PAETE.ORG FORUMS
Paetenians Home on the Net

HOME | ABOUT PAETE | USAP PAETE MUNISIPYO  | MEMBERS ONLY  | PICTORIAL PAETE | SINING PAETE  | LINKS  |

FORUM GUIDELINES
please read before posting

USAP PAETE Forum Index USAP PAETE
Discussion Forums for the people of Paete, Laguna, Philippines
 
 FAQFAQ   SearchSearch    UsergroupsUsergroups   RegisterRegister 
 ProfileProfile   Log in to check your private messagesLog in to check your private messages   Log inLog in 

Mahal Na Araw

 
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio)
View previous topic :: View next topic  
Author Message
SCNavarro



Joined: 08 Dec 2010
Posts: 39
Location: Barrie, ON, Canada

PostPosted: Tue Mar 09, 2021 11:02 am    Post subject: Mahal Na Araw Reply with quote

"Mahal Na ARAW" Poems and Songs.
While we are all still trying to stay healthy and safe from the pandemic, spend a few minutes
reciting or singing these poem/song adaptations to pass the time. (SCNavarro)

"The Old Rugged Cross" https://www.youtube.com/watch?v=-JS9P8d2iOc
Original songwriters: P. Mccann, G. Bennard; singer: Alan Jackson

"Ang Lumang Krus"
V1
Sa malayong burol, may isang lumang krus
May bakas na doon naghirap
Si Hesus, namatay dahil sa sala ko
At upang maligtas ang mundo

V2
Ang krus aking mamahalin
Hanggang ako ay mamatay
Itong krus aking yayakapin
Hanggang kunin Mo ang aking buhay

V3
Dito sa lumang krus ay magiging tapat
Papasanin kahit mabigat
Hanggang sa ako ay tawagi't isama
Sa Iyong tahanang kay saya

V4 Repeat V2 (kung aawitin)


"LEAD ME TO THE CROSS"
https://www.youtube.com/watch?v=vdq9Q8wJdjc
Original Songwriter: Brooke Ligertwood; Singer: Francesca Battistelli

"Patungo Sa Krus" (Halaw sa "Lead Me To The Cross"
V1
Hesus, ako'y lumalapit
Patungo sa Kalbario
Dito nabuhos ang 'Yong dugo
Ikaw ang mahalaga, wala ng iba pa

V2
Ituro mo ang landas patungo sa krus
Ako'y nakaluhod, patawarin Mo
Ako'y malaya at kasama Mo
Doon, patungo sa krus

V3
Nagumon man ako sa tukso
Ika'y nagkatawang tao
Upang ako ay tubusin Mo
Ikaw ang mahalaga, wala ng iba pa

V4
Ituro Mo'ng krus at pag-ibig sa'yo
Ako'y nakaluhod, patawarin Mo
Ako'y malaya at kasama Mo
Doon, patungo sa krus

V5
Patungo sa Iyo
Ituro Mo'ng landas patungo sa 'Yo

V6
Ituro mo ang landas patungo sa krus
Ako'y nakaluhod, patawarin Mo
Ako'y malaya at kasama Mo
Doon sa krus, doon patungo sa krus

V7
Ako'y nakaluhod, patawarin Mo
Ako'y malaya at kasama Mo
Doon, patungo sa krus


"At the Cross"
https://www.youtube.com/watch?v=Zev5tHjCB_s Singer: Chris Tomlin
Original songwriters: Chris Tomlin, Ed Cash, Matt Redman, Jonas Myrin, Matt Armstrong
"DOON SA KRUS"
V1
Ang awa ng Dios, walang wakas
Ang grasya ng Dios ay lubhang lubos
Ang pag-ibig Niya'y taos
Parang bahang
Dumarating

V2
At doon sa krus
Buhay ko'y isinuko
Ako'y nakayuko
Sa'yo Dios ko
Pag-ibig mo't dugo
Nag-alis ng sala ko
Utang sa Iyo
Buong buhay ko,...Hesus

V3
Bahid ng kasalana'y, nilinis
Puso ko ay tahimik, pinatawad
Ang pag-ibig, natagpuan
Parang bahang
Dumarating

V4 Repeat V2 kung aawitin

V5
Nakita ko ang pag-asa
Sa pinagpalang lupa
Nakayuko
Sa 'yo Dios ko
Nag anyaya Ka
Upang iligtas (ako)
Nakayuko
Sa Iyo

V6 Repeat V2
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail
SCNavarro



Joined: 08 Dec 2010
Posts: 39
Location: Barrie, ON, Canada

PostPosted: Sun Mar 28, 2021 11:32 am    Post subject: Reply with quote

Palm Sunday: Tula at Awit
https://www.youtube.com/watch?v=h3a8fTTrAdE
"ALL GLORY, LAUD AND HONOR "

"LUWALHATI SA IYO"

V1
Lualhati sa Iyo
Hari't Poon namin
Awit ng mga bata
Walang humpay mandin.

V2
Hari Ka ng Isr'el
Sa angkan ni David,
Nagturo sa amin
Ng daan matuwid

Ulitin V1 kung aawitin

V3
Ang Iyong mga anghel
Sa 'Yo'y nagpupugay
Kaming Iyong nilalang
Awit, sabay-sabay.

Ulitin V1 Kung kakantahin.

V4
Ang mga Hudyo
Sumunod kay Kristo
Dasal at awit nila
Ay handog sa Iyo

Ulitin V1 kung kakantahin

V5
Dahil sa 'Yong paghihirap
Naligtas na kami
Wala Ka ngang katulad
Panginoon Ka't Hari.

Ulitinv V1 Kung kakantahin.

V6
Sana'y Iyong tanggapin
Ang aming dalangin
Hatid Mo'y kabutihan
O Hari Ka namin.

Ulitin V1 Kung kakantahin
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail
SCNavarro



Joined: 08 Dec 2010
Posts: 39
Location: Barrie, ON, Canada

PostPosted: Thu Apr 01, 2021 8:52 am    Post subject: Reply with quote

GOOD FRIDAY:
https://www.youtube.com/watch?v=j_jAbHkGJRE "Jesus Paid it All" Kristian Stanfill

"Si Hesus Ang Nagbayad"

V1
Ang sabi Mo, Hesus
"Wala akong lakas
Magbantay at magdasal
Landas Ako't lunas "

V2 Buhay ang bayad Mo
Utang ko sa 'Yo
Nilinis Mo'ng aking dibdib
Dahil nagkabahid

V3
D'yos ko, nakita ko
Kapangyarihan Mo
Mapapalambot Mo
Kahit pusong bato

Ulitin V2 kung kakantahin

plus
Nilinis mo, ang sala ko
Sala ko

V4
Sa Kanyang luklukan
Ako'y isasama
Hesus, kaligtasan
Malilimot Ka ba?

Ulitin V2 kung kakantahin

V5 to V8 kung kakantahin

V5
Nilinis Mo'ng aking dibdib
Dahil nagkabahid
Dahil nagkabahid
Dahil nagkabahid

V6
Purihin Ka, nagbayad Ka
Upang ako ay matubos

Purihin Ka, hinango Mo
Ako sa 'Yong pagkabuhay

Purihin Ka, Ikaw namatay
Upang ako'y magkabuhay.

Purihin Ka, nagbayad Ka
Upang ako ay matubos

Purihin Ka, hinango Mo
Ako sa 'Yong pagkabuhay

Purihin Ka, namatay Ka
Upang ako'y magkabuhay.


V7
Hesus
Hesus
Walang iba
Ikaw lamang
D'yos anak
Nabuhay Ka
Hari Ka ng
Mga hari

V8
Purihin Ka, nagbayad Ka
Upang ako ay matubos

Purihin Ka, hinango Mo
Ako sa 'Yong pagkabuhay

Purihin Ka, Ika'y namatay
Upang ako'y magkabuhay.

Purihin Ka, nagbayad Ka
Upang ako ay matubos

Purihin Ka, hinango Mo
Ako sa 'Yong pagkabuhay

Purihin Ka, Ikaw namatay
Upang ako'y magkabuhay.

Hesus

Original songwriters: Elvina M. Hall / Geron Davis / John T. Grape / Norman J. Clayton / Mark Hayes.
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail
SCNavarro



Joined: 08 Dec 2010
Posts: 39
Location: Barrie, ON, Canada

PostPosted: Sat Apr 03, 2021 8:13 pm    Post subject: Reply with quote

EASTER SUNDAY:
"THE STRIFE IS O'ER"
https://www.youtube.com/watch?v=jGVazujx9Lc

"Ang Hirap Ay Tapos Na"

Alleluia! Alleluia! Alleluia!
Ang hirap Mo'y natapos na
Tagumpay ay nakamit na
Lahat tayo ay magsaya.
Alleluia!

Kamataya'y nalupig na
Si Kristo ay nag-hari na
Magdiwang tayo't kumanta
Alleluia!

Tatlong araw ay nadaan na
Si Kristo ay nabuhay na
Lualhati ang dulot Niya.
Alleluia!

Pinto ng impierno'y nasara
At ang langit nabuksan na
Awitin ang tagumpay Niya.
Alleluia!

Kay laki ng hirap Mo
sa Iyong pagsaklolo
Aming buhay utang sa 'Yo.
Alleluia!
Alleluia! Alleluia! Alleluia!

https://www.youtube.com/watch?v=xCQsK1t9EKY "RISEN"
"PAGKABUHAY"
Sabay ng pagdilim, namatay si Hesus
Sa hirap ng pagkapako sa krus
Ang katawan Niya sa hukay nahimlay
Mga kaibiga'y 'di maniwala
Sa pangatlong araw, langit nagliwanag
Nakita ni Maria si Kristo ay buhay

Refrain: Note: Sa tula isama ang nasa loob ng panaklong (parentheses)

(Na) Buhay,
Tayo'y malaya na
(Na) Buhay,
Tayo ay tinubos N'ya
Bawat puso 'y may lunas na
S'ya'y nagtagumpay
(Na)Buhay,
Tayo'y isasama N'ya

Kaya mula noon mundo'y nagbago na
Ang pagkabuhay dala'y pag-asa
Dahil sa pag-ibig sa taong maysala
Ang bawat kalul'wa'y malaya na
At pagbalik N'ya mabubuhay tayo
Upang makita at purihin si Kristo

Refrain - ulitin kong kakantahin

Siya ay nabuhay na
Nabuhay na

Refrain- ulitin kung aawitin
Back to top
View user's profile Send private message Send e-mail
Display posts from previous:   
Post new topic   Reply to topic   printer-friendly view    USAP PAETE Forum Index -> Tulaan (The Forum of Batang Patio) All times are GMT - 5 Hours
Page 1 of 1

 
Jump to:  
You can post new topics in this forum
You can reply to topics in this forum
You cannot edit your posts in this forum
You cannot delete your posts in this forum
You cannot vote in polls in this forum


Powered by phpBB © 2001, 2005 phpBB Group