawat isa upang mabawasan natin ang ating mga basura at mapagnilayan natin ang epektong dulot nito.
Ang basura po ng Paete sa kasalukuyan ay may average na 3 hangang 4 na puno ng isang mini dumptruck araw araw.
Kuha ito noong nakaraang clean up drive last August 2010 _________________ Rojilyn "Mutuk" Quiachon Bagabaldo |
|
Back to top |
|
 |
mutuk Forum Moderator

Joined: 11 Oct 2005 Posts: 1860 Location: Vice mayor Rojilyn Bagabaldo
|
Posted: Tue Sep 14, 2010 10:40 am Post subject: |
|
|
Sept. 14, 2010
Sorpresa po ang aking pagpunta sa ating transfer point kaninang umaga upang personal na makita ang kalalagayan nito. Kontrolado na ang basura at napapamilian pa ng mga mapapakinabangang basura bago itapon sa pansamantalang controlled dumpsite.
Mga bagong dating na basura at dadaan pa sa huling segregation bago itapon o ibasura ng tuluyan.
_________________ Rojilyn "Mutuk" Quiachon Bagabaldo |
|
Back to top |
|
 |
|