PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

NOONG BATA KA BA....?

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Ganito Kami Noon
View previous topic :: View next topic  
Author Message
jldalay



Joined: 08 Mar 2007
Posts: 57
Location: Jacob Lagrisola Dalay

PostPosted: Tue Nov 09, 2010 1:35 am    Post subject: NOONG BATA KA BA....? Reply with quote

NOONG BATA KA BA…………………?

1. Kinakagat mo rin ba ang yero sa monggol pencil para lumabas ang eraser para makapagbura ka?
2. Kapag tapos na ang klase at nakapagbaba na ng watawat ay tumatakbo ka rin ba palabas ng paaralan na pag minsan ay nadadapa pa?
3. Sinisipsip mo rin ba ang nectar ng bulaklak ng santan?
4. Pinapapak mo ba ang milo, ovaltine o kaya ay klim?
5. Sinisilip mo rin ba ang loob ng ref kung mamamatay ang ilaw kapag isinasara ang pinto?
6. Nagsusulat ka rin ba sa maalikabok na sasakyan ng iyong pangalan?
7. Nakapagdikdik ka ba ng dahon ng gumamela para magamit mo pag gawa ng bula gamit ang kawad na binalutan ng kapirasong tela?
8. Wala ka rin bang suot na brief noong elementary ka?
9. Ilang beses ka bang bumili ng abakada kay Iyaw dahil laging nawawala ito?
10. Kay Iyaw ka din ba bumibili ng kending bubog?
11. Pag napadaan ka sa tindahan ng Karyong Bado ay dumadakot ka rin ba ng balatong na pambala sa pulad?
12. Kapag naliligo ka sa Blackhawk ay wala ka rin bang salawal para hindi mabasa ang damit kasi tumakas ka lang kay ama at tiyak na palo ang aabutin mo pag nalaman na nagpunta ka sa Blackhawk.
13. Naranasan mo ba na makatchoy sa tumbang preso at kantyawan ng mga matatanda hanggang sa mapikon ka at umiiyak na uuwi?
14. Nakapaglaro ka ba ng putik na ginagawang poon poonan at saka ipuprusisyon ninyo ng iyong mga kalaro?
15. Kapag may hudiyo na gumagala pag Mahal na Araw ay natatakot ka ba o sumusunod ka pa sa kanila kahit saan magpunta?
16. Naranasan mo rin ba ang manghuli ng pauton sa bambang o rainbow sa ilog? Na kung minsan ay tae na pala ang nadadakma mo.
17. Nanguha ka ba ng kuhol sa palayan kasama ang mga kalaro para may pang ulam kaya lang makakapitan ka ng linta sa paa, binti at hita?
18. Kapag may magpuputi ng lanzones o santol ay nakasama ka ba para mamulot ng mga laglag at hingin ang mga lugas para iuwi mo sa bahay ninyo? Kasi noon ang mga laglag at lugas ay nahihingi sa mga nagpuputi.
19. Sa sementeryo pag todos ay nangunguha ka rin ba ng tulo ng kandila sa mga nitso na kung minsan ay buong kandila na ang kukunin kapag walang bantay?
20. Kapag Pasko naman naranasan mo ba ang magbahay-bahay ng pamamasko kasama ang mga kalaro para makarami ng mapamaskuhan? O, buong pamilya kayo na namamasko sa mga kamag-anak?

Palagay ko napapangiti ka na rin habang binabasa mo ito, siguro magkaedad tayo he-he-he-he, matanda na talaga tayo puro na lang mga alaala ng kabataan ang sinasariwa.
_________________
JACOB L. DALAY
Father: Eusebio "Sebio" Baldemor Dalay +
Mother: Bonifacia "Pacita" Dalay +
Wife: Victoria "Vicky" Dailo Basa
Kids: Jayson, Jaevic and Jaydee
"Seek ye first the kingdom of God and all these things will be added unto you".
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail
Guest777
Guest





PostPosted: Tue Nov 09, 2010 2:24 am    Post subject: Reply with quote

ang sarap alalahanin ang aking kamusmusan.. ha! ha! ha!
lalo na yung nabanggit sa #11 & #12...

Ka Jacob, maidagdag ko lang po kasi nakaka relate pa ako sa mga
nabanggit mo.... he! he! he! he!

21. Kapag panahon ng santol o lanzones namumuti ka rin ba
kasama ang mga katoto sa santolan o lanzonesan ni Dada
Hagad?
22. Noong bata ka pa naranasan mo rin bang manood ng
suntukan sa garahe ang BLTB Co. o ikaw mismo ang
nakipag dalbugan?
23. Dumadayo ka rin ba sa bunduk-bundukan (tapunan ng kusot
na tumaas na at tumigas) sa may Quinale upang magpa
dausdus pababa sakay sa putol na kutsarang kahoy?

God bless you all!!!!
Back to top
Abnoy
Guest





PostPosted: Tue Nov 09, 2010 2:45 am    Post subject: Reply with quote

Jacob,

Aba'y Payting Payti nga ang mga ito a!

Dagdag pa rin.

24. Naranasan mo rin ba na dumayo sa Ibaba at makipagbatuhan, at kapag medyo dehado na, uuwi sa Quinale at magyayaya pa ng mga kasama para lang makipagbatuhan uli? Larong "Unang Lusob", na naging rambulan.

25. Naranasan mo rin bang makipagbolahan sa naggagandahang dilag na hindi mo kilala, kapag gabi na, High School ito, at bigla ka na lang madidismaya, sa kinaumagahan dahil ang binubuladas mo pala'y ubod ng ganda, hindi mo nga lang talagang kursunada, at tinutukso ka ng mga kaklase mo, dahil palpak ang mga tikada mo, taga E.L.C. din pala ang mutyang dilag?

26. Naranasan mo rin bang manligaw sa Pangil at bustedin ka agad, ang sabi pa, "Ang lakas ng loob mong manligaw, samantalang lagi mo namang kasama ang katrato mo!" (Palpak na naman, nakikita pala niyang lagi mo dini-deyt ang katrato mong taga Paete, habang nag-aaral sa Paete.)
Back to top
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Tue Nov 09, 2010 4:57 am    Post subject: Reply with quote

Jacob masarap maalala minsan kapag nagmumuni muni...

itong number 12 di ko malilimutan...

12. Kapag naliligo ka sa Blackhawk ay wala ka rin bang salawal para hindi mabasa ang damit kasi tumakas ka lang kay ama at tiyak na palo ang aabutin mo pag nalaman na nagpunta ka sa Blackhawk.

Napapangiti ako dahil hangang ngayon hindi ko pa rin alam kung sino sa mga nakalaro ko sa Blackhawk ang nagtago ng aking salawal hangang sa makauwi ay hubo at pumapalakat at palo pa ang inabot Very Happy Very Happy Very Happy Laughing Laughing Laughing Hahahahahahahhaha!

Salamat po

Always
Winston
_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
taga barko
Guest





PostPosted: Tue Nov 09, 2010 8:49 am    Post subject: Reply with quote

Jacob maraming salamat sa iyo'

Naala ala ko ang kabataan ko kapag binabasa ko ang #13,#16 at # 18 hahaha.....kay sarap balikan ang kabataan ng kami'y nanghuhuli ng pautol at butete sa bangbang, lalo na kapag sumasama ako sa pamumuti ng lanzones at yung panay na lugas lamang ang aming kinukuha kasi di pwede ang buwig buwig kasi pangbenta o di kaya ay pangregalo.......hay matanda na nga ako
Back to top
pakoy dacsil
Guest





PostPosted: Tue Nov 09, 2010 2:52 pm    Post subject: thank you! Reply with quote

salamat kaibigan nakakawala ng stress..
Back to top
Guest
Guest





PostPosted: Tue Nov 09, 2010 3:15 pm    Post subject: Reply with quote

Winston,

Hindi naman kaya sabi noong nagtago ng salawal mo ay, "Quits lang
tayo, Winston." Ganoon lang naman talaga roon sa Blackhawk, gantihan ng gantihan. Laughing Laughing .Ha-ha-ha-ha!
Back to top
jldalay



Joined: 08 Mar 2007
Posts: 57
Location: Jacob Lagrisola Dalay

PostPosted: Tue Nov 09, 2010 9:31 pm    Post subject: Noong bata ka ba....? Reply with quote

Winston,

Kumusta na, ilan taon ka na ba?

Kasi baka ako ang nagtago ng salawal mo kung medyo malapit ang edad natin at nagkasabay tayo sa blackhawk, kaya sori ka na lang salawal mo yata ang naitago ko gawa ng may nagtago rin ng salawal ko kaya lang nakita ko din ang salawal ko kaya di ako umuwi ng hubo. He-he-he-he peace.
_________________
JACOB L. DALAY
Father: Eusebio "Sebio" Baldemor Dalay +
Mother: Bonifacia "Pacita" Dalay +
Wife: Victoria "Vicky" Dailo Basa
Kids: Jayson, Jaevic and Jaydee
"Seek ye first the kingdom of God and all these things will be added unto you".
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail
whernas2001



Joined: 08 Sep 2007
Posts: 858
Location: beijing, china

PostPosted: Tue Nov 09, 2010 11:14 pm    Post subject: Reply with quote

ih ih ih! kahiman basta alam ko ay laging puno yung Blackhawk lagi nga ay patung patong mga damit namin kaya nga lang ay laging may pilyo...baka nga ako ay nabawian lang din...pero natatandaan ko kapag nagtago ako ay nakikita din kaagad...pero yung sa akin ay siguro ay tinabunan ng bato kaya di ko na nakita kaya uwi na lang na luhaan huhuhuhu Laughing Laughing Laughing kakakatawa talaga.

Salamat po

Always
Winston
_________________
what is life without something
whernas2001@yahoo.com
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
mutuk
Forum Moderator


Joined: 11 Oct 2005
Posts: 1860
Location: Vice mayor Rojilyn Bagabaldo

PostPosted: Tue Nov 09, 2010 11:44 pm    Post subject: Reply with quote

Marami rami din akong tsinelas na nawala dun hahaha!
_________________
Rojilyn "Mutuk" Quiachon Bagabaldo
Back to top
View user's profile Send private message
guest
Guest





PostPosted: Wed Nov 10, 2010 10:40 am    Post subject: Reply with quote

27.naranasan nyo rin ba na maki panood ng T.V. sa menang na ang bayad ay 5 palito ng posporo o di kaya ay 2 pirasong kahoy na pang gatong?bihira pa kasi ang may T.V. noong araw...
Back to top
ka ikong
Guest





PostPosted: Wed Nov 10, 2010 5:57 pm    Post subject: isa ka baga? o kasama ka namin Reply with quote

Ka ikong wrote:
humihingi po ako nang paumanhin..kagalang-galang na moderator ..permission granted para po alisin ang aking share..maraming salamat Puna sa iyong puna.
Umaasa sa inyon g pang-unawa,
ka ikong
(same IP address with orig. poster)


Thanks, ka ikong
Admin
Back to top
Puna
Guest





PostPosted: Fri Nov 12, 2010 12:29 am    Post subject: Reply with quote

Parang hindi dapat malathala ang mga isinaad ni Ka Ikong dito. Pulos halimbawa ng pagnanakaw: patola ng iba, sanga ng kape ni dada hagad, balatong ng karyong bado. Parang hindi magandang mabasa ng kabataan sa ngayon.Baka puedeng alisin dito sangayon sa mga kailan lamang ay ipinagbawal ng admin.
Back to top
guest
Guest





PostPosted: Fri Nov 12, 2010 4:59 pm    Post subject: Reply with quote

Katotong Puna, palampasin mo na si Ka ikong, baka hindi mo na get ang ibig niyang sabihin sa patola. Hindi ka siguro nakapaglaro ng tumbang preso sa ilalim ng school. Yong paglalaro ng basketbol sa school pag malakas ang ulan, pagkatapos ay manghuhuli ng mga isda sa palayan, gurami,dalag, tinikan, Hito????. Yong mangahan sa simbahan, na laging binabantayan ni Juan. Yong puno ng duhat sa tagiliran nina Nick Baldemor.Yong mga malalaking buradol na pinapalipad sa may skul.Masarap alalahin ang nakaraang kabataan. Walang droga.
Back to top
Ka ikong
Guest





PostPosted: Fri Nov 12, 2010 7:24 pm    Post subject: paumanhin Reply with quote

...sa tindi nang kaligayahang nadama pag naalala ang nakaraang kabataan sandali akong nakalimot na may bagay nga pala tayong dapat na isaalang-alang para sa ikabubuti nang mga nakakabasa.
Ipagpaumanhin po nang lahat. Wala po akong masamang layunin nang isubmit ko ito...kundi magbigay ng ngiti sa sinomang nakaranas nito noong sila ay nasa kabataang gulang pa..hindi ko po ninais na maging halimbawa ito para sa ating mga kabataan.. muli humihingi po ako nang paumanhin..kagalang-galang na moderator ..permission granted para po alisin ang aking share..maraming salamat Puna sa iyong puna.
Umaasa sa inyon g pang-unawa,
ka ikong
Back to top
Guest






PostPosted: Sat Nov 13, 2010 4:53 am    Post subject: Ka Ikong Reply with quote

Ka Ikong;

Nabanggit mo rin ang paghingi ng paumanhin dahil mga bata pa kayo ng mangyari ang nabanggit.

Kung masama ang binanggit mo tungkol kay Dada hagad, hinihiling ko rin na tanggalin ang post # 21, na tumtukoy sa pamumuti ng santol o lanzones kina dada Hagad, na gawa naman ni guest 777.

Sa aking palagay, hindi mo hangad na magbigay ng masamang halimbawa, ang pinag-uusapan dito ay mga karanasan noong kabataan.

Natural na higit na karamihan sa karanasang iyon ay pawang hindi maganda, sino ba naman ang perpekto ano? Sina Ikto Baldemor lang iyon!

Huwag naman sanang manghusga agad!
Back to top
Puna
Guest





PostPosted: Sat Nov 13, 2010 6:35 am    Post subject: Reply with quote

Sabi ni guest : Katotong Puna , palampasin mo na si Ka Ikong, baka hindi mo na gets...........

Alam mo guest, mas matanda ako at mas marami akong karanasang Paete noong kabataan namin kung iuulan ko ng lahat ang aming mga nagawa pati pananaltik ng ( ).Ang tungkol patola, alam ko ang ibig mong ma gets ko, pero yon na mga mismo ang punto ko dahil medyo kabastusan pag inilahad natin sa mga readers dito ang gusto mong gets ko. Labag na sa kagandahan asal ng Usap. Kaya palagay ko tama ang paghingi ng paumanhin ni Ka Ikong at tinatanggap ko yon, pero ipinaliliwanag ko lang dito na may alituntunin tayong dapat sundin bilang sibilisadong mamamayan ng Paete.Bigyan natin ng magandang halimbawa ang mga kabataang nakababasa nito.
Back to top
guest
Guest





PostPosted: Mon Nov 15, 2010 2:26 pm    Post subject: Reply with quote

Our youngster will put us to shame of what they know and what they do about sex, a little late to wash your hands if you says your guilty of those things to. Reminiscing is not that bad, he didnt put any details about it. I emphatize with your concern, but comparing us old timers to the current youngster, i,ll say again, they will put us to shame. A little smile will do and enjoy those good old days. If you want to get technical about, should we write more about nalalantang bulaklak too. I dont think so.Life is short, reminiscing is therapeutic, we should all enjoy it.Peace ka Puna.
Back to top
Guest






PostPosted: Tue Nov 16, 2010 1:36 am    Post subject: Reply with quote

Quote:
Our youngster will put us to shame of...


Totoo po na masyadong advanced ang mga kabataan ngayon, pero tulad po noong panahon sa una at sa kapanahunan ngayon, kailangan pa rin po nila ng gabay at huwaran. Hindi natin alam, may isa man lang na matutong manindigan, malaking tulong hindi lang para sa sarili kundi para sa nakapaligid sa kaniya. Napapalibutan sila ng mga maling halimbawa sa pamumuhay, sana magagandang halimbawa ang mapulot nila dito sa home.
Back to top
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Ganito Kami Noon All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group