 |
USAP PAETE Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
|
View previous topic :: View next topic |
Author |
Message |
Somyga
Joined: 13 May 2006 Posts: 250 Location: Somy G. Asido
|
Posted: Mon Aug 03, 2009 7:44 pm Post subject: “ANG PAGBABALIK” - Gusto ninyong manalo! |
|
|
Kung inyong mapapahanga ang taong bayan na itong tulang
"Ang Pagbabalik" ay meron kayong chance na manalo sa election
sa darating na halalan...gaya ng pagtula ng yumaong Amang Sebio Cagandahan.
“ANG PAGBABALIK”
By: JOSENG BATUTE – JOSE CORAZON DE JESUS
Babahagya pa lamang sa noo’y nahagkan,
Sa mata ko’y luha ang nangag-unahan,
Isang panyong puti ang ikinakaway,
Ng siya’y iwan ko sa tabi ng hagdan,
Sa gayong kalungkot na paghihiwalay,
Mamamatay ako, siya’y nalulumbay.
Ng sa tarangkahan ako’y makabagtas,
Pasigaw na sabing, “Magbalik ka agad”,
Ang sagot ko’y, “Oo, hindi magluluwat’...”
Nakangiti akong, luha’y nalalaglag,
At ako’y umalis, tinunton ang landas,
Na biyak ang puso’t naiwan ang kabiak.
Lubog na ang araw, kalat na ang dilim,
At ang buwan nama’y ibig ng magningning,
Naka-orasion na noong aking datnin,
Ang pinagsadya kong malayong lupain,
Kuwagong nasa kubo’t mga ibong itim,
Ang nagsisalubong sa aking pagdating.
Sa pinto ng naroong tahana’y kumatok,
Pinatuloy ako ng magandang loob,
Kumain ng kunti’t natulog sa lungkot,
Ang puso kong tila ayaw ng tumibok,
Ang kawikaan ko, “Pusong naglalagot,
Mamatay kung ako’y talaga ng kulog!!”
Ng kinabukasan, araw ay magningning,
Sinimulan ko na ang dapat gawin,
Ako’y nag-araro, naglinang, nagtanim,
Ng magdedeciembre tanim sa kaingin,
Ay ginapas ko na’t sa irog dadalhin.
At ako’y umuwing taglay ko ang lahat,
Mga bungang-kahoy, isang sakong bigas,
Bulaklak ng damo sa gilid ng landas,
Ay pinopol ko na’t panghandog sa liyag,
Ng ako’y umalis siya’y umi-iyak,
Oh, marahil ngayon, siya’y magagalak.
At ako’y lumakad, halos lakad takbo,
Sa may dakong amin, meron pang musiko,
Nagkakagulo ang maraming tao,
“Salamat sa Dios” ang nasabi ko,
At nalaman nila na darating ako....
At ako’y tumuloy, ng ako’y pumanhik,
Mata’y napapikit sa aking namasdan,
Apat na kandila ang na-nga-babantay,
Sa paligid-ligid ng irog kong bangkay,
Mukha’y nakangiti at ng aking hagkan,
Para pang sinabing, “Irog ko, paalam!!!”
----------------------------------------
I wish I could hear once more the delivery of this poem with feeling. Like way back when Mang Sebs used to recite this poem as he campaigned for public office. Very nice person and very nice poem.
Thank you Sir
------------------------------------------------------------------------------
Nonong Roque wrote about this poem to Mang Sebs (his uncle) during his time campaigning for public office, that was 30 years ago approximately. Nonong himself is excellent in poetry.
---------------------------------------------------------------------------
Ang kamatis na nahihinog na.
---------------------------------------------------------------------------
Ang ginataang galonggong na may mustasa, luya, bawang, sili at sibuyas na ipinagmalaki ko kay Lucy na ubod ng sarap. Subukan
ninyo at para na rin kayong nasa Paete sa may Lilim ng punong
mangga.
---------------------------------------------------------------------------
_________________ Somy 'Gusti' Asido
Wife: Lulu Telesforo Asido
Magulang: Miming(+) & Doray Galaboc Asido(+)11 F. Sario St., Kapatid nina: Aida, Jojie, Tessie, Malou, Enchang, Bellie and Mario(+) |
|
Back to top |
|
 |
eboytons

Joined: 13 Jul 2005 Posts: 285 Location: Antonio F. Dalagan
|
Posted: Thu Aug 06, 2009 7:05 pm Post subject: Re: Tula " Ang Pagbabalik" |
|
|
22Somie,
Tumawag sa akin si Anie Cruz, kapatid ng klasmeyt natin na si
Fe Cruz, na kung puwede ay pakitawagan mo raw siya sa phone na ito:
Tel. Phone No. 1-410-691-3933
Meron daw siyang comments sa tula pero gusto niya ay gawin personal thru phone.
Regards,
22Benynot |
|
Back to top |
|
 |
Somyga
Joined: 13 May 2006 Posts: 250 Location: Somy G. Asido
|
Posted: Thu Aug 06, 2009 9:05 pm Post subject: Re: Tula " Ang Pagbabalik" |
|
|
Mabuhay ang Filipino!!
eboytons wrote: | 22Somie,
Tumawag sa akin si Anie Cruz, kapatid ng klasmeyt natin na si
Fe Cruz, na kung puwede ay pakitawagan mo raw siya sa phone na ito:
Tel. Phone No. 1-410-691-3933
Meron daw siyang comments sa tula pero gusto niya ay gawin personal thru phone.
Regards,
22Benynot |
22Tony,
Natanggap ko yong email ni Anie. Salamat Anie sa comments
mo doon sa tula. Ang gagawin ko rin ay mag google ako para makuha ko talaga yong original composition nito.
Thank you Anie, and please accept my apology. You are
just like me na may mga apo na rin... |
|
Back to top |
|
 |
Somyga
Joined: 13 May 2006 Posts: 250 Location: Somy G. Asido
|
Posted: Sat Aug 08, 2009 8:10 am Post subject: "Ang Pagbabalik" another version! |
|
|
Ang Pagbabalik
Jose Corazon de Jesus
Babahagya pa lamang sa noo’y nahagkan,
Sa mata ko’y luha ang nangag-unahan,
Isang panyong puti ang ikinakaway,
Ng siya’y iwan ko sa tabi ng hagdan,
Sa gayong kalungkot na paghihiwalay,
Mamamatay ako, siya’y nalulumbay.
Ng sa tarangkahan ako’y makabagtas,
Pasigaw na sabing, “Magbalik ka agad”,
Ang sagot ko’y, “Oo, hindi magluluwat’...”
Nakangiti akong, luha’y nalalaglag,
At ako’y umalis, tinunton ang landas,
Na biyak ang puso’t naiwan ang kabiak.
Lubog na ang araw, kalat na ang dilim,
At ang buwan nama’y ibig ng magningning,
Naka-orasion na noong aking datnin,
Ang pinagsadya kong malayong lupain,
Kuwagong nasa kubo’t mga ibong itim,
Ang nagsisalubong sa aking pagdating.
Sa pinto ng naroong tahana’y kumatok,
Pinatuloy ako ng magandang loob,
Kumain ng kunti’t natulog sa lungkot,
Ang puso kong tila ayaw ng tumibok,
Ang kawikaan ko, “Pusong naglalagot,
Mamatay kung ako’y talaga ng kulog!!”
Ng kinabukasan, araw ay magningning,
Sinimulan ko na ang dapat gawin,
Ako’y nag-araro, naglinang, nagtanim,
Yaong kapaguran,ay di ko pinansin"
Ng magdedeciembre tanim sa kaingin,
Ay ginapas ko na’t sa irog dadalhin.
At ako’y umuwing taglay ko ang lahat,
Mga bungang-kahoy, isang sakong bigas,
Bulaklak ng damo sa gilid ng landas,
Ay pinopol ko na’t panghandog sa liyag,
Ng ako’y umalis siya’y umi-iyak,
Oh, marahil ngayon, siya’y magagalak.
At ako’y lumakad, halos lakad takbo,
Ang hindi ko batid,kong bakit at ano
Sa may dakong amin, meron pang musiko,
Nagkakagulo ang maraming tao,
“Salamat sa Dios” ang nasabi ko,
At nalaman nila na darating ako....
At ako’y tumuloy, ng ako’y pumanhik,
Mata’y napapikit sa aking namasdan,
May isang kabaong,na dito'y nasilip
Lumakas ang kaba,yaring aking dibdib
Di ko akalain,ni hindi inisip
Ang mahal ko pala'y,bangkay nang malamig
O aba ng palad,na aking nadatnan
Ay aking asawa,na wala ng buhay
Apat na kandila ang na-nga-babantay,
Sa paligid-ligid ng irog kong bangkay,
Mukha’y nakangiti at ng aking hagkan,
Para pang sinabing, “Irog ko, paalam!!!”
Basahin ninyong mabuti at ipamamalas sa inyo ng author
ang pagmamahal sa bayan... How about.... Sa pagmamahal sa bayan ng Paete!
Salamat ang parating ko kay Mr. Anie Cruz for the new version
"Ang Pagbabalik" |
|
Back to top |
|
 |
|
|
You cannot post new topics in this forum You cannot reply to topics in this forum You cannot edit your posts in this forum You cannot delete your posts in this forum You cannot vote in polls in this forum
|
Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group
|