PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

Pangungumusta mula sa mga guro at magulang sa PES
Goto page Previous  1, 2, 3  Next
 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Batang Paete
View previous topic :: View next topic  
Author Message
Juvy Limlengco Alberto
Guest





PostPosted: Tue Jul 19, 2005 4:29 am    Post subject: Hello! Maraming salamat sa lahat na patuloy na sumusuporta Reply with quote

sa paetech. Talagang napakalaking tulong ang naibibigay ninyo sa aming mga mag-aaral. Magandang opportunity ang naibibigay sa kanila ng kanilang computer class. Talagang nakikita kong nag-eenjoy sila at natututo pa. On behalf of Grade 6- Roxas, and as their class adviser, Thank you very much and God Bless!
Back to top
nelda baldemor bagabaldo
Guest





PostPosted: Tue Jul 19, 2005 4:29 am    Post subject: maraming ty po ANGEL Reply with quote

MAGANDANG hapon po sa mga kababayan na makababasa nito,hindi po matatawaran ang aming pasasalamat sa lahat ng mga walang sawang tumutulong sa ating mahal na bayan,lalot higit sa aming mga anak na ngayon ay nakikinabang sa proyekto ng PAETECH,ANG amin pong mga anak ay sobrang SWERTE dahil sa idad nilang sampung taon gulang ay nakakahawak na sila ng computer at marami na silang natutunan mula sa inyo,at alam ko na di nila ito malilimutan sa buong buhay nila, dahil tayo ngayon ay nasa COMPUTER WORLD na, tama lang na ang mga kabataan natin ay mamulat na sa makabagong pamamaraan na ito. .....KAMI PO na mga magulang ng YOUNG PAETECH ay buong puso na nag papasalamat sa inyong lahat!!!!!!
NAWAY PATNUBAYAN TAYO NG MAYKAPAL SA LAHAT NA ATING MGA GAWAIN KATULAD NITO.
Back to top
Mirasol Solleza Cristobal
Guest





PostPosted: Tue Jul 19, 2005 4:31 am    Post subject: Hi musta na po kayo Reply with quote

Im one of the teacher in P.E.S trying hard (kunwari) matuto ng computer
lesson Tnx.andito po Si Mr.De Dios Matiyagang nagtuturo samin .Opps Time out gabi napala Wala pa kong ulam bye napo.
Back to top
Marietta Balandra Dayo
Guest





PostPosted: Tue Jul 19, 2005 4:33 am    Post subject: Pangungumusta sa Balandra family Reply with quote

Dear kang Sonia ,Kang Yoly kang Isting ,Kang Sonny,Kang Celia at iba pa,
Naaalala ninyo pa ba ako? Anak ako ng Inang Asiang na kapatid ng Amang Julian.
Kumusta na kayong lahat diyan?Natutuwa ako para sa inyong magkakapatid dahil magkakasama na kayong lahat diyan.
Ang ina ay mahina na dahil sa kanyang katandaan at para na ring bata kung kumilos.
Salamat doon sa ipinadala ninyong package sa amin at sana minsan ay maisipan naman ninyong umuwi ng Paete upang makita kayo ng ina dahil natutuwa siyang makita ang kanyang mga kamag-anak.
Back to top
adedios
SuperPoster


Joined: 06 Jul 2005
Posts: 5060
Location: Angel C. de Dios

PostPosted: Tue Jul 19, 2005 4:35 am    Post subject: photos Reply with quote







Last edited by adedios on Tue Jul 19, 2005 4:44 am; edited 1 time in total
Back to top
View user's profile Send private message Visit poster's website
Magie BALDEMOR Marasigan
Guest





PostPosted: Tue Jul 19, 2005 4:37 am    Post subject: Kumusta at Salamat Reply with quote

KUMUSTA NA PO MGA KABABAYAN!!?? Kitam... parang kagagaling ko na ah! Nakukumusta ko na kayo kahit napakalalayo ninyo, BALI nga naman... parang kelan lang ay lapis at papel lang ang gamit namin dito at ikokoreo pamandin hani!! Pero ngayon...We are very proud that we are using this kind of technology, hindi kami NAHUHULI aba ay taga Paete yata! SALAMAT, MARAMING MARAMING MARAMING MARAMING MARAMING MARAMING(aba ay napakarami anu?) talaga pong NAPAKARAMING SALAMAT SA INYO, Kung hindi po sa inyo ay hindi po kami makakaganito, heto nga po at katitiyaga pa ni Prof. Angel De Dios na kami ay turuan. Bai ay salamat po uli.
Back to top
vermad



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 1181
Location: Jersey City, NJ, USA

PostPosted: Tue Jul 19, 2005 7:42 am    Post subject: Re: Kumusta at Salamat Reply with quote

Magie BALDEMOR Marasigan wrote:
KUMUSTA NA PO MGA KABABAYAN!!??

Magie:

Kumusta na kayo diyan. Masaya ako kung nakikita ko kayo dito sa Internet. Sinagot ko na rin si Sally sa kanyang mensahe. Ipagpatuloy ninyo ito dahilan sa magiging kapaki-pakinabang ito sa iyong pagtuturo at para sa gamit ng personal. Samantalahin ninyo ito at ito'y bihirang dumarating sa buhay ng tao. Gumawa ka ng email address at susulatan kita. Kung anuman ang hindi mo naiintindihan ay itanong mo kay Prof. de Dios. Huwag kang mahihiyang magtanong. Sa ganitong paraan lamang tayo matututo.

Tito Ver & Pamilya.
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Visit poster's website AIM Address Yahoo Messenger MSN Messenger
vermad



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 1181
Location: Jersey City, NJ, USA

PostPosted: Tue Jul 19, 2005 8:06 am    Post subject: Isang larawan katumbas ang isang libong salita, sabi ni Iyao Reply with quote

Mga mahal kong mga Konsehal: Sunga, Valdellon, Cosico, Pascual at Cadapan, kung hindi ako nagkakamali ay kayo 'yong mga nasa unang hanay ng seminar doon sa huling litrato sa itaas. Ako'y natutuwa at nakita ko kayong muli kahit sa larawan lamang.

Ipagpatuloy natin ang pag-aaral ng computer upang ang Paete ay maging Number 1 sa alam. Number 1 na tayo sa Ukit. Number 1 na tayo sa ganda. Sana'y maging Number 1 din tayo sa alam sa Computer.

Gumawa kayo ng Email ID para magkasulatan tayo. Hindi na natin kailangan ngayon ang lapis, papel et selyo katulad ng sabi ni Magie Marasigan. Sasagutin ko ang sino mang sumulat sa inyo. Si Kon. Sunga ay OK na. Marunong na siya. Laughing

Kon. Cosico, ipagpatuloy mo 'yong unang leksyon na ibinigay ko sa iyo noong Rizal Day. Wink Kahit magkumustahan lamang. Lalong mabuti kung may balita.

Ibig kong makabasa ng sulat ni Kon. Valdellon, Cosico, Pascual at Cadapan. Ito ang homework na galing pa sa America. Wink

O, sige, ako'y maghihintay ng inyong tugon! Palipad na kami sa California para mamyesta in few minutes. Doon ko na lamang babasin ang sagot ninyo at doon na rin ako magbabasa ng iba pang magagandang balita na galing sa Paete. Nakapa swerte ng Bayan natin, hindi baga? Maligayang Piyesta.

Mabuhay ang SB! Mabuhay tayong lahat! Mabuhay ang ating Kabataan!
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Visit poster's website AIM Address Yahoo Messenger MSN Messenger
net_feldmann
Forum Moderator


Joined: 11 Jul 2005
Posts: 1182
Location: Nenett Bagalso

PostPosted: Tue Jul 19, 2005 8:18 am    Post subject: congrats Reply with quote

congrat sa success ni Prof. at ng lahat ng bumubuo ng Paetech, kitang kita natin sa mga message ng mga magulang at guro ang kanilang kagalakan at naranasan nila at natuto silang gumamit ng computer [ /color] [color=red]more power pa lalo Very Happy Razz Very Happy

Nenett M Bagalso
Husband Felman Bagalso
Daughters Daphne
Ariadne
Sons Feldman
Neumann
Back to top
View user's profile Send private message
dedette villanueva
Guest





PostPosted: Tue Jul 19, 2005 8:26 am    Post subject: Hi ninang francia! Reply with quote

francia mendoza ragragio wrote:
Kumusta po silang lahata rito po ako sa computrer lab ng PES

Ninang Francia kamusta na? natutuwa naman ako at nakita ko nga ang pangalan mo dito. Basta lagi kang bibisita dito sa usap kasi minsan nagpopost kami ng mga picture para makita mo kami dito . Kamusta mo na lang ako kay tita Norma at kay tita Libot.

Ingat ka na lang palagi.

Love
dedette

l
Back to top
Victorino Bonsol Punay
Guest





PostPosted: Wed Jul 20, 2005 1:59 am    Post subject: kumusta sa kababayan Reply with quote

Marahil po hindi nyo ako kilala ako po si VICTORINO BONSOL PUNAY,ang taga-paghalaga ng paaralan ng PAETE.,Ako'y po taus puso nagpapasalamat sa lahat na bumubuo ng PAETECH at sumusuporta sa bayan ng PAETE,Malaking tulong di po ang magkaroon tayo ng FEEDING CENTER para po sa mga batang malnuris. MARAMING SALAMAT PO......!








KUMUSTA PO,SA KABABAYAN NG PAETE
VICTORINO BONSOL PUNAY
Back to top
rosario ang roxas
Guest





PostPosted: Wed Jul 20, 2005 3:43 am    Post subject: hello mga kababayan Reply with quote

Hello mga kababayan ko! Kumustamos mga naggagandahan at nagguguwapuhang taga paete. Muli ang pangungumusta sa inyo.Specially kay Mareng Issa ganda Adefuin,Mareng Elsie Oarga at Lou Ortilla and family.
Fiesta na naman, Sadyang napakabilis ng panahon bukas bukas andito na naman kayo, upang muling magkita-kita. Di man tayo laging magkasama sa pamamagitan ng proyektong ito nagkakakumustahan tayo. Salamat sa mga kababayan kong may mga ginintuang puso. Kasihan nawa tayo ng Dios sa mga gawain natin. Mula sa mga magulang ng mga YOUNGPAETECH salamat ng very many sa inyo. MABUHAY TAYONG LAHAT!!!!!!!!! GOD BLESS TO ALL!




Yours Truly,

ROSARIO KAGAHASTIAN ROXAS ANG
Back to top
nelda baldemor bagabaldo
Guest





PostPosted: Wed Jul 20, 2005 4:05 am    Post subject: PANGARAP LANG Reply with quote

Isang magandang araw ang bati ko sa inyong lahat ! malapit na po ang fiesta at kami ay nangangarap na makarating diyan upang saksihan ang naiibang fiesta ngunit wala kaming magagawa sa ngayon kundi ang mag IMAGINE na lang...............parang ganito, TEKA uunahin ko na si mareng issa GANDA TAINo ..hoy mare kumusta ka na?bai bali mo ka ganda ngyon aba!bagay na bagay sa iyo ang suot mo,halika lumapit tayo kay GLORIA ung klasmate ko nung hi-skul..Hi klasmate totoo pala na may kamukha dito si vilma santos hindi ka pa din nababago,ikaw pa din ang kababata ko na mabait at seksi,kailan ka uli uuwi sa pinas?miz ka namin dun mag geget togeter uli tayo pero tulad ng dati kayo pa rin ang bangka at sagot sa lahat hehehehe,teka nandun pala si conrado caiyod,lalapit muna ako dun ha!bai mabuti nakilala pa kita ay bali mo ka pugi aba!!KUMUSTA na lang sa mabait mong asawa ha!teka gusto ko makita si MAYORA EVELYN ... ASAN KAYA UN?AH ayun pala sa may bandang gitna HELLO mis ka na po ng mga kababaihan anyway i'm doing my best para sa ating bayan....aba! si mareng bless pala ung dumadating teka at sasalubungin ko na at malapit na yata ako magising,saka wala na space kaya hangang dito na lang ang aking pangarap dahil maiihi na ako.
Back to top
Edna A. Adefuin
Guest





PostPosted: Wed Jul 20, 2005 4:52 am    Post subject: Kumusta po kayo Reply with quote

kumusta po sa inyo sa minamahal namin Tito Zosi &Tita Pepita Adefuin, nasa Connecticut,Tito George&Tita Rosy Villarin (L.A),Kuya Francis & Ate Sally Adefuin (L.A),Kuya Jun & Gloria Caguin (L.A)Ka Varo&Ka Weng Balquiedra,Ka Gil & Ka Marina Adea,Ka Simeon & Baby Bagalso, at sa lahat po na nasa ibang lugar na taga Paete KUMUSTA PO At PAGPALAIN po kayo ng DIYOS.
Back to top
nievesb



Joined: 12 Jul 2005
Posts: 671
Location: Nieves Agbada Bagalso

PostPosted: Wed Jul 20, 2005 2:19 pm    Post subject: hi po sa lahat ng teacher at parents.. Reply with quote

hi po sa lahat ng mga taga Paete,guro,parents at sa mga kamag anak ko there to tito Obeth Pascual,tita Mila.. hi po!!![[size=18]also to Donya Tayieh R.Ang musta na?kelan ba uli tayo mag vivideoke dyan sa inyo at ng makapag wala uli hahaha...yesterday i nakausap ko na sis mo( Mhel)at ayon umaatikabong chikahan with Issay na rin .oh sya at kumusta na lang sa inyong lahat....bye
Back to top
View user's profile Send private message Visit poster's website Yahoo Messenger
Sally Mad.M. Astudillo
Guest





PostPosted: Wed Jul 20, 2005 8:24 pm    Post subject: Thank You po Reply with quote

Tito Ver, hello there once again. Hi to everybody.Don't worry I'm really trying my best to update myself in using computer. Masayang makabasa ng balita mula sa inyong lahat dyan. Ok naman kami lahat dine sa atin. Ang Ina (dolly) ay maayos din naman. Tuloy-tuloy lang ang kanyang dialysis 4xa day. Awa ng Diyos ay maganda naman ang effect sa kanya. Ang Ama naman ay palaging may nerbyos. Iniisip kasi ang sakit nya.Tito Zomy and Nana Tita are also doing fine. Si Tita Ana naman ay namili na kahapon ng panghanda nila sa Fiesta. Remember my pretty grandhild Mae-mae? She's going to celebrate her 2nd b-day on Aug. 13. Double celebration ito kasi 1st b-day naman ng anak ni Abel, my younger brother.
Kumusta na lang sa mga tita Fe, tita Baby and all.Nagbabasa din ba ang tito Abel dito? Sad

sally
Back to top
amork



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 761
Location: Amor Kagahastian

PostPosted: Sat Jul 23, 2005 8:06 pm    Post subject: Reply with quote

kumusta sa lahat ng mga guro at magulang diyan sa PES! nakatutuwa na nandito na rin kayo sa usap... sa mga guro-friends ko riyan, lilia, estela, norma, juvy, gloria, lourdes, luciana, marietta, yolly (baina ay sino pa nga baga? pasensiya na kung may nakalimutan hane!)

aba ay pati ang pamangkin kong si thayie ay umaarangkada na rin. masarap mag-internet ano? napakabilis makipag-communicate.

ay siya, kumusta sa lahat at happy fiesta. uuwi ako sa agosto para sa Paete District Schools Press conference. Hindi ko pa lamang ma-sure ang date. you will hear from me.

Paging, Marietta Dayo Umali, magsasama baga ulit ako ng isa pang speaker?

mam amor sa cavite Very Happy Laughing Razz Laughing
_________________
Amor Salceda Kagahastian
Back to top
View user's profile Send private message
Marietta D, Umali
Guest





PostPosted: Sun Jul 24, 2005 6:07 am    Post subject: Mam Amor kagahastian Reply with quote

Opo, magsama po siya ng isa pang resource speaker.
Talagang hindi pa rin siya nagbabago .kahit saan siya dalhin lumalabas pa rin ang kanyang asset. Ang swerte ng Tanza,cavite at nasa kanila ang isa sa pinakamagaling na teacher ng San Santiago High School.Salamat na lang at kahiy papaano ay nababahaginan mo kami ng inyong kaalaman.Maraming salamat po![/b]
Back to top
amork



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 761
Location: Amor Kagahastian

PostPosted: Mon Jul 25, 2005 12:49 am    Post subject: reply to marietta umali Reply with quote

dear marietta,
ay siya huwag nang maigaya at ako naman ay nagturo rin diyan sa atin nang matagal na panahon. kahit ngayon kahit paano ay patuloy pa rin akong naglilingkod sa inyo kahit kapurit.

gawa na kayo ng formal letter of invitation para kami ay makalabas ng school. August 13-14.

Address it to: Mrs. Maxima M. Clamosa
Officer in Charge
Tanza National Comprehensive High School
Tanza, Cavite

Telefax No: 046 - 437-6617

The other speaker is Mr. Noel Ortega, yon kasama ko noong isang taon.
yong diyaryo niya ang best paper sa pilipinas. puede na raw wala siyang sulat gawa nang sabado naman.

cge, rgrds sa lahat.
mam amor Wink
Back to top
View user's profile Send private message
Marietta D. Umali
Guest





PostPosted: Mon Jul 25, 2005 7:09 pm    Post subject: Ma'm Amor Kagahastian Reply with quote

Ang Ma'm Vicky po ang magpapaseminar,tutulong na lang po kami.
Ifafax na lang po namin ang letter of invitation sa kanya as soon as possible.Ano po ang aming mga ihahanandang kagamitan at anu-ano po ang mga topic na ilelecture niya at ni noel ortega?
Maraming salamat po uli at huwag po siyang magsasawang tumulong sa amin sa campus journalism lalo po ngayon na wala sa amin si Alan.
SALAMAT PO ULI at GOD BLESS U!
Back to top
amork



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 761
Location: Amor Kagahastian

PostPosted: Tue Jul 26, 2005 9:34 pm    Post subject: campus journalism seminar Reply with quote

dear marietta,

mas maganda kung katulad noong isang taon na simultaneous ang lecture at contests namin ni noel para kuha ng isang araw. (by the way, is it a District Presscon or just a seminar? Kapag presscon may contest yan. kapag seminar wala, di ba).

for noel: Editorial Writing, Editorial Cartooning and Feature Writing
for me: Newswriting, Sportswriting, Copyreading & Headline Writing

preferably kung may LCD, kung wala overhead projector will do.
please send me your contact number for an easier/urgent access. tnkx.

do you have e-mail address? anybody in your group?

mam amor
Back to top
View user's profile Send private message
Marietta D. Umali
Guest





PostPosted: Wed Jul 27, 2005 1:53 am    Post subject: Ma'm amor Kagahastian Reply with quote

District Press con po para mapili namin kung sino ang mga batang isasali namin sa Division press Con.Nagpatulong na po kami kay Ma'm Vicky dahil wala nga po si a Alan.
Mayroon po kaming overhead projector .pwede rin pong simultaneous ang lecture kaya maghahanda po kami ng dalawang venue.
Ma'm hindi po ba niya ako babatiin ng Happy birthday?Katatapos ko lang pong magbirthday noong July 22 at huwag na niyang itanong ang edad dahil lahat ng nagtatanong sa akin kung anongedead ko ay sagot ay don't say bad words.
Back to top
amork



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 761
Location: Amor Kagahastian

PostPosted: Wed Jul 27, 2005 9:16 pm    Post subject: district presscon Reply with quote

dear marietta,

belated happy birthday! don't worry about your age, i'm only a year older sa iyo. <lol>

very willing si mr. ortega na muling pumunta diyan sa atin. our only problem is sasakyan. if we hire one, makakaya na kaya ng presscon fund na doon kunin ang amount? one thing more, wala kayong aalalahaning honorarium para sa akin. my service is gratis et amore. si mr. ortega na lamang ang paghandaan ninyo.

again, any contact number from you or from any of your group?

rgrds,
mam amor
Back to top
View user's profile Send private message
vernavarro



Joined: 11 Jul 2005
Posts: 356
Location: Virgilio A. Navarro

PostPosted: Thu Jul 28, 2005 4:55 pm    Post subject: Re: PASASALAMAT Reply with quote

YOLY MADRIDEJOS BAGAMANO wrote:
MGA KABABAYAN KONG TAGA-PAETE ISANG TAOS PUSONG PANGUNGUMUSTA ANG IPINAABOT KO SA INYO. AKO PO AY ISANG GURO SA PAETE ELEMENTARY SCHOOL NAIS MAGPASALAMAT SA MGA TULONG NAIBIBIGAY NYO SA AMING PAARALAN TULAD NG BREAKFAST FEEDING PARA SA MGA BATANG KAPUSPALAD ANG ALAY COMPUTER NA LUBHANG NAKAKATULONG SA AMING MGA GURO LALOT HIGIT SA MGA BATANG MAG-AARAL. MABUHAY PO KAYO!


Yolly,
si Ver Navarro ito kumusta na? isa ka pala sa successfull na Guro ng PES.
congratulation.
Wow, nakakatuwa naman at ang mga project nating mga taga-Paete ay becoming more success than ever,lalo na sa mga kabataang paetenian now and future to come.
Paki-kumusta mo nga ako sa ating mga ka batch,unfortunately I will not be able to come again at this time, but I am gonna be around @ the end of April'06 or beginning weeks of May'06
And also paki-kumusta nga ako kay Kang Tita Baysauli Sadsad.

Mabuhay kayo!!
Ver Navarro
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Visit poster's website
marietta D. umali
Guest





PostPosted: Thu Jul 28, 2005 11:04 pm    Post subject: Ma'm Amor Kagahastian Reply with quote

Sige po susunduin po sila ng school van .Saan po kaya sila madaling makikita ng driver para sunduin at anong oras at araw po sila susunduin?
Magsisimula po ng 9 am ang press con kaya dapat ay kakaunin na sila d'yan ng maaga.Pagkatapos ng press con uuwi na po ba agad sila o tulad ng dati na kinabukasan pa.Kakausapin po kasi namin ang driver kung isa o 2 araw aarkilahin ang van.
Nawala po yoong aklat namin ng mga exercises , baka po pwede nila kaming pahiramin o pwede kaming magpazerox?
Hanggang sa muli .God bless u.
Back to top
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Batang Paete All times are GMT - 5 Hours
Goto page Previous  1, 2, 3  Next
Page 2 of 3

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group