PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

HIPPING KULELAT 1 & 2

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Ganito Kami Noon
View previous topic :: View next topic  
Author Message
batang_patio



Joined: 02 Feb 2007
Posts: 589

PostPosted: Wed Aug 17, 2005 3:13 am    Post subject: HIPPING KULELAT 1 & 2 Reply with quote

HIPPING KULELAT
August 17, 2005


Kalagitnaan ng dekada 60’s, nasa kainitan ang mga usong ‘flower people’ mga hippie, ang mga sikat na grupo monkees, beegees, beatles, atbpa.

I
Unang araw ng pasukan, flag ceremony sa San Santiago High School, pasilip-silip sa bintana ng bahay na nasa gilid ng patyo. Hindi maipaliwanag ang magkakahalong damdaming namumuo sa kalooban, pasilip-silip dahil nakakaramdam ng hiya dahil napag-iwanan ng mga klasmeyt, mga klasmeyt sa natapos na anim na taong pag-aaral sa elementarya, mga kalaro’t mga kabarkada. Hindi nakapag-palista ‘dahil hindi uso ang pera’ nakaramdam ng pagsisikip ng dibdib, pero ano bagang magagawa, kahit pa mag-ngangawa, wala namang saysay, talagang hindi kaya ng bulsa, walang pang-enrol.

Napukaw ang mga panakaw na pagsilip sa siwang ng ‘capiz’ na bintana ng makarinig ng mga yabag sa sahig na kawayan, si Ina pala na galing sa pagpapakain ng nag-iisang alagang baboy na nasa banlat sa silong ng paminggalan na inaasahang maipagbili para makaamot ng kaunting pera, taglay na rin ang pag-asam na makakuha ng kaunting panghanda sa parating na pyesta ng bayan.

Munti pang bata’y marami ng napasukang mga paukitan, dahilan nga sa pagkakimi’t pagkamahiyain ang pinaka-unang kahinaan, walang hilig o sadyang walang talent kaya hindi marunong mag-ukit kaya itong pag-a-as-is ang binagsakan at naging kaung-ungan ng mga kadalagahang mas higit na may mga edad kina Amang Vener Baldemor, Taning ‘Supot’ Afurong, Amang Floro Umali, Amang Andres Valdecantos, at ang pinakahuli’t doon nagtagal ay sa mabait na mag-asawang Amang Rufing at Inang Fely Afuang Bagabaldo, doo’y nag-as-is at natutong mag-varnish na sa bandang huli’y naging tagalista ng mga pinakyaw na ukit at nagsilbing taga-pamili ng mga munting materyales na kailangan sa paukitan. Natural na mababait ang taga-Paete kaya napalapit ng husto sa mga Bagabaldo.

Naiigaya’t nahihiya sa mga kasabay sa elementarya kaya laging pasukot-sukot, paiwas at putol-putol ang mga daan.

Matuling na lumipas ang isang taon at dahil nga sa nakaipon din naman kahit papa’no ng kaunting barya na unti-unting inihuhulog sa alkansiyang bao ng niyog, kahit na may pagka-gastador at laging nanonood ng sine sa Sta. Cruz at sa pag-uwi pa’y may bitbit ng mga kinahiligang ‘songhits’ na kahit na totoo ‘lang ay wala namang talagang kahilig-hilig ang mga kanta’y lagi pa ring nakabunghalit at nakatiawak ng mga usong kanta, hehehe!

Heto na nga nakapag-palista din sa ‘Tiago’, hindi pa naman siguro huli ang lahat para muling makapag-aral. Sa wakas, natupad din ang pinapangarap at kina-iinggitang makapag-aral sa mataas na paaralan.

Magkadugtong ng muli ang mga putol na daan ng batang napakahilig sumunod sa mga uso na kapos naman sa kakayahan. Hindi na masyadong pasukot-sukot at nabawasan ang pagkahiya sa mga dating mga kasabay sa elementarya. Isang hakbang sa hagdanang patungo sa mga putol-putol na pangarap…


II
Noong unang araw sa paaralan, naka-upo sa isang sulok, halo-halo ang nararamdaman, nahihiyang pagala-gala ang mga mata sa paligid na nagsisisaw, hindi magkamayaw ang mga estudyante. Marami ang mga bagong mukha, ang iba’y hindi pa mga kilala dahil mga dayuhan, may mga taga-Pangil, Pakil, Siniloan at Mabitac, napakagulong masaya ang paligid. Nahihiya man, nakaramdam ng matinding kasiyahan sa panibagong karanasan.

Ang buhay sa High School, talagang walang kasing-saya, mga barkadahan, mga palipad-hangin, ligaw-tingin sa mga crushes na may kasama padisplay-display pa kunwari na wala namang nangyayari hehehe!

Patugtog ng patugtog kunyari sa tindahan ni Inang Amanda, mayroon pa nga kaming litrato ng barkada na nasa loob ng jukebox, doon mismo sa spinner na kumukuha ng plaka, kunsintidorang tindahan yun.

Para makasunod sa uso, mahilig magpa-long hair kaya kadalasang nauukatan ng PMT officers salamat na lamang at nagkaroon ng DBC kaya patuloy ang pagiging jeprox eh baduy naman. Nauso ang bell bottom pants, Levis, Lee at Wrangler, Bang-bang t-shirts habang naka-mini naman ang mga bebot, pataasan pa ng tease ng buhok. Mayroon tuloy akong naalala na isang dalaga noon na pagkataas-taas lagi ng tease, tapos nangangalumbaba sa bintana nila para nga naman makita ng mga binatang dumadaan hehehe!

Panahong sikat sa balagtasan sina Ofelia Angeles, namamayagpag din ang knowledge power ni Ernie Baron at lumabas sa komiks si spiderman. Paborito Jingle magazine na later on ay naging Jingle Extra Hot at kung ano-ano pang mga songhits. Basta nasa cover ang favorite kong Monkees at Beegees, hindi na ako mapakali hangga’t hindi ko nabibili ang mga magazine. Sa kasusunod sa uso ay natutunan ko tuloy ang magre-cycle ng damit, yun bang magkulay sa dyubos. Tatalian muna ang pantalon o t-shirt bago pakuluan sa ‘dye’, madalas tuloy akong mapagalitan ni Dada dahil nauubos ang kanyang mga pang-ulong sa kalan.

Napakasaya din ang mga panahong ginugol namin sa DBC. Ang mga natatandaan kong kasama namin ay sina Candido Cagayat, Pelagio Gajitos, Salvador Africano, Rufing Valdellon, Pelagio Gajitos, Efren Balita ng Pakil na siyang may hawak ng bombo, bagay sa kanya dahil mataba at mga iba pa. Ang aming instructor ay si Amang Pabling Africano na napakagaling magturo, pasensiyo at napakabait. Kung saan-saan kami nakakarating noong panahong yun, hindi lang kami sa patyo at sa buong bayan nagbabaradag, aba! ay narating din namin ang Luneta Grand Stand, kasama kami sa “pass in review” aba’y naninigas ang aming mga leeg habang baradag ng baradag hahahaha! Hanggang sa huling taon namin sa high school ay magkakasama pa rin kami sa DBC.

Nagtapos kami at nagkawak-watak, kung saan-saan na mga nakarating, may mga kanya-kaya at sari-saring kwento na ng buhay, pero parang ganoon pa rin, ang pakiramdam baga hanggang ngayo’y isa pa ring hipping kulelat jeproks, ang usong niluma na ng panahon. Hipping kulelat, isang TVH+ meaning Trying Very Hard + Aray!



Embarassed Razz Very Happy Surprised Laughing


Last edited by batang_patio on Sat Aug 20, 2005 8:44 am; edited 2 times in total
Back to top
View user's profile Send private message
eve19612000



Joined: 11 Jul 2005
Posts: 1026
Location: Sheba Allenbach-Aseoche

PostPosted: Fri Aug 19, 2005 3:28 am    Post subject: Re: HIPPING KULELAT (Unang Bahagi) Reply with quote

Batang Patio wrote:
DURUGTUNGAN


baina oo paki pls. at bitin...hahahakablag! Au ng nasa Las Vegas kami nakita namin si Amang Rufing Bagabaldo...nakinig kami ng tugtog nina Bobby...binigay ko nga ang add. ko dito kasi punta daw sila ng Germany...hanggang ngayon di pa naman tumatawag...natuloy kaya ang mga iyon?

Ach! sige intay nalang namin ang karugtong...
_________________
NEIN, ich irre mich nie! Einmal dachte ich, ich hätte mich geirrt, aber da habe ich mich getäuscht...-sheba-
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
batang_patio



Joined: 02 Feb 2007
Posts: 589

PostPosted: Sat Aug 20, 2005 8:48 am    Post subject: Tapos na Reply with quote

O hayan na hindi na bitin Laughing

Thanks Bunsoy
Back to top
View user's profile Send private message
eve19612000



Joined: 11 Jul 2005
Posts: 1026
Location: Sheba Allenbach-Aseoche

PostPosted: Sun Aug 21, 2005 1:57 am    Post subject: Re: Tapos na Reply with quote

Batang Patio wrote:
O hayan na hindi na bitin Laughing

ababa napatambay din pala kayo kina Inang Amanda at Inang Using...di ko makakalimutan yang 2 yan...si Inang Using ang nagsabi sa amin...na sa aming magkakabarkada ako daw ang unang mag-aasawa...matigas ang sabi ko ababa hindi!...nagkatinginan lang kaming lahat...kung di ako nagkakamali ako yata ang huling nagka-asawa...i mean may naiwan pang 2 na di pa hanggang ngayon nag-aasawa...kaya ng huli kaming magkita ang tanong sa akin ilang taon na ang apo ko...hahahakablag! bai baling bali yang si Inang Using...di pala nya rin nakakalimutan yung hula-hula nya sa amin...nasagot ko tuloy bai anak po muna bago apo! hahahakablagdaplag ako talaga ng katatawa...di nya akalain na ako'y di pa nagkaka-anak...saka sinabing magpadami daw ako ng lahi sayang daw ang panahon... Laughing
_________________
NEIN, ich irre mich nie! Einmal dachte ich, ich hätte mich geirrt, aber da habe ich mich getäuscht...-sheba-
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail Yahoo Messenger
batang_patio



Joined: 02 Feb 2007
Posts: 589

PostPosted: Sun Aug 21, 2005 3:43 am    Post subject: Tindahan Reply with quote

Paboritong tambayan namin ang tindahang iyon kahit pa noong ako ay nasa elementary, napakalapit ng dating bahay namin doon di baga?

Uy nabasa ko na ang post mo. Ako naman may bago hehehe! Laughing

Thanks and regards
Back to top
View user's profile Send private message
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Ganito Kami Noon All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group