 |
USAP PAETE Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
|
View previous topic :: View next topic |
Author |
Message |
mutuk Forum Moderator

Joined: 11 Oct 2005 Posts: 1860 Location: Vice mayor Rojilyn Bagabaldo
|
Posted: Sun Mar 04, 2007 11:58 am Post subject: MADRINAN 2 FAMILY TREE |
|
|
Isa pang Pulangan o Partido ng mga Madrinan ng kilalang mag-uukit na si Mariano Madrinan .
I Luciano Madrinan
II Mariano Madrinan
Mga naging Pamilya
I Luciano Madrinan, naging asawa si Tomasa Baldemor.
No other info.
II Mariano Madrinan, naging asawa si Francisca Kagahastian (Ikang) na kapatid ni Eustaquio Kagahastian.
Naging mga anak
1. Pablo K. Madrinan (Ambo), naging asawa si Victoria Poblete (Toyang) na kapatid nina Andrea at Laureano Poblete.
Naging mga anak (2)
1A. Felipa P. Madrinan (Ipa), naging asawa ni Simplicio Cadayona na kapatid nina Marceliano, Francisca at Vicente adayona.
Naging mga anak (5)
1Ai. Jose M. Cadayona, naging asawa si Amelia del Rosario.
Naging mga anak (7)
1.) Celia R. Cadayona
2.) Jose R. Cadayona, Jr.
3.) Ruben R. Cadayona
4.) Manolo R. Cadayona
5.) Ernesto R. Cadayona
6.) Ofelia R. Cadayona
7.) Wilfredo R. Cadayona,
1Aii. Luisa M. Cadayona, naging asawa si Honorio Cajipe.
Naging mga anak (5)
1.) Hermogenes C. Cajipe
2.) Rebecca C. Cajipe
3.) Constatino C. Cajipe
4.) Danilo C. Cajipe
5.) Felipa C. Cajipe,
1Aiii. Emiliana M. Cadayona, naging asawa si Ambrocio Pagalanan.
Naging mga anak (3)
1.) Zaida C. Pagalanan
2.) Zoraida C. Pagalanan
3.) Victoria C. Pagalanan,
1Aiv. Silverio M. Cadayona, namatay na binata.
1Av. Irene M. Cadayona, namatay na dalaga.
1B. Casiano P. Madrinan, namatay na bata pa.
2. Mariano Madrinan , Sept. 25,1858-Jan. 7, 1939 (Note: Base sa record ng baptismal sa simbahang Katoliko sa Paete, ang ngalan ng mga magulang ni Mariano Madrinan ay Lociano Madrinan at Tomasima Baldemor) naging unang asawa si Maria Navarro na kapatid nina Julio at Felix Navarro.
Naging mga anak (2)
2A. Juan N. Madrinan (Juang Bagsak), naging unang asawa si Rosalia ____.
Naging mga anak (2)
2Ai. Jose Madrinan (Peping), no info.
2Aii. Benigno Madrinan, binata na ng mamatay.
2Aiii. Rufina Madrinan, namatay na bata pa.
Naging ikalawang asawa ni Juan N. Madrinan si Laureana Sario (loleng) na anak ni Coronel Fidel Sario.
Naging anak dito (2)
2Aiv. Arsenia S. Madrinan, no info
2Av. Juana S. Madrinan, no info.
2B. Estebana N. Madrinan (Banang), Sept. 02, 1886-March 20, 1962 naging asawa ni Casiano Quesada (Casi) na kapatid nina Antonia, Natalia, Juan, Eusebio at Roman Quesada.
Naging mga anak (6)
2Bi. Eliseo M. Quesada (Ceyong), naging asawa si Potenciana Castaneda na taga Maynila.
Naging mga anak
1.) Carmencita C. Quesada,
2.) Nora C. Quesada,
2Bii. Dominica M. Quesada, naging asawa ni Milian Baisas na anak ninaFelisa Mesoza at Isaac Baisas.
Naging mga anak (5)
1.) Maria M. Baisas,
2.) Cresensendo M. Baisas,
3.) Guillermo M. Baisas,
4.) Franciso M. Baisas,
5.) aurea M. baisas,
2Biii. Cresencia M. Quesada, naging asawa ni Leopoldo Cagahastian na anak nina Cristeta Dans at Atanacio Cagahastian.
Naging mga anak (4)
1.) Florencia Q. Cagahastian,
2.) Lucila Q. Cagahastian,
3.) Felixberto Q. Cagahastian,
4.) Crispin Q. Cagahastian,
2Biv. Amalia M. Quesada, naging asawa ni Odon Fadul (Abogado) anak nina MAria Baldemor at Pedro Fadul.
Naging mga anak (7)
1.) Marlin Q. Fadul,
2.) Isidro Q. Fadul,
3.) Pedro Q. Fadul,
4.) Casiano Q. Fadul,
5.) Maria Q. Fadul,
6.) Pura Q. Fadul,
7.) Clara Q. Fadul,
2Bv. Gloria M. Quesada, dalaga.
2Bvi. Margarita M. Quesada, nagmadre
Naging ikalawang asawa ni Mariano K. Madrinan si Maria Agca na anak ni Ambrocio Agca.
Walang naging anak
Naging ikatlong asawa ni Mariano K. Madrinan si Laureana Kagahastian na kapatid ni Rita Cagahastian.
Wala ding naging anak dito.
3. Juan K. Madrinan, Jan 28, 1864 naging unang asawa ni Ines Balquiedra na kapatid ni Andres Balquiedra.
Isa ang naging anak
3A. Juan Madrinan, _________________ Rojilyn "Mutuk" Quiachon Bagabaldo
Last edited by mutuk on Thu Sep 04, 2008 11:25 pm; edited 4 times in total |
|
Back to top |
|
 |
amork

Joined: 07 Jul 2005 Posts: 761 Location: Amor Kagahastian
|
Posted: Sun Mar 18, 2007 7:36 am Post subject: |
|
|
vice,
sino itong mariano c. madrinan (nasa librong paete) - nagwagi ng unang gantimpala sa timpalak ng eskultura sa International Exposition of Amsterdam sa kanyang obra-maestrang Mater Dolorosa. Ginawaran siya ng isang diploma at medalyong ginto ni Haring alfonso XII ng Espanya.
mam amor |
|
Back to top |
|
 |
mutuk Forum Moderator

Joined: 11 Oct 2005 Posts: 1860 Location: Vice mayor Rojilyn Bagabaldo
|
Posted: Tue Mar 20, 2007 4:10 am Post subject: Re: MADRINAN 2 FAMILY TREE |
|
|
Isa pang Pulangan o Partido ng mga Madrinan ng kilalang mag-uukit na si Mariano Madrinan o Marianong Ikang.
I Luciano Madrinan
II Mariano Madrinan
Mga naging Pamilya
I Luciano Madrinan, naging asawa si Tomasa Baldemor.
No other info.
II Mariano Madrinan, naging asawa si Francisca Kagahastian (Ikang) na kapatid ni Eustaquio Kagahastian.
Naging mga anak (3)
1. Pablo K. Madrinan (Ambo),
2. Mariano Madrinan ,
3. Juan K. Madrinan
MARIANO C. MADRINAN II
( 1858 - 1939 )
- MAG UUKIT -
"Ang Bayan ng Paete ay nakilala at natanyag lamang dahil sa matatamis niyang Lanzones, magaganda at kahangahangang mga ukit (lilok) at dahil kay Mariano C. Madrinan".
Gregorio F. Zaide
Manunulat ng Kasaysayan
Si Mariano C. Madrinan II ay isinilang sa bayan ng Paete, Laguna ng mag asawang Mariano Madrinan I at Francisca Cagahastian.
Siya ay isang pambihirang nilalang na likas na may mababang kalooban, mahinahon, bihirang magsalita, relihiyoso at kung turingan ng kapwa sa sariling bayan ay "banal".
Likas ang galing niya sa paglilok na nakita sa kanya mula sa kanyang kabataan. Hindi siya naging maramot sa kanyang talino, marami siyang mga kababayan na tinuruang mag-ukit kabilang dito si Jose Caancan. Siya ay nagturo ng walang tinatanggap na kabayaran sa mga mag-aaral mula Baitang IV hanggang Baitang VII ng Araling Pang Industriya noong panahon ng Pamahalaang Kolonyal (American Regime).
Ang mga pansariling katangian ni Tandang Nano bilang isang eskultor ay makikita sa kanyang pambihirang ukit tulad ng Imakulada Concepcion na kinikilalang Birhen dela Flores sa bayan ng Paete. Ang kanyang marubdob na pagmamahal sa mga bata ay nailarawan niya sa mga kerubin at mga anghel sa paanan ng Mahal na Birhen. Naipakita at naipadama niya sa kanyang likhang "Crucifixion" na ukit sa garing (ivory) ang dinaramdam niyang sakit bunga ng pagkakabundol sa kanya noong sasakyan ng minsang maghatid siya ng trabaho sa Lungsod ng Maynila. Ang kanyang mga ukit noon ay binibili ng mga mayayamang taga ibang bayan, mga kolektor, mga may-ari ng mga kilalang tindahan sa lungsod at mga matataas na pinuno ng pamahalaan.
Ang pinakadakilang Obra ni Mariano C. Madrinan II na yumanig sa bansang Europa at sa buong daigdig, lalo't higit sa larangan ng sining ay ang kanyang "MATER DOLOROSA" na nagkamit ng medalyang ginto sa isang Pandaigdigang Eksposisyon na ginanap sa Amsterdam, Holland noong 1883, na sa pagkakamangha at paghanga ng Hari ng Espanya Alfonso XII sa pagkapanalo ng isang INDIO ay nag utos ng paggawa at pagkakaloob ng medalyang ginto at Katibayan ng Pagkilala na nakatitik ang pangalan niya na may lagda ng Hari ng Espanya.
Sa utos ni Gob. Iriarte ng Laguna, pumili ng mahuhusay na mag-uukit sa Paete upang lumikha ng mga obrang panlaban sa paligsahan sa Espanya, tanging ang obra ni Mariano C. Madrinan II ang napiling ilalaban sa paligsahan.
Maging ang mga talino mula sa iba't ibang bansa sa Europa tulad ng Italya, Pransiya, Alemanya at iba pang mga nag-aral ng sining ay nag-ukol ng paghanga sa likas na talino ni Tandang Nano. Dito nagsimulang makilala ang Pilipinas at ang bayan ng Paete sa larangan ng pag-uukit.
Sa mga huling sandali ni Tandang Nano, ginugol niya ito sa mga makabuluhan at maka-Diyos na pamamaraan. Hindi tumigil ang kanyang "Paet" sa paggawa ng mga "Santos" at pagsasalin ng sariling kaalaman sa mga kababayan.
Ang kanyang huling kahilingan sa asawa at dalawang anak na sa sandaling bawian siya ng buhay ay kung maaari ay sa bayan ng Paete ang kanyang maging huling hantungan.
Note: Halaw sa ulat na ginawa ng komitibang namili sa Pambayang Bayani ng Paete.
_________________ Rojilyn "Mutuk" Quiachon Bagabaldo |
|
Back to top |
|
 |
|
|
You can post new topics in this forum You can reply to topics in this forum You cannot edit your posts in this forum You cannot delete your posts in this forum You cannot vote in polls in this forum
|
Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group
|