PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

Pangungumusta mula sa mga mag-aaral ng Paete Central
Goto page Previous  1, 2, 3, 4, 5  Next
 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Batang Paete
View previous topic :: View next topic  
Author Message
Honeil
Guest





PostPosted: Tue Sep 13, 2005 4:30 am    Post subject: Kumusta po!!! Reply with quote

Kumusta po sa lahat!!!

Ako po si Honeil Baldemor Bagabaldo. Nandito po ako sa opis ng Tatay ko kasama ang mga kaklase ko (Howell, Lyn, Ruby, Riana) mula sa Gr. IV-Rizal ng PES. Tinuturuan po kaming mag computer. Hello! Ate Hiyas kong maganda. Mag aral kang mabuti para di magalit si Nanay. Tito Angel, musta daw po sabi ni Tatay Vice!
Back to top
adedios
SuperPoster


Joined: 06 Jul 2005
Posts: 5060
Location: Angel C. de Dios

PostPosted: Tue Sep 13, 2005 5:35 am    Post subject: Reply with quote

strikto pala si nanay Smile

Pakikumusta na rin sa tatay. Pakisabi na iniimbita ko siyang maging kasapi rito sa usap at sa mailing list. Maganda rin kung kasama namin dito ang pangalawang punong bayan ng Paete.
Back to top
View user's profile Send private message Visit poster's website
Vice Mutuk
Guest





PostPosted: Tue Sep 13, 2005 7:21 am    Post subject: Nangungumusta lang! Reply with quote

Hello Insan Angel!

Nandito kami ngayon sa office (SB) together with the majority members of SB. although pasado ala siete na ng gabi, nandito pa rin kami. Marami kasi kaming nabibinbin na trabaho (sobrang dami dahil nagkakasabay sabay ang mga importante) sayang nalimutan kong dalhin yung web cam ko. Nagkausap sana tayo ng harapan kasama ng mga konsehal. Ano nga pala ang e-mail ad mo? Padala ko sa yo ang family tree mo sa side ng Bagabaldo hanggang sa ating great great grandparents.

Musta din daw sabi ng mga Konsehal !!! Hamo, malapit na kaming maconnect sa DSL para maging regular ang SB dito sa paete.org. Naka prepaid card lang ako.

Hanggang dito muna at magtatalo-talo pa kami para sa kabutihan ng bayan. LOL
Back to top
adedios
SuperPoster


Joined: 06 Jul 2005
Posts: 5060
Location: Angel C. de Dios

PostPosted: Tue Sep 13, 2005 3:31 pm    Post subject: Reply with quote

Kumusta po, Vice-mayor - buti naman po at tinaggap ninyo ang aking paanyayang makisali rito sa aming munting tahanan sa internet. Ang email address ko po ay makikita ninyo sa mailing list - nakita ko nga po na kayo ay kasapi na ngayon ng Yahoo! mailing list.

Opo, ipadala niyo po sa akin ang family tree ng Bagabaldo upang makita ko naman po ang linya ng mga Bagabaldo. Magpinsan po pala tayo, magkasintanda ang dugo - hindi kagaya nitong mga galing sa New Orleans - apo ko na pala iyong mga bata Smile

Maganda po marahil mapanood sa webcam ang pagtatalo ng mga konsehal Smile Sige po - at mabuti naman at hindi na kayo "silent reader" lamang.
Back to top
View user's profile Send private message Visit poster's website
Vice Mutuk
Guest





PostPosted: Tue Sep 13, 2005 8:06 pm    Post subject: Salamat din po! Reply with quote

Maraming salamat din Angel!

Just want to say thank you. Sumilip lang ako sandali upang makiusyoso. Nasagot na pala yung posting ko. Marami na din akong natanggap sa mailing list kaso di ko muna masagot dahil magsisimula na ang regular session ng SB.

Sa mga estudyante, mag aral kayo ng mabuti at magpapakabait kayo para matuwa sa inyo ang mga magulang ninyo at maging mabuti kayong mamamayan at lider na din ng ating bayan pag laki ninyo.
Back to top
adedios
SuperPoster


Joined: 06 Jul 2005
Posts: 5060
Location: Angel C. de Dios

PostPosted: Tue Sep 13, 2005 8:18 pm    Post subject: Reply with quote

Para hindi naman po matabunan ng napakaraming email ang inyong account ay aking binago ang inyong setting. Para mabasa po ninyo ang mga messages sa mailing list, maglogin po kayo sa Yahoo! at pumunta po kayo rito;

http://groups.yahoo.com/group/paete/

Doon niyo po makikita ang lahat ng mga messages - napakaactive po kasi ng mailing list. Good luck po sa session ninyo at pakikumusta na lamang po ako sa lahat ng mga konsehal. Salamat po.
Back to top
View user's profile Send private message Visit poster's website
tcdedios



Joined: 01 Aug 2005
Posts: 143
Location: Thomas Cagandahan de Dios

PostPosted: Wed Sep 14, 2005 1:25 am    Post subject: Pa-send rin sa aking company email add ang family tree... Reply with quote

adedios wrote:

Opo, ipadala niyo po sa akin ang family tree ng Bagabaldo upang makita ko naman po ang linya ng mga Bagabaldo. Magpinsan po pala tayo, magkasintanda ang dugo - hindi kagaya nitong mga galing sa New Orleans - apo ko na pala iyong mga bata Smile


Hi kuya,

Pa-send rin sa akin yaong family tree natin with Insan Mutuk. Ipapakita ko sa ina. Nasabi nya kasi sa akin na kamag-anak natin sya. Pinsan natin din iyong sekretarya ng simbahan, si Kang Ellen. Pati iyong dating assitsant ni Bishop Bacani at isa sa mga spirtual advisers ng El Shaddai, si Fr. Clod Bagabaldo.

Salamat!

-- Thom
Back to top
View user's profile Send private message
tcdedios



Joined: 01 Aug 2005
Posts: 143
Location: Thomas Cagandahan de Dios

PostPosted: Wed Sep 14, 2005 1:28 am    Post subject: Re: Nangungumusta lang! Reply with quote

Hello Vice-Mayor at Kang Mutuk,

Kumusta na po? Darating ako dyan sa atin sa darating na Biyernes para sa free wellness seminar. Nawa'y magkita-kita po tayo.

God bless.

- Insan Thom
Back to top
View user's profile Send private message
Vice Mutuk
Guest





PostPosted: Wed Sep 14, 2005 3:22 am    Post subject: Reply with quote

Salamat Tom!

Kung OK sa yo, puntahan mo ako sa office ko sa SB pag uwi mo sa Friday. Ibigay ko sa yo yung kumpletong talaan ng limang henerasyon ng mga Bagabaldo sa bayan ng Paete. yung batch natin ang ika limang henerasyon. Ikaw na lang ang magpadala ng kopya ke Angel. Makapal kasi yung lists. Di ko alam kung anong magandang format para masimplify ito. Siguradong matutuwa si Inang Diega, marerecall niya yung mga nauna pa sa kanyang mga ninuno natin. Mga kilalang tao sila nung kapanahunan nila. Baka nga maigawa mo pa ito ng sariling web site para ma update at di masayang ang pagod ni Tandang Dodong Mamoy Cajumban. Kung nasaan man siya, Salamat po Tandang Dodong Mamoy!!!

Angel, salamat sa assistance. Loaded kami sa trabaho ngayon kaya malamang sa gabi ako makapasyal dito sa forum.
Back to top
adedios
SuperPoster


Joined: 06 Jul 2005
Posts: 5060
Location: Angel C. de Dios

PostPosted: Wed Sep 14, 2005 6:11 pm    Post subject: Reply with quote

Dear Vice Mutuk;

Magpadala na rin po kayo ng request kay Rey Carolino para may account na rin po kayo dito sa Usap para masilayan naman namin ang guapong Laughing pangalawang punong bayan ng Paete. Nagsipsip pa po ano? Twisted Evil
Back to top
View user's profile Send private message Visit poster's website
Tatay ni Hiyas at Honeil
Guest





PostPosted: Mon Sep 19, 2005 5:50 am    Post subject: Picture ID Reply with quote

Insan Angel, pinapaasikaso ko na ke Mhey kung paano mag request na magkaroon ng picture ID. Pwede rin ba ang mga estudyante na magkaroon( yung me gusto) ng picture ID? Plano ko kasing i-request pati yung dalawa kong anak. Si Hiyas na makulit at si Honeil na mas makulit. He! He! He!

Bihira na yata akong makabasa ng mga posting ng estudyante. Me intrams nga pala. Competition ng mga estudyante by District para panlaban naman sa Unit meet. Sya! Galingan at ng mabigyan ng premyo ni Mam Lucas . . . . na maganda! Oh, Smile naman dyan Mam Telay.
Back to top
adedios
SuperPoster


Joined: 06 Jul 2005
Posts: 5060
Location: Angel C. de Dios

PostPosted: Mon Sep 19, 2005 6:27 am    Post subject: Reply with quote

Dear Vice mayor:

Sure, the kids can get an account here in Usap. Just write an email with the picture ID to Rey Carolino. He is exclusively in charge of accounts - so we do not double our efforts and we are able to keep the forum organized. Looking forward to read postings from your children. Pakimusta na lamang po sa second lady ng Paete Smile
Back to top
View user's profile Send private message Visit poster's website
Vice Mutuk
Guest





PostPosted: Mon Sep 19, 2005 9:06 pm    Post subject: Reply with quote

Angel, thanks for the info. I think the students will surely have fun posting with picture ID. Siyempre pati ang mga kausluan nila dito. By the way, Nelda is now looking for a nice picture of her. Tipong gusto ring magkaroon ng picture ID dito. Ha! Ha! Ha! Mag-anak na kami.

Salamat uli!
Back to top
Guest






PostPosted: Mon Sep 19, 2005 10:16 pm    Post subject: Reply with quote

Vice mayor;

I forgot to tell you that for minors, there are additional procedures required to join this forum - I am sure Rey will explain these to you. Anyway, don't work too hard on those photo IDs - Rey used Tom Cruise's at one point.
Back to top
admin
Site Admin


Joined: 06 Jul 2005
Posts: 286

PostPosted: Tue Sep 20, 2005 1:17 pm    Post subject: Membeship to USAP PAETE Forum Reply with quote

To become a member of USAP PAETE Forum (which means your posting will show up immediately), one has to click on the REGISTER menu and follow the instructions from there. If you are under 13 years old, you will be asked to print a Form that your parent needs to sign that will give us permission to publish your PROFILE in the Forum. Please make sure you indicate a valid email address when you register because instruction on where to send that form will be found in an email that will be sent to you after you register.

Thank you.

Rey
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail
Donnabelle N. Baldemor
Guest





PostPosted: Mon Sep 26, 2005 8:28 pm    Post subject: pangungumusta Reply with quote

hi papa kumusta na po kayo dyan pa sana mabasa nyo ito.kami naman po ay mabuti dito . ser. anghel thaks ha. bye bye
Back to top
reggie_cadapan#23
Guest





PostPosted: Tue Sep 27, 2005 10:45 pm    Post subject: hi po 2 all of u!!!!!!! Reply with quote

hi po sa inyong lahat dyan especially to my uncle,anti and 2 mam glow. tita sorry po dahil di ko po kau nabati nung b-day nyo pati po ung mga pinsan ko d rin po sila maka pag post d2 kc nahihiya daw po pasensya na po talaga dahil d ko cla nakumbinsi na mag post d2 kc po bc din po ko.sana po naan d2 kau nung sept.24 matagumpay po naming napalabas ung chatro namin nung gabi pati po pumarada kami majorette c angel,cguro po nagtataka po kau kung ano meron d2 ika-425th po ng paete ipinalabas po namin ung history ng paete.grabe po ang saya saya!!!
sana po magreply kau ty!
Back to top
reggie_cadapan#23
Guest





PostPosted: Wed Sep 28, 2005 1:42 am    Post subject: conggratz! Reply with quote

conggratz po sa mga kasali sa theatro kc matagumpay nating naipalabas ang history ng paete thanks ke sir michael,sir joven,sir biyo,mam tisay,mam marie!!!pati po pala sa mga staff ng pandayan.and then happy happy b-day ke mam jema!
truly yours.............
reggie
Back to top
Hiyas_#11
Guest





PostPosted: Thu Sep 29, 2005 3:26 am    Post subject: Reply with quote

Kamuzzta po sa lahat!!! Napasaglit lang po ako dito kasi hardworking po kami ngayon para sa aming skul organ.... Sana kami ay pagpalain ng Panginoon dahil noong isang taon ay nanalo ang aming skul organ na pinakamaganda sa lahat sa Division English at Filipino po yun... sana ganun din ang mangyari sa aming nalalapit na laban... God bless po sa lahat!!! at belated hapi anibersari sa ating bayan, PAETE!!!!!! Mabuhay!!!!!
Back to top
nelda b. bagabaldo
Guest





PostPosted: Thu Sep 29, 2005 3:27 am    Post subject: salamat po ! ! Reply with quote

MR.ANGEL DE DIOS,

NAPAKALAKING TULONG PO SA ATING MGA KABABAYAN ANG MAGKAROON NG MGA COMPUTER SA SANGUNIAN BAYAN, ANG ATIN PONG MGA KAIBIGAN, KAPWA MAGULANG, MAY MGA ASAWANG NASA MALAYONG LUGAR, AT MAGING ANG MGA ORDINARYONG MAMAMAYAN AT MGA KABATAAN (OUT OF SCHOOL YOUTH) ay PWEDENG MAKINABANG SA MGA COMPUTER NA PINADALA SA ATIN NG WORLD BANK... AT ITO AY HINDI MAPAPASUSUBALIAN NA KUNDI SA TULONG MO AY WALA ANG MGA ITO.... kaya ang aking pong asawa ay sobrang natutuwa sa mga tulong na ginawa mo.... ngayon ay hindi lamang mga mag-aaral ng mababang paaralan ang natulungan mo. MABUHAY ANG PAETE ! ! !

NELDA B.BAGABALDO
Back to top
adedios
SuperPoster


Joined: 06 Jul 2005
Posts: 5060
Location: Angel C. de Dios

PostPosted: Thu Sep 29, 2005 7:13 am    Post subject: Mga computers sa Sangguniang Bayan Reply with quote

Ka Nelda;

Ako ay lubos na umaasa na sa kamay ng Sangguniang Bayan, ang mga computer ay tunay na mapapakinabangan ng mga mamamayan ng Paete. Ito sana ay maging tulay para sa mga mamamayan na nasa Paete at iyong mga nasa ibang bansa. Alam kong sa pangangalaga ng Sangguniang Bayan, ito ay makakatulong din lalong lalo na sa mga kabataan na walang computer o "access" sa computer classrooms ng Paete. More power and God bless.
Back to top
View user's profile Send private message Visit poster's website
Glo



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 235
Location: Gloria Basa Caguin

PostPosted: Thu Sep 29, 2005 3:19 pm    Post subject: Re: hi po 2 all of u!!!!!!! Reply with quote

reggie_cadapan#23 wrote:
hi po sa inyong lahat dyan especially to my uncle,anti and 2 mam glow.


Hello Regs!... kamusta ka na uli?... sayang wala ako sa Paete,
siguradong mag-eenjoy ako sa parada at palabas ninyo sa Plaza...

I just had my lunch (pancit bihon & left over Japanese chicken-teriyaki).

TODAY, Thursday, Sept. 29 is like any ordinary work day (boringgggg! Rolling Eyes heheheh)...
the usual... get up, have some coffee, shower,
drop my 11-yr. old nephew (Jay Basa Nubla) to school, go to work...
(one more day... yes, one more day to weekend! YEHEYYYYY!!!)

okay, you take care now...GTG... am gonna get out and catch some fresh air
... ay wala ka pa bagang ID picture Reggie?

-from Los Angeles w/Love: Ur mam glow (na always glow-ing daw! Wink )
Back to top
View user's profile Send private message
reggie_cadapan#23
Guest





PostPosted: Thu Sep 29, 2005 8:31 pm    Post subject: hehehehehehehe!!! Reply with quote

hi po buti naman po at nakasagot uli kau d2, balak ko nga po mag palagay ng picture d2 ung pic. ko po nung last saturday. mamaya po pupunta ako sa shop ng tita ko c tita cathy (wife of my cowboy uncle!)hehehehe,papa2ro po ako cge po ingat po kau lagi jan!
Back to top
Vice Mutuk
Guest





PostPosted: Mon Oct 03, 2005 7:02 am    Post subject: Reply with quote

Musta na Angel?

It's nice to be here again! So far so good. Naka dial-up connection muna ang SB office (one year unlimited sa PLDT Vibe) kaya heto regular na kaming makakapasyal dito.

Tungkol naman sa 5 computers na napatoka sa SB. Nandito na yung apat at sisimulan nang gawin, maybe bukas, yung mga tables para ma-install na. Yung isa ay ipinaubaya na muna sa Tourism office c/o Kon Bokwet pero maaari ding magamit yon ng publiko. Gagawa pa rin ang Sangguniang Bayan ng mga alituntunin para sa kaayusan at sa mas kapakinabangan ng mga gagamit ng mga computers. Nakikinikinita ko nang maganda ang magiging resulta ng proyekto lalo na at very supportive si Ka Noel sa Idea. (Dinagdagan na ni Meyor ang pondo ng SB for next year para sa implementation ng proyekto.)

Hanggang dito na muna at umasa ka na ang SB ay lagi na nyong kasama ngayon dito sa paete.org. Teka, pwera na lang kung wala kami ditong lahat sa SB. lol

Maraming salamat muli!!! Dahil sa mga ginagawa nyong malasakit ay mas nailalapit namin ang aming serbisyo sa ating mga kababayan.
Back to top
adedios
SuperPoster


Joined: 06 Jul 2005
Posts: 5060
Location: Angel C. de Dios

PostPosted: Mon Oct 03, 2005 7:23 am    Post subject: Reply with quote

Dear Vice Mutuk;

It is nice to hear that SB is now on the network. I still think, however, that you should explore a wireless router since I am guessing that the network demands can be met by a single line. It requires a one-time investment, but in the long run, SB and the mayor's office will make the most out of a single DSL connection.

Anyway, you and the other members of SB are always welcomed in this forum. I am sure that discussions between you and the Paetenians overseas will lead to synergy and coordination of projects that will benefit Paete. Please send my best regards to everyone there. God bless.
Back to top
View user's profile Send private message Visit poster's website
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Batang Paete All times are GMT - 5 Hours
Goto page Previous  1, 2, 3, 4, 5  Next
Page 4 of 5

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group