PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

Paetenyana... taga Paete ka kung.....
Goto page Previous  1, 2, 3, 4  Next
 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Ganito Kami Noon
View previous topic :: View next topic  
Author Message
dzun



Joined: 29 Sep 2009
Posts: 22
Location: Jubail, Saudi Arabia

PostPosted: Sat Jul 31, 2010 7:31 am    Post subject: Reply with quote

ako po'y iging igi sa pagbabasa ng mga posts dito sa mga salitang paete na matagal ko na din pong hindi nadidinig dahil ako po ay hindi na pirmi sa paete. kaya po baga pag minsan nakapagsasalita ako ng salitang paete sa mga anak ko at asawa ay bali na ang tanong sa akin. gaya po nung minsan na galing sa kubeta 'yung bunso ko na tinanong ko ng "nagbasa kang maigi?" Smile

sana po madami pang magpost ng mga ganito.

salamat po at mabuhay ang Paete!!! Very Happy
Back to top
View user's profile Send private message
Guest






PostPosted: Sun Aug 01, 2010 7:02 am    Post subject: Reply with quote

Baka ang ibig mo sabihin ay "namasa kang maigi"
Back to top
emmanuel.adefuin
Guest





PostPosted: Mon Apr 04, 2011 4:27 pm    Post subject: Reply with quote

Bingkong
Tabingi
Talipugpog=Pandak
Tigbi- bala yun sa sumpak
Warak- malaking punit
puniti
dalbog
Back to top
reyc
Forum Owner


Joined: 06 Jul 2005
Posts: 257
Location: Rey Carolino

PostPosted: Fri Aug 09, 2013 7:38 pm    Post subject: Paetenyana... taga Paete ka kung..... Reply with quote

I am reposting a thread started by Mr. Pax on January 22, 2002 at 10:22 PM at the old USAP PAETE Forum which you can still access from this link:

http://www.network54.com/Forum.....011766949/

I wanted to make sure that we will be able to preserve this very entertaining thread before they close that old Forum for good..

Enjoy.....
Back to top
View user's profile Send private message
Mr. Pax
Guest





PostPosted: Fri Aug 09, 2013 7:40 pm    Post subject: Paetenyana....taga Paete ka kung... Reply with quote

Ang tawag mo sa ginataang talong ay "minanok";
ang tawag mo sa mapurol na kutsilyo ay "matalab";
ang tawag mo sa paella rice ay "biringhi";
ang tawag mo sa namamagang kuwan ay "kinakamatis"
ang tawag mo sa duling ay "balirak"
ang tawag mo sa libag ay "banil";
ang tawag mo sa duwag ay "urot";
ang tawag mo sa sunog na kanin ay "angi";
ang tawag mo sa hilaw na kanin ay "batilaw";
ang tawag mo sa maliliit na isda ay "bangayngay"
ang tawag mo sa amoy lumot ay "liya";
paborito mong tinapay ay "bunete", "pinag-ong", "pamblangko", "gipas";
hinahanap mo sa pabasa ng Flores de Mayo ay "tu-tong"
kahit di kumbidado ay nasa handaan;
mahilig mamahaw kahit sitsaron lang ang ulam;
hindi makapag-inom ng walang pulutan;
maghapon at magdamag kung mag "binay-anan";
ang tawag din sa ref ay "pridyider"
ang tawag sa cabaret ay "saloon"
nagtataka kung bakit may taga Paete na hindi kilala;
ang tawag sa hi school ay "eastern" o "santiago";
ang tawag sa jeep na biyaheng Paete-Quiapo ay "canvass"
maagang masira ang mga ngipin dahil sa sweetwater;
ang nililigawan o naka away pag nag areglohan ay kamag-anak pala;
laging naka tricycle;
ang tawag sa Paete ay "Pay-ti".......

to be continued...


[This article was originally posted by Mr. Pax at the old USAP PAETE Forum on January 22, 2002 at 10:22 pm]
Back to top
Batang Aratan
Guest





PostPosted: Fri Aug 09, 2013 7:43 pm    Post subject: Karugtong... taga Paete ka kung... Reply with quote

Mr. Pax,

Tunay at walang alinlangan ang iyong tinuran,subali't hayaan po ninyong dugtungan ko ang iyong inumpisahan.

Walang duda, TUNAY na taga Paete ka kung...

Ang tawag mo sa kuwan ng lalaki ay ... BAYAG
Ang tawag mo sa kuwan ng babae ay ... PUWIT
Ang tawag mo sa puwet ay ... KUYUKOT
Ang tawag mo sa nag sasalsal ay ... NAG PUPONG PONG
Ang tawag mo sa nagkukuwanan ay ... NAG OOY..AN
Ang tawag mo sa sipon ay ... UHUG
Ang tawag mo sa lupang laging basa ng tubig ay ... BAYSAK o' LATITI
Ang tawag mo sa nga hindi totoo kuwento ay ... HAKA
Ang tawag mo sa tuyo ay ... HAWUT
Ang tawag mo sa batang amoy araw ay ... AMOY LIMPI
Ang tawag mo sa nasasapian ng masamang espiritu ay... NAGAGALAW
Ang tawag mo sa aakyat ng ligaw ay ... TATAPO
Ang tawag mo sa prostitute ay ... PAKA
Ang tawag mo sa fried potato cubes ay ... MINANI
Ang tawag mo sa magandang laban /laro ay ... PANG GATGAT
Ang kalimitan mong expression ay ... BAI; BALING BALI; SARI SARI KA; BUSISI KA
Ang expression mo pag namangha ay ... WALANDYO
Ang tawag mo sa cassava pan cake ay ... SINALUDSOD
Ang tawag mo sa aalis ay ... YAYAO
Ang tawag mo sa kutsara ay ... SURU
Mahilig kang kumain ng ... BUKAYO o' PANUTSA
Mahilig ka rin sa ... KALABANGA at GINATANG PAKO
Ang tawag mo sa ginatang gabi ay ... TINUTO
Ang tawag mo sa wawa ay ... DRAGA
Ang tawag mo sa tooth paste ay ... COLGATE
Ang tawag mo sa isdang maliliit sa canal ay ... PAUTON
Ang tawag mo sa isdang maliliit na patulis ay ... PANTAT
Ang tawag mo sa sea weeds ay ... DIGMAN
Ang tawag mo sa namimitas ng lansones ay ... NAMOMOTE
Ang tawag mo sa aakyat ay ... AADYO
Ang tawag mo sa hindi parehas na hatian ay ... PARTIDANG PAKIL
Ang tawag mo sa lolo o' lola ay ... DADA
Ang tawag mo sa kuya ay ... KAKA o' KANG
Ang tawag mo sa mayabang ay ... BURUT
Ang tawag mo sa drum set ay ... BARADAG
Ang tawag mo sa roleta ay ... PERYA
Ang tawag mo sa carnival ay ... SIDERA
Ang tawag mo sa magsemento gamit ay putik ay ... MAGBASTIYA
Ang tawag mo sa monay ay ... TAMBOK
Ang tawag mo sa pan de coco ay ... BIYAK NA BATO
Ang tawag mo sa Caucasians kahit hindi Amerikano ay ... KANO
Ang tawag mo sa sitaw ay ... AYAP
Ang tawag mo sa sliced pan ay ... TASTY
Ang tawag mo sa BLTB Co. Bus ay ... LTB
Ang tawag mo sa plema ay ... KALAGHARA
Ang tawag mo sa dahong makati ay ... LIPA
Ang tawag mo sa hipong bagoong ay ... ALAMANG
Ang tawag mo sa kanal ay ... BAMBANG
Ang tawag mo sa nag tatae ay ... KINUKURSU

At higit sa lahat (para kay Hubert), ang tawag mo sa YELLOW SUBMARINE ay... TIBI ! (He - he - he - he)

Salamat po

[This aritcle was orginally posted by Batang Aratan in the old USAP PAETE Forum on January 25, 2002 at 8:05 pm]
Back to top
Mr. Pax
Guest





PostPosted: Fri Aug 09, 2013 7:45 pm    Post subject: ha ha ha!, sari-sari ka, toto, Reply with quote

Heto pa ang kaunting dagdag:

TAGA PAETE KA KUNG:

ang tawag mo sa zero ay "butata" o "bokya";
ang tawag mo sa baakan ng trumpo ay "batbatan"
ang tawag mo sa higanteng dagang gubat ay "tarurot"
ang tawag mo sa panggabing marsupial ay "buot"
ang tawag mo sa tirador ay "saltik"
ang tawag mo sa cuero ng saltik ay "bahay-bato"
gamit mo sa saltik ang "salanga"
ang tawag mo sa sirang karne o isda ay "hampok"
ang tawag mo kung tumalab ay "karot"
ang tawag mo sa nakalutang na patay na hayop ay "banggak" o "bunggan"
ang tawag mo sa kabit kabit na biwas ay "kitang"
ang tawag mo sa babaeng kiri ay "palasaw"
40 years old ka na ay hindi pa nakakarating sa "laot ng lawa"
ang tawag mo sa uod na may makating balahibo ay "basil"
ang tawag mo sa maliit na tindahan ay "baraka"
ang tawag mo sa dutdot ay "salawsaw"

at para sa kabayan nating taga Ha-way, ang kabaligtaran ng yellow sub ay "BURARAK"!

HAPPY SALIBANDA SA LAHAT!


[This article was originally posted in the old USAP PAETE Forum by Mr. Pax on January 25, 2002 at 9:48 pm]
Back to top
Onnie Cadawas
Guest





PostPosted: Fri Aug 09, 2013 7:46 pm    Post subject: Hindi mapigilang karugtong.....by Ka Onnie Reply with quote

taga Paete ka kung........
ang tawag mo sa masisiste ay......ISBOYOG
ang tawag mo sa suntokan ay.......DALBOGAN
ang tawag mo sa suntok ay.........PUNITE
ang tawag mo sa bundok ay.........HUMARAP
ang tawag mo sa bukal ay..........MAKINA
ang tawag mo sa sikohan sa basketball ay..BALDAHAN
ang tawag mo sa sementeriyo ay....PANSIONG
ang tawag mo sa maliit na saging ay...RITUNGGAL
ang tawag mo sa maliit na "kalabanga" ay..LAMUTOK
ang tawag mo sa dumi sa taynga ay..LUGA O CONDENSE MILK
ang tawag mo sa "Town cryer" ay...TAGA BANDO
pag may hinihingi ay..............AKURA NGA
bago umihi sa bundok ay mag.......TABI-TABI NONO muna
at pag walang makitang "yellow submarine" si Hubert
o hindi matae ay..................MAGLABA TIBA.

Salamat mga Katoto.


[This article was originally posted in the old USAP PAETE Forum by Ka Onnie on January 26, 2002 at 12:29 AM]
Back to top
Rey
Guest





PostPosted: Fri Aug 09, 2013 7:47 pm    Post subject: I like this thread Reply with quote

isa pa nga?


[This article was originally posted in the old USAP PAETE Forum by Rey on January 26, 2002 at 6:03 am]
Back to top
Ka Onnie
Guest





PostPosted: Fri Aug 09, 2013 7:49 pm    Post subject: Ito na naman at hindi mapigilan..... Reply with quote

salamat katotong Mr pax, masaya ako dito sa sinimulang
mong TAGA PAETE KA KUNG........
ang tawag sa mabibiro ay...........HAPAK HAPAK
ang tawag mo sa sabaw ng sugat ay..KULANI
ang tawag mo sa marumi o burara ay.SAMLANG
ang tawag mo sa malilit na bulati
sa Kuyokot ay...................ULAY
ang tawag sa isda sa palayan ay....GURAMI
ang panakot mo sa mga bata ay
kukunin ka ng...................SIPAY
taga paete ka kung kumakain ka ng..MAMI
pag nagaanyaya kang kumain ay......DASKOL na
pag subra na sa kain ay............LAMUTAK
ang tawag mo sa malaking lalaki....DAGOL
sa iba ay somusubra na ang tawag pa
sa atin ay.....................KAINAMAN KA
ang nilagang mais na may asin at niyog ay...BINATOG
kung hindi ka tule ikaw ay.........SUPOT
mga babaing nag sasayawan ay.......TILAPYAAN

hanggang dito na lang muna at
Salamat muli mga Katoto.



[This article was originally posted in the old USAP PAETE forum by Ka Onnie on January 26, 2002 at 10:24 pm]
Back to top
Rey
Guest





PostPosted: Fri Aug 09, 2013 7:49 pm    Post subject: huwag mong pigilan, ka onie Reply with quote

dahil nag-eenjoy ako ng husto <lol>



[This article was originally posted in the old USAP PAETE Forum on January 27 2002 at 4:50 pm]
Back to top
Batang Aratan
Guest





PostPosted: Fri Aug 09, 2013 7:51 pm    Post subject: He He He, Dugdugtongan ko pong muli Reply with quote

Mr. Pax,

Narito na naman po akong muli upang dugtungan ang inyong inumpisahan. Nananariwa pong muli sa aking gunita ang mga katagang halos mabura na sa aking isipan dahil hindi ko na halos nagagamit at naririnig.

Ito po'y katuwaan lamang para mawala ang ating isipin sa mga tibi ("yellow submarine") ng batang Highway.

TUNAY na TUNAY kang taga Paete kung ...

Ang tawag mo sa hindi tuli ay ... SUPOT
Ang tunulian nasupot muli ay ... ULI
Ang tawag mo sa panty ay ... SALAWAL
Ang gupit sa buhok ng lalaki na maigsi ay ... CHATO
Ang tawag sa kubo sa may palayan ... BALAG
Ang tawag sa napatid sa paglalakad ay ... NATALAPID
Ang tawag sa nakausling mga ngipin ay ... USNGAL
Ang tawag sa sarangolang bumabagsak ay ... SUMASALOK
Ang tawag mo sa amoy panis ay ... MAANTA
Ang tawag mo sa susong hapon ay ... BIYUKO
Ang tawag mo sa Santo Sepulcro ay ... SENYOR
Ang tawag mo sa salamander lizard ay ... TIMBABALAK
Ang tawag mo sa maliliit na kawayan ay ... TULOS
Ang tawag mo sa pilapil ay ... BUNTON
Ang tawag mo sa tsinelas ay ... SAPIN
Ang tawag mo sa maliliit na paniki ay ... KABAG
Ang tawag mo sa ginataang bilo bilo ay ... PALATOK
Ang tawag mo sa malaking tilapia ay ... PLAPLA
Ang tawag mo sa sumang cassava ay ... BINAMBAN
Ang tawag mo sa likod ng tuhod ay ... ALAK ALAKAN
Ang tawag mo sa patatawas pag nagalaw ay ... PASUSUHOB
Ang tawag mo sa maliliit na bulate sa kuyukot ay ... ULAY
Ang tawag mo sa bugok na penoy o' taong may sira ay ... ABNOY
Ang tawag mo sa hindi full pledge na duling ay ... BANLAG
Ang tawag mo sa kulungan ng baboy ay ... BANLAT
Ang tawag mo sa pagkain ng baboy ay ... LINO
Ang tawag mo sa isang variety ng niyog ay ... GUMAAN
Ang tawag mo sa sobrang lambot na laman ng buko ay ... MALAUHOG
Ang tawag mo sa nobya o' nobyo ay ... KATIPAN
Ang tawag mo sa alipunga ay ... KUYKOY DAGA
Ang tawag mo sa panukod ay ... AYUKOD
Ang tawag mo sa nagulat ay ... NAGITLA
Ang tawag mo pag naiinitan ka ay ... MABANAS

Ang siyempre ang tawag mo sa INODORO ay ...
Oopppsss!!! Teka ano nga ba ? wala pa nga palang inodoro nuon, puro patak bomba sa bambang he he he he.

Mali, baka mabasa pa ni boy highway ay maisahan na naman tayo. Hanggang sa muli na lang mga katoto , anlalon bagay magkakaroon din ng tawag ang ating mga kababayan sa inodoro... ano kaya, HUBERTUHAN na lan !

Maligayang sali-banda sa ating mga kababayan, walang sabuyan ng galing sa bambang ha!

Muli ang inyong pong lingkod - BATANG ARATAN (QUINALE)


[This aritcle was originally posted in the old USAP PAETE Forum by Batang Aratan on January 28, 2002 at 3:58 AM]
Back to top
Mr. Pax
Guest





PostPosted: Fri Aug 09, 2013 7:52 pm    Post subject: Paetenyana ulit....taga Paete ka kung Reply with quote

ang tawag mo sa halika na ay ..."tara na";
ang tawag mo sa delivery van ay.."panel";
expression mo pag nagitla ay..."baina" o "baina ko";
ang tawag mo sa biyang bambang ay.."biyang bato";
ang tawag mo sa "flip" ay ..."simpaloy";
ang tawag mo sa weird behaviour ay.."may gitang sa ulo";
ang tawag mo sa girlfriend/boyfriend ay.."katarato";
ang tawag mo pag napilayan ay..."na li-ay";
ang tawag mo pag natalapid ay..."natapilok";
ang tawag mo sa eroplanong sumisisid ay.."ume-ered"
ang tawag mo sa bukong makapal ang laman ay.."murang Siniloan";
Ang tawag mo sa guhit guhit sa balat lalo pag mataba o nanganak na ay.."kamot kabag";
ang tawag mo sa batang nag-iiyak ay.."naghihilo";
ang batang sumasakit ang tiyan ay..."baka nababalis";

at ilang ka Hub..tuhan:

ang tawag mo sa toilet paper ay..."pang ilos"
ang tawag mo pag nililinis ng tubig ang (pasintabi) wet-pu at/o kuyukot ay..."namamasa";
ang tawag sa inidoro?...SALUMPUWIT?...
o kaya para mas tunog Paete ay.."SALONGKUYUKOT"?
ih, ih...


[This article was originally posted in the old USAP PAETE Forum by Mr. Pax on January 28, 2002 at 7:21 am]
Back to top
Angel de Dios
Guest





PostPosted: Fri Aug 09, 2013 7:53 pm    Post subject: I agree with Rey Reply with quote

This is a very interesting message thread. Rey, perhaps, we can make this a part of www.paete.org?



[This article was originally posted in the old USAP PAETE Forum by Angel on January 28 2002 at 4:47 am]
Back to top
Batang Aratan
Guest





PostPosted: Fri Aug 09, 2013 7:54 pm    Post subject: I second the motion... Reply with quote

Perhaps we could come up with our very own PAETE DICTIONARY
before all these (unique) native words of ours vanish.

BATANG ARATAN


[This article was originally posted in the old USAP PAETE Forum by Batang Aratan on January 29 2002 at 4:34 AM]
Back to top
Webmaster
Guest





PostPosted: Fri Aug 09, 2013 7:55 pm    Post subject: This thread will surely find its way... Reply with quote

To the articles section of www.paete.org which is under renovation..... watch out....


[This article was originally posted by the Webmaster in the old USAP PAETE Forum on February 1, 2002 at 2:12 pm]
Back to top
Batang Aratan
Guest





PostPosted: Fri Aug 09, 2013 7:56 pm    Post subject: Ito pa ang karugtong... Reply with quote

Dahil ginaganahan tayo mga katoto, dugtungan muli natin.

Taga Paete ka kung...

Ang tawag mo sa iyakin ay ... PALAKAT
Ang tawag mo sa bobo ay ... UTAK BIYA
Ang tawag mo sa matakaw ay ... MAKATI
Ang tawag mo sa sobrang busog ay ... BUSOG TUTA
Ang tawag mo sa una paa ang bata pag ipinanganak ay ... SUWI
Ang tawag mo sa nahihilo ay ... NALILIYO
Ang tawag mo sa bulateng malaki sa lagarian ay ... POOK
Ang tawag mo sa basurahang bayan ay ... TAPUNAN
Ang tawag mo sa bumubulusok ay ... SUMASALIMAAD
Ang tawag mo sa band saw ay ... BANTSO
Ang tawag mo sa buni sa singit ay ... TALIPTIP
Ang tawag mo sa lansones na maliliit ay ... BATONISAN
Ang tawag mo sa bumagsak ng palapad ay ... PLAKDA
Ang tawag mo sa bumagsak ang grado ay ... LAGPAK
Ang tawag mo sa maliit na sarangola ay ... BURADOR
Ang tawag mo sa criket ay ... SUONG
Ang tawag mo sa maliit na tutubing patulis ay ... TUTUBING KARAYOM
Ang tawag mo sa patigilin ay ... SAWAYIN
Ang tawag mo sa kalamansi ay ... SINTONIS
Ang tawag mo sa suha ay ... LUKBAN
Ang tawag mo sa bell pepper ay ... LARA
Ang tawag mo sa manunukso ay ... SUSOT
Ang tawag mo sa malakas na tawa ay ... HAGALPAK
Ang tawag mo sa suntok ay ... SAPOK
Ang tawag mo sa holen ay ... DYOLENS
Ang tawag mo sa larong holen ay ... DYOKALAKA
Ang tawag mo sa pack lunch ay ... MALUTO
Ang tawag mo sa inihaw ay ... SINALAB
Ang tawag mo sa peklat sa ulo ay ... UKAT
Ang tawag mo sa malaking tighawat ay ... GUMBURUMBU

Salamat pong muli,

P.S. Marami pa akong nakalista ngayon sa notebook ko.

BATANG ARATAN


[this article was originally posted in the old USAP PAETE forum by Batang Aratan on January 28 2002 at 8:48 pm]
Back to top
Batang Aratan
Guest





PostPosted: Fri Aug 09, 2013 7:57 pm    Post subject: Karugtong ng mga karugtong Reply with quote

Hindi ko na mahintay ang sagot ninyo kaya dugtungan ko na muli.

TALAGANG taga PAETE ka kung,

Ang tawag mo sa ...

beke o' mumps ay ... BAYIKI
liston ng pantalon ay ... PISTON
lime stone ay ... KALBURO
sobrang balat sa ilalim ng kuwan ay ... LAMBI
uugoy-ugoy ay ... UUGA-UGA
nakatingala ay ... NAKATINGARO
madalas umihi ay ... BALISAWSAW
linta sa talahib ay ... LIMATIK
hantik na masakit mangagat ay ... HANTIK BAGA
damong may kulay pula ay ... DUGONG KRISTO
duyan ay ... ALUYAN
tubig ng sinaing na kumulo na ay ... AAM
yantok ay ... UWAY
isang variety ng cactus ay ... KATAKA TAKA
halamang pang decoration sa kubol ay ... SAGILALA
singing contests ay ... AMATYUR
pabilog na libag sa leeg o' braso ay ... HIMA
cue ball sa nga laro ay ... PATO
patintero ay ... TUBIGAN
pinatatalas na talim ay ... SINUSUBUHAN
kaing ay ... TIKLIS
walang nanalo sa laro o' laban ay ... TABLA
agad agad na kilos ay ... KARA KARAKA
alikabok ay ... GALABOK
upos ng sigarilyo ay ... TITIS
halamang puwedeng gawing sabon ay ... PUTAT
ataul ay ... KABAUNG
mahilig manukso ng mga bata ay ... MANG GAGALIT
natapilok ay ... NALI-AY
asawa ay ... SAMA
pupunta sa Maynila ay ... LULUWAS
aakyat sa bundok ay ... AAHON
itlog na half boiled ay ... MALASADO
pelikula ay ... PENIKULA
nasunog na sinaing ay ... NA A-NGI
malamig na kanin ay ... BAHAW
buhok sa may pisngi ay ... PATILYA
inaalis pang naghahasa ng pang ukit ay ... PAMALING
sign of the cross ay ... ANTANDA
sa lolo o' lola ng iba ay ... TANDANG (Juan)
maruya ay ... MADUYA
tigdas ay ... TIPLAS

At ang tawag mo sa may ari ng lansonesang iyong
pinupute ng walang pahintulot ay ... DADA HAGAD


Hanggang sa muli,


BATANG ARATAN



[This article was originally posted in the old USAP PAETE forum by Batang Aratan on January 29 2002 at 2:23 am]
Back to top
Ka Onnie
Guest





PostPosted: Fri Aug 09, 2013 7:58 pm    Post subject: SABI MO'Y 'WAG TIGILAN KAYA 'ETO NA NAMAN..... Reply with quote

Taga Paete ka kung ang tawag mo.......
sa bahay ng daga sa bunton ay......LUNGGA
maliit na lungga ay................PUKAT
sa itak ay.........................TABAK
sa panghuli ng isda ay.............SALAPANG
pag sasahod ay.....................KUKUBRA
bago sumahod ay....................BABALI
maliit ang isang mata ay...........PINGKIT
sa trumpo ay.......................PITUGO
sa isang 'funny idea' ay...........BALIKONGKONG
pag hindi pantay ay................BINGKONG
pag hila ang isang paa.............HILAHOD
sa grade na (just made it).........PASANG AWA
sa isang batang marumi.............MUSINGIN
pag pinagmamadali ay...............HALAHALAHALA
sa isang maliit na daannan.........SINSAY
pag nagtatangal ng balahibo........HIMOLMOL
pag pagod na pagod ay..............HAGOS NA HAGOS
isang pangukit.....................LUKOB
isang mahinhing magtrabaho ay......PA PATOK PATOK
sa utal ay.........................UTAY
at pag ikaw ay mahinang labasan ikaw ay...HIMPOT o SIMPOT
at pagmasikip at napapasigaw sa sakit ay
ang sigaw ay hindi aray kundi...........'DI AYAY
Ang katoto itong huli ay haka ko na.
at pag ikaw ay libog na libog na ay...UTOG NA UTOG.
he,he,he,he.......
Hanggang sa muli mga KATOTO at Salamat



[This article was originally posted in the old USAP PAETE forum by Ka Onnie on January 29 2002 at 11:12 pm]
Back to top
Batang Aratan
Guest





PostPosted: Fri Aug 09, 2013 7:59 pm    Post subject: Hindi talaga mapigilan Reply with quote

WALANG DUDA katoto na taga PAETE ka kung,

ANG TAWAG MO SA ...
Espasol ay ... MINOKMOK
na ka paa ay ... YAPAK
mumurahin ay ... LIMA SINGKO
mahapding singit ay ... HALAS
timba ay ... BALDE
may polish ng floor ay ... MAGBUNOT
babaing kiri ay ... TALIPANDAS
babae ay ... BABAYI
nunal ay ... TALING
lalamunan ay ... LALAUGAN
hukayin ay ... AKALIN
plaque sa ngipin ay ... TAENG NGIPIN
sipsip ay ... SUPSUP
dayuhan (pinoy) ay ... BIKOL
fishing hook ay ... BIWAS
matalim na parte ng biwas ay ... SIMA
nylon line sa fishing rod ay ... TAMSI
punong ipil - ipil ay ... MADRE DE KAKAW
tinampal sa ulo ay ... BINATUKAN
tinuktukan sa ulo ay ... KINUTUSAN
joke o' katuwaan ay ... SISTE
panghigpit sa hikaw ay ... PAKAW
makirot ay ... MA-URO
annoying ay ... MA-NGILO
kumukulong tiyan ay ... MA-ANTAK
kaibigan ay ... KATOTO o' TOTO
isis (sand paper) ay ... AS-IS
unang titira sa umpisa ng laro ay ... MANU
property line sa lupa ay ... LINDEROS
natusok ng maliit na kahoy ay ... NASALUB-SUB
hawak ng maluwag ay ... LUBAY LUBAY
pinilipit ang tainga ay ... PININGOT
singangag na may ilog ay ... MORISKITA
tiningnan ng bahagya ay ... PAHAPYAW
maingay ay ... MAGALAS
hilik ay ... HAGOK
hindi makapagsalita ng ayos ay ... UTAL o' NGAMOL
shot gun marriage ay ... PIKOT
expression pag hindi nagustohan ang ginawa ay ... MAINAM KA!


Hanggang sa muli mga katoto.
Nawa'y madugtungan pa ninyong muli ito.


BATANG ARATAN


[This article was originally posted in the old USAP PAETE forum by Batang Aratan on January 30 2002 at 5:17 pm]
Back to top
Mr. Pax
Guest





PostPosted: Fri Aug 09, 2013 8:00 pm    Post subject: Paetenyana Reply with quote

Taga Paete ka kung ang tawag mo sa:

banayad na apoy ay...."tayangtang";
sinaing nang tayangtang.."in-in";
taong hindi maasahan..."bulastog";
mabagal kumilos........"patay-patay";
walang ingat ...."padaskul-daskol";
malambot na limestone block.."kaskaho";
maliliit na limestone rocks sa ilog.."hibo";
itim ng titis . . . . "agipo";
titis ng nasusunog. . . "alipato";
dikdikan ng nganga. . . "kalikot";
mga panghuli ng isda...."palakaya";
pangkawit/pangtulak ng troso.."kaltok"
likod ng hayop. . . . . ."balugbog";
ibabaw ng burol sa bundok.."palukpok";
malaking pako upang hindi
umikot ang pinuputol na troso.."katsinggay"
pansamantalang silungan. ."parilong"
maingay at malabong mata na daga.."tinggalong"
mainit ang ulo . . . . "may baltik";
may sumpong . . . . "may singga";
tawag ng dada sa bintana.. "panara";
pumapaitaas . . . . "sumusuba";
tulak pababa . . . . "bunsod";
ikaw kasi . . . . "ikaw da naman";
hindi makapaniwala . . . . "kahiman";
may konting sira sa kukote. . "hipa-hipa".

at pag gusto munang magpaalam.."JAN MUNA KAYO".


[this article was originally posted in the old USAP PAETE forum by Mr. Pax on January 30 2002 at 9:03 pm]
Back to top
Batang Aratan
Guest





PostPosted: Fri Aug 09, 2013 8:01 pm    Post subject: Dugtungan kong muli... Reply with quote

Mukha po yatang walang may gustong magdugtong kaya, dudugtungan kong pong muli...

Purong PAETE ka kung ang tawag mo sa ...

dilaan ay ... HIMURAN
di malinis sa bahay o' pananamit ay ... BURARA
naglalaro ng tubig ay ... NAGLALANDI
kunin lahat ang taya sa laro ay ... HAMIG
saluhin ng kamay ay ... SAMBUTIN
maagap sa lahat ng bagay ay ... MASIMPAN
palagay ko ay ... WARI KO'Y
case ng itak o' kutsilyo ay ... KALUBAN
kokonti ay ... KAKARAMPOT
puno ng saging ay ... SAHA
sago sa palamig ay ... TAPYOKA
sinungaling ay ... BULASTOG
siga ay ... ASTIG
parachute ay ... PARAKAYDA
lawit na buhok sa likod ng ulo ay ... BUNTOT SISIW
ulap ay ... ALAPA-AP
ice cream cone ay ... HAPA
tukod sa dingding na sampahan ay ... ANDAM-YO
hindi sanay managalog ay ... BAKWIT
walking on toes ay ... TI-AY
nakauslid ay ... LIYAD
nakausli ang puwet ay ... ISWAD
galit o' asar ay ... YAMOT
prostitute ay ... BELYAS
napipe ay ... NAPIYAIT
nagulat ay ... NAGITLA
nasa ground floor ay ... NASA LUPA
malabong tubig ay ... KULABO
malambot na bato ay ... HIBO
pilay ay ... SALA
pigilin ay ... SANSALAIN
bahid ng tae sa salawal ay ... IPOT
ka kakampi o' kasosyo ay ... KA-ITE
bunga ng kaong ay ... KALUNG KALING
tamad ay ... KUNAT
monggo ay ... BALATONG
bulaklak ng lansones ay ... PORAS
lambitin ay ... LAMBAYOG
maliit at puting tali ay ... PISI
punit punit ay ... GUTAY GUTAY
talunan ay ... TALUTI

titing supot pa pero labas na ang ulo ay ... LAMPOS

Hanggang sa muli mga katoto...


BATANG ARATAN


[This article was originally posted by Batang Aratan in the old USAP PAETE forum on February 4, 2002 at 10:36 pm]
Back to top
FloraLou
Guest





PostPosted: Fri Aug 09, 2013 8:02 pm    Post subject: Habol pa ako... Reply with quote

Marami rin ako nito di ko pa lang maayos. Pero basta kasali sko dito, hah.


[this article was originally posted in the old USAP PAETE Forum by Flora Lou on February 6, 2002 at 3:14 am]
Back to top
lisa acupanda-pascua
Guest





PostPosted: Fri Aug 09, 2013 8:03 pm    Post subject: unahan kita lou..meron akong ambag... Reply with quote

PAETENIAN KA KUNG ANG TAWAG MO SA....

- pabili nga po ay....BIBILI...
- cooking oil.......EDIBLE
- butong pakwan.....SINGGWATSI (sa totoo lang chinese name yon na nakasulat sa wrapper SIN WAT TSI)
- mahiyain manligaw....TUKIKI
- mabuti naman.....KAIGIHAN AY!
- nasa baba po.....NASA LUPA PO!
- umakyat.........UMADYU
- aakyat sa bundok...AAHUN
- gabi....GAB-I
- photo finished....DISPATSU
- todos los santos.....TODOS ( may karugtong pana ..huy, anong bago mo sa todos? na parang isang fiesta, fiesta nga ng mga patay, O!)
- biyenan...BIANAN
- peanut butter...PEANUT
- ewan ko...AWAN KO!
- okay..sige na...SIYA-SIYA-SIYA
- siyanga?...KAHIMAN?

hanggang dito na lang po...meron pa po baga?


[This article was originally posted in the old USAP PAETe Forum by Lisa on February 16, 2004 at 1:36 am]
Back to top
Batang Aratan
Guest





PostPosted: Fri Aug 09, 2013 8:04 pm    Post subject: Dugtungan pa natin para masaya... Reply with quote

PAETEnyano ka kung,

ang tawag mo sa...
Taingang daga ay ... HARANG
Makinis na bato ay ... BATONG BUHAY
Sapot ng gagamba ay ... ANLALAWA
Bababa ng bundok ay ... LULUSONG
Mortar and Pestle ay ... ALMIRIS
Magpi picnic ay ... MAGMUMURA
Panag ukitan ay ... TA-TAL
Tapang tapangan ay ... TAPANG BAHAY
Ihanap ng away o' kaaway ay ... I-ULOT
Magpadalusdalos ay ... MAGPADASKUS-DASKUL
Magpadulas ay ... MAGPADAUS-DOS
Misa sa patay ng alas tres ay ... DAPIT
Tuktok ng puno ay ... PALUKPOK
Tangkay ng dahon ng niyog ay ... PALAPA
Singit ng pantalon o' karsonsilyo ay ... PUNDILYO
Isang boteng (bote ng beer) lambanog ay ... ISANG GATANG
Madaldal ay ... MADARA
Kamay na nakasalo sa baba ay ... MANGALUMBABA
Batang kalabaw ay ... BUL-O
Parehong numero sa huweteng ay ... POMPYANG
Likod ng simbahan ay ... LAGUERTA
Batis ay ... TALAGA
Isang variety ng luya ay ... DILAW PULA
Pamasaherong jeep na hindi pumipila ay ... ISKIROL
Hindi nakarehistrong pampasaherong jeep ay ... COLORUM
Legs ay ... BIYAS
Buto sa lower leg ay ... GULUGOD
Palengkeng puno ng dayong side walk vendor ay ... CHANGI
Baryo ay ... PUROK
Pag asikaso sa bisita ay ... ISTIMA
Kumpiskahin ay ... SAM SAMIN
Dagta ng halaman ay ... DAKTA

Sana'y madugtungan pa ninyo mga katoto.


BATANG ARATAN

[this article was originally posted in the old USAP PAETE forum by Batang Aratan on February 8 2002 at 5:20 pm]
Back to top
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Ganito Kami Noon All times are GMT - 5 Hours
Goto page Previous  1, 2, 3, 4  Next
Page 3 of 4

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group