Kaalinsabay ng
idaraos na Balik Paete 2004, at upang mabigyan
ng karapat-dapat na pamana sa ating mahal na bayan
ng Paete, ang buong samahan ng Paetenians International,
sa pamumuno ng Northeast Chapter, ay maglalathala
ng isang libro na tatawaging “Paete Memorabilia
– 2004.” Ito ay may humigit-kumulang
na 400 o 500 pahina (black and white), na may
makulay na pabalat likha ng ating tanyag na pintor
na si Manny Baldemor.
Ang aming pakay
ay upang likumin at ingatan sa papel ang alaala
at kasaysayan ng ating bayan, pamilya, mga kaibigan,
mga organisasyon, at ang maraming hiyas ng sining
at kultura. Naniniwala kami na ang librong ito
ay magiging makulay na pagunita ng nakaraan, isang
malaking larawan ng kasalukuyan, at magiging gabay
at tulay sa mga susunod sa atin sa darating na
panahon.
Ang
mga sulatin ay maghahayag ng: mga estorya at puno
ng pamilya, biyograpiya ng mga kilalang Paetenian,
larawan ng mga pamilya, mga sanaysay ng pagsubok
at paghihirap ng mga kababayan sa ibang bansa,
gayon rin ang mga kuwento at alamat ng bayan,
makulay na buhay ng ating mga pambayang bayani,
gobyerno, giograpiya, pangangalakal, relihiyon,
sining at kultura, at iba pang mga makahulugang
lugal sa Paete. Kasama rin dito ay ang kanya-kanyang
estorya at mga larawan ng mga barkadahan o iba’t-ibang
organisasyong sosyal, sibiko, pangpaaralan, relihiyon,
o palakasan.
Ang
dagdag na pabuya ay isang bahagi na tinatawag
na “Tanging sa Paete” na maglalaman
ng mga naiibang salitang Paete, mga pamagat, at
mga Tanong at Sagot tungkol sa Paete. Sa madali’t
sabi, ang librong ito ay maglalakip ng lahat halos
ng bagay tungkol sa Paete, mula pa sa pagtatatag
noong 1580 ni Reberendo Juan de Placencia.
Ang
“Paete Memorabilia – 2004” ay
magiging tunay na kaaya-ayang aklat na pang
habang-buhay. Kaya’t hinihikayat namin ang
inyong pamilya, mga kamag-anak at mga kaibigan
na sumali sa ating aklat ng Bayan.
Dahil
sa limitado ang mga pahina, ang tuntunin ay: “kung
sino ang nauna ay siyang makakasama.” Oras
na maabot na ang takdang bilang ng mga pahina,
uumpisahan na ang paglilimbag, at ang mga nahuli
ay hindi na puedeng sumama. Kaya’t huwag
kayong pahuhuli. Sa darating na panahon, kayo’y
magagalak dahil kayo ay nakasali.
Ipadala ninyo ang inyong mga
materyales at mga larawan at ang inyong bayad
bago mag- Septiembre 30, 2004.
Uumpisahan
naming tumanggap ng inyong pinirmahang kontrata
at dokumento sa buwan ng Nobiembre, 2003. Ang
aming takdang paglalabas ng libro ng Memorabilia
ay sa bandang Abril, 2005, upang makasali rin
ang mga litrato at mga balita tungkol sa Balik
Paete 2004.
Ang
tunay na makikinabang sa malilikom na pundo
(matapos bawasin ang mga gastos ng paglilimbag,
koreo, at iba pa), ay ang mga proyekto sa
Paete. Ang inyong pagsali ay nangangahulugan
rin na kayo ay kabakas sa pagbibigay ng
malaking tulong sa ating bayan. Ikukunsulta
namin sa mga kasaling Chapters kung aling
proyekto sa Paete ang karapat-dapat na magkamit
ng tulong. Ipaaalam namin sa inyong lahat
kung saang proyekto sa Paete mabibigay ang
ating maiilak.
Ang
“website” ng Paete Memorabilia
ay siyang magiging sentro ng mga inpormasyon
ng Paete Memorabilia. Makikita rin doon
ang mga kopya ng kontrata sa paglalathala,
mga regulasyon, at “survey”
at mga pangako sa pagrereserba, at iba’t-ibang
bagay tungkol sa Memorabilia.
Ang “Editorial Board”
ay naninindigan na gagawin ang makakaya
para sa ipagtatagumpay ng kaayaayang proyekto
ng Memorabilia. Kaya’t ang inyong
pagtulong at pagsuporta ay napakahalaga
para sa ipagtatagumpay nang ating publikasyon.
Kung
kayo ay may ibig pang itanong, huwag kayong
mag-atubiling sumulat sa “Editor-in-Chief”
o “Managing Editor.”Maaari rin
kayong mag-e-mail sa: p_memorab@yahoo.com
Sumasainyo,
Alfredo M. Cagayat
Editor-in-Chief
(718) 494-2188
e-mail: fredmc311@yahoo.com
In conjunction
with the Balik Paete 2004, and as a fitting legacy
to our beloved hometown of PAETE, LAGUNA, the
Paetenians International – Northeast USA,
with the support and participation from all Paetenians
Chapters, will publish a book entitled –
“PAETE MEMORABILIA – 2004.”
It will contain approximately 400-500 pages, printed
in black and white and bound with colorful hard
cover designed by our internationally known painter-artist,
Manny Baldemor. Our main objective in publishing
this book is to collect and preserve in paper
the memories and history of our town, its people
and its bountiful treasures of arts and culture.
The book is dedicated to our little but famous
town of PAETE which has survived the rigors of
time. We believe that this book will also serve
as a treasured recollection of the past, a grand
view of the present, and a link to our future
generations.
Articles
to be featured will include, among others, family
tree, history and photos, trials and tribulations
experienced by our kababayan in a foreign country;
also short biographies or anecdote of local heroes
and outstanding Paetenians. The book will also
feature the town’s history, government,
geography, industry, religion, and other points
of interests. It will also include the various
Paetenians chapters in Northern America &
Paete, social, civic, educational, religious and
sports groups. And as added bonus, we will have
a section called “Only in Paete” which
will contain unique Salitang Paete, and Mga Pamagat.
In short, this book will include almost anything
about our town since its founding in 1580 by Rev.
Juan de Placencia.
The“PAETE
MEMORABILIA –2004” will indeed be
a wonderful book of a lifetime. We therefore urge
you to have your family, relatives and friends
included in this very special book by completing
and signing the attached contract. Since we only
have a certain number of pages reserved for subscriptions,
it will be on a “First come, First served
“ basis. Once the quota is filled up, we
will start the layout and printing. Please don’t
be left out You’ll be glad that you joined
in. Kindly send your materials and payment not
later than September 30, 2004. We will begin accepting
materials by November, 2003. Our target book launching
date is around April of 2005 in order to include
all the pictures and write ups from the Balik
Paete 2004.
The ultimate beneficiaries
from the proceeds of this undertaking will be
the various projects of Paete. By participating
in this laudable project, you will be a partner
also in the donations to be made to our town projects.
We will inform you in due course on whatever projects
will be funded from the publication proceeds.
A website for the
Paete Memorabilia is being constructed to be the
information center of this project. It will contain
also the “Contract to Publish”, Pledges/
Survey, and the Editorial Board committed in making
this a worthwhile project , Should you want to
clarify anything, please get in touch with the
Editor-in-Chief or our Managing Editor whose names,
telephone numbers and e-mail addresses are listed
below.
Very truly yours,
Alfredo M. Cagayat
Editor-in-Chief
(718) 494-2188
e-mail: fredmc311@yahoo.com