 |
USAP PAETE Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
|
View previous topic :: View next topic |
Author |
Message |
Ming Baldemor....Bulanggu Guest
|
Posted: Fri Mar 30, 2012 7:12 am Post subject: Sining sa Entablado |
|
|
Hindi ko malilimutan ang mga..ano nga bang tawag doon...."trahedya or komedya?" na ginaganap sa Plaza Edesan twing panahon ng San Antonio de Padua -Nobyembre kada taon.
Bakit kaya hindi na ginagawa ito.....isang sining-kultura na dinudumog ng mga tao "noong araw."
Ang isang eksena dito ay yung may naka-kubol sa gitna-unahan ng entablado na tumutulong mag-dikta ng mga dialogue kapag nalilimutan ng mga aktor.
Minsan nga ay napalayo ang bidang lalaki at medyo parang nalimutan ang sasabihin, at nakatingin sa "taga-bulong" kumbaga.........
Ang sabi ng tagabulong ah.."lumapit-lapit ka't baka di mo marinig"
Biglang nagsalita ang bida sabay kumpas sa kanyang espada at ang diga.."LUMAPIT-LAPIT KA'T BAKA DI MO MARINIG!!!"
Yung nakaintindi sa nagyari ay nagtawanan....yung iba pumalakpak.......heheheheheh.....hindi ko ito malilumutan...
Bakit kaya hindi ulitin ang kulturang ito?? |
|
Back to top |
|
 |
|
|
You can post new topics in this forum You can reply to topics in this forum You cannot edit your posts in this forum You cannot delete your posts in this forum You cannot vote in polls in this forum
|
Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group
|