 |
USAP PAETE Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
|
View previous topic :: View next topic |
Author |
Message |
gerlino r. paelmo Guest
|
Posted: Sat Dec 24, 2005 11:18 pm Post subject: Pasko sa paete |
|
|
Kaysarap balikan sa ala-ala ang pasko sa ating mahal na bayan, sa Paete. kailan ba kami huling nagpasko sa paete?
Simbang gabi, taimtim at napakabanal. Pagkatapos ng misa ay miryenda. Puto-bumbong, mainit na kape o tsokolate. Pero ang favorito ko ay ang suman ni Ina. Suman sa gata at tabliya. Meron pang arrozcaldo, may atay at puso, may itlog ng manok at pugo.
Kasama mo ang iyong mga mahal sa buhay, ang iyong kabiyak ay mga anak. Mga magulang, kapatid, mga pamangkin at inaanak. Nadiyang magkantahan kahit sintunado. Hindi mo mababayaran ang pagmamahalan ay pagsasamahan. Hindi mo mapapalitan ang saya, ngiti, tawa at halakhak!
Kailan kaya uli kami makakaranas ng Pasko sa Paete?  |
|
Back to top |
|
 |
|
|
You can post new topics in this forum You can reply to topics in this forum You cannot edit your posts in this forum You cannot delete your posts in this forum You cannot vote in polls in this forum
|
Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group
|