PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

Pangungumusta mula sa mga guro at magulang sa PES
Goto page 1, 2, 3  Next
 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Batang Paete
View previous topic :: View next topic  
Author Message
acdedios
Guest





PostPosted: Mon Jul 18, 2005 9:01 pm    Post subject: Pangungumusta mula sa mga guro at magulang sa PES Reply with quote

Here you will find the messages from our parents and teachers in Paete Elementary School
Back to top
elena valdellon caguin
Guest





PostPosted: Mon Jul 18, 2005 9:27 pm    Post subject: pagbati at pangungumusta Reply with quote

Laughing hi to all paetenians we are here in paete elementary shool.
Back to top
globaldemor mendoza bagam
Guest





PostPosted: Mon Jul 18, 2005 9:36 pm    Post subject: Pangungumusta sa mga mahal naming kababayan Reply with quote

Smile regards in the name of our Lord Jesus Christ !
In behalf of may family I am extending my warmest regards to all of you.
Tunay na napakabuti ng Dios na pinagkalooban ang aming paaralan ng napakalaking biyaya na nagmula sa INYO MGA MAHAL NAMING KABABAYAN. Ang aming pong mga paaralan sa Paete : Paete Elem., Quinale Elem, at Ibaba Elem., ang sya po lamang may mga computers sa lahat ng mga paaralan dito sa Baybay ng Laguna. Napakapalad po namin na may mga kababayahan kaming tulad ninyo na bukas ang palad at walang sawang
tumutulong sa pag -unlad ng kakayahan ng mga Batang Paete through modern technology. Hi Tech na Hi Tech na po ang aming mga mag- aaral. Lubos -lubos po ang aming pasasalamat, di po namin mailarawan ang aming kagalakan sa inyong napakahalagang tulong sa aming mga guro,
lalo na sa mga batang Paete na syang pag -asa ng ating Bayan. Hinahangad din po namin na sila'y magtagumpay din katulad ninyo, at
sa hinaharap ay makasalamuha na din ninyo cla jan sa inyong mga kinaroroonan. MULI MARAMING2 SALAMAT PO ! GOD BLESS U ALL!
.
Back to top
glocedy rutaquio adefuin
Guest





PostPosted: Mon Jul 18, 2005 9:38 pm    Post subject: pagbati at pangungumusta Reply with quote

HI! TO ALL PAETENIANS I HOPE ALL IS WELL WITH YOU. KITANGKITA KO ANG KATAPATAN AT KABUTIHAN NG DIOS SA ATING BAYAN LALO NA SA AMING PAARALAN SALAMAT SA ISANG ANGEL NA MAY PUSO SA AMING MGA
MAGULANG,GURO AT MAG-AARAL.DITO SIYA SA AMIN SA CENTRAL SCHOOL,TINURUAN NIYA KAMING MAG-INTERNET.ANG LAKING TULONG NITO SA AMIN.NAWA AY MARAMI PA TAYONG MGA KABABAYAN NA MAKATULONG SA AMIN.ANG DREAM KO SOMEDAY AY MAGKAROON NG
COMPUTER ANG BAWAT CLASSROOM NAMIN.AKO NGA PO PALA ANG ASAWA
NI BOY ADEFUIN. SALAMAT PO GOD BLESS YOU ALL
Back to top
luciana ac-ac cortezp
Guest





PostPosted: Mon Jul 18, 2005 9:39 pm    Post subject: pagbati at pangungumusta Reply with quote

kumusta sa mga kababayan at kaiskuwela !MASAYA ako ngayon na nakakapag internet sa inyo talagang mabuti ang DIYOS ! HINDI Siya pumayag na di ko maranasan ang ganitong karanasan na kayoy makausap at mapasalamatan sa lahat lahat ng inyong tulong at patuloy na paghahangad na mapaunlad ang ating bayang minamahal! pagpalain po kayong lahat ng ating PANGINOONG JESUS! Di po namin kayo magagantihan sa inyong mga mga ginagawa para sa paete bahala na ang DIYOS sa inyo! yamang alam nating walang nasasayang na mabuting gawa dahil sa pag ibig natin sa Kanya! praise the LORD!GLORY TO GOD!
Back to top
Sally Marasigan ASTUDILLO
Guest





PostPosted: Mon Jul 18, 2005 10:48 pm    Post subject: PIYESTAHAN NA SA PAETE Reply with quote

To my Dear Kababayans, Kamag-anaks,kaibigans sa lahat ng dako ng mundo,
Hi, Hello!!!!! I,m so excited. Angel De Dios is here with us in PES, trying to teach us the use and importance of internet . I'm so glad meron tayong kababayan like him. Matiyaga niyang ipinaliwanag ang pag se-send ng e-mail sa inyo.
Kumusta na Tito Ver, Tito Abel, Agie , Billy, Felma. I know may celebration din kayo ng Fiesta dyan sa US. Kami dito ay medyo naglilinis-linis na ng mga bahay kahit walang pang-handa. Very Happy Very Happy Very Happy He-he-he.
Naku, miss ko na kau lahat dyan. Kelan kaya ako mag-ce-celebrate ng Fiesta dyan. Wait nyo ako dyan bukas ha. Sasama ako sa Fiestahan nyo sa California.Kahit sa panaginip lang.
Anyway. Happy Fiestahan sa lahat! Enjoy yourself!. Dapat marami kayong lutong Paete. Pwede akong maging cook. Say nyo?
Bye-bye.Till next e-mail.
Love you always.

Sally Madrinan Marasigan Astudillo
Back to top
MARGARITA C. CAGAYAT
Guest





PostPosted: Mon Jul 18, 2005 10:53 pm    Post subject: HELLO KABABAYAN Reply with quote

KUMUSTA SA LAHAT NG KABABAYAN MULA SA MGA MAGULANG AT GURO
NG P. E.S. SANA AY MAGING MASAYA RIN KAYO SA ARAW NG FIESTA
NG PAETE .








FROM;

MARGARITA CADANG CAGAYAT AND FAMILY
Back to top
francia mendoza ragragio
Guest





PostPosted: Mon Jul 18, 2005 10:58 pm    Post subject: mensahe Reply with quote

Kumusta po silang lahatarito po ako sa computrer lab ng PES kasama ang masipag na si ginoong Angel de Dios walang sawang nagpapaliwanag sa amin sa kahalagahan ng computer na sa panahon ngayon na kailangan ng mga bata dahil sa inyo unti unting naisasakatuparan ito.kaya sana po huwag kayong magsasawa sa pagtulong sa ating mga kabataan na talagang gustung gustong matututo ng computer na tulad ko na ngayon lang nakapagcomputer

inaasahan po namin na hindi kayo magsasawa sa pagtulong. KUMUSTA PO ULI sa inyong lahat lalo na sa maganak NI AMANG FRISCO ZENY NAVARRO.
Back to top
NANCY NOBLE AREVALO
Guest





PostPosted: Mon Jul 18, 2005 11:10 pm    Post subject: HELLO LAGUNENSE Reply with quote

:Hi Im Nancy a native of Liliw, Laguna and at present the newly designated
Schools District Supervisor of Paete, Laguna. At this juncture, let me express my sincere appreciation to PAETECH for the wonderful project particularly computer literacy and information technology they are serving
to our public school children.
The benefits these children will gain from the projects are immeasurable. you are developing them to be prepared in this international race, the "GLOBAL COMPETITION"

Thank you very much and praying for your safety over there . More power! God Bless You All!
Back to top
vermad



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 1181
Location: Jersey City, NJ, USA

PostPosted: Mon Jul 18, 2005 11:13 pm    Post subject: Re: PIYESTAHAN NA SA PAETE Reply with quote

Sally Marasigan ASTUDILLO wrote:
Angel De Dios is here with us in PES, trying to teach us the use and importance of internet . I'm so glad meron tayong kababayan like him. Kumusta na Tito Ver, Tito Abel, Agie , Billy, Felma.


Sally:

Happy to see you here. Itong message na ito ay katibayan na may natutuhan ka na. Mabuti't kasama ka sa computer training seminar. Samantalahin mo ito dahilan sa minsan lamang sa buhay ng tao dumarating ang pagkakataong ganito. Pag-aralan mong mabuti ang computer, Internet at email at ito'y pakikinabangan mo sa pagtuturo at para sa pang personal na gamit. Sulatan mo ako at padalhan mo ng maraming balita. Kumusta sa lahat diyan.

Love,

Tito Ver at Pamilya
_________________
Virgil G. Madrinan
Quot capita tot sententiae
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Visit poster's website AIM Address Yahoo Messenger MSN Messenger
maura pagalanan barretto
Guest





PostPosted: Tue Jul 19, 2005 1:21 am    Post subject: Maraming Salamat Po! Reply with quote

Sa Mga Kababayan naming nasa ibang Bansa, Ako po ay isang magulang ng mag-aaral dito sa Paete Elementary School. Ako po ay labis na nagpapasalamat sa pagkakataon na ang aming mga anak ay magkaroon ng mga computers sa kanilang paaralan. Ito po ay isang napakalaking tulong sa kanilang pag-aaral. Ako po ay nagpapasalamat sa mga nagkaloob ng mga computers lalo na po kay Prof. Angel de Dios na narito ngayon upang turuan ang aming mga anak. Sana po ay marami pang tulad ninyo ang aming makilala. Sa bumubuo po ng Paetenian's USA, maraming salamat po. MABUHAY PO KAYONG LAHAT!!!!!!!!!! Very Happy
Back to top
Tessie Liwanag Vitor
Guest





PostPosted: Tue Jul 19, 2005 1:26 am    Post subject: Kumusta Reply with quote

Sa mga kababayan namin Paetenians International of Southern California sa PanguloMrs.Sonia Adea Paelmo ipinaaabot po namin ang taos puso naming pasasalamat sa patuloy ninyong pagsuporta sa Breakfast Feeding Program dito saPaete Elementary School. Patuloy pa rin po ang pagbibigay namin ng paglilingkod sa mga batang kapuspalaad na inyong patuloyna sinusuportahan.Muli po ang aming taos pusong pasasalamat. At parapo sa iba pa naming mga kababayan kami po aypatuloy na umaasa na maraming bukas ang puso para sa mga batang kulang sa kanilang pangangailangan sa pagkain. Mula po sa samahan ng mga guro sa nutrisyon dito sa Paete Central School.
Back to top
ESTELA MADRIDEJOS ADAO
Guest





PostPosted: Tue Jul 19, 2005 1:27 am    Post subject: KUMUSTA NA KAYO Reply with quote

HELLO MGA KABABAYANS . SALAMAT SA PAGKAKATAONG DUMATING SI G. ANGEL DE DIOS DITO SA AMING PAARALANG PAETE ELEMENTARY SCHOOL DAHIL NAGKAROON AKO NG PAGKAKATAONG MAKAPANGUMUSTA SA INYO.NGAYON LANG AKO NAKARANAS SUMULAT NA GAMIT ANG COMPUTER.HALINA KAYO AT MAMIYESTA SA LUNES. LUBOS DIN ANG AMING PASASALAMAT SA INYO SA PATULOY NINYONG PAGTULONG SA AMING PAARALAN.PAGPALAIN KAYO NG DIYOS SA LAHAT NG KABUTIHAN NAGMUMULA SA INYONG AMING MGA KABABAYAN.TALAGANG KAYO AY MGA KAPAMILYA AT KAPUSO SA IKAKABUTI NG MGA MAG AARAL SA ATING BAYANG MINAMAHAL.MABUHAY ANG PAETE AT HIGIT SA LAHAT MABUHAY KAYO. LUV U ALL.
Back to top
DELMA FLORA BAGAYAN
Guest





PostPosted: Tue Jul 19, 2005 1:32 am    Post subject: THANKS Reply with quote

HELLO to all paetenians , i am delma of paete elem school . thank you 4 all the supports. actually hindi talaga ako taga paete pero alam nyo ba mula ng dumating ako dito naging masaya ako kasi dito nakilala lahat ng mga tao na nagtulong sakin specially when the time na down ako sorry kong npkakwento ko but u know u are all lucky paetenian kasi being a paetenian s also like a paet that curves the heart . kaya nga dito ko nkpag asawa eh....... ay sorry time na p kami byeeeee ingat
Back to top
Ana Afurong Balandra
Guest





PostPosted: Tue Jul 19, 2005 1:34 am    Post subject: happy fiesta din sa nyo jan Reply with quote

hello to all paetenians international, im so glad that i am one of the teachers here in PES, nakumusta ko 2loy kayo jan, musta rin kay pinsang edwin budjok afurong at lahat ng lahi ng mga "PAKO",although di nyo ko kilala pero feelings ko narito din kayo, because of the support u have done for us, thanks sa lahat ng financial donations at don sa medyo nangunguripot pa, sumbong ko kayo kay MIke Enriquez mali pala ko kay KA NOEL at kay ANGEL, baka makarinig kayo ng HOY GISING! Very Happy , joke! joke! joke! Sana mafeel nyo rin ang nalalapit na fiesta d2 sa tin. Pero iba talaga pag may banda pa for the whole days affair may tiangehan pa at tsaka tsubibo he he he , Para sa inyong lahat MALIGAYANG FIESTAHAN PO!!!!!! Very Happy
Back to top
YOLY MADRIDEJOS BAGAMANO
Guest





PostPosted: Tue Jul 19, 2005 1:39 am    Post subject: PASASALAMAT Reply with quote

MGA KABABAYAN KONG TAGA-PAETE ISANG TAOS PUSONG PANGUNGUMUSTA ANG IPINAABOT KO SA INYO. AKO PO AY ISANG GURO SA PAETE ELEMENTARY SCHOOL NAIS MAGPASALAMAT SA MGA TULONG NAIBIBIGAY NYO SA AMING PAARALAN TULAD NG BREAKFAST FEEDING PARA SA MGA BATANG KAPUSPALAD ANG ALAY COMPUTER NA LUBHANG NAKAKATULONG SA AMING MGA GURO LALOT HIGIT SA MGA BATANG MAG-AARAL. MABUHAY PO KAYO!
Back to top
tessie Liwanag Vitor
Guest





PostPosted: Tue Jul 19, 2005 1:42 am    Post subject: God be with you Reply with quote

Kumusta sa inyong lahat Ka Luis, ate Baby,Mara and Paul,Dennis anMel,Malou.Mark. Meron na kaming apo baby girl last July 5 Ninia Yvonne Airies Vitor Lat. Ang Cute ng baby 2.7 jilos lang siya pero healthy. Sagana sa tangos ng ilong. pag pwede isent ko yong picture tomorrow. God Bless and happy Fiesta. Kumusta din kina Arnold and Family.
Back to top
NORMA VILLAMAYOR MENDOZA
Guest





PostPosted: Tue Jul 19, 2005 1:59 am    Post subject: PAGBATI Reply with quote

Pagbati! Happy Fiesta sa inyong lahat! O nangarap na kayo ng mga pagkaing Paete ano! Uwi kayo at muli nating pagsaluhan ang mga pagkaing sariling atin walang iba na lutong Paete. He! He! He! Smile Very Happy Laughing

Isang napakahalagang pagkakataon po na ipaabot sa inyo ang napakahalagang tulong na walang sawang ipinagkakaloob ninyo sa ating bayan ng Paete. Sa pamamagitan po ni Angel de Dios na nagsilbing Angel na tagapatnubay sa aming mga mag-aaral at isang propeta na isinugo ng Diyos upang maghasik at gumabay sa mga magulang at guro upang masanay sa larangan ng paggamit ng computer. Taos pusong pasasalamat po ang ipinaaabot namin sa inyong lahat.

Kay G. at Gng. Ananias Cruz sa halagang P45,000.00 na ipinagkaloob niya para sa flooring at flastering ng mga silid-aralan sa Paete National High School. Tapos na po ito at kasalukuyan ng napapasukan at nagagamit na ng mga bata. Salamat at mabuhay po kayo G. at Gng. Cruz.

Kamusta sa aking mga kapatid at pamilya dyan. Kay Rufina Mendoza Cabaya-Switzerland, Thelma Mendoza Jucaban-Canada, at Socorro Mendoza-Australia. Salamat din sa bigay at tulong ninyo noong nakaraan kong kaarawan. Malapit na. If God permit kita-kits na lang tayo dyan. Ingat kayo palagi.
Back to top
ELLEEN GIGI A. IGAMIN
Guest





PostPosted: Tue Jul 19, 2005 2:48 am    Post subject: PAGPAPAKILALA Reply with quote

Im new here in Paete. im from liliw. new teacher here in PES. Im married
to john cajumban igamin son of laring and pacio yung magkakayod sa dating talipapa.Okey pala dito sa PAETE parang nasa sarili rin ako. Laughing
Back to top
jocelyn dalagan planillo
Guest





PostPosted: Tue Jul 19, 2005 2:54 am    Post subject: kumustahan Reply with quote

kmusta na mareng Leonora hows long time no see hows ur life there its been long years ng mgkita tayo ang brkadahang walang gutom rmember the bahawan twing hapon and the ugkikan he he he mis ka na ni bandi ang dakilang julalay ni don raul hows your son rayan me bago na bang love ung inaanak mo heto binata na din. hes already l9 and so much in love na din. san ka na ba destino ngayun sana makauwi ka this year and sana me asawa ka na ha .
cge until here and i hope ma receive mo ito . somuch for these and more blessings bye and see u...
Back to top
omai villamayor mendoza
Guest





PostPosted: Tue Jul 19, 2005 2:56 am    Post subject: greetings c Reply with quote

To Mr and Mrs Frisco Navarro Congratulations and Best Wishes on your 50th Wedding Anniversary
Back to top
Victorino Bonsol Punay
Guest





PostPosted: Tue Jul 19, 2005 4:22 am    Post subject: Care taker Paete Elementary School Reply with quote

kumusta po sa lahat na taga-paete, specially kay jeff baisas
Back to top
rosario roxas ang
Guest





PostPosted: Tue Jul 19, 2005 4:24 am    Post subject: salamat sa busilak nyong puso Reply with quote

Salamat sa busilak ninyong puso sa pagtulong sa aming mga anak na mabigyan ng pagkakataon matutunan ang mga gawaing ito.Nawa'y di kayo magsawa sa pagtulong sa mga BATANG PAETECH.Hindi man namin masuklian ang inyong kabutihan si LORD na ang bahala sa inyo.Marami pang henerasyon ang makikinabang sa mga programang ginawa ninyo. Kaya muli ang pasasalamat namin sa inyo.MORE POWER AND GOD BLESS TO ALL.
Back to top
Rodrigo J.Cadapan Jr
Guest





PostPosted: Tue Jul 19, 2005 4:24 am    Post subject: Paghanga at pangungumusta Reply with quote

ISANG MAGANDANG ARAW PO!!! ang pagbati sa lahat ng mga kababayan namin dyan sa malayong lugar.. Isa po ako sa Magulang ng mga batang napabilang sa isang programang lubos na pakikinabangan ng lahat ng batang mag-aaral dito sa ating bayan.Ang makabagong teknolohiya o ang tinatawag na COMPUTER (PAETECH) at yan ang lubos naming ipinagpapasalamat sa inyong lahat... kayat dalangin namin dito sa ating bayan naway pagpalain kayo ng poong maykapal... MARAMING SALAMAT PO SA INYONG LAHAT.....

MABUHAY KAYONG LAHAT...... GOD BLESS...
Back to top
Erlinda Masaga Pacalda
Guest





PostPosted: Tue Jul 19, 2005 4:27 am    Post subject: ang buhay sa paete Reply with quote

ang buhay sa paete ay mahirap nawala na ukit at taka mabuti na lang may mga taong giningtuang puso tulad mo angel na galing sa langit.gabayan ka sana ng dios na maykapal.
Back to top
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Batang Paete All times are GMT - 5 Hours
Goto page 1, 2, 3  Next
Page 1 of 3

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group