PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

Ligawan noong araw

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Ganito Kami Noon
View previous topic :: View next topic  
Author Message
Bulanggugo
Guest





PostPosted: Mon Nov 05, 2007 7:54 am    Post subject: Ligawan noong araw Reply with quote

Ako'y hindi masyadong nagkaroon ng karanasan sa mga pag-akyat ng ligaw sa atin. Naka-'TAPO" din naman kahit madalang pa sa daliri ko sa kamay. Kasama ang barkadang Lawrence ay nakasama ring mag-harana pero mga Ingles na ang kinakanta namin.

Of course pambato namin si Pareng Rogel Afuang, ayaw naman patalo ni Pareng Teddy Pagalanan, ako naman ay bumabanat din kung kahiyaan na.

Ang pinakasikat sa barkada ay si Owel Marasigan na kapag kumanta na ng mga Matt Monroe ay sumasakit na ang aming mga tiyan kasama ang hinaharana sa pagtawa. Walang tamang nota pero tulo-tuloy ang kanta at seryos pa, kaya nakuuu ay ibang klase ang nagiging harana. Nung minsan nga ay napa-utot tuloy yung dilag na hinaharana namin sa katatawa. Yuck!!

Kung minsan naman ay nakakawala ng lakas ng loob dahil intro pa laang ay papasukan na ng Ina ng iyong dinadalaw na "bai ay kamag-anak ka namin..... si Inang ano pala ang ina mo... ay pinsang pakalawa ko.....ehe...tiklo na ang deskarte.. (magpapaalam ka na at bai pinsan mo pala ang tina-tapuan..hhehehe.

Ewan ko, pero may magagaling dumiskarte ng ligaw sa atin at mga pabling pa hehehe.
Back to top
gerlin r. paelmo
Guest





PostPosted: Sat Jan 12, 2008 2:39 am    Post subject: kamag-anak o hindi Reply with quote

Unang-una ay kailangang humarap sa screening committee. Kadalasan ay ama o tio, minsan ay nanay o dada. Itatanong kung sino ang mga magulang mo pati na ang mga dada mo at i-trace kung hindi kayo magkamag-anak ng napupusuan mo. Malungkot mong tatanggapin ang katotohanang kayo pala ay mag-kamaganak at hanggang magkaibigan na lamang pala kayo. Nangyari sa akin ng dalawang beses, hindi kapa nakakapg-umpisa ay busted na kaagad. kaya siguro sa aming magkakapatid isa lamang ang nagka-asawa ng taga Paete.
Back to top
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Ganito Kami Noon All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group