PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

LANZONES SA AKING ALAALA

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Ganito Kami Noon
View previous topic :: View next topic  
Author Message
Bulanggugo- ng Quinale
Guest





PostPosted: Thu Jun 20, 2013 12:21 pm    Post subject: LANZONES SA AKING ALAALA Reply with quote

LANZONES…..PAETE
Bulanggugo 2013

Growing up I have enjoyed Lanzones each and every season-September to October. During the harvest which we call “putihan” I remember going with my grandparents on either side of the family to their small plantation area called “kaingin” armed with native bag made of buli and nothing else.

We would follow the harvester (mamumuti) as he climbed up the tree with his special basket tied to ropes to help him navigate through the branches and reach for ripe bunches (buwig) of Lanzones. As if with a prayer we were hoping the harvester would miss some of the lanzones and fall into our hands. All these time you would be looking up waiting to catch some (you can have stiff neck at the end of the day). If he was your relative like a brother or uncle, surely he would intentionally miss many so you could accumulate more lanzones in your bag. Some were paid for the day, some were paid depending on their production. These were experts who have gained their skills thru time and they could be expensive commodities during the season.

The harvest could be very challenging. You would have to deal with a battalion of mosquitoes swooping down on you and sucking your blood like vampires. You could hear them buzzing around you. This was why you find bonfires where there was harvest. The smoke so they say, sends these mosquitoes away but then as the song said, “smoke gets in your eyes.”

Another “enemy” were the variety of ants attacking your feet, your hands and in fact they could penetrate every part of your body. This was why the harvester was covered from head to toe.

We called some of them “hantik” which were black and huge, some we called ‘mamimigtas” which were red and huge likewise and when they bite their fangs truly penetrate your skin. There were small black ones which attack you continually just like an army bent on killing anyone on their path. They protect the trees as if these were their territories and were willing to lay down their lives against the intruders.

Another challenge was the topography of the mountainside. If not careful in your footing you could tumble down and hit a lot of rocks or protruding stumps. This risk was especially true if and when we had rain or drizzles that make the terrain slippery with mud. Paete was fondly called “pusali ng langit’ or in other words the drainage part of heaven because of the constant rain even during summer time. This must be why Lanzones abound in our town and were referred to as the sweetest you can ever taste.

My favorite part of the harvest was lunch time. In a makeshift table covered with banana leave carefully “sanitized” by fire, you would find rice in abundance, “alamang” with pork, shrimps cooked in coconuet milk (ginataang hipon) and variety of grilled fish or inihaw. At the middle were bunches of ripe lanzones to go with the meal. It was an “eat-all-you-can” deal. There were no bottled water then. Instead they would improvise bamboos called ‘saluno” from the source of water which could be a fountain or “bukal” down to where the people were feasting on their lunch. I could still remember the sweet taste of such water. (to be continued)
Back to top
Bulanggugo....
Guest





PostPosted: Thu Jun 20, 2013 1:29 pm    Post subject: NAKAKAMISS TALAGA Reply with quote

Natatandaan mo ba yung tanghalian noon habang namimitas ng Lanzones? Yun bang kamayan kayo sa hapag na nilatagan ng dahon ng saging na idinaan sa apoy para "luminis" daw..... yun bang habang sumusubo ka ay langas-pawis ka sa init, tapos naririnig mo yung lamok na palibot-libot sa iyo na parang tumi-tyempo....

Yung baboy na may alamang na pagkasaraaaap-sarrraaap pag may Lanzones.... o kaya ay ginataang hipon, yun bang sawang-sawa sa gata, na may kamyas......me inihaw pang dalag na pipigaan mo ng sintunis.....langit talaga....bondat na bondat na gustong imidlip sandali pero hindi naman pwede dahil sa sangkatutak na lamok sa paligid...yun bang pag sabay-sabay kang kinagat at sabay lumipad ay pwede kang ilipat ng higaan... hehehehe.

O kaya'y lulusubin ka ng isang milyong langgam at kagat dito-dagat-doon....hala nga...paano ka matutulog....
Back to top
Guest






PostPosted: Fri Jun 21, 2013 1:11 am    Post subject: Reply with quote

Ang pinakasarap na lanzones and yong tumutubo sa tagiliran ng sementeryo.
Back to top
Ka Ikong
Guest





PostPosted: Fri Jun 21, 2013 7:07 am    Post subject: alala na lamang Reply with quote

Ala-ala na lamang mga katoto
Lansones na kay tamis sadyang totoo
Mahahabang buwig kumpol-kumpol ito
Batunisan man sigurado lalantakan mo

Mga mamumuti sadyang mga eksperto
Palipat-lipat nang puno walang babaan ito
Magagandang buwig ingat na ingat ito
Dahil aniya, pampaganda nang presyo ito

Mga mamumulot puro mga listo
Hindi alintana mga hantik baga dito
Madulas o matuod ok lang sa kanya
Basta makarami, pera anya ito

Mga maghahakot sadyang kahanga-hanga
Sa lakas at tibay bigat nang dala ok lang sa kanya
Aahon at lulusong pilit kinakaya
Makarami lang maligaya na sila

Ala-ala na lamang mga katoto
Sa kasabikan nagpunta nang Toronto
Makatikim lang lansones kuno'
Ok din naman kahit di galing Payti 'to

...he! he! hopefully next year ,makakatikim na rin nang the real one he!he! kung meron pa..
Back to top
Bulanggugo.......
Guest





PostPosted: Fri Jun 21, 2013 10:59 am    Post subject: Animo mga bituin na bumaba sa ating kabundukan Reply with quote

Gusto ko sanang malaman kung ang ilaw sa mga lansonesan sa Paete ay gumagamit pa rin ng mga de-gas na lampara kapag panahon na unti-unting nahihinog ang mga bunga upang sawayin ang mga paniki sa paglapit at pagtuka.

Noong araw kasi pagtanaw mo sa kabundukan natin ay tila mga bituing kumukutikutitap ang mga ito sa gabi. Isang malaking trabaho ang pag-iilaw na ito tuwing gumagabi na. Kapag hindi mo ginawa ito ay mahuhulog ang mga lanzones na wala sa panahon at hindi pakikinagangan nang husto pagdating ng anihan o "putihan." Ang mga paniki ay nabubulag sa liwanag.
Back to top
Bulanggugo....
Guest





PostPosted: Wed Jun 26, 2013 8:03 am    Post subject: Isang Paraiso...ang bayan ko Reply with quote

Ang aking mga kahapon sa Paete, habang lumalaki at nagkakaisip ay parang isang Eden or Paraiso....

Lahat na mga pista at tradisyon ay nandoon na noon pa kahit mas simple at hindi "magarbo" tulad ngayon. Kung ang Lanzones ang pinaka masarap-matamis na sikat na prutas, ang Paete ang pinakamasaya, masigla at tahimik na Eden sa gitna ng Sierra Madre at ng Lawa ng Laguna, ng mga palayan at ilog, ng laging timig na lupa at iba't-ibang ibon.

Kung nasa kabundukan ka, maaari mong kainin ang ano mang prutas upang pawiin ang iyong kumakalam na sikmura, huwag ka lang mag-uuwi. Magbabad at maligo ka sa malinaw at malinis na tubig na dumadaloy sa ating ilog.

Magagalang(marespeto) ang mga kabataan, uso ang "bayanihan" sa ano mang pagkilos ng mamamayan.....

Umuuwi na ang mga kabataan pagtunog ng kampana sa alas-sais ng gabi.

Puno ang mga simbahan kung Linggo.

Walang mga "junk foods."
Back to top
Bulanggugo...
Guest





PostPosted: Thu Jun 27, 2013 12:26 pm    Post subject: pasusog Reply with quote

Marami nang naninirahan sa ating kabundukan....pa-Ilaya rin tulad ng pa-Pakil at pa-Longos....

Yung mga kaingin ng Lanzones at Santol siguro ay nagiging residential na rin.

Na"susulipan" kaya ang matatanda nang puno sa atin? Meaning nagtatanim ng bagon punla.
Back to top
Guest






PostPosted: Fri Jun 28, 2013 3:01 am    Post subject: Re: Animo mga bituin na bumaba sa ating kabundukan Reply with quote

Bulanggugo....... wrote:
Gusto ko sanang malaman kung ang ilaw sa mga lansonesan sa Paete ay gumagamit pa rin ng mga de-gas na lampara kapag panahon na unti-unting nahihinog ang mga bunga upang sawayin ang mga paniki sa paglapit at pagtuka.

Noong araw kasi pagtanaw mo sa kabundukan natin ay tila mga bituing kumukutikutitap ang mga ito sa gabi. Isang malaking trabaho ang pag-iilaw na ito tuwing gumagabi na. Kapag hindi mo ginawa ito ay mahuhulog ang mga lanzones na wala sa panahon at hindi pakikinagangan nang husto pagdating ng anihan o "putihan." Ang mga paniki ay nabubulag sa liwanag.


Naabutan ko pa yon, kaygandang pagmasdan ng bundok sa gabi dahil sa mga ilaw ng lamparang de-gas. Sadly, parang wala na yatang ganung ngayon...walang ng iniilawan dahil nauuna ng mamuti yung mga "ka-iti"...bago pa lang yata naninilaw ay ninanakaw na. Sad
Back to top
Bulanggugo..
Guest





PostPosted: Mon Jul 01, 2013 1:26 pm    Post subject: Nakakalungkot naman Reply with quote

Samakatwid ay hindi na kalaban ang paniki kundi "ka-iti......baling-bali naman......krimen yan..

Noon kapang nahulihan ka ng lanzones na ninakaw sa "akto" ay titimbangin ang mga ito.....isang buwan kada kilo......(daw).

Iba ang lasa ng Lanzones talaga kumpara sa ibang prutas....
Back to top
Bityog Cadapan
Guest





PostPosted: Wed Jul 03, 2013 10:10 am    Post subject: makikiambag Reply with quote

..natatandaan ko noong mga early 80's may mangilan-ngilan na nahuhuling mga "kaiti/kasama" mga hindi taga-Payti, pero nang maghirap na ang ukit (hindi na makasuweldo sa tamang panahon)-meron nang mga anak-anak,kapakapatid na dumidiskarte na hindi alam nang ama o kapatid (na siyang may-ari nang lansonesan..hi hi) utos o alam daw ni ama pag nakita nang katabing kaingin(batang kanto po ako noong araw--lagi pong ganito ang siyete hi hi hi). kaya tuloy kahi't may berde-berde pa pinuputi na..pati daw yong sa may Pantyong(sementeryo) na kararami kong mamunga..dati hindi gaanong ginagalaw gawa daw nang lasang patay(akala mo nakatikim na nang patay-tag-payti talaga)hindi na rin daw pinatawad.
.. Amang Ming, marami ding naghulip noon(sina Ama at yong mga katabing kaingin) pero napabayaan at tsaka hindi na gumanda(nabansot) ang tubo gawa daw nang klima-kailangan daw nang puno nang lansones ang medyo mahalumigmig na panahon,eh nagsisimula nang makalbo ang bundok..nagiging tuyo na ang lupa pati na yong mga ligaw na puno na kailangan nang punong lansones.
..at isa pa Amang Ming yong "paniki at kabag" kaya nangawala..hindi lang dahil wala nang lansones--natakot sila dahil hina-"hunting" na rin sila para kainin/"pulutan"..hi hi ha ha
..ilang kuro-kuro o palapalagay at 90% "hearsay"..wala po akong masamang intensiyon..sabi nga po 'masanggay managuli dyokalapeyn--"P-nis" --malapit na ang Piyesta -- Let's enjoy and have fun!!!
Back to top
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Ganito Kami Noon All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group