 |
USAP PAETE Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
|
View previous topic :: View next topic |
Author |
Message |
Guest
|
Posted: Fri Aug 26, 2005 4:15 pm Post subject: hi school days |
|
|
Batch'74 Dugong Tiago
Nenette Navarro-Galan
Nineteen seventy three pakiramdam mga bida
Senior na sa SSHS kaya old timer na
Mga siga-siga sa pagpila sa umaga
Pinakamaingay pa ata sa lahat ng nasa linya.
Ating classroom katapat ng principal office
Bungad din at unang-una sa may gate
Aming adviser Mam Amor,tanging guro
Sa pagkakaisa namin walang tatalo.
Makintab na semento ng aming classroom
Pawis ang pinuhanan ng aming boys noon
Masipag naman kaming magfloor wax doon
Kaya maaring sandaang panalo sa palinisan ng room.
Tanda pa ninyo Romeo and Juliet natin
Suot Prince and Princess pa tayo
At doon sa tabi nina Bugoy na malapalasyo
Ang terrace doon tayo nagtulaan pa mandin.
May isang pangyayari na di ko malimutan
Nang magtampo tanging guro sa atin
Naging stubborn tayo at nakipaglaban
Gusto laang magkaroon senior prom natin.
Kinalabasan tayo rin ang sumuko
Hinarana tanging guro doon sa kumbento
Nagkaiyakan,nagkatawanan parang mga baliw
Pero di bali tutal pinatawad naman ng giliw.(na guro)
Masasaya at malulungkot na nakaraan
Mga ala-ala na laang ng ating buhay
Maraming aral kinapulutan sa kapalaran
Tinahak noong tayo'y mahilig pang magbulay-bulay. |
|
Back to top |
|
 |
batang_patio
Joined: 02 Feb 2007 Posts: 589
|
Posted: Sun Aug 28, 2005 12:42 am Post subject: Dugong Tiago |
|
|
Teka! Brunenette, bakit naligaw ito d2, di ba dapat eh sa 2laan i2?
Dugong Tiago ka rin pala. Sa tapat din ng principals office ang classroom namin noong graduating kami. Salamat sa ala-ala.
regards |
|
Back to top |
|
 |
eve19612000

Joined: 11 Jul 2005 Posts: 1026 Location: Sheba Allenbach-Aseoche
|
Posted: Sun Aug 28, 2005 4:28 am Post subject: Re: hi school days |
|
|
Anonymous wrote: | Batch'74 Dugong Tiago |
baina! di nga tayo magkikita
ng sa SSHS una kong sampa
kayo pala'y nagmamaynila na
sinusunog ang kilay-kilayan pa
bai! yun din ang room namin
ang sahig talaga'y pakintabin
may kasaysayan pangang bitin
nakatatak na lang sa hangin
ih pag ito'y aking maa-alala
may mga tuwa't galak na dala
minsan naman ay napapatulala
may pangyayaring ikadadala
sinasabing malaking pagkakasala
sumalangit nawa kanyang kaluluwa
pagkakataon di naman sinasadya
ang pangyayari talaga'y nakakahiya
ikwuento ko nalang pagnakita tayo sa holy weeks maganda kung nandun ang barkada mas nakita nila ang pangyayari... _________________ NEIN, ich irre mich nie! Einmal dachte ich, ich hätte mich geirrt, aber da habe ich mich getäuscht...-sheba- |
|
Back to top |
|
 |
|
|
You can post new topics in this forum You can reply to topics in this forum You cannot edit your posts in this forum You cannot delete your posts in this forum You cannot vote in polls in this forum
|
Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group
|