PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

Paetenyana... taga Paete ka kung.....
Goto page Previous  1, 2, 3, 4
 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Ganito Kami Noon
View previous topic :: View next topic  
Author Message
Mr. Pax
Guest





PostPosted: Fri Aug 09, 2013 8:05 pm    Post subject: kailangan yata itaas na ito...masasarhan na ay! Reply with quote

itataas ko muna bata, matatakpan na kasi.



[this article was originally posted in the old USAP PAETE forum by Mr. Pax on February 8 2002 at 5:58 pm]
Back to top
Saida C. Dulay
Guest





PostPosted: Fri Aug 09, 2013 8:06 pm    Post subject: ako'y aliw na aliw kaya itataas ko.... Reply with quote

nag re-review ako ng mga lumang threads ng mabasa ko ito at ako'y tawa ng tawa. hindi ko man kilala yung mga contributors dito, ako'y nagpapasalamat sa kanila, you made my idle day funny and bright...hahahaha!



[this article was originally posted by Saida in the old USAP PAETE forum on February 16, 2004 at 12:08 am]
Back to top
Ruben C
Guest





PostPosted: Fri Aug 09, 2013 8:07 pm    Post subject: Utita Reply with quote

Maraming salamat sa inyong lahat
Nag-iisa akong nagbabasa ay hagalpak ako ng tawa.
Kilala ko si Onie, pwede po bagang mag-utita
kung sino po si Mr. Pax at si Batang Aratan?
Hindi bale kung hindi pwedeng ilahad ang tunay
na pangalan. Basta tuloy ang Paetenyana para
sa mga karaho at hapyog!



[this article was originally posted in the old USAP PAETE Forum by Ruben Cagayat on February 16, 2004 at 5:51 am]
Back to top
fely burgdorfer
Guest





PostPosted: Fri Aug 09, 2013 8:08 pm    Post subject: Tarasunta Reply with quote

Isa rin ako sa hagalpak ng tawa sa pagbabasa nitong mga salitang Payti aba! At isa rin ako na nagtatanong kung sino-sino yong mga nakatagong pangalan. Wala akong kilala.
Fely


[this article was originally posted in the old USAP PAETE forum by Fely on February 18 2004 at 4:21 pm]
Back to top
Amor Salceda Kagahastian
Guest





PostPosted: Fri Aug 09, 2013 8:09 pm    Post subject: Dispatso ito! Reply with quote

Nagdispatso ako nang pag-iisip ng mga salitang payti at baka ako'y kinakalawang na. pero may nadukal pa rin ako, kagaya ng:

pasamano ng bintana - babahan
palopalo - pamipi
pabaya sa katawan - taluraya
nabaligtad ang kargang bata - bumaliad-ad
maliit na jar - kam-aw
mangkok - sulyaw
sabawan ang kanin - lab-an
kaingin sa labas ng bayan - kasili
maliit na tindahan - baraka
maliit na kanduli - tigiti
malakas na iyak o sigaw - palakat
mahabang pag-iyak nang malakas - nguyngoy
harapan ng bahay - bunsuran
lemon grass - pagitpit
malukom na bilao - bangkaso
maliit na itak - kampit
kawa - talyasi
ubod - alibutod
halamang san francisco - birhenes
taliptip sa ulo ng bata - kalimatyo


[this article was originally posted by Mam Amor in the old USAP PAETE forum on February 17 2004 at 3:36 am]
Back to top
Fred M. Cagayat
Guest





PostPosted: Fri Aug 09, 2013 8:10 pm    Post subject: Thank you Guys! Good materials for Memorabilia... Reply with quote

Salamat mga kabayan,

Ang karamihan sa mga isinulat ninyo ay isasama namin sa librong Paete Memorabilia. (Visit our Memorabilia Website for more info).

Meron tayong section sa Paete Memorabilia na "Only in Paete" na binubuo ng: a) Mga Salitang Paete (nasa database ng Members only sa website) at saka b) Mga Pamagat.

Marami sa mga binanggit ninyo ay nasa database na, pero marami rin namang madaragdag buhat sa mga sinulat ninyo ngayon. Sige lang...dagdagan pa ninyo.

FredMC


[this article was originally posted in the old USAP PAETE forum by Fred on Feburary 18 2004 at 7:58 am]
Back to top
Batang Aratan
Guest





PostPosted: Fri Aug 09, 2013 8:11 pm    Post subject: Paetenyans ka kung...ang pag babalik he-he-he-he Reply with quote

Matagal tagal din akong hindi naka sulyap dito sa ating Paetenian website ngunit ako'y natutuwa na hindi pa rin ninyo nalilimutan ang mga salitang kinagisnan... BAI NA! talaga ka! Sa bawat pagtawa o pag ngiti ninyo ng nag iisa habang binabasa ang mga nakasulat dito ay patunay lamang na taga Paete pa rin kayong talaga kahit nasaan man lupalop na ng mundo. Muli ay hayaan ninyong dugtungan ang inumpisahan ni Mr. Pax.

Walang duda na taga Paete ka kung...

Ang tawag mo sa...
lasaw na tae ay - BURARAK
naka salansang bato ay - LIMPI
sa sigaw ay - HIYAW
Japanese sandals ay - SIPIT
mapatid ng paa ay - MATALAPID
sa prutas na kamansi ay - RIMAS
sa dumura ay - LUMURA
ang pag awayin ang mga bata ay - I ULOT
sa sumasakit ang puson ng walang dahilan ay -BINABAB AN
di magandang tubo ng ngipin ay - SUNGKI
mahabang kamay sa larong holen ay - BUN YOG
malapot na laway na tumulo ay - KAYAT
mabuti o' magandang resulta ay - MAIGE
di magandang resulta na may paninisi ay - MIRESI
mga babaeng "flirt" ay - PALASAW
marumi sa pangangatawan ay - SAMLANG
tirador ay - SALTIK
sundutin ng espada ay - IYAT o' IYATIN
malutong na recycled na pandesal ay - GIPAS
makirot na sugat ay - MAURO
kumukulong mahapding tiyan ay - MA ANTAK
pagupit ng buhok ay - PAGAPAS NG BUHOK
rambutan ay - PANUNGAYAN
isa pang tawag sa kabaret ay - BUKOL
bunong daliri (braso) ay - PINTAL
komang na daliri ay - PINGKAW
sumpit ng bibig ay - PULAD
cassava ay - KAMOTENG KAHOY
giant tulya ay - PAROS
habulan ay - HAGARAN o' HAGAD
nanununo o' namamatanda ay - NAGAGALAW

At pag may kausap na matanda ang sasabihin kadalasan ay "SIYA PO" di "KAYO PO" kahit na dalawa lang silang nag uusap at walang ibang kasama sa paligid.

Hanggang sa muli...

BATANG ARATAN


[this article was originally posted in the old USAP PAETE forum by Batang Aratan on February 19 2004 at 9:28 pm]
Back to top
Anonymous Guest
Guest





PostPosted: Fri Aug 09, 2013 8:12 pm    Post subject: kapag ang tawag mo ay? Reply with quote

ibong maya - ibong simbahan
maliliit na ibon sa palayan - pii o iyat
nadumihan - nagahian
mahilig sumagot - talabutab
malaking ibon sa palayan - laki hawo
kain parang baboy - ngasab
pasuntok na sampal - sampiga
hapak na isboyog pa - hapyog
binatukan na may diin - kutusan

[this article was originally posted by Anonymous in the old Forum on February 20 2004 at 6:03 am]
Back to top
Bulanggugo.
Guest





PostPosted: Fri Aug 09, 2013 8:13 pm    Post subject: Pangdagdag Reply with quote

Taga-Paete ka kung alam mo ang mga sumusunod:
Sinturon-bakis
Malambot na kalabanga-lamutok
Pulang langgam sa lansones-mamimigtas
Pulang langgam sa lamesa-karakara
Sinaunang tinapay -sawsaw tubig- tikman
Mainit na langis sa sugat para hindi matetano-tublang
Nanlalamang sa kalaban-sakong
Pinatigas na katas ng tubo-bagkala
Ginataang bagkala-bagkat
Panaginip-pangarap
Pambala rin sa sumpit-putat


[this article was originally posted in the old forum by Bulanggugo on Feburary 20 2004 at 10:56 am]
Back to top
ed
Guest





PostPosted: Fri Aug 09, 2013 8:14 pm    Post subject: tanong po Reply with quote

Ano po ang ba ang ibig sa bihin ng salitang paete na "GUYAGOT"



[this article was originally posted by ed in the old forum on February 20 2004 at 9:25 pm]
Back to top
Anonymous Guest
Guest





PostPosted: Fri Aug 09, 2013 8:15 pm    Post subject: Re:guyagot Reply with quote

..yagit, o sobrang dumi sa pangangatawan, gaya ng muchas grasas.(hehe)


[this article was originally posted in the old forum by Anonymous on February 21, 2004 at 2:41 pm]
Back to top
diwata
Guest





PostPosted: Fri Aug 09, 2013 8:16 pm    Post subject: pandagdag... Reply with quote

libag sa leeg- himad, hima
amoy-araw - limpi
lusak, basa sa sahig - baysak
datapwat, ngunit, subalit-kahimAn, kahimbaga, kahingbaga
liha- as-is
katiting - kauririt kakauringgit
burloloy, kuskusbalungus- rikutitus
lakwatsa - mal-og
gamitin ang gamit ng iba- galpak
suntok sa likod- dalbog
patayong nakaangat ang sakong(heel)- ti-ay
tapilok- li-ay
natabig- natangko, nasangko
asukal-ripinado
popsicle- icedrop
putoseko, uraro- yuro
biscocho- gipas
espasol- minukmok
malagkit na puto(sapin-sapin) - pasingaw
biko- kalamay
arina(flour)- harina
cocoa tablet- tabliya
butong-pakwan - singguatse
hatsing -bahin
ani(harvest) sa bungang-kahoy- puti
sunog na sinaing - angi
lutuing maigi ang sinaing- in-inin
bwelta ng bagong gising- in-in
umidlip o pahinga ng konti- inat-inat
nakaipon ng konti, nalagpasan ang kahirapan- nakainut-inot
nagplantsa - nag-unat
palantsahan(ironing board)- kabayo
naglaba- nagkusot, naggusot
gusot- kuyumus, gusumut
pagbilhan - bibili
ulan na pumasok sa bintana - anggi
itak-kampit
sangkalan- tadtaran
mangkok(bowl) - silyaw
maliit na kuto- kuyumad
mantika- langis
kasintahan-katarato, bata
manggas ng damit - kamay, kamayan
bestida - baro
uod, higad- basil
barya - sinsilyo
perang buo (bills) -salapi
magpadulas - magpadausdos
bubulungbulong- mulumud
hiyaw, sigaw- tiawak
takuri(kettle) - kapitera
pond, batis, lagoon -talaga
mabilis na isda- pauton
malaking langgam - hantik
ginahasa- ginapang, ginalaw
singaw sa bibig(sorelips)-tampal-sandok
beke(mumps)- bayiki, bayki
tagiyawat- tigidig
nagtatae-nagpupurorot
nagkatipid, nanghinayang- nag-arimuhan
hilera, tambay, hanay- tayangtang
karnabal -siderya
perwisyo- pirhisyo
dumadaing- umaakoy
kumikirot- umuuro
makapal na buhok- malamba
malabnaw-malasaw
magtampisaw- maglandi
thumbsucking- nangunguyakoy
leg swaying- kukuyakuyakoy
suha- lukban
kaymito- star-epol
parachute- parakyut
bathing suit - beting syut


[this article was originally posted by Diwata in the old Forum on February 22, 2004 at 3:46 am]
Back to top
Bulanggugo....
Guest





PostPosted: Fri Aug 16, 2013 11:06 am    Post subject: Taga-Payti ka Reply with quote

KUNG
Napag-uusapan ninyo ang kaharap na hindi taga-Payti tulad ng:

Kapag malaki ang mata ay sasabihin sa kausap na -MATAmpuhin ka siguro ano? O kaya ay MATAlino ka siguro ano?

Kapag pangahan ang bisita ay ganito naman ang diskarte:
Itong bisita mo siguro ay PANGAay.....o kaya ay-PANGAtlo sa magkakapatid..

Kung medyo sakang naman ay ganito ang diskarte: Parang TAG-HAPON yata ngayon........o kaya ay....bai ay pwedeng lusutan ng aso....

Kapag handaan at sobrang kumain at hindi uminom ng tubig ay ganito ang sasabihin ng matatandang nagmamasid: Bai ay hindi na nakuhang uminom ng damuho....

Kapag uminom naman ay ganito ang maririnig: Bai ay nakuha pang uminom ng dyaske...

Wala kang pupuntahan....mayroon pa ring masasabi.....hihihihi
Back to top
Guess
Guest





PostPosted: Fri Aug 16, 2013 8:58 pm    Post subject: Reply with quote

sabi ng taga Pakil

Ang pinagauusapa'y balabaw sa laot, ako na pala!!!
Back to top
Bulanggugo.....
Guest





PostPosted: Wed Aug 28, 2013 6:49 am    Post subject: ATBP. Reply with quote

Taga-Paete ka..

Kung nakapaglaro ka ng "pulad"

Kung kilala mo ang "putat" pambala sa sumpak; pwede rin ang binasang dyaryo.

Kung alam mo ang kasabihang, "Talaga namang may butas ang kangkong, talaga namang may bulbol ang Katmon."

Kung nakapaglaro ng putik na ginagawang mga santo, inilalagay sa maliit na andas, at may mga palamuti pa.

Kung nagdudurog ka ng tisa at ginagamit mong pampakintab ng kuko.

Kung nagpipitpit ka ng tansan, binubutasan mo ng dalawa sa gitna, sinusuutan mo ng pisi at paiikutin mo; kikikilin mo ang mga tabi upang tumalas at makikipaglaro ka ng putulan......

Kung marunong kang makipag-batbatan ng trumpo

Kung nakapaglaro ka ng mga kaha ng sigarilyo bilang parang mga pera na may sariling presyo....zamba, Fighter, etc.

Kung nagpatuli ka sa may palayan o paanan ng bundok; gumawa ng baru-baruan, nagpakulo ng dahon ng bayabas, sulfanilamide, etc......at lumakad ka ng kakatwa sa Elementary graduation...hehehehe

Kung nakapaglaro ka sa palayan tuwing anihan ng palay, nanghuli ng mga daga.....kasama ang aso mo....nagpalipad ka ng saranggola, kahit yung mga "yapyap' na dyaryo lamang...

Kung nakipaglaro ka ng "suwitan ng lastiko" sa lupa o buhangin.
Back to top
batang layas
Guest





PostPosted: Thu Aug 29, 2013 6:51 am    Post subject: taga paete ka kung Reply with quote

maq jolakapen,mamiya sa tabi ng ilog,mag espadahan,mag saltikan,mag pularan,mag gala gala,mag sistihan,mag kantiawan,mang barako,mag usloan,dumayo sa ibang bayan,may naging katarato,babaero,manghuhusga,aba ay vtaga paete,kainaman..
Back to top
Ka Ikong
Guest





PostPosted: Thu Aug 29, 2013 1:38 pm    Post subject: Taga-Payti kung... Reply with quote

-Tiga-Payti ka kung natatandaan mo pa ang..
--mga barberong..
si amang Ciso (Balandra)
si amang Pilo (Balquiedra)
si amang Angkos (Espanola)
si amang Temyong (Madridejos)
si amang Juan at Celso (Valdecantos)
si amang Pat (Afurong?)
--mga masarap magpansit
si amang Benga
si amang Macao (Ang)
si amamg Senyong
ang Jun's
si amang Indo (Aderes)
--mga matagumpay na negosyanteng intsik
si amang I-yao
si amang Kim-Chong
--ang mga sikat na banda na laging tumutugtog sa BOLERO's traditional Sabado de Gloria's "yugyugan" sa PES
The Babat
The Paques
--ang mga sikat na basketball team
ALCANARS
BLACKHAWK
FALCON
EASTFLY
DRIBBLERS
SUPERKINGS
RAMPANTS
R-VEG
RAIDERS
KALAHI
ILAYANS
ORCHIDS/SWAK
USSR
WILDCAT
--mga sikat/matagumpay na negosyante (magpapaukit)
si amang Vener (Baldemor)
si amang Sebyo (Dalay)
si amang Flor (Umali)
si amang Claro (Lescano)
si amang Andres at Dandoy (Valdecantos)
si amang Tino (Cagayat)
(note: yan po yong mga nauna-una)
-- kung alam mo kung saan naroon ang "Lambingan Bridge"..he!he!
--sikat na panaderya
ang Magtibay (Godo)
ang Madrigal (Primo)
--kung alam mo ang...
Makumbo
Humarap
Sta. Ana
Saray
Palayanin
Gumihan
Puntok
Tuyong Ilog
Back to top
walandyu
Guest





PostPosted: Thu Aug 29, 2013 5:44 pm    Post subject: taga paete ka kung Reply with quote

natuto ka noon mag linis ng ukit na tinikling at tatakpolan mag sumbra at mag ngipin ng tiki sa kutsara at tinidor ni amang Claro at Ading Roque,mag liha ng barrel kay inang Malia Gagaring mag sander pa, di ka taga paete kung di ka marunong bumali,pag me sayawan naman di ka taga paete kung di ka marunong mambakod sa kapareha mo taga ibam bayan ka, kainaman anu"!

nakapag buhat ka baga ng barendelya ng sine at i-iikot sa buong bayan para lang maka libre sa sinehan,o kaya ay pupuslit kung ang bantay ay si Miss Paying at si Miriam Cabrera hehehe, pag labas amoy sigarilyo at bali ang kagat ng surot,,

natuto ka bagang magbisikleta kung di dahil sa paarkilahan ni Amang Putin, at scooter kay Inang Guring Adao,, at meron pa,,
Back to top
Ka Ikong
Guest





PostPosted: Fri Aug 30, 2013 9:59 am    Post subject: ..dagdag Reply with quote

Tiga-Payti kung..
-kilala/kumakain ka nang..
-dambo(prutas)
-mami(prutas)
-kalabanga
-binay-an(miryenda)
-laksa(puwedeng ulamin o miryenda)
-mike-loo(miryenda)
-binatog(miryenda)
-tinuto(ulam)
Back to top
Guest






PostPosted: Fri Aug 30, 2013 10:38 am    Post subject: Tiga Payti ka kung: Reply with quote

Tiga Payti ka noong araw kung:
Marunong kang mamatda ng Pii at Iyat
Marunong kang kumain ng Bignay
Marunong kang kumain ng Galyan
Marunong kang maglaro ng Tubigan
Marunong kang maglaro ng Sumpit sa Tubig
Marunong kang manilip sa ilalim ng Iskul
Marunong kang maghukay sa Lagarian

Tiga Payti ka noong araw kung:
Alam mo ang halimuyak ng Kalumpang
Alam mo ang Unang Liko
Alam mo ang Ikalawang Liko
Alam mo ang Mapulang Lupa
Alam mo ang Tikdao
Alam mo ang Imaus
Alam mo kung saan ang dating sinehan sa Ibaba

Tiga Payti ka noong araw kung:
Kilala mo ang RaViDel Trio
Kilala mo ang panaderya ng Mino sa Bagumbayan
Kilala mo si Abu Adang
Kilala mo si Tagko
Kilala mo si Tasing Baba
Back to top
walandyu
Guest





PostPosted: Fri Aug 30, 2013 2:27 pm    Post subject: mga tawag sa mga angkan noon Reply with quote

taga payti ka nga kung kilala mo sila sa alyas o tawag sa mga angkan noon araw ,,,,,,

- eto pa yong mga ibang alyas,,,,
karyong -bado
maria- bakal kuto, kuntil, sakang,bukayo,
luis - putol palakat, tuwad, tagko, karpa,
luis - panday ula,
pacio- langit
peping - salabat
dadi- itik
indo - upi
sianong- baradag
bining- gasak
indo - kuyog
mityang - puto
julian- kalamay
asing - baba
ruben- gatil
manding- upak
pedro- kampana
taning- supot
inyang- bog
indo - batino
andres- sirikitis
rosie- bajo
tiyo - bayu
juan - banal
jose- bunyi
segundo- kalbo
jose- matsing
ilang - patlay
sianong- dilaw
paquito- buwan
doning - asul
juan - edoy
tano - palibut
rading- isang gatang
toni- siki
dimit -- gulat
irining - kuba
nato - kaliskis
peter john- kambal
Back to top
Guest






PostPosted: Sat Aug 31, 2013 6:24 am    Post subject: Hero pang konti Reply with quote

Pacio - Diablo
Doni - Panutsa
Mariano - Garapon
Boy - Itim
Boy - Puti
Boy - Ula
Back to top
walandyu
Guest





PostPosted: Sat Aug 31, 2013 2:52 pm    Post subject: natutunan ko kay dada Reply with quote

gamit ang GULOK, DULUS,ITAK PALAYAN papunta sa palayan para mag PALAYPAY ,ang KARIT naman ang pang SAKATI , may KALUPIAN sa baywang na may laman KASAPUWEGO,MASKADA at ALHAMBRA . anihan na kaya kelangan na naman ang KARIT pang gapas ,mag hampas,MAGTAHIP at may PALIRONG pang sangga sa araw tapos HUHUNGKUYIN para maalis ang IPA ,pag tag lansones naman MAMUMUTI naman may KAING,at BAKID na dala pag sinusuwerte maigi ng maka sampung PISETA ilalagay sa KARTAMUNEDA, IINTRIGO sa ina pam bili ng TAKBA at SALAKOT, pag may sukli BABAHAGI ng kaunting KALABITU,

ang DADA ko bawww!!!!!
Back to top
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Ganito Kami Noon All times are GMT - 5 Hours
Goto page Previous  1, 2, 3, 4
Page 4 of 4

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group