PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

KATIBAYAN NG PAGKILALA sa QUINALE ES

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Batang Paete
View previous topic :: View next topic  
Author Message
Guest






PostPosted: Tue Nov 21, 2006 8:12 pm    Post subject: KATIBAYAN NG PAGKILALA sa QUINALE ES Reply with quote

Sa pangunguna ni KGG. Punongbayan Noel B. Cadayona pinagkalooban ng KATIBAYAN NG PAGKILALA ang mga guro ng Paaralang Elementarya ng Quinale at sa Distrito ng Paete sa liwasang bayan noong Nob. 20, 2006, 8:00 n. u.











SALAMAT PO... ni Gng. Warlita A. Valdellon, Punongguro II-QES




Anong laking kagalakan ang nadama nyaring puso,
Nang sumapit itong araw nang mapansin kaming guro,
O, punongbayan! Mabuhay ka! Sa karangalang pinatamo.
Di ka namin malilimot, inspirasyon kang di-gugupo!

Sino nga ba kaming gurong pinansin nyo’t inalayan?
Mga limot na bayaning sa ngayon ay nabubuhay.
Ang talas ng pag-iisip, ang sandatang tinataglay,
Libong batang walang muwang, lubusan ng nakinabang.

Sa tungkuling nakaatang, paano nga ba pinagyayaman?
Sa dami ng pananagutan, sisnisikap pa ring makayanan.
Ang sa: bata, kapwa-guro, punung-guro, magulang at kababayan.
Dagdag pa nga panutuo, ina o ama pa ng tahanan!

Kami’y gurong kung manamit ay payak at di masagwa.
Pagkat nais naming ay tularan ng lahat ng mga bata.
Hindi kami nagsusuot, mamamahaling mga sutla,
Pagkat hindi nagmumulat ng ugaling magmarangya.

Sa gawi at kilos nami’y uliran ding matatawag.
Pagkat iyan ang ugaling sa guro ay hinahanap,
Hindi dapat malakihin, o ang sarili’y itataas,
Pagkat iyang kababaa’y, hindi dapat ipagpanggap.

Huwaran naming ay si Cristo, isang guro ng kabanalan,
Na naghasik ng maytuwid sa ugali,t kaasalan,
Si Socrates na guro ring binaka ang kamangmangan,
Na pawang nakatitik sa dahon sa kasaysayan.

Inspirasyon nga raw kami ng lahat ng mga bata,
Kung paano kami nagtuturo, sa gawaing paglilikha,
Kay rami ng propesyonal, dahil dito’y dinadakila,
Bahagi kami ng tagumpay, sa tinamong pagpapala.

At kung dumating ang sandaling igupo ng katandaan,
Malabo na yong paningin, pandinig ay pumapanaw,
Guro pa ring humihiyaw sa damdami’t katauhan.
Tagos sa puso’t kaluluwa… “Ako’y guro kailanman!!!”

Sa parangal na inialay sa munti naming katauhan,
Di sapat ang salita, na kayo’y papurihan,
Di rin sapat ang palakpak, upang ika’y pasalamatan.
Kung kaya’t ang dalangin ng puso naming nagmamahal…

“MABUHAY KA’T PAGPALAIN! Adhikai’y Magtagumpay!!!
Back to top
amork



Joined: 07 Jul 2005
Posts: 761
Location: Amor Kagahastian

PostPosted: Sun Nov 26, 2006 6:21 am    Post subject: congratulations Reply with quote

congratulations to Quinale Elem School!

mareng baby, nice to see you here and lucy, too.

mam lili, bigatin talaga ang quinale. mabuhay ang taga-paete!


regrds,
amor

_________________
Amor Salceda Kagahastian
Back to top
View user's profile Send private message
eve19612000



Joined: 11 Jul 2005
Posts: 1026
Location: Sheba Allenbach-Aseoche

PostPosted: Mon Nov 27, 2006 1:13 am    Post subject: WOW CONGRATULATIONS PO... Reply with quote

Nakakataba ng Puso...Malaking karangalan sa tulad naming mga anak ng Quinale...6 kaming mag kakapatid at lahat kami'y nagtapos sa QES...Wowwwwwww Congratulations Po...
_________________
NEIN, ich irre mich nie! Einmal dachte ich, ich hätte mich geirrt, aber da habe ich mich getäuscht...-sheba-
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
Ma'am Lili
Guest





PostPosted: Tue Dec 05, 2006 8:23 pm    Post subject: Katibayan ng Pagkilala sa QES Reply with quote

Marami pong salamat kay Ma'amAmor at kay Sheba isa sa graduates ng Quinale, sa inyong pakikisaya sa aming paaralan sa karangalang binigyan pansin ng ating pamahalaang-bayan. At sa mga nagtapos sa Quinale Elementary School, malugod ko po kayong inaanyayahan na dalawin ang inyong alma mater upang makita ang malaking pagbabago ng pasilidad at accomplishment nito. Salamat sa lahat at "To God be the glory! "
Back to top
dpmadrinan



Joined: 10 Aug 2007
Posts: 332
Location: Glendale,CA

PostPosted: Tue Dec 11, 2007 3:03 pm    Post subject: Congratulations to QES Reply with quote

Dear mam Lily,
Ngaun lang po uli ako nagbukas nito at nakita ko nga ang ginawang parangal sa mga dakilang guro ng Quinale. Binabati ko po kayong lahat, nakakita na naman ako ng mga guro. Dalawang taon din akong nagturo diyan sa Quinale at ang isa kong anak si Abet ay diyan nag graduate ng Elementary. Kaya po muli binabati ko kayong lahat ang mga kaguruan mabuhay kayong lahat. At bumabati na rin po ako ng isang Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon. God bless you all.

Daisy p. madrinan
Los Angeles CA.
Husband- Itong C. Madrinan +
Children-Butch, Vida Abet, billie, Odet, Jr, Keng
Back to top
View user's profile Send private message Yahoo Messenger
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Batang Paete All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group